Mga Sumasampalataya

May 5, 2010

MAY AAMININ AKO

Mayroong mga bagay na sa una ay mahirap tanggapin. Na kung maaari ay itatanggi natin. Maaaring mapapansin ng iba, pero pag ito'y kanilang pinuna ay hindi natin kayang aminin. Siguro dahil hindi natin napapansin. Maaaring dahil hindi natin tanggap sa ating sarili na ganun nga tayo. O dahil hindi natin talaga alam hanggang sa isang araw ay magigising na lang tayo at matatauhan, oo nga ganun pala ako.

May aaminin ako sa inyo.

Ako po si Gillboard, isa po akong seloso.

Madali akong magselos. Sa syota. Sa mga kaibigan. Sa mga tao sa paligid ko. Selos pag may nakikiclose sa kanila na ibang tao. Kapag may nakikilalang bagong kaibigan. Kapag hindi na ako pinapansin dahil sa mga bagong tao sa buhay nila.

May mga pagkakataon na sa sobrang selos ko may mga nasasabi akong mga bagay na hindi na pwedeng bawiin. Halimbawa:

Isang beses, meron akong regular na kausap. Isang araw may nabanggit
siyang kaibigan na hindi ko kasundo, at naging sanhi ng hindi namin
pagkakaunawaan. Dahil sa pangyayaring yun, may isang buong araw na hindi kami nagkausap.

Ewan ko kung ano ang sumapi sa akin, at bigla ko siyang pinadalhan ng text
na nagsasabing itigil ang kung ano mang meron kami at sumama siya dun sa bago
niyang 'friend'.

Kinabukasan tumawag siya sakin. Tawa ng tawa. Ang drama ko daw. Kaya lang
daw siya hindi nakakasagot sa akin ay dahil wala na siyang load.

Ang masaklap dun, hindi ko siya syota o kahit ano. Kaibigan ko lang siya.

Ang tigas ng mukha ko. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Dahil ba solong anak ako? Kulang sa pansin? Namana ko ba ito? May topak ba ako? Dala ba ito ng ugali kong pagiging loyal sa mga kaibigan ko, na adik ako magreact pag napapansin kong di ito nasusuklian ng tama? Paranoid lang ba ako?

Para sa akin, hindi na mahalaga na malaman ang sagot, ang importante ay kailangan ko itong baguhin.

Wala naman talagang masama sa pagseselos. Sa totoo lang, tanda yan na talagang mahal mo yung tao (kaibigan man ito o karelasyon). Nagiging masama lang ito kapag nakakasakal ka na. Kapag nawawala ang common sense mo at nakakalimutan mo nang mag-isip. Kapag nakakasakit ka na.

37 comments:

rudeboy said...

Hehehehehehehe.

Eternal Wanderer... said...

isa kang gelli de belen hihihi

Jepoy said...

Alam mo sobrang nakaka relate ako dito sa post mo na 'to..dahil very reserved person din kasi ako, madalas gusto ko 'yung mga friends ko eh sa'kin lang sasama kung hindi mag tatampo ako ng bongga (madamot na kung madamot)kasi ganun naman ako, pag kailangan nila ako kahit hindi nila sabihin nandun ako para sa kanila. And I kinda make selos pag hindi ganun ang balik (Arte lang!)

Stone-Cold Angel said...

paminsan, nagiging seloso lang tayo pag wala na tayong makasama sa ating buhay. kapag nagiisa lang tayo, umaasa tayo na meron tayong karamay. pero naitanong na ba natin na ganun din ba tayo sa kanila? Maswerte tayo kun may mga kaibigan tayo tulad ni Jepoy.

Cool post! =)

Chyng said...

akalain mong seloso ang mga pinanganak ng feb? hhmmm

eMPi said...

hmmm... naka-relate ako... ganoon ako minsan... seloso sa mga kaibigan na may nakikilalang ibang kaibigan.

oist chyng! feb ako! hahaha!

Bullfrog said...

Mag-ingat ka nalang sa pagiging seloso mo, baka darating yung araw magsisisi ka sa pinagselosan mo. Mahirap na. Suntukin mo nalang yung unan mo! (Huwag yung pader, masakit yun).

