Nov 5, 2008

ILAN PANG KWENTONG MAG-AARAL

Tutal wala naman ako talagang maisip maisulat. Naisip kong ipagpatuloy ang mga kwentong mag-aaral ko. Sa puntong ito, akin namang sasariwain ang mga kwentong pre-school na naranasan ko. Wala masyadong maraming kaganapan, pero kung ano lang maalala ko. Eto lang yung natatanging panahon na nagkaroon ako ng kaklaseng babae sa buong buhay ko.

PRE-SCHOOL
Dalawang taon lang ako nag pre-school. Kinder at Preparatory. Hindi ako nagnursery dahil 5 taong gulang na ako noong naisipan ng nanay ko na matuto akong magsulat at kung anu-ano pa. Ang basehan niya kase eh abot na ng kanang kamay ko ang kaliwang tenga ko habang nakapatong ito sa ulo ko (naiimagine ba ninyo?). In fairness naman sakin, marunong na ako magbasa noong panahon na iyon.

Naaalala ko noon, lahat ng moments sa klase ay kinakantahan namin. Uwian na. Assignment notebook. Long test. Short Quiz. Paikot-ikot. Kapag may mga ganong pangyayari, nag-aawitan kami ng mga kaklase ko. Di ko alam kung bakit, habang iniisip ko ito, naiirita ako. Paano kaya ang feeling ng mga guro ko noon?

May field trip kami noong panahon na iyon sa Manila Zoo. Pero di ako masyado excited, kasi noon halos linggo-linggo eh suki kami ng zoo na iyon. Ako pa nga ata ang nagtotour guide sa ilan kong kaklase sa mga dapat puntahan dun. Tapos, dahil may playground, ako ang perfect example ng dapat mantsang kayang linisin ng Tide. Puros kase kalawang ang slide nila (o putik ba yun).

May gelpren nako pagdating ng prep. Si Katrina. Di ko alam kung paano kami naging loveteam, kras ko ata siya, at ganun din yung pagtingin niya sakin... ata. Kasi alala ko, madalas din siya tumabi sa akin noon. Sa schoolbus, at sa klase.

Noong pre-school, uso ang birthday celebrations kapag may estudyanteng nagdiriwang ng kaarawan. At dahil kabirthday ko yung may-ari ng paaralan, ang birthday party ko ang pinakaengrande. Madaming food at daladalawa ang keyk. Sa iba kong kaklase, pag may birthday, tinapay at keso lang ang handa. Tapos yung sa amin, may spaghetti at pansit, pampahaba daw kasi ng buhay. At imbes na matabang na orange juice ang inihahain, coke at royal ang pinapainom sa amin.

Maliban kay Katrina at sa ilan kong mga naging kaklase noong elementary at high school, wala na akong ibang maalalang mga kaklase noong pre-school. At saka si Sunshine na first honor ng klase namin kase siya yung inaanak ng may-ari. Ang sabi ng nanay ko dapat ako daw ang first honor, kasi di hamak na mas matalino raw ako noon. Kebata-bata ko pa lang, napupulitika na. Hay. Nang malaman ko yun, may poot na namuo sa puso ko. Nakita ko siyang muli nang kami'y mag first year high school. Pamangkin kasi siya ng religion teacher namin. Lahat ng galit na inipon ko noon ay biglang nawala dahil nang makita ko siya ulit... ang GANDA na niya!!! May twang pa kasi kung magsalita. Lumaki siya sa Amerika.

Sa buong stay ko sa pre-school, isang beses ay nadetention ako. Nakalimutan ko na kung ano yung naging kasalanan ko, pero after ng klase namin, pinagstay ako ng principal namin. Muntik nakong makatakas, at nakasakay na sa schoolbus namin. Pero hinabol ako ng principal hanggang kanto, pinara niya yung sinasakyan ko at hinila ako palabas. Di ako tumigil kakaiyak noon, kasi hindi pako na dedetention buong buhay ko noong panahon na iyon. Nang malaman ko na naglalaro lang yung ibang nadedetention, kinabukasan nagvovolunteer nako magpaiwan.

