Nov 20, 2008

END OF FRIENDSHIP

Repost and edited. Maikli lang itong post dati, pero dahil sinisipag ako magsulat ngayon, pinahaba ko ng konti.

History lang, isinulat ko ito may dalawang taon na rin ang nakakaraan. Ang dahilan, isa sa mga kaibigan ko eh inaaway ako. Well, not necessarily, pero yung tipong nalalamatan na yung pagsasamahan namin. Sinulat ko ito kasi bwisit na bwisit na ako dahil hindi niya ako pinapansin tapos nagrereklamo siya sakin sa iba kong mga kaibigan. Syempre, yung iba kong friends kampi sakin kasi alam nila walang direksyon yung pagkaasar niya sa akin.

Two years later, magkaibigan pa rin kami. Pero dahil hindi na kami nagkikita ng madalas, wala na yung closeness na katulad ng dati. Hanggang text text na lang o paminsan IM.

**********

Maraming dahilan upang ang matibay na pagsasamahan ay malalamatan at masisira. Marami na ring mga tao na nagdaan sa buhay ko at biglang nawala dahil sa iba-ibang dahilan. Minsan kasalanan ko, minsan sa ibang tao, at minsan din ay dahilan sa paglipas ng panahon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilan kung paano nasisira ang pagkakaibigan...

PRIDE
Ang pangunahing dahilan ng pagkasira ng mga pagkakaibigan. Ito ang pinaiiral kaya ang isang tao ay madalas nahihirapan magsabi ng 'I'm sorry' kahit na sila ang may kasalanan. Ganun nagsimula ang lamat ng pagkakaibigan namin ni Mikko dati (Kwentong Grade School). Ipinagmamalaki niya ang crush niya kay Claudine Barretto, ako naman matigas sa pagsasabing wala siyang pag-asang patulan non. Walang nagsosorry samin. Kaya pagtungtong ng high school, iba na ang barkada namin.

PANAHON
Pagkatapos ninyo magtapos sa pag-aaral, minsan ay hindi niyo na nababalitaan kung ano ang nangyari sa matalik ninyong kaibigan noong kolehiyo o high school. Marahil dahil malayo ang pinag-aaralan ninyo sa isa't-isa. UP Diliman siya, Olivarez College ka naman. Tapos sa pagiging sobrang busy ninyong dalawa, hindi na kayo nagkikita. Hanggang sa magpalit kayo ng cell number, tapos siyam na taon ang nakalipas, mababalitaan mo na lang na yung dating best friend mo eh nagladlad na.

PAGSISINUNGALING
Kung magsisinungaling na lang kayo sa kaibigan niyo, siguraduhin ninyong hindi kayo mahuhuli. Isang malaking no-no na ugali para sa akin ang sinungaling. Wala akong pakialam kung mahirap ka, mayaman, bakla, tomboy, matalino o bobo, basta mabait ang ugali mo okay lang. Kapag nahuli kitang nagsisinungaling, sigurado na akong mahirap kang pagkatiwalaan. At malamang, eh hindi na kita sasamahan. Kaya kung magsisinungaling ka, panindigan mo na.

BAGONG FRIENDS
Minsan may mga bago na kayong sasamahan, kaya ang kaibigan ninyo dati, medyo makakalimutan ninyo... hanggang sa mawala na yung dating matibay na samahan. Madalas na nangyayari ito sa mga nagtatrabaho sa call center. Sa akin mismo ay nangyari din ito. Sa dati kong trabaho tatlong taon akong nagsilbi sa kumpanyang pinasukan ko. At dahil hindi naman masyadong mayaman ito, maraming umaalis para maghanap ng ibang trabaho. Syempre, kapag may umaalis may dumarating. Minsan sa mga baguhan, may makikilala kang katulad mo ng ugali o interes, kaya nagiging close ka dito. Tapos yung kasama mo dati, wala na, naiwan sa isang tabi. Malungkot ano, lalo na't wala talagang dahilan upang matapos ang magandang samahan.

BABAE/LALAKE
Pag-ibig... sumisira din yan sa pagiging malapit ng dalawang magkaibigan. Lalo na kung love triangle ang pag-uusapan. Obvious na yun. Pero minsan, may mga taong handang ipagpalit ang lahat kahit kaibigan sa ngalang ng katangahan... este pag-ibig. Kunwari inlove na in love si lalake kay babae, pero di siya gusto ng mga kaibigan. So dahil libog na libog este patay na patay itong si guy, eh kakalimutan niya ang pinagsamahan nila ng barkada makasama lang si girl. Tapos pag binreak, ngangawa pabalik sa mga kaibigan para lang ipagpalit muli pag may nakitang bagong prospect. Hindi ako bitter!!!

