Mar 3, 2011

KWENTONG BAD DAYS

Mag-eemote lang ako ng konti. Di naman talaga ako emo ngayon. Marami naman magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon pero gusto ko lang alalahanin ang mga araw na hindi ko makakalimutan. Hindi ito yung mga araw na sobrang saya ko. Eto yung mga sinasabi nating ‘worst days of our lives.’

Naisulat ko na ang ilang sa mga pinakananlulumong araw ng buhay ko. Gaya nung tinakbuhan ako ng date ko. Well, basically lahat ng disaster dates ko eh worst days of my life. Pero yung ilan sa ilalathala ko ngayon eh yung mga nakapagpa-emo sa akin ng sobrang tindi.

*************
UP DREAM
Filingero ako noong bata ako. At kahit na bagsak-bagsakan ako sa mga grades ko noong high school eh feeling matalino ako. Akala ko noon sisiw lang yung UPCAT. Yung kursong kinuha ko pa ay journalism. At dahil manunulat ako sa aming dyaryo sa paaralan, akala ko kaya kong ipasa ang test ng unibersidad na ito.

Akala ko’y nagsakripisyo din ako noong nilakad ko mula Ateneo sa Katipunan pabalik ng UP dahil naligaw ako at dahil sa sakripisyong iyon ay matatanggap ako. Ang lakas ng loob ko na matatanggap ako dun at hindi man lang ako nag-apply sa ibang pamantasan, doon lang at sa La Salle.

Pero mali lahat ng akala ko. Hindi pala ako matalino. Konti lang. Bumagsak ako. Hindi ako natanggap.

Ang sakit sakit sa ego. Feeling ko gumuho ang mga pangarap ko. Inisip ko baka maging isa akong tambay at palamunin sa kanto. Sobrang nadepress ako nang malaman ko ito. Kulang na lang maging suicidal ako.

Sa sobrang panlulumo ko nilagnat ako ng isang linggo. Namayat ako noong mga panahong iyon. Nilayo ng nanay ko ang kumot sa takot na ako’y magbigti bigla. Bawal ang kutsilyo sa bahay. Ewan ko ba, hindi naman nag-eexpect ang magulang ko na makakapasok ako dun, pero sobrang apektado ako.

Natakot lang siguro na hindi ako makakapagkolehiyo.

*************
NANG MAGPAALAM SI JOY
Ilang beses ko nang nabanggit sa blog na ito si Joy. Siya yung akala ko noon na the one. Siya yung nakawala. Yung kaibigang di pwedeng mahalin.

Noong mga panahong iyon patay na patay ako kay Joy. As in wala na akong ibang iniisip kundi siya. Walang ibang inaalala kundi siya. Walang ibang pinapansin kundi siya. At ang malala pa, eh sobrang close namin na magkaibigan. Bunso siya at only child ako, kaya parang kapatid na ang turing namin sa isa’t-isa.

Humingi ako kay Lord noon ng sign kung magiging kami ba. Sinagot naman niya kaagad. As in kinabukasan. At ang sagot niya ay isang malaking hindi.

Lumapit sa akin si Joy nun, excited na ibinalita sa akin na lilipat na siya ng programa sa kumpanya, at magiging pang-umaga na siya. Sobrang nawasak ang puso ko nun. Tag-ulan.

Sobrang emo ko noong araw na iyon. Yung tipong hinahayaan kong itago ng mga patak ng ulan ang luhang dumadaloy s aking mga mata. Iniyakan ko talaga siya ng sobra.

At kamalas-malasan pa eh nung itinulog ko sa fx ang aking kalungkutan, sinira ng ale ang moment ko. Ginising ako ng atribida dahil napapasandal na ang ulo ko sa balikat niya. Bwiset siya. Insensitive. Gurang.

*************
Hindi ko talaga malilimutan yung mga araw na iyon. Minsan pag inaalala ko siya, iniiyakan ko, pero madalas tinatawanan ko na lang.

Naaamaze lang ako, kasi tuwing binabalikan ko siya, naaalala ko na noong mga panahon na iyon, sobrang nag-aalala ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakamove-on sa mga nangyayari sa akin. Akala ko dun matatapos ang buhay ko. Akala ko dun na nagtatapos ang lahat.

And then narerealize ko, nakamove-on ako. At nagpapasalamat ako, dahil kung gaano kabigat sa dibdib nung mga naranasan ko, mas marami pa rin ang mga maliligayang araw sa buhay ko.

Kayo, anong nangyari sa mga bad days ninyo?

20 comments:

  1. madame ako bad days. siguro dahil tingin ko sa kanila bad days..kahit pwede ko naman i-oppose yun.

    Nag-apply din ako sa UP. Kase kala ko matalino din ako. Tapos hindi ako nag-aral mabuti kase tinatamad ako. Kaya hindi ako pumasa. Pero isang tulog ko lang nakalimutan yun.

    Bad day ko? Ewan ko din... ayuko mag-emo sa page mo...hahaha

    ReplyDelete
  2. Ako yung tao na hindi hinahayaan na masira ang araw dahil lang sa mga kunting bagay na hindi naman dapat problemahin.kumuha rin ako ng UPCAT dati, pero hanggang sa application lang..kulang kasi sa support galing sa mga magulang...but that doesnt stop me from achieving my dreams...marami pa namang paraan e.


    natawa ako dun sa ale...eh hindi naman kayo close no.ahahhahaa

    ReplyDelete
  3. grabe pala sir ng depression na nadama ninyo nung bumagsak kayo sa UPCAT. pero buti na lang di kaya nakahawak ng kumot at kutsilyo.

