Mga Sumasampalataya

Apr 26, 2010

NASAAN ANG BLADE?

Dahil matagal-tagal na rin akong hindi nag-update sa inyo ng tungkol sa buhay ko. Naisip ko, siguro it's time for me to 'fess up.

***************
A few months ago, medyo masaya ako. Meron akong constant na kausap. Kakulitan. Kakwentuhan.

Hindi naging kami. Di naman kasi pwede. Bata pa siya. Ang laki kasi ng agwat ng edad namin. Hindi naman talaga issue sa amin yun, pero hindi pa panahon.

Pagdaan ng Bagong Taon bigla siyang nawala. Tumigil sa pagreply. Hindi na nakikipagchat. Wala. Pinutol lahat ng means of communication sakin.

Masakit. Hindi dahil nabasted nanaman ako. Sanay na ako dun. Ang masakit yung matapos ng ilang buwan, mapuputol lahat ng nakasanayan mo. Ang kausap bago matulog. Pag gising. Bago magtrabaho. Habang bumibiyahe pauwi. Yung nagkukwento ng mga sobrang corny na joke. Sa tanang buhay never ako nakapaglaro ng song connection sa phone. Sa kanya lang. Ika nga, special siya sa akin. Sobra. May punto pa nga na talagang pinaglaban ko kung anuman ang meron kami, para di mawala. Kulang na lang lumuhod ako sa gitna ng ulan habang sinisigaw ang pangalan niya.

Sometimes we can't help but let our hearts rule over our heads.

Noong panahon na yun sobrang depressed ako. Siguro kung may nakita akong blade, baka may peklat na ngayon ang braso ko. Sobrang nalugmok ako noon. Mababasa ninyo sa plurk at facebook ko. Yung ilan pa nga sa inyo, pinayuhan akong lumayo sa blade at lubid.

Pero tuloy pa rin ang ikot ng mundo. Nawala ang sakit. Nakalimot ako. Natanggap ko rin, na wala siyang naramdaman para sa akin. All we had was an illusion. Gaano man kahirap tanggapin.

Pero every once in awhile kinakamusta niya ako. Nakikibalita. Nagsosorry sa pag-iwan sakin sa ere. Naintindihan ko naman yun. Bata pa nga kasi siya. Hindi pa niya alam kung ano ang gusto niya.

Kagaya kanina, nakapag-usap kami ng masinsinan. And I think we're trying to repair whatever was broken because of what happened.

Sana maayos.

**********
So ayun. Kwento ko lang. Keeping you guys up to date sa aking love life. Na until now is non-existent nanaman.

Masaya naman ako, so wag kayo mag-alala. Di ko kelangan umiwas sa blade o baril o tali o kahit anong matalas na bagay.

It's just minsan malungkot isiping merong mga bagay na sana iba ang naging ending.

26 comments:

citybuoy said...

"Masaya naman ako, so wag kayo mag-alala. Di ko kelangan umiwas sa blade o baril o tali o kahit anong matalas na bagay. "

that's good. just to be safe, itago mo kithcen knives niyo haha

as for this exodus, all i can say is..

"so for those of you falling in love
keep it kind, keep it good, keep it right
throw yourself in the midst of danger
but keep one eye open at night"


hala quote ako ng quote. haha

Madz said...

"It's just minsan malungkot isiping merong mga bagay na sana iba ang naging ending."

so true.. :)) Pero ganyan talaga life. Move on lang ng move on :P

Mugen said...

Have you met with this person face to face? Kasi kung virtual lang ang connection niyo, that's something you have to think over.

Gaya mo ay sanay na ako sa iwanan. Madalas ako ang nag-iinvest tapos biglang mamawala. Ganun ang sistema until came a time na it doesn't matter anymore, come and go I don't care.

Someone else comes along.

The Gasoline Dude™ said...

Wahahaha! Teka parang nakaka-relate ako dito ah! LOL

Ang ginawa ko, when I noticed that we're starting to drift apart, dali-dali kong pinilit na i-detach ang sarili ko sa kanya. Utak muna ang ginamit, hindi puso. Madaling sabihin, pero sobrang hirap gawin.

Saka ayoko din kasi sa idea na naghahabol ako sa isang tao. Pride na din siguro, pero in a way effective kasi na-condition ko ang utak ko ng mas madali.

DRAKE said...