PERA
Kaya ayaw kong magpautang o mangutang sa kaibigan, dahil ito ay isang matinding dahilan para bigyan ng lamat ang mabuting pagsasamahan. Mangungutang ng malaki, sabay magtatago. Pupuntahan mo sa bahay nila, pero lumayas daw kasama ng syota. Tatawagan ang cellphone, pero nagpalit ng numero. O kaya naman magsososyo sa negosyo, tapos malalaman mo na lang hindi pala kayo pantay ng nakukuha sa kinikita.

Ano man ang dahilan, masakit talaga ang mawalan ng kaibigan. Minsan ito ay pagsubok lang para talagang mapatunayan na matibay ang pagsasamahan. Pero kahit ano man ang pagsubok, kung ito ay iyong ipaglalaban, kahit ano pa yan hindi kayo mag-iiwanan.

15 comments:

  1. basahiin ko to mamaya... lols himaba nga...

    ReplyDelete
  2. napakagandang topic..

    hahaha.. uu tama ka pera yan ang mdalas sumisira sa frienship pero depende na din sa mga taong involved... kung di ka magbayad ng utang mo eh di makiusap ka nalang sana ng maganda... imposible nman na hindi ka pagbibigayn ni kaibigan na mayaman kung wala kang pambayad....

    lahat ng bagay nadadaan sa magandang usapan...lols sesx nga nadadala sa magandang usapan eh...

    bwahahahaa, taena... ang haba ng epal ko... o sige na nga.. wala kang kaibingan kung ganyan ka na namimili ng hindi sinungaling... lahat yata ng kilala ko nagsisinungaling... o may nagawa ng kasinungalingan...

    peace out... friendsssss....

    ReplyDelete
  3. agree agree!

    masakit yung sa pera. ambabaw! (sukatan talaga at makikita sino totoong kaibigan pag pera na ang usapan! kainis!)

    ReplyDelete
  4. wala ako ma-comment! i totally agree.

    ReplyDelete
  5. Heto ang aking mga paraan para maiwasan ang ganitong mga pagkasira:

    Pride: Kapag ang isang tao ay naging matalik mo nang kaibigan, ang pride ay dapat na hindi umiiral pa. Mabagal ako maging close sa tao. Mahilig ako dumistansya. Ganito man ang aking pananaw subalit kapag naging kaibigan mo na ako, wala sa aking bokabularyo ang pride.

    Panahon: Things change and we have to accept it. Ganon lang yun. May mga pagkakaibigan na tumatabang habang dumadaan ang panahon pero hindi ibig sabihin nun ay nakalimutan na lahat ang pinagsamahan ng magkaibigan.

    Pagsisinungaling: Basta ito'y isang white lie, walang problema sa akin. Hindi rin ako makaisip ng isang scenario na kailangan magsinungaling ng isang kaibigan ko sa akin.

    Bagong Friends: The more the merrier. Ang mahalaga ay maglaan ka ng panahon para sa mga luma mong kaibigan. I-prioritize ang dapat i-prioritize. :)

    Sobrang badtrip ako sa taong possessive.

    Babae/Lalaki: Ni minsan ay hindi ito naging issue sa pagitan ko at ng isang kaibigan. Bukod sa laging magkaiba ang taste namin, iba rin ang diskarte ko pagdating sa ganitong mga bagay. Nauuwi sa mutual support group pa ang aming samahan madalas.

    Pera: Hindi ako makikipagkaibigan sa isang taong utangero. Ako mismo ang didistansya.

    Ang kaibigan ay kusang dumarating at kusang nawawala. May mga kaibigan na palitaw ang eksena sa ating buhay. Para sa akin, hindi mahalaga na madalas magkita ang dalawang magkatropa. Ang lalim ng samahan ay hindi nakadepende sa dalas niyong mag-coffee o kaya naman ay maginuman kung saan. :)

    ReplyDelete
  6. ayus ang topic ah!
    sabi nga nila lahat naman ay pwede mong maging kaibigan. pero konti lng tlaga magiging kaclose mo at yung magiging pangmatagalan.

    gusto ko ung panahaon. kasi karaniwan ganun ang ending. pagkatpaos ng highschool, college, med at internship. kaunti lang tlaga ang maiiwan at masasabing nanjan tlaga.

    pinakaayoko naman rason e yung kumpetensya between friends. ang sagwa pakinggan para sa akin. hehe

    ingats palagi=]

    ReplyDelete
  7. dapat dinagdag u rin....kababawan.
    Kasi honestly maraming nasisirang pagkakaibigan dahil lang sa mababaw na dahilan.mga bagay na dapat dina pinagtatalunan pero umaabot pa sa korte. yung ganun. non-debatable na nga pinag-aawayan pa. marami akong kilalang ganyan.....

