May 31, 2011

TRUST ISSUES

"Do you trust me?" the Kid asked Sunday morning.

I said yes.

It hurts when your lover does it. But it hurts more when a friend does.

**********
Last week, when I went to Boracay, I entrusted the Kid to another couple (let's call them blogger and bf). The firts gay couple that we've befriended. The Kid likes them both as the bf is of the same age range as he is.

We've been friends for awhile now. I think we've met twice before last week, me and the blogger more prior. We've grown accustom to each other as we often chat with each other and joke around. The bf's been inviting the Kid to either the blogger's province or bf's home since we last met with them. And since I'll be away, the Kid decided he'd sleep over the bf's place.

I've been wary about them ever since, specially the blogger. I knew he had a crush on the Kid. Sometimes when we chat, he'd joke around about taking the Kid away from me. I didn't mind because he does that all the time.

**********
Thursday, the Kid met with the couple. Everything was fine. They saw a movie and the Kid's been texting with me and calling me for most of the day and night. So I thought everything was okay.

We met last weekend to celebrate our anniversary. I just woke up and we were about to do it when he asked that question. He told me something happened Friday morning.

It was around 2am. The blogger, bf and the kid were all about to sleep. They've been talking about life, about us. Suddenly, the blogger hugged the kid. He kissed him. And then put his hand inside the Kid's shorts. The kid did so too, but he hesitated. The blogger said it isn't right.

The Kid was crying when he told me the story. He thought this was the end of our relationship.

But I didn't think it was his fault. Blogger should not have done that. What's worse was he did it in front of the bf. The bf didn't mind. He thought that somehow these things are a part of gay relationships.

It's disturbing.

The friendship ended that day. I have forgiven them, but thought it would be better to go our separate ways.

I thought it was hard to find friends. I guess it's harder to trust people now too.

May 20, 2011

KWENTONG TORTURE

Kaninang umaga ay sumailalim ako sa pinakatorturous na activity na ginawa ko sa buhay ko. Pinatunayan ko na isa talaga akong masokista. Ang hilig kong saktan ang sarili ko. Shit lang.

Nagpawax ako ng dibdib at likod.

At tang ina lang ang sakit sakit niya!!!

Hindi exaggeration yung mga napapanuod natin sa mga pelikula at telebisyon. Mapapasigaw at mapapaiyak ka talaga sa sakit. Parang feeling mo kasabay ng balahibo, tinatanggal din ang balat mo.

*************************
Biglaan lang, dahil nga pupunta ako sa Boracay sa Lunes, naisip ko kung magtatanggal naman ako ng shirt sa beach dapat medyo kaaya-aya naman yung magiging sight ng mga papansin sakin.

Matagal ko nang alam na masakit ang magpawax. Napanuod ko ang The 40 Year Old Virgin at huling episode ng The Amazing Race. Pero dahil nakasinghot ako ng usok mula sa kumukulong tubig, naisipan kong magpawax.

Well, suggestion yun ng officemate ko. Sinunod ko lang dahil uto-uto ako.

Tumungo ako sa Let's Face It sa amin at pinakilala ako kay Vicky.

*************************
Ito ang ilang kwento ko nang magpatanggal ako ng balahibo sa dibdib, tyan at likod:




  • Natutunan kong posible pala ang back kick lalo na pag hindi nabunot ng matino yung cloth ni ateng waxer. May ilang beses ko rin siyang ninais sipain nun.


  • Ang masakit na part sa waxing ay tuwing bubunutin na yung mababalahibong part ng iyong katawan at yung may maninipis na balahibo. Iyon yung mga parte na mapapahiyaw ka at mapapaiyak.


  • Ang kinis pala ng katawan kung hindi ako balbon.


  • Pagkatapos ng session namin ni Vicky, hapong hapo siya. Napagod dahil ang balbon ko daw.