Bakit parang iisa kayo ng kapalaran ni Gasdude?Hindi kaya para kayo sa isa't isa!hahaha! Joke lang!

Okay lang yan, bawi na lang next time!

Ingat

caloy said...

wag na yan..wag ka na makipag-usap sa kanya, tama na. ako na lang ulit..hahahaha!

an_indecent_mind said...

"It's just minsan malungkot isiping merong mga bagay na sana iba ang naging ending."

tadhana lang ang magdedecide ng ending ng lovelife mo pre, wag masyadong paka-attach, kung masaya ride on lang.. pero wag maxadong magpakatanga. wag din magmadali, alam mo naman na 3:1 ang ratio ng babae at lalaki di ba? marami pa jan na naghihintay matikman ang iyong katawang lupa. enjoy!

ENS said...

ganun talaga ang buhay...
btw...
maghahanap na ako ng trabaho... soon...
baka sakaling makahanap na din ng rason para layuan ang blade...

teka... so anu lang yung blade? pang peklat lang??

The Gasoline Dude™ said...

Drake, gwapo kasi kami kaya ganun. Ewan ko lang ikaw... = P

domjullian said...

ummmmm

escape said...

Kagaya kanina, nakapag-usap kami ng masinsinan. And I think we're trying to repair whatever was broken because of what happened.>> the way you say it... tingin ko maayos talaga yan.

Kosa said...

Ang mga bagay na ukol sa isang bagay ay bubukol ng kiss sa tamang oras.
Effortless kumbaga!

Goodluck sa susunod na kabanata!!

Maldito said...

sobrang nakarelate ako.tangena mo.hu hu hu.
ha ha ha...tama ka....minsan nga sa buhay natin merong mga bagay na gusto natin iba ang ending, pero kagaya ng mga kwento sa libro, ganun na talaga ang ending pag naisulat na ng tinta.
sige lang bro, balang araw makakita din tayu ng taong makakapagpaligaya sa tin....literal o di literal.
ahahahaha

gillboard said...

maldito: nyetang tinta kasi yan... bat naimbento pa eh, no? di na lang pwede lapis lahat para pwede mabura at palitan... hehehe

kosa: syempre kasi ikaw may lovelife ka... hay.

dong: sana nga...in time... lahat naman... pero sana...

gillboard said...

dom: naspeechless ka nanaman... pagaling ka dom!!!

gas dude: ayun yon eh!!! tayong mga only child talaga... magkakasundo... hahaha

ens: good luck sa'yong job hunt!!!
yung blade.. wala lang.. pang-ahit.. hehehe

gillboard said...

indecent: matikman talaga ang aking katawang lupa... hahahaha

caloy: ermmm... sige.. pag-iisipan ko yan ng masinsinan... hahaha

drake: ganyan talaga pag pogi... ika nga ni alex!!! hahahaha

gillboard said...

galen: don't worry hindi naman virtual yung relationship... may personal touch naman yun..

heartlesschiq: yup move on lang ng move on... wala na naman kasing ibang pwedeng gawin...

nyl: ayos lang yan... kung mairerelate naman yung quote. salamat nyl!

jayvie said...

ay...may naka-date na rin akong bata at iniwan din ako sa ere. at nung ako naman ang bata pa, ako naman ang nang-iwan sa ere.. ganun yata talaga...

yaan mo, i'm sure makakahanap ka din ng katapat mo =)

Raft3r said...

madami pa dyan
nasta bedista matinik sa tsiks
hehe

glentot said...

hay.

Photo Cache said...

napadaan lang galing kay SCUD.

always nice to see the guy's point of view in things.

Yj said...

at least makakahinga na ng maluwang mga kutsilyo sa bahay niyo.... hahahahaha

if moving on is hard, try moving over, to someone else.... yaiy

gillboard said...

yj: yup move over to someone else... best medicine talaga yan... hahaha

photo cache: welcome sa blog ko... balik ka!!!

glentot: hay talaga...

gillboard said...

raft3r: ako lang yata yung bedistang di ganun... hahahaha

jayvie: karma ko siguro to... ganun din ata ako noon... hahaha

Random Student said...

makikigaya lang: ummmm. hay. hilig hilig kasi sa bata eh puro laro lang ang bata kaya nga bata uh-huh

The Scud said...

matatagpuan mo rin si love of your life. antay ka lang. :D