I hate it pag sinesermonan ako niya na mag-ipon. Save for the future. Pag mag-aasawa nako. Pag wala na sila. At pag natapos na siya sa kanyang litanya, manghihingi na yan ng pera para baon niya sa bakasyon niya. Pambili ng hanger. Pampaayos ng gate. At kung ano-ano pa.
Kapag nagkukwentuhan kami niyan. Kahit anong usapan, isa lang ang patutunguhan. Ang pagkabwisit niya sa tatay ko dahil dati napupunta ang sweldo niya sa pagpapagawa ng bahay nila sa probinsya na hindi naman niya napakikinabangan ngayon, at hindi sa amin na pamilya niya. Kahit ang topic namin ay ang nangyari sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010.
Naaasar ako pag ninanais kong makipagbonding sa kanya (manunuod lang kami ng DVD), tas hindi niya kayang tapusin yung pelikula. 20 minutes into the film, maiistorbo na ang panunuod ko, dahil makakarinig nako ng malakas na hagong ng kanyang mga hilik.
Noong bata ako, sobrang laki ng tampo ko sa kanya kasi kahit may tatay akong OFW, eh hindi ako nagkakaroon ng mga laruan na gaya ng mga kapitbahay kong katulad ko.
Pero dahil sa kanya:
- Natuto akong maging pasensyoso.
- Natuto akong ang pagiging mabuting tao ay magbubunga ng maraming kaibigang magpapahalaga sa'yo.
- Natuto akong makinig.
- Natuto ako na kahit ano pa ang pagkukulang ng mahal mo, pag mahal mo siya, tatanggapin mo ang lahat lahat ng ito.
- Natuto akong makitungo sa mga tao, gaano man kalakas humilik ang mga ito.
- Natuto akong pahalagahan kung ano man ang meron ako.
- Natuto akong mag-ipon para makabili ng kung ano man ang nanaisin ko.
- At marami pang iba.
I love you mom!!!
Happy Mother's Day sa lahat ng inyong mga nanay. Pakihalikan sila para sa akin, dahil hindi ako makakakilala ng mga taong kagaya ninyo kung hindi dahil sa kanila.
26 comments:
awwwwww ang sweet naman! Happy momi's day to your mom too. Paki kiss narin si mudrax mo today...
happy mother's day to your mom.
Happy Mother's day to your mom!
happy nanay's day to your nanay. :)
happy mother's day to your mom!
marami tayong ayaw sa mga ermats natin pero sigurado akong mas marami ang gusto natin sa kanila.
happy mother's day sa mom mo!
happy mothers day to ur mom gillboard
ang kyut kyut naman pala ni nanay mo eh!
Happy Mother's Day sa kanya!!
Ingat
happy momma's day to ur mom!
'appy modah's dae to yer mum, gilboard.
sana balang araw mabati rin kita ng happy mom's day hehehe...
a happy mother's day to gillboard's mom! =)
happy mother's day to your mom! ;)
naks naman! happy moms' day to your mom.
tagal ko hindi nakadaan dito.
Happy mother's day sa nag-iisang ina ni Gilboard...
ganun naman talaga tayo, simula kasi bata tayo, andyan na sila, nakikita na nating ang mga pagmumukha nila, at ang boses nila
tipong ETO NA NAMAN
kumbaga sa food, KANIN, staple food..minsan, sarap staple-an ng bibig (etchos)
pero ganun talaga, dahil sa kalinga nila, nagi tayo kung sino tayo.
kaya lab na lab naman.
hmmmmmm, di pa ko nakakaupdate na naman
very touching...happy mother's day sa mommy mo!
Hangswit. Naguilty lang ako bigla ng konte na hindi kami nakapagbonding ng nanay ko dahil natulog lang ako maghapon.
happy mother's day to your mom! haha natawa naman ako sa hilik... =)
To everyone who greeted, thank you very much!!
kahit late na... Happy Mother's day!!!
=)
Belated merry mother's day to your mom. That's nice, you've learned a lot from her.
isa pa rin lang talaga ang ating ina...
hampey mother's day. hehehe
aaaaaw ang sweet naman ng huling line.
innate na yata talaga sa mga nanay ang maging bungangera hehe.
Elow po.. Thank you po sa greeting at sa pag visit sa blog ko.. pde po bang mkipag exchange link? http://buhaynigara.wordpress.com yan po link ko pki visit na lang, add ko na po yung sa inyo...thanks po ulit :)
mothers are the coolest!
momma's boy ata ako
hehe
Post a Comment