Nov 23, 2008

KUNG MAY KASINTAHAN KA

Nag-iisip ako ng maisusulat ngayong araw ng linggo. Mag-isa pa lang ako dito sa opisina, ala-una ng hapon. Medyo pagod at excited dahil hopefully mamayang gabi ay may X-box na ulit ako!!! Pinadala ko na siya sa pagamutan agad-agad nang makakita ako ng mag-aayos sa kanyang karamdaman sa hindi mataas na halaga. Inutang ko pa sa katulong namin yung pambayad kasi atat na ako.

Habang nakaupo ako sa trono kaninang umaga at nag-iisip ng magandang maisusulat, naisip ko namang magsulat ng tungkol sa relasyon. Wala pa ako ngayon, dahil wala naman akong mahanap, hindi rin naman kasi ako naghahanap. Hindi naman ako natrauma sa mga huling nakasama ko, pero parang wala lang. Hindi siya masyadong malaking prayoridad para sa akin. Ewan ko ba, hindi yata ako tao.

Pero naisip ko, ano nga ba ang advantages kapag ikaw ay nasa isang relasyon? Siguro sa tinagal-tagal ko nang single (lampas isang taon na rin nang huli akong pumasok sa ganun), nakalimutan ko na kung gaano kasaya ang may kalabing-labing. So ngayon, eh iisa-isahin ko ang mga naidudulot ng pagkakaroon ng isang gelpren o boypren.

KILIG
Naisulat ko nang minsan na masarap ng may kilig sa buhay. Yung tipong gigising ka at makakabasa ng text message mula sa yong sinisinta na nagsasabing namiss ka nila. Yung may magtatanong ng 'kumain ka na ba?' o kaya'y kapag kayo'y lumalabas eh may kahawak kang kamay. Masarap lumabas at makipagdate. Yung hindi kayo nauubusan nang pinag-uusapan, tapos magugulat ka na lang madaling-araw na pala. Yung may inspirasyon kang gumising sa umaga o kaya'y matulog kasi alam mong hanggang sa panaginip ay dadalawin ka ng iyong sinisinta. Masarap yung kahit bangag ka sa trabaho ay bigla kang mapapangiti kasi dumaan siya sa iyong isipan.

MAY KAKAMPI KA
Kung mahal ka ng taong pinili mo, alam mong may kakampi ka. Kapag may problema ka, may masasabihan ka, at alam mong dadamayan ka (unless of course mali ka talaga). Kapag may umaway sa'yo alam mong may magtatanggol sa inyo, kahit pa ikaw yung lalake. Yung tipong pati yung gf/bf mo eh nagagalit kapag pinagtitsismisan ka sa trabaho na kahit ikaw eh hindi naaapektuhan, pero sila hindi matatahimik hangga't di napagsasabihan yung umaaway sa'yo. Alam mo na nagkecare sila sa'yo.

TAMPUHAN
Hindi yung mismong tampuhan yung masarap sa isang relasyon. Yung pagkatapos nun. Yung magsosorry ka, tapos sasabihing 'I forgive you' tapos magkikiss or maghuhug kayong dalawa. Masaya yun, kahit minsan masakit sa bangs. Kasi nakikilala mo nang husto yung partner mo. Masarap maglambingan kapag tapos na ang awayan, kasi dun mo mararanasan na kapag may tampuhan kayo't di nag-uusap mas lalo mo namimiss yung gf/bf niyo. Minsan masakit, pero parte talaga yan ng isang relasyon at nakakatulong na magpatibay ng pagsasama ninyo.

KASAMA
Yun lang simpleng may kasama kang manuod ng sine o kaya'y kumain sa labas eh masaya na yun. May maaaya kang pumunta sa Enchanted Kingdom o kaya'y maglakad sa Baywalk. Kahit yung simpleng magkape sa Starbucks eh ayus na. Masarap makipagdate, lalo na kung gusto mo yung kasama mo. Kagaya ng sabi ko kanina, yung tipong sa sobrang enjoy niyong magkausap eh di mo napansin na mahabang oras na ang lumipas. Mahirap enjoyin panoorin ang isang pelikula kung pagkatapos nun wala kang mapagkukuwentuhan ng napanuod mo.

Oo, alam ko sasabihin niyo na mahahanap mo rin yung iba dyan sa mga kaibigan niyo. Totoo yan. Pero merong feeling na kakaiba ang maibibigay ng kasintahan na hindi mo makukuha kung simpleng kaibigan lang ang kasama mo. Hay.

Siguro malamig lang talaga ang panahon kaya ilang araw na akong nagkakaganito. Nagpapakakeso.

13 comments:

  1. nakalimutan mong isama

    may mauutangan paminsan minsan lalo na sa kababaihan...
    may manlilibre ng walang pakundangan...

    para nman sa kalalakihan,
    lols.. may mahihipuan ka ng libreng libre... may mahahalikan lols

    joke lang

    ReplyDelete
  2. next october, masasabi ko na rin ang mga bagay na yan. Hehehe.

