Nov 25, 2008

NO MORE CHEESE!!!

At dahil magpapasko na at bagong sweldo ako... Ipopost ko ang mga bibilhin ko mamaya pagkatapos ng trabaho.

Kung nagtataka kayo, bakit ngayon lang ako sumuweldo, ito ay dahil sa kumpanyang pinagpepetiksan ko eh isang beses lang sa isang buwan kung kami ay pasahurin. Siyempre, buong isang buwan ang nakukuha namin. At dahil katapusan na ng taon, eh ang sahod namin ngayon eh may karagdagang something (wala bangag talaga ako, sorry).

Ang pinakahihintay ng karamihan ng nagtatrabaho sa call center bago sila lumayas sa kumpanya... ang 13th month pay!!!

Opo mga kaibigan, mayaman ako ngayon hanggang sa linggo kung kelan mauubos na lahat ng pera ko.

Alam ko na ang mga bibilhin ko, salamat at mas malaki sa inaasahan ko ang nakuha ko. Bagong sapatos, bala ng xbox at isa pang controller para naman kapag may bisita ako, hindi sila naglalaway sa tabi ko habang nanunuod ng mga linalaro ko. Yun nga lang, bibihira lang na may bumibisita sa bahay para maglaro. Tipong twice a year lang (pag birthday ko at pasko).

At dahil No More Cheese ang titulo ng artikulong ito, ikukuwento ko lang kung bakit nitong mga nakaraang mga araw eh medyo dinadapuan ako ng love bug. Ganito kasi yun, tuwing pumapasok ako sa trabaho, eh napapaligiran ako ng mga magkasintahan sa bus. Hindi yung pasweet na mga magdyowa kundi yung mga sobrang PDA na tipong minamanyak ang isa't-isa sa likod ng bus at sa harap ng mga nakakakita. Oo, nainggit ako... bwahahahaha. Sorry naman, tao lang.

Pero dahil nagkaroon na ulit ako ng bagong pinagkakaabalahan, nabaling na ang ADHD kong utak sa ibang bagay. Ngayon, hinahayaan ko ang migraine na dulot ng puyat at walang humpay na paglalaro ng xbox ang bumuo sa araw ko. Sa opisina, ito lang ang naiisip ko. Sa bus pauwi, ang kamay ko eh nakaporma na parang may hawak ako na controller, minsan may matching action pa na parang pumipindot pindot ako ng mga triggers at buttons. Adik na talaga ako. Ano ba gamot dito?

Pasensya na kung walang konek konek ang mga pinagsususulat ko ngayong araw. Masaya lang ako at may pera na ulit ako matapos ang ilang linggo. Mababayaran ko na rin ang katulong namin sa wakas!!! Hindi pa rin kasi ako sanay na buwanan ang sahod. Siguro sa susunod na taon ay ayos na ako. Baka may naipon nako by then... Yun ang pangako ko sa sarili ko para sa taong 2009. Kada sweldo may itatabi ako para ipunin. Hindi na ako bumabata, at kelangan ko nang may maipon.

Yaan niyo, sa susunod, mag-iisip na ako.

17 comments:

  1. haha. . psp gamot jan. . un lang alam co. . lol

    manlibre ka naman! sweldo pala eh. .

    ReplyDelete
  2. wala pako pambili nun... tsaka tama na muna yung xbox... luho na yung psp eh... madami nanaman akong pampalipas oras.

    ReplyDelete
  3. sos! buti pa kayo diyan may 13th month pay... paburger ka naman!

    ReplyDelete
  4. oo nga pa-cheese burger ka naman hehehe..

    nakakatuwa naman kasi ramdam na ramdam namin na masaya ka ngayon.

    gumastos ng wisely at huwag gumaya sa akin hehehe

    ReplyDelete
  5. goddess: tingnan natin.. pag may natira... hehehe

    dabo: di naman masyado... konti lang.

    ReplyDelete
  6. ang masasabi ko ay isa kang ADIK!!!

    naalala ko nung bago pa yung PSP namin inuumaga ako sa kakapindot, sumobra na nga ang exercise ng mga daliri ko eh..

    wala ngang connect mga pinagsasasabi mo pero natawa ko..ito nnga ebidensya oh - wahahahahaha!!!

    yan ata talaga ang side effects ng may pera, nawawala sa sarili. lolz
    piz!

    ReplyDelete
  7. hay buti k pa mayaman n..ako next week p antagal exited n q!!haha

    lam q gamot jan sa adiction m sa xbox, pigilan mo sarili mo, iwasan mo xa laruin 4 around 1 week... ganun ginawa q, naadik din kc aq dati sa online games.ung RF online e1 q lng kung familiar q, ngaun narehabilitate n q..hehe

    at tama k jan! as in korak n korak!magipon k na tularan mo aq!hehehe^_^

    just droppin' by...

    ReplyDelete
  8. bili ka na lang porn dvd. . pirated mas mura. . ayan hindi na diguro luho yan! haha

    ReplyDelete
  9. isang beses sa isang buwan?ayoko yata nun. sa wakas nabuksan ko rin ang site mo!

    ReplyDelete
  10. mabuti pa kayo, may 13th month pay. hahaha

    gawd, kainggit. hahaha

    ReplyDelete
  11. love is all around pala ang show sa bus kaya ka naging keso de bola. kainggit naman ng 13th month. alam mo bang di uso dito yan? sus walang extra extrang aasahan dito.

    pareho pala tayong pakiramdam eh walang konek konek ang wento. hehe

    hindi naman, may konek naman tong iyo. pakiramdam mo lang yon.

    ReplyDelete
  12. mukhang nakainom ka?
    ahehehe. sa alak mo ata ginastos ang sweldo! juk!
    hehehe,

    minsan nakakainggit at nakakamiss ung may kahug pag gising sa umaga. ung kasama mo sya lagi. ahehe

    teka, anung gift mo para sa akin sa pasko kuya gillboard? ahehe kuya agad dba? hehe

    ReplyDelete
  13. Shyet! Wala ka palang Sibaks! Sige, dito na lang... Hehehe. = D

    Pumapatol ka ba sa mga TAGS? Kasi ni-tag kita eh. 10 Things that Make You Smile daw. Sige na, patulan mo na. *LOLz*

    ReplyDelete
  14. Hindi pa pala ako nakaka-comment dito sa latest post mo. Pero nabasa ko na 'to kaninang umaga eh.

    Kaya pala wala kang C-BOX kasi ang meron ka eh X-BOX. Huwaw! = P

    ReplyDelete
  15. parang nung bago ang psp, nagkada-puyat puyat na for that!

    sa una lang yan.

    ang yaman mo! aabangan kita sa lobby! hahaha

    ReplyDelete
  16. ahahah! natatawa ako sa mga comment.

    natatawa din ako sa entry. totoo yung mga sabi nila, ako din sumaya sa entry na to kasi sobrang saya mo.

    parang feeling ko ako rin nagka-pera. ahahah.

    wag ka masyadong mag-xbox, mag-leave ka rin ng time para makapag-hanap ng girlash na makaka-PDA mo sa bus. :D happy hunting. eheheh!

    ReplyDelete
  17. naoverwhelm ako sa mga comments... di na ako makareply one by one... di na ako masyadong bangag ngayon.

    ubos na yung pera ko, naholdap ako ng nanay ko!!!

    ReplyDelete