Anonymous said...

date ganitong ganito ako napaka selosa ko kahit sa mga kaibigan ko pero nabago ko na yun or kung hinde man eh nabawasan na. hirap kase sumasama lang palage loob ko.. kaya goodluck kaya mo yan baguhin :D

Null said...

Dito sa malayo sa comfort zone, kahit marami ka pang kaibigan at the end of the day... Ikaw pa rin mag-isa ang magmumukmok sa kwarto... Lawakan mo ang pag-iisip mo, hindi sa lahat ng oras nanjan sila para sayo at wala ka karapatan na angkinin sila... Dahil may sarili silang oras at kasiyahan... Lahat ng sobra ay di maganda...

Unknown said...

napaka hirap mag selos or mag pakita ng selos kasi baka mainis yung tao syo kasi gumawa ka ng sarili mong multo. ayaw ko rin naman na mainis yung tao sa akin kasi wala naman ako pruweba sa mga selos ko.. may be he's or she's just sharing these thoughts syo ng walang malisya or anuman,

sometimes dumarating na rin sa point very limited na rin ang sinasabi at kinukwento ko kasi baka mag selos naman sya kung sakaling mag kwento ako outside "our circle" - pero sino ako para pangunahan ang iisipin nya, besides gusto ko lang nman ishare ang kwento ko para malaman nya ang mga nangygyari sa akin.

pero yun nga, since you're subjected to this kind of feeling mga selos and all at feeling mo eh insensitive ang kasama mo... ikaw ang gumagawa ng "example" kung pano maging sensitive at maingat sa kwento mo kasi baka mag selos sya. pero sino ako para pangunahan ang magiging feelings nya? at bakit ko ililimit ang sasabihin ko dahil lang sa iniisip kong baka sya magselos?

im paranoid and insecure.. ganon?

Photo Cache said...

aliw na aliw ako sa yong post. galing mong magtagalog.

tingnan nating kung seloso ka nga pag syota mo na.

ako hindi selosa, ewan ko ba kung bakit.

jayvie said...

hmmm..
possessive ka din siguro? lalo na sa gf..

gillboard said...

jayvie: nah... i respect people's freedom naman... I'm not possessive. oa na nga yung seloso... so dapat ibalance ko naman..

photo cache: marahil meron pa rin akong ilang insecurities... pero ayos naman. alam ko naman pagkukulang ko...

ollie: siguro naging maswerte lang ako dahil malawak ang pag-iisip ng mga kaibigan o naging karelasyon ko. pinipigil ko naman ang sarili ko as much as possible. minsan lang talaga tinotoyo ako.

gillboard said...

roanne: yup. kaya ko nga sinulat to para paalalahanan ang sarili ko na may mga bagay sakin na dapat kong baguhin.

buhayprinsesa: totoo. mahirap matulog na may bigat sa dibdib lalo na kung wala naman talagang basehan ang mga ito.

f. jordan: magandang strategy yan. or isigaw ko na lang frustration ko.

gillboard said...

marco paolo: apir tayong mga feb!!!

chyng: di naman siguro sa buwan ng kapanganakan yan. gaya ng sabi ko di na mahalaga kung bakit ako seloso... basta ang kelangan, magbago...

tatay angel: so malungkot lang ako or lonely, ganun ba yun? hmmm.. di naman siguro. wag naman sana...

gillboard said...

jepoy: yung sa mga kaibigan.. lately naiintindihan ko kung hindi nila kayang ibalik kung ano man binibigay ko... kasi mas mayaman ako sa kanila... JOKE!!! hahahaha

ternie: ganun ba yun? gellie de belen? hahahaha

rudeboy: :D

chingoy, the great chef wannabe said...

hahahah... seloso ka pala. may kilala din akong ganyan hahaha

EngrMoks said...

E DI PAWISIN PALA ILONG MO? SELOSO KA RIN PALA TOL..

The Gasoline Dude™ said...

OK lang naman makaramdam ng selos. It's how you act on it that matters.

