Aug 21, 2012

BLOG LIFE CYCLE

STAGE 1: DISCOVERY
Maaaring bored ka, naghahanap sa google ng mga kwentong bastos o kaya'y kwentong nakakatakot. Napadpad sa isang blog. Nagbasa. Natuwa. Napaclick ng link sa ibang blog. Natawa. Naaliw. Nainggit. Naisip na kaya ko rin magsulat ng ganyan.

STAGE 2: CREATION
Nadiscover na pwedeng iclick ang B sa Blogger o W sa Wordpress. Nag-isip ng magandang title. Dinisenyuhan ang blog. Nagsulat ng unang post. Naghintay ng may magbabasa. Wala. Nagbloghop sa mga binabasang blog. Nagkumento. Nagmensahe sa cbox sa gilid ng blog. Nagfollow ng bloggers sa twitter, facebook at anumang social media. Nagrequest sa mga batikang blogger ng "link exchange" o "follow me and I'll follow back". Nakareceive ng unang follower at unang commenter.

STAGE 3: FASCINATION
Tumaba ang puso sa unang kumento. Nagsulat ulit. Ngayon, mas kontrobersyal, para maging interesado ang maliligaw. Kinuwento kung paano nabigo o nasugatan ang puso. Nagpatuloy ng blog hopping at commenting. Minsan hindi na nagbabasa ng blog, kumento na lang agad para makakuha ng mambabasa. Nadagdagan ng commenters at followers. Sumunod sa mas marami pang blog. Natutong magsulat ng mas madalas.

STAGE 4: RISE TO STARDOM
Araw-araw nang nagsusulat para araw-araw ding may bagong commenters at followers. Naadik sa kakarefresh ng home page, lalo na pag bago ang post. Natutong wag lumapit sa mga sikat na bloggers. Kinilala at kinaibigan ang mga kasabayang bloggers. Naglagay ng mga kung anu-anong abubot sa gilid ng blog. Naglagay ng music sa blog. Naglagay ng stat counter. Namigay ng mga blog awards na isang tag post lang sa totoong buhay. Naging mas mapangahas sa mga sinusulat na post. Nagsimulang mapansin ng mga sikat na manunulat. Nagsimula na ring lumaki ang ulo.

STAGE 5: FAME
Naging sikat na manunulat. Nababanggit na ng ibang mga blogero sa ilang mga post. Nagkaroon ng sariling pakulo sa kanyang blog. Nagpakontest. Nang-interbyu ng kapwa blogero. Nag-oorganisa ng mga bloggers eyeball. Nagkaroon ng mga kaibigan. Nagkaroon ng mga kaaway sa blog. Naalipusta ng isang blogger. Nang-alipusta ng mga blogger. Nakakilala ng mas maraming kaibigan. Naligawan. Nanligaw. Nagkasyota.

STAGE 6: AND THEN...
Nagkasyota. Puros love life ang sinulat. Nagkaroon ng pasok sa eskwela. Nagkaroon ng bagong trabaho. Nablock ang internet sa opisina. Nakipaghiwalay sa syota. Binura ang lahat ng post tungkol sa ex. Napagkaisahan ng mga barkadang blogger. Nachismis. Nagancho ng blogger. Nawalan ng trabaho. Nawalan ng pambayad sa internet. Tinamad. Nag-anunsyo ng pag-alis sa blog. Nabuko na di nagsasabi ng totoo sa blog. Nagsimula ng bagong blog. Hindi kasing sikat nang naunang blog.

STAGE 7: DEATH
Bumalik sa unang blog. Hindi na masyadong pinansin. Nagkalove life ulit. Nawalan ng ganang magsulat. Naging ex ang bagong lovelife. Binura ang buong blog. Nakalimot ng password. Nakamove on sa blogging. Namuhay ng mapayapa sa labas ng mundo ng internet. Namatay.

*******************
Bato bato sa langit, ang tamaan wag magagalit. O kaya wag magrereact. O mag name drop (joke)

Gusto ko lang magsulat. :)


18 comments:

  1. wow. can't exactly pinpoint what stage I'm currently in. medyo messed up e. parts of 3,4,5,and 6.

    ReplyDelete
  2. Ang daming bato, parang den ng shabu.

    ReplyDelete
  3. ay talagang kelangan ng death na stage? sumalangit nawa.

    ReplyDelete
  4. Moral lesson. huwag gamitin ang blog para sumikat. Ika nga, write to express and not to impress. :)

    ReplyDelete
  5. haha at talagang may death stage. sana di ako dumating dun ehehe

    ReplyDelete
  6. guilty me dito... hahahaha. nadaanan ko ang mga stages especially 1-5. padating na sa stage 6 or 7. hahahaa

    noon, kahit minsan nagagawa ko yung sin na hindi na pagbasa masyado ng details ng post, makacomment lang. Pero minsan, pag magandang topic tlaga, walang skip read/selective reading :D

    ReplyDelete
  7. nakakatuwa naman. ganito ba ang nangyari kay engel, o special case lang yon?

    either way, nasisira talaga ang writing career kapag may syota na haha.

    at tama si kuya joms, always write to express..

    ReplyDelete
  8. haha. nakakatuwa naman to. may time nga na naadik ako sa kakarefresh. :P

    ReplyDelete
  9. ang taba parin ng utak gillboard ah. nadalaw at naaliw.

    tinamaan ako sa mga mangila ngilan stage hehehe

    ReplyDelete
  10. I think nagstop ako dun sa Fascination then Death agad minus the syota and close ng blog. LOL. Hindi ako dumaan sa 4,5,6. Actually, nagdadoubt din ako kung nagdaan ako sa 3 dahil hindi naman ako natuto magsulat ng madalas. LOL. May naisip akong mga pasok sa bawat stage.

    ReplyDelete
  11. ikaw naman lahat yan, eh
    nyahaha

    ReplyDelete
  12. Nagancho ng blogger. Hahaha. Name drop: Salbe. Hahahahahahahaha.

    ReplyDelete
  13. Lahat naman may cycle, may end and beginning. Ang maganda nag enjoy tayo sa bawat ginagawa natin, tapos nakakatulong (una sa sarili alam mo naman blogging is a personal release) tapos makatulong narin sa iba. This is actually a reality. Thanks for sharing!

    ReplyDelete
  14. walang hibernate stage? parang ako lang hehehe pero babalik-balik pa din... o kaya death then resurrection hehehe

    ReplyDelete
  15. "Nang-alipusta ng mga blogger."

    Dito ako nagconcentrate hahaha

    ReplyDelete
  16. hahaha so true! ganyang ganyang ang life cycle ng isang blogger.

    napadpad din ako minsan sa blog mo, and the rest is history. naks!

    ReplyDelete
  17. bagong blog post naman!
    hehe

    ReplyDelete