Mar 31, 2011

I GUESS THIS IS IT... THIS IS REALLY IS IT

I have been staring at my monitor for quite some time now.


Looking at editing my profile, whether or not to change my status.


Single.


It’s been more than 10 months. I have been single for 28 years, pero when you go back to status quo, hindi nawawala yung bigat na nararamdaman. Masakit.


I’ve always told myself that I’ll be ready whenever Kasintahan decides to let me go. Na tatanggapin ko ng maluwat kapag dumating yung araw na ayaw na niya sa akin. Alam kong darating yung araw na yan.


Maraming dahilan kung paanong hindi kami bagay. The age gap. Yung talino niya. Mga hilig namin. Pero hindi pa rin ako naging handa. Ang bigat sa loob. Ganito pala kasakit pag iniwan ka. It came out of the blue. Yes, we do have our arguments, but I did not expect for it to build up to this. I did not expect that this will end with goodbye.


I feel like shit. I feel like crying. Tang ina, nasa office ako, ang pula ng mata ko. Gusto ko sumigaw. Wala akong ganang magtrabaho. I just want to know why.


Shit, we’re supposed to go to Bohol.


I can’t say ‘kasintahan’ anymore.


Wala nang mangungulit sa akin bago ako matulog.


I just wrote about our theme songs.


Hindi man lang kami umabot ng anniversary.


Di ko alam kung makakahanap pa ako ng isang katulad niya na magmamahal at tatanggap sa akin.


Ayokong maging emo, pero shit. SHIT!!!




I don’t know if you can still read this. If you will read this. This may not mean much to you, but do know that I love you. I always will. You have a new chapter in your life. One without me. But I pray it will still be happy.




I’m staring at my facebook page.


I can’t make that change…


:(


*******************


Dahil patapos na ang araw, I will come clean. Ito ang aking April Fool's Day post ko.


Mayroon pa rin akong Kasintahan.


Sa lahat ng nagmensahe sa akin, maraming salamat sa pag-aalala. Pasensya na sa kalokohan ko. Apat na taon ko nang nais makapagsulat ng April Fools Day na post at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.


Salamat sa concern.

Mar 27, 2011

THEM SONGS

Medyo matagal tagal nang nirerequest ni Kasintahan sa akin na ishare sa benteng nagbabasa ng blog ko ang aming mga theme songs.

Kaming dalawa paiba-iba ang kanta dahil pareho kami mahilig sa musika. Pero malaki ang aming pagkakaiba. Mahilig siya sa melody, habang ako naman ay sa lyrics. Isa pang pagkakaiba namin, sobrang paborito niya si Mariah Carey, habang ayaw ko naman sa kanya. Minsan nag-aaway pa kami dahil dyan.

Pero hindi ito tungkol sa mga pinag-aawayan namin, so simulan na natin. Babala, medyo cheesy ang mga kanta namin... and jologs.

AT LAST
Theme song ko 'to para sa kanya. Sa mga hindi pa nakakaalam ng kwento namin, bago naging kami pitong buwan kaming magkaibigan lang. As in alam mong may feelings kayo sa isa't-isa pero hindi masabi sa kanya. Kaya sobrang nakakarelate ako sa kanta. Sa wakas, naging akin din siya.

PANGAKO SA'YO
No judgements, i find the song sweet. Kanta niya ito para sakin kasi noong bago pa lang kami, meron kaming mga pagdududa kung magtatagal ba kaming dalawa. Ang sweet lang.

NGAYON AT KAILANMAN
Isa pang awit na pinili niya para sa amin. Naaalala ko nung tinext niya sa akin yung lyrics. Akala ko pa naman compose niya kasi ang ganda ganda ng mga salita. Yun pala galing sa kanta. Alam ko lang noon pangkasal siya, pero yun pala pag mahal mo talaga yung tao, tatamaan ka sa mensahe ng awit.

BEST DAYS
Matagal ko nang paborito itong awit na ito ni Matt White. Upbeat. Light. Sa totoo lang, pareho kaming mahilig sa musika, pero ang taste namin medyo magkaiba. Si Kasintahan paborito si Mariah Carey, Muse, Radiohead at Justin Bieber habang ako naman ay James Morrison at Jon Mclaughlin. Pero nung pinarinig ko itong kanta sa kanya nagkaroon na kami agad ng something in common.

SO CLOSE
Noong nanuod kaming dalawa ng dvd ng Enchanted minsan, nainlove siya sa kantang ito. Tamang-tama dahil matagal ko nang gusto itong kantang ito ni Jon Mclaughlin. Sa totoo lang medyo malungkot yung kanta at hindi pang magsyota pero itong kanta kasing ito eh merong significance saming dalawa kaya mahal namin ito.

SMACK INTO YOU
Isa pa naming paboritong kanta. Well, mostly sakin dahil ito talaga yung pinakapaborito kong awitin. At sobrang naaappreciate ko sobra na gusto niya yung kanta. Maganda naman talaga kasi siya.

