"Akin na ang palad mo," sabi sa akin ni manang.
Hindi ako makapaniwala na napilit akong pumunta sa lugar na ito. Hindi ako naniniwala sa hula. We guide our own destinies, ika nga. Hindi ang bituin. Hindi ang mga guhit sa palad ko. Ang mga desisyon ko. Yun ang magdadala sa akin sa patutunguhan ko.
"Ahhhh, marami ka nang biyahe. Dito. At sa ibang bansa," umpisa niya. Tama siya. Hula nga. General yung sinabi niya. Lahat naman siguro ng tao sa edad ko ay nakapagbiyahe na. Hindi man sa labas ng Pinas. Pero nakalabas na ng Maynila.
"Kailangan mo pang makumbinsi," ngiti niya. "Sumama ka lang sa kaibigan mo dahil pinilit ka niya. Hindi ka naniniwala sa hula. Ikaw yung tipo ng tao na gumagawa ng sariling mga desisyon. Pero umamin ka, gusto mong malaman kung may kinabukasan ba yang puso mo."
Psychology. Minsan hindi mo na kailangan maging graduate sa kolehiyo para matutong bumasa ng tao. Pero inaamin ko, interesado akong malaman kung ano nga ba ang kapalaran ng puso ko.
"May kasintahan ka." patuloy niya.
"Pogi. Maganda ang trabaho. Responsable," tama nanaman ang hula niya.
Baka kasabwat niya ang kasama ko. Si Tracey. Tiningnan ko siya. Ngiti lang ang binigay niya. May alam siguro ang babaeng ito. Lagot siya sakin.
"Siya ang pinapangarap mo, tama ba?" tanong niya.
Ngumiti lang ako.
Huminga ng malalim si manang. "Tsk tsk tsk sayang at hindi siya ang makakatuluyan mo. Medyo nasasakal siya sa iyo."
Nanlaki ang mata ko. Nagulat ako. Alam niya pati problema namin.
"Gusto mong malaman kung maaayos niyo pa," lumungkot ang kanyang mga mata. "Pasensya na hija, wala siya sa palad mo."
Hinawakan ni Tracey ang aking kamay. "At least girl, pareho tayo ng fortune. Hindi rin daw para sa akin si Phillip."
Ngumiti siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.
"Pero nakikita ko..." pinupunasan niya ang palad ko. Tila tinatanggal ang mga hindi makitang dumi para luminaw ang nababasa niya. "May isa pang darating na lalaki sa iyo. Nakilala mo na siya."
"Hmmm. Jen, meron ka bang bagong nakilala na boylet?" biro ni Tracey. "Gwapo din po ba siya manang?"
"Matagal mo na siyang kilala. Matagal mo na siyang gusto. Matagal mo na siyang pinapangarap. Mapapasayo siya."
Sino kaya to? Si Ian lang naman yung gusto ko. Sino pa ba? Si...
"Kilala ko lahat ng lalake sa buhay niya manang. Alam mo ba ang hitsura niya?" binasag ni Tracey ang aking iniisip.
"Maputi. Hindi masyadong matangkad. Matangos ang ilong. Maganda ang katawan. Kalbo. At may..."
"Nunal sa ilalim ng mata?" pagtatapos ni Tracey.
"Oo." sagot ng matanda. Ito ang kinakatakot ko. Ito ang ayaw kong marinig. "Paano mo nalaman? Kilala mo siya?"
Binitiwan ni Tracey ang aking kamay.
"Kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya."
"Tracey..." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.
"Ahhh. I'm sorry hija. Ito ang nasa palad niya," bumitiw si manang sa aking kamay.
"Jen, may gusto ka ba kay Phillip ko?"
Para sa akin daw siya.
Shit.
**************************
Medyo matagal akong nawala at mukhang mawawala ulit ako. Bora baby!!! Excited lang!!!

ayos sa fiction. Akala ko ng una ikaw yung nasa wento pero nung sinabi ng manghuhula na hija, ayun, tama ang hula ko, fiction.
ReplyDeleteWow. makakaboracay ka na. Na-inggit naman me. ahihihih. Enjoy!
astig. hehe. :) kaya natatakot akong magpahula eh! :P
ReplyDeletekahit hindi mo dinescribe yung place. parang naimagine ko na sa quiapo ang scene na to. Busy street, at parang napipicture ko na din yung mukha ng mga characters. Nice one :)
ReplyDeletelesson learned - wag isasama ang gf ng lalaking pinagnanasahan mo. hehe mabubuking ka lang ^_^
ReplyDeleteAkala ko kwento mo to. Haha. Agawan pala eh. Ang gilas naman ni Manang. Naaliw ako. :)
ReplyDeleteNagulat ako dahil may boyfriend ka sabi ng manghuhila akala ko ano ka na... Becky! Lol fiction pala tangatanga moks!
ReplyDeletekaya takot ako magpahula e hehe :) pero ang saya ng story! enjoy bora! :)
ReplyDeleteHehe magaling ka talagang magsulat ng mga istorya, gb
ReplyDeletePero pagdating sa palad, isang palad lang ang pinagkakatiwalaan ko.
Si Maria.
taena ni Manang e, creepy. haha. kapag ganyan ang manghuhula, kakabahan ka talaga.. lalo na at masyadong personal ang tirada at may kasama kang ibang tao. hehe.
ReplyDeletegaling ng pagkakasulat sir! thumbs up.
amp, sayang! more more!
ReplyDeleteHave fun in Boracay. And it's Boracay, not Bora. =)
ReplyDeleteIt's a really beautiful place, still.. after all these years.
Kane
hahaha ipakulam na yan... bago mahuli ang lahat... hahah fiction lang din.. hehehe
ReplyDeleteKakatakot naman. Nakakatakot talagang makita ang future. Minsan kasi ang future happening ay dapit makikita lang ng future eyes (yung eyes mo sa future). Iba na kasi pananaw mo sa future, compared sa ngayon.
ReplyDeleteKala ko true. Fiction din pala. San amy kasunod, aabangan ko kung anong gagawin ni Tracy kay Jen. haha
hahahahaha.. BAYOT kumbaga.. hahahaha.. Masampal nga kung ako si gf!
ReplyDeleteechoserang manghuhula un ah. hehe. ang bitter nung pagtatapos. parang kwento ni marvin at jolina. hak hak hak. :D
ReplyDeletenalito ako sa kwento
ReplyDeletehehe
how's bora?
i miss that place (so much)