    ReplyDelete
  8. pero naniniwala pa din ako sa kasabihang, "friends will always be friends.. no matter wat." (--,)

    naki-usi lang. ;)

    ReplyDelete
  9. Nakarelate ako dun sa na-inlab sa kaibigan. Hehe. Mahirap 'yun, lalo na kung ikaw lang 'yung na-inlab. Ansaket! Hehe. = P

    ReplyDelete
  10. natawa ako sa comment ni gasoline boy, este dude pala.. pamilyar kasi. wahaha!

    marami akong history sa mga kaibigan.. madalas kasi akong mang-iwan kasi nga NPA kmi o almost every year eh iba iba ang school ko, but I still manage to keep in touch with them kahit sa friendster lang.. malaman kong okay sila't masaya ayus na sakin..but I really do miss them.

    i lost other friends dahil nga may na-involve na ligawan which I don't want in a friendship. madamot ata ako.. ewan.

    ReplyDelete
  11. agree ako sa huling rason. i've gone through this myself. won't elaborate, though. nasasayangan pa rin kasi ako hanggang ngayon sa lalim ng friendship na nawala. kaibigan ko pa rin yung tao, but not as it was before. nakakawala rin ng tiwala kapag pera na ang pinagusapan.

    about lying? alam mo, kaya siguro konti lang yung talagang dikit sa akin dahil akala siguro nung iba nagsisinungaling ako tuwing sinasabi kong dyosa ako. totoo naman yun eh.

    ReplyDelete
  12. to Utakmunggo

    uhm, uhm matagal siguro ang process sa isip nila para paniwalaan ang mga sinasabi mo, haha.. o kaya in denial pa..lolz

    naniniwala akong dyosa ka, khit di pa kita nkita!

    ReplyDelete
  13. magaling! tama ka! ung best friend co nagkasira kame nung nawalan aco ng pera. . sya kasi pinagbintangan co. . pero alam co sya talaga. . hahaha. . pero best friend co sya. . bati na kame. . lol

    ReplyDelete
  14. alam mo parekoy.. it all boils down to one thing.. its about how transparent you are sa kaibigan mo. Kung anong pagkakaibigang meron kayo. ganun.

    normal lang naman na magkatampuhan slash away slash di pagkakaunawaan pero in the end may compromise na mangyayari. walang lamat na mabubuo kung pareho kayong magbibigay. di ba?

    wala namang totoong kaibigan na manglalamang...

    am i right or am i right? hehehehe

    ReplyDelete
  15. wow... well-said kah sa post na 'toh... halos nacover up moh ang mga truth about sa pagkakaibigan...and for sure sa mga sinabi moh eh mostly nakaka-relate and isa akoh don... kung iisipin moh nga we met so many friends along d' way... pero konti lang tlgah 'ung nagtatagal or 'ung panghabang-buhay... like they said true friends moh lang eh mabibilang lang sa daliri nang iyong mga kamay... i guess most of them are juz acquaintance... naalala koh lang when i was in kinder i had diz friend...sabi namen bestfriend forever... but then a year after they moved... nagkaroon nang konting contact elementary days... lumipas ang panahon at nagparamdan ulet nung HS akoh sabi nya saken sa sulat bestfriend forever pa ren daw... napaisip ako non... bestfriend? eh we don't talk na ngah eh... dmeng nagbago at nde nah kme updated sa isa't isa.... hayz! dmeng tumatakbo sa yutakz koh when i read ur post... pero i'm not gonna say everythin' na d2 sa koment box moh kc ang koment koh right now eh mahaba na as it is... but banggitin koh lang 'ung latest close friend koh here... nagkatampuhan kme... talagang tight kme nyan... 'un nga tampuhan na nag-last nang isang taon... na ngaun parang nde koh na sya kilala and nde koh na alam pano sya hihiritan... pag-asa koh na lang diz comin' christmas na magka-usap kme... i guess it was my fault cuz i said somethin' dat really hurt her feelings... nd yeah it was about some guy dat she liked... i was juz tellin' d' truth to her...and then dumating ang time nah she told me..."oh he got married nah...r u happy?"... graveh... 'la lang... why would i be happy? sinabi koh bang magpakasal 'ung guy... 'la lang... see naapektuhan akoh sa post moh... sana may chance pah mabalik ang pagkakaibigan namen... si God na bahala... sensya na sa essay koment... magaling kah magsulat nang post... ingatz... GODBLESS!
    -di

    ReplyDelete