    ReplyDelete
  3. natawa ako doon sa libre part.

    pero alam mo minsan., being single is the best. kasi dito mo makikilala ang sarili mo.. at kung may mga dapat i change sa sarili.. mas madaling gawin kung single ka pa..

    para kapag ready ka na makipag relasyon.. ur at ur best na :D

    ReplyDelete
  4. naalala ko po un comment mo skin na msarap maging single..haha..

    madmi dn kasng dsadvantage ang pagiging single..lalo na un wla kang mahatak manuod ng movi na tipon ikaw ln ang may gstong panuorin..ehhe:D

    ReplyDelete
  5. kosa: di ko nga nilagay yun... baka kasi sabihin ng mga tao ang manyak manyak ko... hehehe

    mugen: meron talagang timeline para magkaroon ng kasintahan ulit ha...

    krisha: i agree... masarap maging single!!! its da best!!!

    faerietel: kesa naman kung may syota ka, kelangan mong sumama manood ng mga cheesy na tagalog films... nginig... hahaha

    ReplyDelete
  6. Waaahhh! Love post na naman! Kung kelan naman magpa-Pasko saka mo naiisipang mag-post ng ganito. *LOLz*

    ReplyDelete
  7. Gas Dude: Ewan ko ba... yaan mo sa susunod tungkol sa gasolina naman. Para maiba...

    ReplyDelete
  8. ako, 4 years ng single - by choice. natawa naman ako sa sinabi mong hindi ka tao dahil hindi ka naghahanap ng relasyon. eh ano pa ko? mutant? sos!

    sabi nila kahit di mo daw hanapin dadating. kahit di ka mag-intay, bigla na lang siyang andyan. hmmm... yung sakin siguro, dumating tapos pinagtabuyan ko. hehe! so mean!

    ReplyDelete
  9. eto na naman po tayo sa kiligan galore.lols!

    ibahin ko na lang title para sa akin "KUNG MAY KALANDIAN KA" hahaha!

    Yung tipong gigising ka at makakabasa ng text message mula sa yong sinisinta na nagsasabing namiss ka nila.--> GUILTY

    Yung may magtatanong ng 'kumain ka na ba?' --> GUILTY

    Yung may inspirasyon kang gumising sa umaga o kaya'y matulog kasi alam mong hanggang sa panaginip ay dadalawin ka ng iyong sinisinta. Masarap yung kahit bangag ka sa trabaho ay bigla kang mapapangiti kasi dumaan siya sa iyong isipan. --> GUILTY


    naman! saka yung lambingan after ng tampuhan.kalalaki mong tao,napaka keso mo,haha!

    kaya nga ba peyborit ko ang blog na to eh,haha!

    ReplyDelete
  10. hahaha gillyweed wak ka na magwori, kasi nga diba better keso than emo. hehe

    :D

    ReplyDelete
  11. yeah graveh kakamiss nga yan... pinaka-masarap na part eh 'ung kiligz moment... na totoo 'un ngingiti kah out of nowhere... basta kahit awayin kah nang iba eh masaya ka pa ren... sinisigawan ka nah eh nakangiti ka pa ren... na minsan makakatulugan na lang 'ung fone sa tenga... kc bye na ngah tapos aabutin pa nang oras bago magbabaan nang fone... tsk... hanggang makatulog... yeah masarap na feeling nga 'un... para kang nasa alapaap... yeah kahit simpleng tanong lang nah kumain ka nah? hayz..hehe... nd may luvz kah nah tapos may alarm clock ka pah... sa mornin' eh sya pa ang taong manggigising sau... eniweiz nagkokoment lang...hehe... na-miss koh tumambay d2 sa page moh ahh... parang mejo matagal ren akong nde nakapag-koment ditoh... eniweiz.. darating den yang sau... nde nga hinahanap yan sabi nilah... kusang dumadating... d' least time u expect it... and darating in His perfect timing... sige hanggang sa muli... GODBLESS! -di

    p.s. nd hmmnnzz....sosi kah ah...de-katulong...naks... =)

    ReplyDelete
  12. In my part : May magpapareimburse ng gamot ko sa buong period ng gamutan ko! hehe

    Seriously, yung companionship ang the best. Aminin na best thing to bring to a favorite vacation place is your boyfriend!

    ReplyDelete
  13. wow! medto releted dito topic co ah. .

    masarap talaga pag may jowa. . iba ung saya at nakakablooming pa. . kaya siguro haggard ngayon. . haha. .


    lalo na ngayon malapit na pasko. . nakainis. . wala man lang bibisita sayo para lang sabihin meri xmas labyu. . huhu

    ReplyDelete