Alam kong hindi ko masyadong nagustuhan ang apat na taong nilagi ko sa hayskul. Pero hindi naman lahat ng nangyari sakin doon eh panget. Mayroon din namang mga kaganapang nakakatuwa. At gaya ng sabi ko noon, maraming mga bagay na unang naranasan noong nag-aaral ako sa hayskul.
Di po ito post tungkol sa High School Musical 3. Di ko pa po yun napapanood.
FIRST YEAR
Maraming nawala sa mga kaklase ko noong grade school. Yung iba lumipat ng paaralan kasi mas matalino. Mas maraming nalipat ng section kasi bobo. Dahil karamihan ng mga kaibigan ko ay matalino, halos naubos lahat ng kabarkada ko. At dahil dyan, naghanap ako ng bagong mga barkada. Noong mga panahon na yun, may magnet ata ako sa mga emo. Andun si Roddel na walang alam kundi maglaro ng Diablo, si Alejandro na noong panahon eh hindi mahilig sa mga tao, si Oliver, na walang alam kundi magmura, at si Jevriel na di masyadong sikat sa eskwelahan dahil sa laki ng ulo niya. Sila ang araw-araw na kasabay kong mang-123 sa dyip pauwi. Si Mikko na best pren ko nung elementary, eh hanggang sa panahon na yun ay dinibdib ang di namin pagkakasundo kay Claudine Baretto kaya naghanap ng ibang mga kaibigan.
Dito rin lumala ang pagiging sipsip ko sa aming guro dahil alam kong wala akong pag-asang pumasa sa Grammar. Kaya tuwing hapon ay inaalagaan ko ang mga tinutyutoran niya. At dahil pinsan niya ang una kong kras na si Ms. Marianne, talagang nagsumikap ako. Ang nakakaasar, eh dahil nagsusumipag kaming magkakaibigan sa pagtuturo, umabuso ang biyatch, at kumuha pa ng tatlong aalagaan. 2 sa mga bata ay nakick out pagkatapos ng 2 taon.
Isa sa pinakamatangkad na kaklase ko eh si John Michael. Isa siya sa mga madalas kong katabi kapag library time namin. Kabarkada kasi siya ni Moses. By this time, Super Supreme Lord of the Underworld na siya, at napromote na ako bilang isang Hell's Gate Keeper. Si John Michael eh isang ghoul. 3rd level sa aming hierarchy. Tatlo na kami sa kulto ni Moses. At dahil ako lang ang hindi nag-aral ng taekwondo ng taon na yon, ako ang pinagpapractisan nila.
SECOND YEAR
Dito nagsimula ang pagiging anti-social ko. Nahawaan ng pagiging emo ng mga kasabayan kong umuwi araw-araw. Dito ako unang natutong humithit ng yosi. Pagkatapos kong gawin yun, isang linggo akong naging absent sa klase dahil di ko kinaya ang usok sa dibdib ko. Nilagnat ako at di nawalan ng ubo.
Nitong taon ko rin nakuha ang number nina Rica Peralejo at Jolina Magdangal. Yung kaklase kong si Ricardo ay 2 linggong di tinantanan ang Directory makuha lang ang numero ng mga artista ng Ang TV. Nakausap namin si Rica ng ilang minuto. Mabait naman siya, pero kung anu-anong excuse ang sinabi para lang maibaba ang telepono. 2 days after, pagdial ko ulit ng number nito... "The number you dial is not yet in service" na ang tumambad na message samin. Kaya pala hinanap ni Ricardo ang mga number ng mga artistang ito ay di dahil sa kras niya bagkus ay siya ang numero unong fan ng mga artista. Bakla pala ang puta.
Uso rin noong panahon na ito ang magrandom dial ng number para makipagphonepal sa mga sasagot ng phone. Di ka sikat sa klase kung wala kang nakilala sa telepono. Nakilala ko si Cherry Mae, pangalan pa lang pangkatulong na!!! Siya ang una kong phone pal. Ang sagwa!!!
