Isang gabi, pauwi ako sa bahay namin sa katimugan ng syudad, sumakay ako sa huling byahe ng MRT. Ayokong magbus dahil nakakatakot maglakad sa Cubao. Mga mandurukot dun kahit mukhang dukha na gaya ko ay pinapatulan at ninanakawan. At ang tagal ng byahe. Mabilis at safe sa MRT para sakin.
Maluwag ang mga huling byahe. Tuwang tuwa ako nun dahil maraming bakanteng upuan. Hindi siksikan. Hindi ako mahihipuan.
Pagdating namin ng Santolan, may isang mama ang pumasok. At sa hindi maipaliwanag na dahilan, sa kabila ng kaluwagan ng tren at dami ng bakanteng upuan, si kuya ay tumayo sa harap ko. Mukha siyang macho dancer. Naaalala ko nakaitim na see-through na sleeveless shirt siya. Amoy pinaghalong Safeguard at baby powder. Oo, ako na ang judgemental.
Natatakot akong tingnan siya. Baka ano ang gawin sakin. Sino ba namang matinong tao ang tatayo sa harap mo kahit na maluwag ang tren? Yung mga may masasamang intensyon lang, sa isip-isip ko.
Dumaan ang Ortigas, ang EDSA Central, maraming nagbababaan. Lalong lumuluwag, pero si Kuya di natitinag, parang rebultong nakatayo sa aking harapan. Natatakot akong tingnan siya baka kung ano ang isipin ni Kuya.
Pero isang saglit ay ako'y napasulyap sa kanya. Nagkita kami ng mata sa mata.
Mukhang may balak nga si kuya, dahil hindi niyia pinalampas ang pagkakataong iyon. Nang ako'y nakita niyang tumingin sa kanya, ako'y nginusuan niya. Shet, gusto niya ba akong halikan?! Mukha ba akong bading? Mukha ba akong pumapatol sa mga nakikilala ko sa tren na amoy Safeguard at baby powder?!
Walang takot, pinakita ng mukha kong nandidiri ako sa ginagawa niya. Pero matigas si Kuya, nginusuan niya ako ulit. At sa pagkakataong ito, nakaturo ang nguso niya sa pagkalalaki ko.
Kahit anong angas mo, gawan ka ng ganun ni kuya, at hindi ka lasing, matatakot ka. Mabilis na lumipat ako ng upuan. Nakakakilabot na.
Pagdating ng Ayala Station, halos wala na talagang mga tao. Sampu na lang siguro kami dun. Tumabi sa akin si Kuya.
Pinagpapawisan ako. Gusto ko magwala sa loob ng tren. Pero natatakot ako, mas malaki katawan niya.
Linapit niya ang mukha niya sakin at bumulong, "bukas zipper mo at butas brief mo."
Nginitian niya ako at bumaba ng Magallanes.
Ahhhh yun pala ang tinuturo ni Kuya.
Akala ko pa naman ang pogi ko na.
Yun lang pala.
akala ko naman erotic story to. hahahaha! joke! :p
ReplyDeletenagwala ka nalang sana..mas mild naman siguro un keysa malaman na butas ang brief mo..wahahahahaa...kidding.
ReplyDeletehahaha! winner ang ending. i love stories like this... i was enticed to read from beginning to end. :)
ReplyDeleteuna sa lahat, congrats sa promotion for the nth time! ikaw na!!!
ReplyDeletethen - bakit ka nasa cubao? work mo ay sa makati, nakatira ka sa Pque.. so ano ginagawa mo sa cubao?!?! haha!
Wala naman akong ibang gustong sabihin kundi, Hahahaha! Like!
ReplyDeletehahaha.. weee di nga.. hahaha
ReplyDeletenapatawa ako sa kwnto... kaloka..... kala ko kung ano na...
ReplyDeleteanyway.. congrats... :)
hahaha in this case, the ends justify the means. :)
ReplyDeletePero hindi mo ba naisip na pwede paring double meaning yon. :)
Skery parin.
lols.... iisipin ko bang mabait si koya na sinabihan kang bukas zipper mo o sa tagal na yun, inispatang ang brip mo. lols
ReplyDeleteHahahaha!! basta natawa ako!
ReplyDeleteikaw na ang pogi! hahaha!
Hahahaha. Nakakatawa! Medyo napapangiwi na ako at kinakabahan sa nangyayari sayo. Hahaha. Akala ko kung ano na Kuya Gibo. Hahaha.
ReplyDeleteHehehehehehe bata pa ako, problema ko na yan.
ReplyDeleteAng paglalakad-lakad sa kalye na bukas ang zipper.
Kaya nga ang tawag sa kin ni Kane eh "The Boy with The Open Fly."
FREEDOM! I say! IBAGSAK ANG DIKTADURANG ZIPPER!
PALAYAIN ANG MGA IBON!
alam ko kung san ka busy...
ReplyDeletekaka-buffet!
hehe
Nang ako'y nakita niyang tumingin sa kanya, ako'y nginusuan niya. >>> nginusuan pa talaga. pero sa huli may tama naman pala siya. hahaha...
ReplyDeletehahaha at least may concern sya para sa iyo.
ReplyDeletebat ngayon ko lang to nabasa? haha. grabe. natawa ako. lol
ReplyDeletelolz =P
ReplyDeletenginusuan? parang ang hirap itype nun! hahaha gb promoted na naman ang yaman na talaga! hahaha
ReplyDeleteHanep! Akala ko naman rereypin ka na.
ReplyDeleteOo, ikaw na! Ikaw na ang judgemental!
Hahahahaha!
nyahaha
ReplyDeletenagpapahipo ka pala, ha
hehe