Mga Sumasampalataya

Dec 16, 2009

NGAYONG TAON...

Sinisipag akong magsulat sa blog kong ito nitong mga nakalipas na araw kaya medyo napapadalas ang update sa blog na ito. As if naman may pakialam kayo. Pero normally dapat nga ang pagsusulat ko dito eh once a week, pero yun nga, merong mga ideyang pumapasok sa utak ko ngayon kaya eto nanaman ako, kahit di niyo hinahanap, nagsusulat muli.

Ipapagpatuloy ko lang ang aking year-ender post. Marami akong natutunan ngayong taon. At iisa-isahin ko to dito:
  • Hindi dahil ang bisita ninyo eh mga foreigner o balikbayan eh ibig sabihin ay mabibiyayaan kayo ng grasya o pasalubong. Meron talagang mga tao na walang ipapasalubong sa'yo dahil nagtatrabaho ka na. Minsan sila pa mang-aarbor ng kung ano-ano sa'yo.
  • Hindi dahil mga bumbay ang artista at mukhang Bollywood ang kwento, eh ang pelikula ay panget na (after manuod ng Slumdog Millionaire).
  • Walang masamang magsulat ng mga kesong panulat. May mga mambabasa na gustong nakakabasa ng mga ganito. Minsan pa, mapapahulog mo sila sa mga ganito. Yiiii.
  • Ang pag-ibig di dapat minamadali dahil mapupunta lang ito sa wala. Panget pag huli mo nang marealize na hindi ka pa handa pumasok sa isang relasyon.
  • Kapag may katext ka nang dalawang taon at hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkikita, huwag ka nang umasa na may pag-asa pang maging kayo. Kung kayo talaga ang nararapat sa isa't-isa, nung umpisa pa lang magkakilala na kayo.
  • Pag ang ex mo biglang nagparamdam sa'yo out of the blue. Hindi yan umaasang babalik ang dating pagtitinginan ninyo. Malamang gusto niyang mangutang.
  • Mas matututo kang magtipid kapag wala kang pera.
  • Wala kang mapapala kung magpapakabitter ka kapag naghiwalay kayo ng sinisinta mo. Lalo ka lang matatalo kung hindi ka makakaget-over. Mahirap mang gawin pero the best way to deal with a break-up is to move on.
  • Nakakagaan sa loob kapag ang kaibigan mong matagal mo nang hindi nakakausap dahil sa isang di pagkakaunawaan ay nagbabalik. Mas tumatatag din ang samahan ninyong dalawa. Wag ka lang magkamaling ulitin yung dahilan ng di ninyo pagkakaunawaan.
  • Hindi ka dapat nalulungkot na tumatanda ka na. Dapat pa nga ikaw lalong maging masaya. Mas maraming perks at freedom na kadikit kapag ang iyong edad ay nadadagdagan. Mas marami mang responsibilidad na nakadikit, nasa iyong sariling pananaw din naman yan kung kakayanin mo o hindi.
  • At higit sa lahat, narealize ko na hindi ko na kailangan magbago para tanggapin ng iba, hindi ko kawalan kung hindi nila ako gusto. Basta nabubuhay akong walang tinatapakang ibang tao, at mabait akong tao. Yun ang mahalaga.

18 comments:

glentot said...

Buti ka pa andami natutunan ako parang wala.

ENS said...

bestfrnd ko nung highskul at clasmeyt ko nung college nagkatxt at naging sila ng 2 years ng hindi nagkikita dahil nasa barko bestfrnd ko ng umuwi naman siya nagkita lang sila ng ilang araw tapos hiwalay ulit dahil sa saudi na magtatrabaho clasmeyt ko...
ako hindi nalulungkot na tumatanda... natatakot... kunti lang...
teka... lahat ba to ngayon mo lang narealize????

wanderingcommuter said...

hahahha. natawa ako sa mga realizations mo at dahil jan...

CONGRATULATIONS!!!

Raft3r said...

panalo yun pinakahuli
hehe
tama ka dyan!

Anonymous said...

good at narealize mo yung huli

Unknown said...

that is the essence of being alive, learning the things that we used to be. and letting it as a great wall for us to lean on. Experience help us..

A-Z-3-L said...

"Mas matututo kang magtipid kapag wala kang pera." - ayan tama!

inaanyayahan kitang dumalo sa PEBA09 Awards night na gaganapin sa Philam Theatre (UN AVE) December 27, 2009 6pm.

dahil kelangan mong magtipid, libre ang tsibog! sabihan mo lang ako kung makakapunta ka :)

maligayang pasko gil!

RHYCKZ said...

"Ang pag-ibig di dapat minamadali dahil mapupunta lang ito sa wala. Panget pag huli mo nang marealize na hindi ka pa handa pumasok sa isang relasyon."

may tama ka...yun lang

meri xmas

an_indecent_mind said...

"Pag ang ex mo biglang nagparamdam sa'yo out of the blue. Hindi yan umaasang babalik ang dating pagtitinginan ninyo. Malamang gusto niyang mangutang."

nyahaha!! ang lakas naman ng loob nung ex na yun!! wahaha!

aba e.. ang lagay ba e ganun ganun na lang yun?? (insert devilish wink here... LOL)

Yj said...

good thing you realized all this... yung iba, nararanasan yan pero walang natututunan... parang si Glentot lang ahahahahaha

@ Glentot... ang dami mo kayang natutunan this year friend.... muahz

Nhil said...

"Hindi dahil ang bisita ninyo eh mga foreigner o balikbayan eh ibig sabihin ay mabibiyayaan kayo ng grasya o pasalubong."

AMEN.

"Pag ang ex mo biglang nagparamdam sa'yo out of the blue. Hindi yan umaasang babalik ang dating pagtitinginan ninyo. Malamang gusto niyang mangutang."

HAHAHAHAHA. Ayos to. At least mangungutang lang, hindi "booty call". :))

Herbs D. said...

"Walang masamang magsulat ng mga kesong panulat. May mga mambabasa na gustong nakakabasa ng mga ganito. Minsan pa, mapapahulog mo sila sa mga ganito. Yiiii."

landi. ako nga rin, magpaka keso hahaha

Dhianz said...

ahlike d' last one dat u said... trulalu... why are we tryin' to please everybody most of d' time and why are we tryin' to live our life the way everybody lives it... we all have different journey... we all have different dreams and goals we wanna fulfill... we all have different desires in our hearts... and different things also makes us all happy... we are all totally different and never gonna be exactly the same so why not live it our way... not meaning not caring so much 'bout others... but more like not being affected by what other's gonna say... itz our life.. itz our journey.. and itz up to us on how we want to live it... ahaha.. ano daw? yan kapag papanosebleed mga sinasabi... nde koh may alam kung may sense pah.....intindihin moh na lang parekoy... wehe... btw kaya like koh tong page moh kc so much to learned from it and i like most of 'ur entries here... at most of d' time eh nagpapaka-sprite ka lang... ingatz kuya Gilbert... Godbless! -di =)

escape said...

Nakakagaan sa loob kapag ang kaibigan mong matagal mo nang hindi nakakausap dahil sa isang di pagkakaunawaan ay nagbabalik.>>> kakagaan talaga. lalo na ngayon pasko. hehehe...

Chyng said...

"Mahirap mang gawin pero the best way to deal with a break-up is to move on."

And the best revenge is to have a goodl ife despite the failure. Ü

Merry Christmas Gibo! ♥

Leoj said...

cool!

Raft3r said...

nyahaha
natawa ako dito
may katext din akong never ko pang nakikita
hehe

7a'faR said...

blogwalking....


abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~