Mugen said...

You will eventually get over it. Dati ganyan rin ako, possessive sa mga kaibigan. Ang ginawa ko, nagrely ako sa sarili ko more than friends.

Might be surrounded by lots, but still, I don't expect much anymore. Chill lang.

domjullian said...

deadly.

escape said...

hahaha... emo ba kung minsan? mabuti na rin at napansin mo na kailangan ng baguhin ang iab nandun pa rin.

gillboard said...

dong: di naman emo... tamang self rediscovery lang... hehehe

domjullian: deadly ba? di naman...

joms: the thing kasi is that i was used to rely on my own... loner ako before kaya siguro di pa ako masyado sanay to be a part of a group... but i'm learning.

gillboard said...

gas dude: yup. sabi ko nga.. pag nagseselos ka ibig sabihin mahal mo yung tao (syota or otherwise)

mokong: hahaha.. sabi nga nila ganun daw yun... pero di naman pawisin ilong ko... hehehe

chinggoy: pangkaraniwan lang naman pagiging seloso.. yung iba di lang inaamin... hehehe

casado said...

feb din ako... and yeah, seloso hehe :)

glentot said...

Pakiramdam ko dala yan ng pagiging solong anak. Nag-iisang anak rin ako at napakaseloso, at ang masakit pa, nag-eenjoy ako sa pagseselos.

pusangkalye said...

Gil, nasurprise ako at dinalaw mo uli ako sa aking blog....and humbled too. kung napansin mo siguro---I stopped visiting you long time ago.....at dahil di kita maalala o yung blog url mo. I always see you around, sa mga comments mo sa mga kapwa bloggers natin. but I didn't bother visiting you....that's because at a certain point naramdaman ko na parang di mo gusto yung mga posts ko or yung manner ng blogging ko.....so I stopped coz ayokong ipilit sarili ko. sorry for feeling that way...now, I was humbled with what you did. If I may say, it means a lot to me, coz believe it or not,isa ka sa mga bloggers who i grew up with...hirap i-explain.parang isa ka sa mga kalaro ko dati nung bata pako....tapos bigla kang nawala.tapos parang may void.yung ganung feeling. a basta. nice to see you again buddy....

Yj said...

well at least alam mo kung kelan nagiging masama ang pagseselos... that'sa good way to start dealing with it.... yaiy

Julianne said...

oo nga, cute pa ang konting selos pero pag sumobra, hindi na yun cute. :D

Rico De Buco said...

jelly fish ka pla bro .. hehehe sabagay di tlg maiiaalis yan.. sabi nila sign daw un ng insecurity..pero ano nman lahat naman ng tao insecure.

gudlak sa pagbabago..

pd po bng pa xchange links? aadd n din po kita salamat

mjomesa said...

too much of something is bad enough.

gillboard said...

mjomesa: spice girls nga ba yan? hehe

rico: sure.. sige iadd kita sa links ko.. hehehe

rej: welcome sa aking mumunting tahanan.. balik ka!!!

ENS said...

yap... hindi mo na kailangan pang malaman pa...
pero doon na ko sa matigas ang mukha mo...
joke!!!

hangga't sa hindi ka pa nananakal... ok ka pa...
otherwise... matakot ka na.. este mga tao sa paligid mo...

gillboard said...

yj: yup... bago ka magbago... iaccept mo muna yung ugaling dapat mong baguhin.

anton: kala ko galit ka sakin... kasi parang niremove mo ako sa lahat ng

glentot: hindi naman ako nageenjoy pag may selosan.. sakit sa ulo pag hindi nakakatulog..

soltero: mabuhay tayong mga pinanganak sa buwan ng mga puso!!! hehehe

gillboard said...

ens: ako naman... dun ako sa solong anak... hahaha... wala lang...

Random Student said...

te-arts hehe. eh ganyan ka talaga ano magagawa. pag may love life ka busy ka uli. di mo na iisipin yan.

Raft3r said...

seloso ka pala
hehe

turuan mo naman ako maging ganyan
para di na ako sinasabihang insensitive at indifferent
hehe