Oct 11, 2011

PAPAPAPAPALAISIPAN

May lumapit sa aking isang kaibigan.

Iniwan ng kanyang kalandian.

Di niya masabi ang dahilan kasi hindi niya alam kung bakit siya hiniwalayan. Ginawa daw niya ang lahat para mapasaya si ex niya. Ibinuhos ang oras, ang pera ang lahat ng nararamdaman para ito'y maging maligaya. Tapos bigla na lang daw sasabihin sa kanyang ayaw na niya.

Alam ko itong mga bagay na ito ay balido. Tuwing nakikita ko sila nararamdaman ko namang totoo ang sinasabi ng kaibigan ko. Pero alam ko din na siya ay medyo selosa, mataray, competitive at overbearing. Mga katangiang pag nasobrahan ka ay iyong pagsasawaan.

Pero dahil siya ang iniwan, sa mga kwento niya siya ang naging biktima.

Napaisip ako, bakit kaya pagdating sa mga kwento ng hiwalayan kung sino ang nagkukwento siya palagi ang biktima? Palaging hindi siya ang may kasalanan?

Mahirap bang aminin na kaya di kayo nagkatuluyan ng mahal mo ay dahil sinakal mo ito? Na kaya laging maikli ang mga relasyon ninyo ay dahil may magpakita lang nang kaunting interes sa iyo ay pinapatulan mo agad ito? Na kaya wala talagang nakakatagal sa iyo ay dahil di lang pangit ang mukha mo, pati na ang ugali mo? Masakit ba sa pride sabihin na kaya ka iniwan ng syota mo ay dahil nahuli ka nitong nanloloko?

Kailangan ba lagi tayo ang biktima? Mahirap ba talagang tanggapin na minsan tayo ang may pagkukulang?

Bakit kaya mas madaling ibato ang sisi sa iba?

Wala lang. Naisip ko lang.

17 comments:

  1. ganun nman talaga, walang taong aamin na siya ang nagkamali. palaging tayo ang biktima.

    "i was not informed."

    hehehe

    ReplyDelete
  2. in the first place, baket nga ba tayo tumatakbo sa iba pag iniwan tayo? to find comfort nga ba, o para magsumbong at pagtakpan ang sarili nating pagkakamali dun sa relasyong hindi nagtagal?

    wala namang iniwan na aamin na mali sya, kase sya ang iniwan e. siguro kung sya ang nangiwan, may posibilidad na magsabi sya na mayroon syang mga pagkukulang. hindi nya maaamin sa sarili nya ang pagkakamali nya dahil bulag sya sa sarili nyang mga shortcomings. mas nananaig ang pakiramdam na sya ang agrabyado, sya ang talo dahil sya nga ang naiwan, sya ang kawawa. siguro kung sa side din ng nangiwan, ganun din ang takbo ng storya, sya din ang biktima, kaya mas pinili nyang kumalas.

    parang something like that. parang magulo.

    :))

    ReplyDelete
  3. I always knew I was the one who messed up my past relationships. That's why I don't talk about them too much. Hehe.

    ReplyDelete
  4. It's a coping mechanism.

    ReplyDelete
  5. Tama si Kuya GasDude. Coping mechanism na lang talaga. Pero ako, biktima talaga. LOL. At si ex-bebe eh umaamin sa iba na siya may kasalanan. Spell DAKILA.

    ReplyDelete
  6. being a victim is much better than being the source of depression of someone. baka magsuicide pa yan, konsensya ko pa. hihi

    kaya keri lang pag ikaw iniwan, madali lang naman magmove on. chos! ^_^

    ReplyDelete
  7. wow this is so cristine reyes #NoOtherWoman!

    sabi nga ni Carmi Martin, ang pag ibig ay isang malaking Quiapo. madaming snatcher. kelangang lumaban ka!"

    sabi ko naman, sa soap opera na lang nakikita at nabubuhay ang mga pa-victim at paapi... at least, kung nanunuod ka man nito, hindi laging happy ending ang inaapi sa real life at kelangan matuto kang lumaban.


    just a thought

    ReplyDelete
  8. hindi naman sa ganun...hindi naman lahat ng nagkwekewnto biktima..baka hindi lang niya alam yung reason...
    ako..pag nagkwekwento..ako palagi ang may kasalanan..inaako ko na ang lahat.ahhaha.

    ReplyDelete
  9. Me kaibigan din ako pero ang ginawa nya hindi sya nagkwento nung naghiwalay sila, pero dahil sa kanyang silence... parang lumabas pa rin na biktima...

    wala pa nga akong nagkkuwento na sya ang kumalas at hindi boses biktima ang dating... napaisip lang din...

    ReplyDelete
  10. ganun lagi... pag ang tao ang naglalahad ng salaysay, sya ang biktima. never pang may umamin na may pagkukulang at pagkakamali ang tao.

    pero its the friends responsibility to weight things and to provide unbiased feedback. :D

    ReplyDelete
  11. there's money involved?
    hmmm...
    i like her already
    hehe
    sabihin mo ako na lang
    nyahaha

    ReplyDelete
  12. i agree with chyng. kaya sigurado may makukuha pa ring aral sa ganitong mga bagay.

    ReplyDelete
  13. dongho: iisipan ko muna ng reply yung sagot ni chyng. :P

    denoy: love hanap nun. di one night stand. :P

    khanto: hmmmm. good point. pwedeng blog post itong comment mo. pag-iisipan ko yan.

    ReplyDelete
  14. dormboy: you should read my other blog. lolz

    kiko: isang malaking check!!!

    maldito: malamang kasi ikaw naman talaga ang may sala? :D

    ReplyDelete
  15. ewwik: uy, di ko natapos yung movie. hanggang dun lang ako sa tinawagan ni ann si christine sa bandang huli. ano nangyari?

    chyng: hindi rin. masakit din kaya ang iwanan. well, masakit ang hiwalayan. nuff said.

    yow: ikaw ba'y makabagong martir?! hahaha

    ReplyDelete
  16. gasul: for some. true.

    skron: sometimes it's just better to keep quiet when it comes to relationships that end.

    rainbow box: di naman magulo. medyo naintindihan ko naman ang point mo. could be true.

    nobenta: christopher lau lang. hehehe

    ReplyDelete