SIGNALFIRE
Pinag-awayan namin ito kanina lang. Hindi dahil sa di kami nagkasundo, pero basta mababaw lang. Anyway, isa ito sa mga paborito kong kanta at isa ito sa mga pinakamagandang wedding songs para sakin. Hindi naman sa umaasa akong ikakasal ako sa kanya (malabo naman mangyari yun), pero kung sakali man mangyari yun, itong awit na ito ng Snow Patrol yung nakikita ko na patutugtugin sa kasal namin.

VCR
Isa sa mga paboritong klase ng mga awit na gusto ni Kasintahan ay mga indie music. At itong kanta ng The XX ang pinakapaborito niya. Sa sobrang paborito niya pinadownload niya agad sa akin yung kanta. At dun ako natutong magdownload ng kanta gamit ang blackberry ko. Maganda yung kanta, di ko pa lang gets masyado yung lyrics, pero masarap siya sa tenga.

THERE FOR ME
Ito lang ang awit ni Mariah Carey ngayon na sobrang pinilit niyang ipakinig sa akin. As in nag-away kami dahil sa kantang ito. Pero noong napakinggan ko, nagets ko kung bakit gustung-gusto niyang maging theme song namin ito. Dahil nakakarelate siya sa kantang ito. Ako daw yung taong pinatutukuyan ng kanta para sa kanya. Ito lang yung kanta ni Mariah na natotolerate ko.

IT MIGHT BE YOU
So cheesy and so 90's high school, I know. Pero ganun talaga siguro. Una naming awitin ito dahil nga nakakarelate siya sa kwento ng kanta. Dahil noong umpisa mayroon kaming pagdududa kung para kami sa isa't-isa. Pero gaya ng sabi sa kanta... "something's telling me it might be you." Kaya ayun na. "Maybe it's you I've been waiting for all of my life." Siya na nga.

Kayo ano ang awitin niyo sa Kasintahan ninyo?

Mar 14, 2011

SA MGA NAGTATANONG

Natutuwa ako dahil kahit nawawala ako ay marami pa rin ang nangangamusta at naghahanap sa akin.


Kahit nakikichismis lang kung sino ba yung dalawang blogger na nagdedate. Gaya ng sinabi ko wala akong sasabihin tungkol dito. Tikom ang aking bibig.



Anyway ang isa pang madalas na itanong sa akin ay tungkol kay Joy. Bakit daw ba madalas kong nababanggit ang taong ito sa mga blog ko. Parang di pa nakakamove-on ba. Hindi naman sa ganun. Matagal na akong nakamove on dun. May Kasintahan na nga ako.



Pero syempre, hindi naman na maikakaila na malaking bahagi rin yung taong iyon ng buhay ko. Hindi lang dahil sa minsan ko siyang pinagnasahan kundi dahil hanggang ngayon ay isa siyang mabuting kaibigan. Tsaka andami naming pinagdaanan niyan.



  • Ang paghihiwalay nila ng siyam na taon niyang syota.

  • Ang pagdala ng tanghalian para sa akin sa opisina.

  • Ang pag-amin ko sa kanya ng aking nararamdaman.

  • Ang hindi pagkikita ng mahigit dalawang taon.

  • Bankruptcy era.

  • Ang pagpapadate sa kanya sa isang kaibigan.

  • Ang epic fail ng kanilang date. As in EPIC!!!

  • Ang mga kalokohan niya sa kanyang relasyon ngayon.

  • Ang pakikiramay sa aking depression moments bago naging kami ni Kasintahan.

  • Mga Tagaytay at road trip moments.

  • At higit sa lahat ay ang mapagkatiwalaan ng masalimuot na kwento ng kanyang nakaraan.

Konti lang yung mga kaibigan ko na ganun ka-open sa akin kaya pinahahalagahan ko yun. May pagkaphobic yun sa mga taong katulad ko ang preference, pero sobrang tanggap niya pa rin ako. Kahit pa noon inamin ko na mahal ko yung tao. Malaking bagay na sa akin ito.



Mar 8, 2011

WALANG KAKWENTA-KWENTANG KOMENTARYO

Medyo matagal-tagal bago ako nakakapag-update ngayon dahil walang laman ang utak. Puros pilit na post lang. Umaandar lang ang pagiging mediocre blogger natin. Wala lang talagang maisulat. Pasensya na rin kung di ako masyadong nakakablog hop. Bawal na kasi sa opisina ang mag-internet. Kaya patakas na lang ako gumamit nito. Masunuring empleyado lang. Sa bahay naman, tulog lang ang inaatupag ko madalas.

Kaya eto muna. Mabilisang Komentaryo muli. Dahil mahilig akong magbigay ng mga kumentong hindi naman hinihingi.