Hilig din kaming pagtripan ng Speech Teacher namin, na madalas magpagawa ng skit. Kelangan yung istorya lagi may babae. At dahil all boys kami, tiba-tiba nanaman ang mga kaklase naming bading. Imaginin mo, ang ilan sa mga kaklase ko unang halik eh sa lalake, dahil sa pinokenang enang Speech Project na yan. Paano ba naman, mataas ang marka ng mga skit na nakakatawa o kaya'y nakakalibog!!! Dahil di naman ako kasikatan, laging role ng gwardya, boy, hardinero o estatwa ang nakukuha ko.
THIRD YEAR
Paborito naming guro si Dorothy (Odelia ang pangalan niya, pero dahil mahilig siya sa red shoes, tawag namin sa kanya ay Dorothy). Eto ang unang taon na nagkaroon kami ng maraming makukulay na guro. Sa Economics ay paboritong paglaruan ni Ms. Tabasuso este Tabuso ang tenga ko. Patatayuin niya ako sa gitna ng klase para lang pitik-pitikin yung malambot na part ng tenga ko. Nakakahiya yun ah. Kung di lang tumuturok ang suso niya sa likod ko, baka nasapak ko pa yun. Si binibining Cabrera naman ang Asian History teacher ko, pinare-write yung buong Asian History book namin para may magawa lang kami sa klase niya. Tapos kanya-kanyang diskarte kami sa typing class kung paano kami makakagawa ng 1000 pages of typewritten exercises na kailangan naming ibook bind. Ang ginagawa ko eh nagtatype ako ng 1 pahina, tapos ipapaxerox ko ng pipti copies, then buburahin ko yung black marks para di halatang xerox.
Bwusit na bwuset ako sa trigonometry. Nakapaligid sakin ang Top 6 sa klase, at ni isa sa kanila hindi nagpapakopya sakin kapag may quiz. Kaya lagi ko na lang kinikindatan si Mrs. Basilisa, buti na lang pasang-awa ako. Di nalipat ng section. PE teacher namin si Bulldog, asawa ni Speech Teacher namin, hindi siya manyak pero ubod naman siya sa bias. Pahihirapan ka kung di ka sumali sa COCC. Ilang beses akong tinamaan sa mukha ng arnis dahil sa kanya. Hayup!!!
Dito rin ako unang nagkaroon ng gelpren. Obviously, una ko muna siyang naging phone pal. Akalain mo yun?! Mas matanda si Love sa akin ng isang taon, at mas may experience kesa sakin. Dito na muna natin tapusin ang kwento namin. Hehehe
Magkasingtangkad na rin kami ni John Michael.
FOURTH YEAR
Dahil all boys school, at kadalasan papuntang engineering ang mga binabagsakan ng mga grumagraduate sa paaralan namin, sobrang daming Math subject nami noong taon na ito. Malapit nakong magpakamatay dahil sa frustration sa pag-aaral.
Sabayan mo pang magkaroon ng adviser ng reincarnation ni Gabriella Silang. Talagang walang araw na hindi kami ginigyera. Putak ng putak. Lagi namin sisimulan ang klase niya na umaawit ng "Halina Espiritu Santow..." ang subject namin sa kanya ay Filipino. Pero panalo ang mga linya nitong gurong ito... "Mr. Eustacio, anong klaseng ahas ka.... uod?!" Shyet! Lagi niya yan linya pag may dumarating na late. "Mr. Hernandez, anong klaseng ilaw ka, pundido?" Ikalawang taon namin kay Bb. Cabrera, at ngayon kelangan naming irewrite ang 300 pages na World History book. At syempre ikalawang taon din namin sa typing class. At dahil, mas sanay na daw kami, 2000 pages ang kelangan naming punuin. Doon nauubos ang baon ko, sa pagpapaxerox ng mga exercises namin.
