Masarap ang magmahal no? Pero ang dami sa atin ang hindi
makapaghintay sa pag-ibig. Marami ang nahihilig sa mabilisang romansa. Yun bang
tinatawag na whirlwind romance. Yung tipong may nakilala ka ngayon, matapos ng
ilang araw kayo na. Tapos, ilang linggo, o buwan lang, hiwalay na kayo.
May naisulat na akong ganito may ilang taon na rin ang nakakaraan, pero medyo dahil hindi na nga ako gala sa mundo ng blogosperyo, hindi ko alam kung laganap pa rin ang ganito.
Dati kasi marami akong nabasa tungkol dito. Isang pares, nagkasayawan lang sa isang bar, paglabas nila sila na. Mayroon naman nagkakilala lang sa text, nagkausap sa telepono ng limang oras, sa ikaanim magsyota na sila. May nakita ka sa mall na nakipagtitigan sa iyo, paglabas ninyo, magkaholding hands na kayo.
Hindi sa nagmamalinis ako, nangyari din naman sa akin ito. May nakachat, nagkausap sa telepono. Palibhasa nagkasundo sa unang usap, kinilig at pumatol. Pagkatapos ng ilang araw, mas nakilala ang pinatulan, marami pala siyang nakakairitang ugali. At marami din siyang hindi nagustuhan tungkol sa akin. Ilang araw makalipas, nasabihan akong hindi ako marunong magmahal.
Hindi ko alam kung bakit marami sa atin ang nagmamadali. Papatol tayo dahil sa umpisa ay masyadong kinilig, pero nagsisisi pagkatapos malaman na marami palang bagay sa kanila ang hindi natin mapagkakasunduan. Tapos, marerealize na lang natin, hindi pala natin talaga sila kilala.
Ano na ang nangyari sa getting-to-know-each-other stage? Ano na ang nangyari sa ligawan?
Bakit napakarami ng taong nagmamadaling ma-inlove?
****************************
Oo nga pala, meron akong isa pang bagong blog... tungkol naman sa pagiging tatay ko sa dalawang makukulit na mga tuta.
Pakibisita naman. Click niyo lang dito.
****************************
Oo nga pala, meron akong isa pang bagong blog... tungkol naman sa pagiging tatay ko sa dalawang makukulit na mga tuta.
Pakibisita naman. Click niyo lang dito.
follow ko new blog mo :)
ReplyDelete***
Sa tingin ko marami ang nagmamadaling mainlove dahil, gusto na agad nila makilala yung guy or girl na ka date nila. Minsan kasi sa getting to know stage, best foot forward palagi eh. Wala talagang guarantee na magpapakatotoo ang tao sayo. I guess, it doesn't matter kung "kayo" na, or nasa ligawan stage. Ang importante ay makilala mo ang tao ng mabuti. Sadly, mahina ang mga lalaki sa part na to, yung part kasi ng brain ng lalaki which deals with emotions, ay napakalayo sa part ng brain nila na naattract sa physical na katangian.
Some people are just in love with the idea of being in love.
ReplyDeleteLike addicts, they're just after the next rush of adrenaline, and wonder why they feel so bad when they crash after the high.
just my tipsy two cents'.
feeling ko kaya madaming nagmamadali ay dahil akala nila, the quicker you experience love, the faster you learn what love is.
ReplyDeletenapakahirap kasi hanapin ang pag-ibig kaya siguro on the first signs of love, kahit superficial, pinapatulan na natin. try and try...
ReplyDeletePS: O gawd - not a dog but dogs! My prayers are with you. :)
basta laging in-love ok hehe. congrats on the new blog :)
ReplyDeleteUso na daw ang instalove ngayon. Gaya ng instant coffee, instant noodles, instant sex. Hehehe.
ReplyDeletePero tingin ko, it's part of the learning process. Sa bawat peklat na iniiwan ng nabigong pag-ibig sa atin, higit nating napapalagahan ang susunod na pag-ibig na dumarating. :)
sobrang agree naman ako sa sinabi ni kuya khanto. isa yun for sure sa reason bakit may ganitong echos ang mga tao ngayon. honestly napagdaanan ko yung ganito eh ilang beses pa nga kasi tulad nga ng sinabi ni kuya khanto feeling ko noon dapat akong magmadali para maranasan ko kagad yung tinatawag nila love. pero di naman love naranasan ko kundi puro failure lang at heartache.
ReplyDeletenakikisabay yata sa technology ang love. mabilis lagi ang mga pangyayari. ang mga boyfriends/girlfriends ang bilis na palitan. parang cellphone lang iba ulit ang kaholding hands..
ReplyDeletenaintindihan mo ba comment ko? parang naguluhan ako ng konti. hehe.
nagkakaubusan na kasi. hahaha. tulak ng bibig, kabig ng dibdib. yun ba yun? hahaha.
ReplyDeleteBakit nga ba rush hour lagi para sa tao ang pagibig na yan? Kadalasan kasi kapag minadali ang isang bagay laging may problema. Sabi nga ng kanta, "You can't hurry love!" Kaya wag pilitin. Haha.
ReplyDeletehindi na uso ang ligawan!
ReplyDeleteAy totoo yan, ang mga tao kung makipagpatulan ngayon akala mo nauubusan ng oras. May mga tao nga mas madalas pa magpalit ng syota keysa sa brief! Ang paliwanag kasi siguro jan eh ang walang kamatayang infatuation. Akala mo yun na, so sugod agad. Dagdagan pa ng curiosity, ano kaya kung patulan ko ito? Ikasasagana ba sya ng sex life ko? Mga ganun. Tapos kapag nawala na yung kilig which is sabi mo nga after a few days, nagkakainisan na.
ReplyDeleteThe best yung nagkagustuhan within one day tapos umabot ng taon ang relasyon. Sarap nun.
at napakanta ako ng Love takes time :)
ReplyDelete