Hanggang ngayon ay lito pa rin ako kung saan yung kanan ko at kaliwa. Pero nitong mga panahon na ito sobrang lala ang pagkabobo ko sa direksyon. Noong graduation namin, may steps ang pagmarch. Alala ko na pinagtatawanan ako ng mga tao dahil sa lahat ng nagmartsa, ako yung pinakakakaiba. Sa bawat isang hakbang ng mga kaklase ko, tatlo ang naihahakbang ko.

*****

Kung iisipin, medyo corny yung buhay ko noong pre-school. Pero kung matatandaan natin, mas inosente pa tayo noong mga panahon na ito. Pero, dahil may mga kapitbahay akong pasaway, nitong mga panahon na ito eh nakapanood na ako ng rated x na pelikula. Nakakita na rin ako ng mga litrato ng magsyota o mag-asawa na nagtatalik. Nagdedebate pa kami kung yung puting likido na nakikita namin eh dura o gatas. Hay innocence, I miss you!!!

13 comments:

  1. Tama ka, ganyan nga pag bdays nung pre-school. Dapat i-celebrate mo sa school, bigyan ng party hats ang mga classmates, at magpakain ng spaghetti. Tapos mgbblow na ng cake, at cympre ikikiss ka ng ka-loveteam mo? tama ba?

    ~~~ alam mo mabait ka naman.. ~~~

    Can you please help? P2.50/text lang naman.

    To vote pls type:
    MX VOTE ICON V HTMT and send to
    2800 - globe
    216 - smart
    2288 - sun

    thanks!

    ReplyDelete
  2. Chyng: sure no problem!!! madami din ako gifts noon.

    Ngayon wala na.

    ReplyDelete
  3. ang aga mo na-expose sa kamunduhan

    pasaway na neighbor

    ReplyDelete
  4. alex: pinabayaan ng magulang yung kapitbahay namin. hehehe

    ReplyDelete
  5. "At dahil kabirthday ko yung may-ari ng paaralan, ang birthday party ko ang pinakaengrande. Madaming food at daladalawa ang keyk. Sa iba kong kaklase, pag may birthday, tinapay at keso lang ang handa. "

    wahaha. tawang tawa ako dito. sosyal!

    ako kinder lang. hindi ako nagprep. boring.

    ReplyDelete
  6. akala ko ako lang magisa hindi alam ang left at right.hay, nurmal naman pala tayo

    ReplyDelete
  7. haha makulay ang prep ko saka kindergarten. Hehe. Kapag nakabalik ako sa campus namin, baka i-blog ko ito.

    ReplyDelete
  8. yoshke: boring ang prep? hmmm baka la ka puppy love nun... hehehe

    flor: hanggang ngayon, nag-iisip ako kung alin ang left at kung ano ang right.. lalo na pag tagalog.

    mugen: aabangan ko yan... hehehe

    ReplyDelete
  9. wer's my comment? ;/

    naka-moderate ba? hehe.. baka naunahan na naman ako ng imagination ko't na-convince ko na naman ang sarili kong nakapag-comment na ako dito iyon pala'y sablay again and again over and over...!!

    ReplyDelete
  10. munggo: okay lang yan... it happens to the best of us. hehehe

    ReplyDelete
  11. wala nga. sablay nga. tsk. ang tinanong ko lang naman dun sa nawawalang koment eh kung amoy sitaw ba yung puting likidong nabanggit mo... :D

    ReplyDelete
  12. munggo: di ko alam... di ko gawain ang umamoy ng litrato... hahahaha

    ReplyDelete
  13. Hahahaha. Enjoy. Naalala ko nung ganitong level din ako, lagi pa kong nangaaway ng classmates! haha

    ReplyDelete