Dec. 15, 2009 22:52:28
Nakatitig sa kalangitan si Aubrey. Pinagmamasdan ang kagandahan ng mga bituin.
Isang bulalakaw.
Pumikit si Aubrey. “Sana akin na lang si Eric,” tahimik niyang hiling.
Dec. 16, 2009
Nakatitig si Aubrey habang kumakain ang kaibigang si Eric. Nakikinig habang maingay na hinihigop ang sabaw. Nakangiti sa mga kwento ng kasama kahit hindi naiintindihan ang sinasabi nito.
Matutupad kaya ang kanyang hiling?
Parang narinig ang kanyang katanungan, tumingin sa kanya ang kaibigan. Kinindatan si Aubrey. Napangiti ang dalaga.
Jan. 18, 2010
Tahimik na nagtatrabaho ang dalaga.
Umupo sa kanyang mesa ang kaibigan.
“Ano ang gagawin mo mamaya?” tanong ng binata.
“Wala naman, what’s on your mind?”
Naglabas ng dalawang ticket si Eric, “concert mamaya ng barkada ko. Gusto mo sumama? Wala akong date?”
“Sure,” sagot ni Aubrey.
Jan. 19, 2010
Sabay umuwi sina Aubrey at Eric.
Magkahawak sila ng kamay.
Feb. 14 , 2010
Dumating si Aubrey sa opisina at nagulat sa isang dosenang pulang rosas na nakapatong sa lamesa.
Galing sa mahal niyang binata.
Apr. 02, 2010
Mahigpit na niyakap ni Aubrey si Eric. Huling araw ng binata sa kumpanyang tinatrabahuan nila. Nakatanggap ito ng mas maayos na trabaho sa isang malaking kumpanya.
Mahigpit ang yakap ng dalaga.
Mamimiss niya si Eric.
Mahal na niya ito.
Hinalikan siya sa pisngi.
“I will still see you,” sabi ni Eric, habang pinupunasan ang mga luha ni Aubrey.
May 1, 2010
“I’m sorry. Can’t make it tonight. Busy with work.” Text ni Eric kay Aubrey.
Sep. 30, 2010
Muling nakita ni Aubrey si Eric habang naglalakad sa mall.
Mag-isa ang binata sa isang mamahaling kainan.
Lumapit ang dalaga upang kamustahin ang lalaking kanyang minimithi.
“Hi,” bati niya.
“Aubrey,” gulat na sagot ni Eric. Niyakap ng binata ang dalaga. “It’s been a long time. Kumusta ka na?”
“I’m good. Namiss kita.”
Ngiti lang ang sagot ni Eric.
“Hi.” Tinig ng isang babae mula sa likod ni Aubrey. Isang magandang dalaga.
Tumayo si Eric mula sa kanyang upuan, nilapitan ang dalaga at hinalikan sa labi.
“Lisa, si Aubrey. Dati kong katrabaho. Aubrey, Lisa… girlfriend ko.”
Nawala ang ngiti sa labi ng dalaga. Nagmamadaling nagpaalam.
Lumuluhang natulog si Aubrey.
“Hindi na ako naniniwala sa mga falling star.”
Dec. 15, 2009 22:52:26
“I wish to find my true love,” tahimik na bulong ni Lisa nang makakita ng isang bulalakaw.
*****************************
Reposting this story for Valentine's Day.
Sana'y masaya ang mga puso ninyo ngayong araw ng mga puso!!!
ang lungkot naman ng story...
ReplyDeletewatda.... mas nauna ng split second si Lisa. demn. andanda ng twist!!!
ReplyDeletelungkot naman nito. tsk i also wish to find my true love.
ReplyDeleteNabasa ako nung nagback read ako dito at pinabasa ko din to sa kapatid ko. I can still remember the amusement I felt when I read this.
ReplyDeleteang lungkot ...
ReplyDeletebagay na bagay sa mood ko ngayon ..ahaha
happy valentines :)
Lovely story, as usual, GB.
ReplyDeleteBut I'd like to read the epilogue, where a heartbroken Aubrey wishes on a rogue planet to come and destroy all of humanity.
Especially that smiley-faced sow who beat her by 2 seconds.
WV: reader
ikaw na makata ngayon.. Gandara park!
ReplyDeleteantagal naman nagwait ni aubrey, hanuver!
ReplyDelete#affected
nabasa ko na 'to dati. binasa ko ule. galing lang ng twist eh. hehe.
ReplyDeleteano nga kaya kung totoong nagkakatotoo ang wishes sa bulalakaw? eh di paunahan na lang sa pag-wish. lol!
may part 2 pa 'yan eh. si mark naman ang humiling.
dec. 15, 2009 22:52:24
mark: sana si lisa na ang one, true love ko. XD
Aray ko. Pero tama nga. Mas maganda na wag ibigay ang lahat sa isang tao na hindi ka pa mahal nang lubusan. Saka na iyon. Hindi dapat ibigay ang lahat-lahat hanggang sa nararapat na panahon na talagang naramdaman mo na totoong pag-ibig na nga iyon.
ReplyDeletethe one that got away?
ReplyDeletehehe
by mail nalang siguro(?) convenient ba yon for you? let me know lang ok? TY.
ReplyDeleteawwwww,,,,bakit parang puro sad valentines day stories ang nababasa ko sa mga blogs? hahhaha
ReplyDeleteHappy Valentines! :)
Sad. Pero bagay sa majority ng mga tao nung Valentines. Malamig at malungkot lol.
ReplyDeletehahaha pesteng yan haha nauna lang ng split seconds hahaha XD .
ReplyDelete