At ito rin ang taon na tuwing Biyernes ay may CAT. Naranasan kong pagulungin sa lupa sa ilalim ng nakatirik na araw dahil tarantado yung mga officer namin sa CAT. Ang mga kaklase ko namang emo noong 1st year, eh karamihan popular na. Nagkaroon ng ugly duckling syndrome kasi. Naging swan matapos matuli. Mga barkada ko na nito eh yung ilang nerd sa klase, dahil wala akong choice kundi magpaturo sa Math.
Syempre may grad ball kami, at dahil hiwalay na kami ng ex ko, ang kadate ko eh ang pinsan ko. I'm such a loser. Pero in fairness sa pinsan ko, hottie siya. Si John Michael nitong taon na ito ang pinakamaliit na estudyante sa klase namin. Nagsimula siya hayskul na 5'0 at kami eh mas maliit, natapos kami na mga 5'4 - 5'10 habang siya ay 5'3.
Awa ng Diyos naman, lahat kami eh grumaduate. At itong taon na ito, eh mas marunong na ako mag-inggles. Naisama ako sa school paper, at yearbook. Sa yearbook na ito namin nailabas lahat ng galit namin kay Ginang Silang. Puros caricature niya at reenactment ng mga famous moments niya ang laman ng yearbook na yun. Walang kwenta ang yearbook naming iyon.
carrying a torch for miss marianne ka pa rin pala nung hayskul. ehehehe
ReplyDeletemay typing class rin kami dati pero di naman madugo na gaya ng sa inyo. nakakarindi lang yung cassette ni ms. mercado na "ey, ey, ey, ey... da kuweek brawn fox jampd owber da leyzee dog..."
in perness mabilis akong mag-type dahil kinarir ko ang pagmemorize ng keys ng typewriter. hehe
amp. alam mo sa blog ni coldman eh ayaw niya rin sa pangalang cherry o cheryl ba yun. haha ewan ko sa inyo.
munggo: in perness naman sa typing class, totoo yan, ito lang subject na nagagamit ko ng maayos ngayon. Mabilis din ako magtype. Hehehe
ReplyDeleteAliwww!! Nabigyan mo ako ng ideas kung paano ko isusulat yung mga high school memories ko.
ReplyDeletePara kong nabasa si Bob Ong. Lol.
hi!
ReplyDeleteadd kita sa blog roll ko.
pag di ka pumayag, magtatantrums ako!
yours truly,
tantrumera reyes
mugen: salamat...
ReplyDeletechyng: sure, walang problema, ayaw ko makakakita ng babaeng nagtatantrums. di yun maganda sa mental health..
ahahah! natatawa ako sa "anong klaseng ahas ka? uod?"
ReplyDeletehay. na-miss ko mag-basa dito ah. apir.
tisay: welcome back to blogging na ba?!
ReplyDeleteastig! naalala ko tuloy nung pers year ako ung nasa dulo lagi ng pila, pag dating ng 4th year 5-6 na studyante na lang nasa unahan na ko! hahaha
ReplyDeletemay tropa ko na CAT officer kaya laging pulled-put ako sa mga parusa. hahaha
uso ba rin sa skul nyo lokohan ng pangalan ng parents? ung panaglan ng nanay at tatay mo itatawag sayo. hahaha.
last, anung number ni insan mo? ahehhe
ced: ganun ata ang ibang tao, matangkad lang sa umpisa, tapos di na tumutubo... hahaha
ReplyDeletenice one
ReplyDeleteMr. Eustacio, anong klaseng ahas ka.... uod?!"
ahaha.i will follow this blog already.in the meantime, please read mine http://bestpinayblogever.blogspot.com/2008/10/hongkong-notes.html
flor: sure... no problem.. iadd pa kita sa blogroll ko.. hehe
ReplyDelete..heheh!! aus yun bro??
ReplyDelete..uhm, galing ah!!!
..nakakarelate ako ,,
..gudluck..
..theds