  • Sa isip ko gusto kong murahin yung Arabong nilahian ako ng balbonic genes niya. Leche siya. Sana maranasan niya ang mawax ang buo niyang katawan. Bwiset!!!


  • Hindi na mauulit ang mga ganitong kaganapan. Bibili na lang ako ng hair removal cream. Mas madali pa yun gawin. Tsaka hindi masakit.
Handa na ako magBoracay!!!

May 17, 2011

PALAD

"Akin na ang palad mo," sabi sa akin ni manang.

Hindi ako makapaniwala na napilit akong pumunta sa lugar na ito. Hindi ako naniniwala sa hula. We guide our own destinies, ika nga. Hindi ang bituin. Hindi ang mga guhit sa palad ko. Ang mga desisyon ko. Yun ang magdadala sa akin sa patutunguhan ko.

"Ahhhh, marami ka nang biyahe. Dito. At sa ibang bansa," umpisa niya. Tama siya. Hula nga. General yung sinabi niya. Lahat naman siguro ng tao sa edad ko ay nakapagbiyahe na. Hindi man sa labas ng Pinas. Pero nakalabas na ng Maynila.

"Kailangan mo pang makumbinsi," ngiti niya. "Sumama ka lang sa kaibigan mo dahil pinilit ka niya. Hindi ka naniniwala sa hula. Ikaw yung tipo ng tao na gumagawa ng sariling mga desisyon. Pero umamin ka, gusto mong malaman kung may kinabukasan ba yang puso mo."

Psychology. Minsan hindi mo na kailangan maging graduate sa kolehiyo para matutong bumasa ng tao. Pero inaamin ko, interesado akong malaman kung ano nga ba ang kapalaran ng puso ko.

"May kasintahan ka." patuloy niya.

"Pogi. Maganda ang trabaho. Responsable," tama nanaman ang hula niya.

Baka kasabwat niya ang kasama ko. Si Tracey. Tiningnan ko siya. Ngiti lang ang binigay niya. May alam siguro ang babaeng ito. Lagot siya sakin.

"Siya ang pinapangarap mo, tama ba?" tanong niya.

Ngumiti lang ako.

Huminga ng malalim si manang. "Tsk tsk tsk sayang at hindi siya ang makakatuluyan mo. Medyo nasasakal siya sa iyo."

Nanlaki ang mata ko. Nagulat ako. Alam niya pati problema namin.

"Gusto mong malaman kung maaayos niyo pa," lumungkot ang kanyang mga mata. "Pasensya na hija, wala siya sa palad mo."

Hinawakan ni Tracey ang aking kamay. "At least girl, pareho tayo ng fortune. Hindi rin daw para sa akin si Phillip."

Ngumiti siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

"Pero nakikita ko..." pinupunasan niya ang palad ko. Tila tinatanggal ang mga hindi makitang dumi para luminaw ang nababasa niya. "May isa pang darating na lalaki sa iyo. Nakilala mo na siya."

"Hmmm. Jen, meron ka bang bagong nakilala na boylet?" biro ni Tracey. "Gwapo din po ba siya manang?"

"Matagal mo na siyang kilala. Matagal mo na siyang gusto. Matagal mo na siyang pinapangarap. Mapapasayo siya."

Sino kaya to? Si Ian lang naman yung gusto ko. Sino pa ba? Si...

"Kilala ko lahat ng lalake sa buhay niya manang. Alam mo ba ang hitsura niya?" binasag ni Tracey ang aking iniisip.

"Maputi. Hindi masyadong matangkad. Matangos ang ilong. Maganda ang katawan. Kalbo. At may..."

"Nunal sa ilalim ng mata?" pagtatapos ni Tracey.

"Oo." sagot ng matanda. Ito ang kinakatakot ko. Ito ang ayaw kong marinig. "Paano mo nalaman? Kilala mo siya?"

Binitiwan ni Tracey ang aking kamay.

"Kilala ko siya. Kilalang kilala ko siya."

