Apr 25, 2011

BULLET POINTS


  • Kahapon kami ni Kasintahan ay nagtungo ng Enchanted Kingdom upang magcelebrate ng aming ika labing-isang buwan ng pagsasama. Mababaw man, pareho naman kaming masaya kahit ayaw niyang sumakay sa Anchor's Away at hindi ko siya napilit mag EKstreme.

  • Ang sakit ng likod ko!!! Ayoko mang aminin pero feeling ko sign of aging na talaga ito. Kailangan ko ng masahista o manghihilot.

  • Mayroon akong dalawang palabas na kinahuhumalingan ngayon. Ang una ay Shameless. Tungkol ito sa pamilya ng mga manggagantso at lasinggero at kung papaano sila nabubuhay kahit sila'y pinapabayaan ng kanilang ama. Ang ganda niya, nakakatawa at nakakabilib.

  • Ang ikalawa naman ay ang Game of Thrones ng HBO. Hango ito sa serye ni George Martin. Ang husay ng pagkakagawa. Feeling mo nanunuod ka ulit ng Lord of the Rings. Isang episode pa lang ang pinapalabas kaya madali pa kayo makakahabol.

  • Ilang linggo na lang at ako'y makakatapak na sa buhangin ng Boracay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong iexpect pero dapat pumayat na ako bago ako magpunta dun. Hindi na kasya sa akin ang mga pang-ibaba ko. Hayst.

  • Hindi ko ito madalas nagagawa pero MARAMING SALAMAT sa lahat ng napapadaan dito. Nagulat ako pagbukas ko ng blog kanina meron na pala akong 322 na followers at 73 miyembro sa aking reader's community sa facebook. Salamat at kahit lately ay wala akong masyadong maraming naikukwento ay sinusundan niyo pa rin ako. Hayaan niyo, nararamadaman kong malapit ng bumalik ang mojo ko.

  • Huli man, pero Happy Easter sa inyong lahat!!!

19 comments:

  1. yehey! bilisan na kasi ang pagbabalik ng mojo na yan! 'tis the season for mojos coming back na! :D

    ReplyDelete
  2. ay sayang nasa EK din me, sana na-meet kita =)

    ReplyDelete
  3. Wow, nagprepare for Boracay. :)

    Bring back the mojo!

    ReplyDelete
  4. ako na ang naiingit sa Boracay.
    enjoy na lang to the max

    ReplyDelete
  5. padalhan mo ako ng buhangin galing Boracay, ha?! :D

    ReplyDelete
  6. whoa! boracay! enjoy better not expect anything para mas ma excite ka.

    enchanted kingdom for a date... actually a good place.

    ReplyDelete
  7. mukhang interesting yung Shameless. Nung late nineties meron ako napanood na movie SHAME: Bakit ako mahihiya. Sikat na sikat pa noon si sabado nights girl Ina Raymundo :D Hehe naalala ko lang.

    ReplyDelete
  8. mukang maganda yang game of thrones kaso 1 episode pa lang. tiyak pag na hook ka, talagang aabangan ang bawat new epi

    ReplyDelete
  9. How did you go to Enchanted Kingdom? I want to go there too. Next month would be the anniversary post then.

    ReplyDelete
  10. yes naman, 11th na! tamis!

    yabang oh, magboboracay ng isang linggo! yaman!

    ReplyDelete
  11. nabasa ko nga sa fb feed mo na nasa EK ka, via blackberry, hahaha! happy happy sa inyo at damihan nyo pa. ibang klase talaga ang sakit sa katawan no, lalo na kung wala ka namang ginawa para makuha yun, hehehe.

    ReplyDelete
  12. picture lang masaya na ako.. hehehe

    ReplyDelete
  13. Happy Easter din. :) Gusto ko din matry yung EKstreme, I'm glad wala akong kiliti. Haha. Ikaw na ang bumabakasyon.

    ReplyDelete
  14. pasensya na sir, moment nyo po yun sa EK, tsaka wala kasi ako pera wahehehehe :D

    ReplyDelete
  15. Enjoy Boracay! Oh, and if you rode Space Shuttle Max at EK, that might be the reason your back is aching.

    ReplyDelete
  16. Haay I'm so back. Enjoy Bora G1Bo! Kaya pang papayat yan, ilang araw na pagtakbo lang yan! :D

    ReplyDelete
  17. ang tagal kong di napasyal dito ah.
    musta na?

    gustong gusto ko din ung game of thrones kasi peboreyt ko si sean bean eh.

    ReplyDelete
  18. ano uli yun nakakakiliti sa balls?

    ReplyDelete
  19. Ikaw na ang ultimate Bora boy!!!

    ReplyDelete