Nagpawax ako ng dibdib at likod.
At tang ina lang ang sakit sakit niya!!!
Hindi exaggeration yung mga napapanuod natin sa mga pelikula at telebisyon. Mapapasigaw at mapapaiyak ka talaga sa sakit. Parang feeling mo kasabay ng balahibo, tinatanggal din ang balat mo.
*************************
Biglaan lang, dahil nga pupunta ako sa Boracay sa Lunes, naisip ko kung magtatanggal naman ako ng shirt sa beach dapat medyo kaaya-aya naman yung magiging sight ng mga papansin sakin.
Matagal ko nang alam na masakit ang magpawax. Napanuod ko ang The 40 Year Old Virgin at huling episode ng The Amazing Race. Pero dahil nakasinghot ako ng usok mula sa kumukulong tubig, naisipan kong magpawax.
Well, suggestion yun ng officemate ko. Sinunod ko lang dahil uto-uto ako.
Tumungo ako sa Let's Face It sa amin at pinakilala ako kay Vicky.
*************************
Ito ang ilang kwento ko nang magpatanggal ako ng balahibo sa dibdib, tyan at likod:
- Natutunan kong posible pala ang back kick lalo na pag hindi nabunot ng matino yung cloth ni ateng waxer. May ilang beses ko rin siyang ninais sipain nun.
- Ang masakit na part sa waxing ay tuwing bubunutin na yung mababalahibong part ng iyong katawan at yung may maninipis na balahibo. Iyon yung mga parte na mapapahiyaw ka at mapapaiyak.
- Ang kinis pala ng katawan kung hindi ako balbon.
- Pagkatapos ng session namin ni Vicky, hapong hapo siya. Napagod dahil ang balbon ko daw.
- Sa isip ko gusto kong murahin yung Arabong nilahian ako ng balbonic genes niya. Leche siya. Sana maranasan niya ang mawax ang buo niyang katawan. Bwiset!!!
- Hindi na mauulit ang mga ganitong kaganapan. Bibili na lang ako ng hair removal cream. Mas madali pa yun gawin. Tsaka hindi masakit.
Eto ang hinding hindi ko gagawin. Haha. Dahil hindi din naman ako sobrang balbon. Balbon lang. Haha. Pinaghahandaan talaga ang bora, naiinggit tuloy ako. Ugh!
ReplyDeleteKung eto masakit na ano pa kaya ang Brazilian wax? Hayop na mga Brazilian na nakaisip niyan.
yikes. kung yung sa amazing race na winax (balbonic brother), nakakangilong panoorin, what more pa kaya kung actual removal of hair. Torture yan.
ReplyDeleteEnjoy bora with your silky no hair body. :D
Full body wax ba? including binti?
bikini wax hindi? natry ko na pero threading ang ginawa. once lang din and di na naulit. enjoy bora!
ReplyDeleteHahaha agree ako diyan. Masakit talaga magpawax. Nasubukan ko na din yan. Hindi dahil gusto ko. Dahil gusto ng ibang tao, at gusto ko lang siyang pagbigyan.
ReplyDeleteDibale ang kapalit naman niyan ay makinis na balat, walang chubaka look.
LOL! Una sa lahat, welcome back to blogging, Gibo! Parang antagal mo nawala eh. (O hindi lang ako nakaka-bloghop?).
ReplyDeleteMagkano? Dapat pati wetpaks sinama mo na. LOL!
hahah nagpapatuo nga ako ng buhok eh para may style ang atawan ko.. di ako magpapawax ano.. hahaha
ReplyDeleteI cant imagine kung gaano ito kasakit. hilahin mo lang ang isang buhok mo sa ilong maiihi ka sa sakit.
ReplyDeleteBakit nauso nag gawaing ito?
dito din mapapatunayan na "Success is never a one-way street" haha. you just figured why.
ReplyDeletehahahaha, bahala na!
ReplyDeletepictures or not true. LOL. joke lang. alam kong totoo ka namang nagpa-wax. pero post ka ng pix from boracay ha! di pa ko nakakarating dun *losermode*
ReplyDeletehahaha nung iniimagine ko ang eksena. hnd ako napapaaray natatawa ako. hahha.
ReplyDeleteikaw ba to gb? haha. ikaw ng vain. :P
ReplyDeletewell hope you'll enjoy boracay!
AT TAWA AKO NG TAWA DITO..PERO CONGRATS KASI DADAMI NA NAMAN ANG SUITORS MO LELS HAHAHA..
ReplyDeleteang sakit nito..tama nga si ced kaw na vain lels
eh di ang sexy mo na nyan gb? hehehe. nahawa ka na ba kay denoy at mayaman ka na din ngayon pabora-bora na lang? hehehe
ReplyDeletenyahaha
ReplyDeletebalbon ka pala
yes, i'm back!!!
Enjoy your Bora trip sans body hair!
ReplyDelete