"Tracey..." hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya.

"Ahhh. I'm sorry hija. Ito ang nasa palad niya," bumitiw si manang sa aking kamay.

"Jen, may gusto ka ba kay Phillip ko?"

Para sa akin daw siya.

Shit.

**************************
Medyo matagal akong nawala at mukhang mawawala ulit ako. Bora baby!!! Excited lang!!!

May 4, 2011

STEP FORWARD

I just came out from the shower when I read the 'kid's' sms. He wants me to give him a call.

And when I did I was surprised when he told me to talk to his friend.

It was a girl.

She said hi. I said hello.

"You must be Kid's guy?" she asked.

"I guess I am," I replied.

"It's nice to hear your voice," she said then she gave the phone back to the kid.

And then our relationship took another step forward. I knew him telling someone about me would be a hard thing to do. I knew it would eventually happen, and I'm fine if it takes him long so I did not expect him to do so this time. I thought he'd wait until he finishes his masters and start work, but I guess he's ready.

And so now I'm smiling. Been doing so for a few hours already.

Can't take the stupid thing off my face.

May 3, 2011

KUNG BROKEN HEARTED KA

Repost ko muna ang isa sa blogpost kong pinakamadalas hanapin ng mga tao sa google. I'm sure yung hanap nila ay mga text quotes pero ito yung nakuha nila. Anyway nitatamad akong mag-isip at medyo busy sa trabaho kaya eto muna ang handog ko sa mga naliligaw at nagtitiyaga sa blog ko.

Para sa mga broken hearted...

ANG PAGTATAPOS NG PAG-IBIG HINDI IBIG SABIHIN KATAPUSAN NG MUNDO. Alam ko, maraming ganyan ang pakiramdam. Marami ngang nagsusuicide attempt dahil dito. Hindi ko sila masisisi, malamang binigay nila ang buong puso nila dun sa taong minahal nila, pero sa huli'y di rin pala magkakatuluyan. Ang sarap kayang mabuhay. Ang daming lugar na dapat makita. Mga taong dapat makilala. Bagay na dapat gawin. Ang hindi naiisip ng mga taong ito, na minsan may mga bagay na gusto mong gawin dati at hindi mo magawa dahil pinipigilan ka ng kasama mo, kaya ngayon maaari ang tamang panahon para gawin ang mga nais mong magawa. Dapat lang tandaan, lumayo sa tali, blade, kutsilyo, pills at baril.

DITO MO MAKIKILALA KUNG SINO ANG MGA KAIBIGAN MO
. Merong mga panahon noong may kapartner ka pa, na hindi mo na madalas nakakasama ang iyong mga kabarkada. Alam ko, pag malungkot ka, mas nanaisin mong mapag-isa. Pero trust me, higit kailanman, ito ang panahon kung kailan mo kailangan ang iyong mga kaibigan. Hindi lamang dahil kaya ka nilang pasayahin, pero dahil hindi ka nila bibigyan pa ng dahilan para maging malungkot. Oo, minsan pagtatawanan ka nila, kasi naging tanga ka, pero kailangan nating mabatukan paminsan-minsan.

ISIPIN MO ANG SARILI MO
. Sabi ko nga kanina, sa mga panahong ito mo itatanong kung ano ang kulang sayo. Kung ano ang mali sa'yo. Ayus lang yan. Importante yan para lalo mo makilala ang sarili mo. Pero don't dwell too much on the negative. Isipin mo, lalo kung wala kang makitang mali sa mga ginagawa mo, na baka hindi ikaw ang dahilan kaya kayo hindi nagkatuluyan. Baka siya yung may problema. Ang isipin mo na lang, paano mo pa mapapabuti ang sarili mo, at paano mo mamahalin ang sarili mo, para hindi na maulit ang nangyari sa inyo.

Totoong mahirap magmove on. Sabi nila, kadalasan hindi natin nakakatuluyan ang ating greatest love. Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin.