Kung napapansin ninyo... sa mga pinagsususulat ko sa buong pamamalagi ko dito sa blogosperyo eh medyo mahilig ako sa keso. Actually, hindi medyo... mahilig talaga ako sa keso.
Paano ba naman, masarap naman talaga ang keso diba. Nakakagaan ng loob. Nakakatuwa. Minsan pa nga, pagkatapos mong magkeso, nagiging masaya ka.
Ewan ko sa inyo, pero ako gusto ko ang keso. Minsan nga, pag nakikita ko ang ibang tao na may keso, naiinggit ako. Sinasabi ko, gusto ko rin ng keso.
Ayoko nang magpatumpik-tumpik pa sa post na ito. Alam ninyong lahat, sa simula pa lang na tungkol sa keso itong isusulat ko. Kaya eto ako, isusulat ang mga paborito kong keso.
MOZZARELLA
Mahilig ako sa pizza, at ito ang pinakagusto kong parte ng pizza. Masarap siya. Malagkit. At kapag niluto mo ng tama, matibay ang kapit. Hindi bibitaw hangga't hindi pinipilit. Madalas nga, yun ang iniiwan ko sa pizza ko, kasi ang sarap niyang nguyain. Yung tipong manghihinayang ka kapag naubos na ito. Maaaring pangkaraniwan na siya, pero para sakin hindi rin. Mahal kasi. So parang sayang kapag nawala na. Di ba?
PARMESAN
Paborito ko rin ito. Medyo maalat siya, pero pag hinahalo mo sa ibang putahe, lalong nagpapasarap sa lasa ng pagkain. Meron talagang mga ganun siguro, kapag mag-isa lang, hindi mo matitipuhan, pero pag hinalo na sa iba, dun mo makikita, o malalaman na masarap naman pala. May chemistry baga. Ang galing kasi, kahit pangkaraniwan lang, gaya ng kanin ay nagagawa niyang ito'y pasarapin.
BLUE CHEESE
Sa una medyo mag-aalangan ka. Mukhang napanis na keso. Mukhang may amag pa. Kung titikman mo, kailangang isara ang iyong mga mata, kasi nga medyo nakakatakot. Kahit pa sabihin ng iba na masarap siya, dahil sa hitsura mag-aalangan ka. Sa unang kagat, manginginig ka. Medyo may maasim. May iba sa panlasa. Pero habang ito'y iyong nginunguya, magugulat ka, ay masarap pala. Acquired taste ika nga. Unfair sa blue cheese minsan kasi nahuhusgahan dahil sa hitsura, pero pag natikman, sobrang sarap naman pala.
CHEESE SPREAD
Eto masarap piliin kasi alam mong gagawin niya ang lahat masarapan ka lang. Payag siyang ipalaman sa tinapay. Ihalo sa ulam. Pangsabaw sa kanin at kung anu-ano pa. Mamahalin mo siya kasi nga alam mo na laging andyan lang siya pag iyong kailangan. Dahil nakaproseso na, di ka matatakot na ito'y mapanis at ito'y amagin. Kaya lang kasi minsan pag palaman, maghahanap ka ng iba. Peanut butter. Strawberry jam. Nutella. Kaya minsan, si cheese spread iyong nakakalimutan. Pero pag nagsawa ka na sa iba, pag naalala mo siya makikita mo, yung bote may laman pa. Pag masyadong natagalan ka nga lang, baka pagbukas mo ito'y panis na.
CHEDDAR CHEESE
Ito yung mga pangkaraniwan. Masarap siya, kaya lang walang something na espesyal. Lagi mo siyang pipiliin kasi nga mura lang. Pero madali rin namang maubos. Madaling pagsawaan. Madaling palitan. Paminsan may dadaang quickmelt. Sa una matutuwa ka, kasi nga madaling matunaw, pero pag tinikman mo, yun din naman pala yung lasa. Magsasawa ka. Mabilis mo siyang uubusin, kasi alam mong madali siyang palitan. Minsan maghahanap ka ng ibang brand pero alam mo na ganun pa rin ang lasa at maghahanap ka ng iba.
Alam ko marami pang ibang klase ng keso. May mahal. May mura. May malaki. May maliit. May mabaho. May maraming mapaggagamitan. Kung ikaw ang tatanungin, anong keso ang paborito mo?
27 comments:
Ayoko ng blue cheese o bleu cheese - sobrang lakas ng tama sa amoy eh.
Mahilig din ako sa keso, kaso nga lang mas gusto ko yung mga malalambot na madaling ipalaman.
Pft. Hindi ito 'yung keso na ineexpect ko na ipopost mo. Hahaha.
Mahilig ako sa Edam Cheese AKA Queso de Bola. Buti na lang wala akong masyadong kaagaw sa Edam kapag Pasko kasi ako lang ang me gusto. LOL
Syempre sobrang favorite ko din ang Cheez Whiz with Pimiento. 'Yan lagi ang request ko kapag may pumupunta akong kaibigan dito sa Singapore. Sa Cheddar naman, Kraft Eden Cheese lang wala nang iba. Hehehe.
Tama si Gasoline Dude. akala ko ibang keso ang post mo dito.
Anyway, natikman ko na lahat yang mga yan except blue cheese. Paborito ko ang cheddar at cheese spread.
=)
i love cheese! apir tayo jan!
lol. ang keso naman ng post na to. :P
i prefer pecorino over parmigiano - but good luck maghanap ng pecorino dito sa pinas.
you ought to try smoked cheeses din. sawap!
blue cheese na lang ang hindi ko natitikman sa mga kesong nabanggit mo..
namimiss ko ang parmesan cheese kasi tuwing uuwi sina mama may dala silang isang bloke..LOL at saganang sagana na kami nun everytime magluluto sila ng pasta.
masarap sa mac and cheese yung quickmelt, ewan ko lang yung iba kasi yun pa lang nattry kong gamitin.hehe
hmmm, cheez wiz na plain ang gusto ko ayoko ng may pimiento.
at syempre kraft eden ang cheddar cheese na tinitira ko kahit walang tinapay...
mahilig akong mamapak ng cheddar cheese...
dati, gustong gusto kong pinagtritripan ang nanay ko kapag may ginagawa sya sa kusina at may mga ginayat na keso. Yung mga naprepare na nya ang tinitira ko, isinusubo ko lahat at saka ko sya ngingitian! hehehe!!
nice post!
btw, may kilala akong keso, mahilig sya sa sabaw! hehehe!
hoi keso! sabaw nga!!
sobrang cheesy!
magkakasundo tayo sa keso. peyborit ko rin sila lahat. lalo na ang mozzarella. pizza, pasta, at lahat ng puwedeng budburan ng keso ay paborito ko.
yun nga lang, medyo lactose intolerant ako kaya natatae pagkatapos kumain ng paborito kong keso.
talgang keso ang topic...ahahaha...bsta ang gusto ko si keso..ahahaha.joke lng
natawa ako sa post ni Kikilabotz, Manyak
Tungkol sa post mo.
Ayoko ng cheese na susuka ako sa cheese, sa spegeti hindi ko nilalagyan ng cheese. Sa burger pinapaalis ko. Ayoko ng pizza. Ayoko ng Sbarro kasi lasang cheese ang pagkain nila.
Ang tanging keso lang na na eenjoy ko ay yung ganitong keso.
"Namamasyal ng may kaholding hands tapos kikiss sa lips bago mag hiwalay pauwi ng bahay"
Bow!
@JEPOY : ang keso mo...hahaha
i used to live in a country where circumcision is not a part of the culture....
kaya naman reyna ako ng vending machine ng canned soda noon... kesa naman maging reyna ako ng KESO...
yuck hahahahahahaha
ur funny... kala ko kakesohan talagah... fan ako nung other keso... lolz... tc... Godbless!
haha... ahlab Jepoy komentz! yeah ganong keso dapat... lol... peace out!
peborit ko pa rin ang queso de bola! hayssst sarap ipalaman sa bread with sliced ham and onting mayo! :
may mahal kahit inuuod at may mga tulad mong keso dahil may bagong lablayp. yikeee
anu na namang kakesohan toh!?
cheesecake! haha!
dylan: usapang keso. ang paborito kong pinag-uusapan. hehehe
ferbert: yikee o yakee!! hahaha
soltero: nakalimutan ko ang keso de bola na isulat... kaso di naman kasi ako kumakain non.
dhianz: ayoko ng masyadong makeso.. kahit gaano kasarap yun, minsan nakakaumay. hehehe
yj: ermmm.. di ko nagets... hehehe
heartless: honga.
jepoy: gusto ko rin yang gusto mo... pero saka na... mga 5 months from now.. hehehe
kikilabotz: pakilala mo naman ako kay keso... di pa siya napapadpad dito... hehehe
nobenta: kawawa ka naman... hehehe
indecent: kaw ba ay mahilig sa sabaw? hehehe
hartless: isa-isahin talaga lahat ng brand ng keso... hehehe
ternie: ihawin ko?
bulakbolero: di naman masyado... hehehe
chingoy: apir!!!
stone cold: masarap ang blue cheese. promise!!! lalo na yung galing New Zealand!! yum
gas dude: saka na yung makesong post.. pag nasa mood nako... kakagaling ko lang sa pagiging emo... normal na gillboard muna..
photo cache: di ko gustong palaman ang keso.. mas gusto ko siya papakin as is!!! hehehe
Di ko alam kung ninamanam ninyo talaga ang post na ito, o hindi niyo naintindihan ang sinulat ko...
pero salamat pa rin sa pagkumento!!!
nakakataba ang keso
tignan mo ko
hehe
Hahahaha
Post a Comment