    ReplyDelete
  4. Oh, we each have our own set of bad days. Pero pareho tayo sa first on the list mo! Feelingero. Haha. I think I've already told that story on my old blog.

    ReplyDelete
  5. omg! nakakatuwa talaga balikan yung mga araw na emo-emohan tayo, akala nga natin di tayo makakamove on, pero look at us now, stronger than ever. meganon!? haha

    ReplyDelete
  6. dati pagka dumarating ang bad days, depressed ang drama ko. as in sobrang iyak kung iyak ang drama, tipong inuubos na lahat ng luha (parang oa na yata yun. hehehe).

    pero ngayon, gawa na din marahil ng pagtanda (kahit aminado naman akong bata pa), eh nahahandle ko na ng maayos ang bad days ko. i just sit down, reflect, pray, and go on with my life.

    i realized, wala naman kasing mapapala kung iiyak lang ako sa isang sulok diba? eh di tawanan ko nalang, may maganda pang maidudulot sakin yun. sabi nga, whenever you fall, there's no other thing to do than to stand up tall.

    hahaha. blog post na ata to. hindi na comment. :D

    ReplyDelete
  7. bakit dati di ko pinangarap na mag-aral sa UP? hahaha.

    bad day? pag nakaaway ko ung caller ko na kano. haha :P

    ReplyDelete
  8. Naalala ko after HS eh kumuha ng application form for Ateneo ang ina ko. Nagbayad ng fee na 500php, tapos after isang araw na realize nya na mahirap magpaaral sa Ateneo. At hindi ren ako bagay don kase gusgusin me much. Haha.

    Sa kwento mo kay Joy ay may naalala ako ng bonggang bongga. Naiiyak me much. Mygaaaaad I heyteeeet.

    ReplyDelete
  9. bad days? punta ka sa blog ko hahaha wala kang mababasa weheheheh (ganun ang bad days sa akin) minsan may mababasa ka pero walang kwenta puro reklamo :P whehehe sabagay ganun din naman kahit good eh hekhek

    ReplyDelete
  10. One of those bad days is when I found out an ex was cheating on me (with not just one, but five others). Tapos ang reason niya ay hindi daw siya nasatisfy in bed. Ever. Say huwaaat?

    Took me years to get over him.

    ReplyDelete
  11. naku usapang entrance exam, ako gusto ko talagang maging computer engineer pero salamat sa mga quota course na yan, pasado pero di umabot. gusto ko rin sana magPT kasama ang mga kaibigan ko at titira kami sa iisang bahay, ayun di ako pinayagan. pero masaya naman ako sa natapos ko, yun lang di umabot ng med.

    oo, tumpak plangak nakakatuwa pag narealize mo na nakamove-on ka pala na kala mo dati ni katiting di mo kaya, meganown! parang may pinaghuhugutan haha.

    ReplyDelete
  12. @maddeningcrowd grabe naman yong 5 others, hehehe anu sya m....k? sorry po.

    ReplyDelete
  13. bad day?
    it's all in the mind
    hehe
    sige, di ko na muna sisirain ang moment mo
    alam mo naman ako, indifferent
    nyahaha

    ReplyDelete
  14. Mabuhay at buhay ka pa chong... walang bad day kung iisipin mong good day ang lahat kahit may consequences.. :)

    ReplyDelete
  15. okaaay, napraning ako sa comment ni maddeningcrowd. lol.

    bad day? sunday yun, galing akong lopez, quezon. wala pang tulog pero umalis ako ng 6pm papuntang los banos. sabi kasi nung dinedate ko nun gusto niya daw ako makita. byahe for 5 hrs. tapos inantay ko siya hanggang 2am kasi may ginagawa pa daw siya. sobrang pagod na ako kaya naglaklak ako ng isang boteng cobra.

    tapos nung nagkita na kami, sabi niya itigil na daw namin pagdedate namin. ayaw niya na daw.

    at dahil naka-cobra nga ako, di ako makatulog. tuesday na ng 5am ako dinalaw ng antok.

    ReplyDelete
  16. Apat sa mga kaklase ko nung highschool nagpakamatay nung malamang hindi sila pasado sa UPCAT.

    joke.

    pero ang OA nila nun grabe. di ako maka-get over.

    ReplyDelete
  17. wala naman masama maging feelingero basta alam mo limitations mo tsaka dapat matutunan na bumangon :)

    ReplyDelete
  18. Nako, kalimutan mo na lahat yung mga panahon na yun. Or at least, gamitin mo sila na motivation sa buhay mo. =))

    ReplyDelete
  19. Laging bad days kapag nawala yung taong mahal na mahal mo. :(

    Hanggang ngayon nanghihinayang pa din ako na hindi ko man lang nasubukan na kumuha ng exam sa UP!

    ReplyDelete
  20. di hamak
    mas matino anman sa beda kesa sa up
    naku
    ang daming mag-rereact dito
    hehe

    ReplyDelete