AMERICAN IDOL
Nagbago ang isip ko mula ng nagkaroon ng Top 40. Dati nabanggit ko na nakakaantok ang palabas na ito. Pero binabawi ko na ang sinabi ko. Ang gagaling ng mga talento ngayong taon. Walang patapon. Well, meron pero kaunti lang. Natutuwa ako’t may nakapasok na Pilipino. Mas natuwa ako nang matanggal si Clint. Nakakairita lang yung boses niya. At mas nakakairita yung ugali. Ang mga gusto ko ngayon sina Thia, Casey, Pia at Scotty.

**********
MOMMY
Kaarawan niya ngayon. Unfortunately, wala na akong pera. Nangutang na ako last week sa tatay ko. Kaya yung hinihingi niyang regalong cake sa akin ay hindi ko maibibigay L Sabi ko sa kanya bili na lang siya tapos irereimburse ko sa sweldo. Pero di ko kinaya ang gusto niyang cake… Mango Bravo ng Conti’s.

**********
EFBEE
At dahil birthday ng nanay ko… ibig sabihin birthday din ngayon ng isa kong blog friend. HAPPY BIRTHDAY EFBEE aka Ferbert Bautista aka Kokeymonster!!!

**********
SUMMER
Umiinit nanaman. Gumising ako kanina na pinapawisan. Kulang nanaman sakin ang isang electric fan. Ibig sabihin niyan summer na!!! Pero kanina nalate ako pumasok. Kasi ang lakas ng ulan, bigla sa amin bumaha. Something tells me it’s gonna be one wet summer. I like.

**********
PIMPLES
Nagpapasalamat ako’t hindi masyadong tigyawatin ang mukha ko. Kung meron lumalabas ay paisa-isa lang. Kaya lang lately dumarami ang nagiging tagyawat ko. Ang problema kung saan saang parte ng mukha ko siya lumalabas. Sa likod. Sa dibdib. Sa pwe—likod. Masyado na ba talaga ako mataba at buong katawan ko ay naglalangis at naglalangib? Bwiset!!!

**********
TRABAHO
Dahil sa naganap na rigodon sa amin ngayong buwan, ay nagkaroon nanaman ako ng bagong team. Bagong boss. At bagong titulo. Napaisip ako kung handa na ba ako para dito. Syempre dahil sa bagong titulo, ibig sabihin na magkakaroon na ako ng mas maraming responsibilidad. Nagpapasalamat ako na kahit minsan ay pepetiks petiks ako, ay nabibigyan pa rin ng pansin ang aking trabaho. Wish ko lang na kaakibat ng bagong titulo ay isa pang pagtaas sa aking sweldo (Malabo!!!).

**********
OUTSOURCED
I just want to promote this show to you guys. I want to spread the word on how hilarious this show is and a bit relatable to a lot of Filipinos. Outsourced is a show about a Specialty Items Company Manager who was transferred to India to run their company’s outsourced call center. This is funny because watching the show, I remember a lot of my experiences when I was working for the industry. The customers, other agents, upselling, spiels. Just about everything that made working in a call center fun. Plus we get to learn a little about the Indian culture too. I love Gupta. And Mardri. I think 2nd Avenue will start showing the sitcom this month (if it hasn’t started already).

(Kailangan talagang English yung post na yan nang malpractice naman ang English ko. Tagal ko nang di nakakapagsulat sa ingles.)

**********
BLIND ITEM
May nasagap akong tsismis na may dalawa akong kaibigang blogger na nagdate. Nakakatuwa lang dahil pareho ko sila kaibigan. Hindi ko alam kung saan ang patutunguhan ng kanilang paglabas labas. Pero masaya ako para sa kanila. Two less lonely people in the world. Good luck sa inyong dalawa!!!

Wag niyo na rin akong tanungin kung sino sila, dahil hindi ko sasabihin. Basta naexcite lang ako. Hopefully mabawasan na ang mga emo post sa blogosperyo ngayon.

**********
SIGNS…
Na tumataba na ang kaibigan ko. Hindi na siya makatingin sa salamin. Ayaw na niya masyado magpapicture. Kailangan na raw niyang bumili ng mga bagong pantalon. Nahihirapan na siyang huminga minsan. Lumulubog na yung isang parte ng kama niya. Natutulog na bukas ang ilaw dahil hindi na nakakabangon sa gabi para patayin ito dahil sa bigat ng katawan. At nakasimangot na ang mga katabi niya sa fx pag sa gitna siya umuupo.

Ang totoo, wala talaga akong kaibigang ganyan. Ako yan.

**********
Yan na muna. Saka na ang cohesive na post. Pag nagka-inspirasyon na ako ulit.

Mar 3, 2011

KWENTONG BAD DAYS

Mag-eemote lang ako ng konti. Di naman talaga ako emo ngayon. Marami naman magagandang nangyayari sa buhay ko ngayon pero gusto ko lang alalahanin ang mga araw na hindi ko makakalimutan. Hindi ito yung mga araw na sobrang saya ko. Eto yung mga sinasabi nating ‘worst days of our lives.’

Naisulat ko na ang ilang sa mga pinakananlulumong araw ng buhay ko. Gaya nung tinakbuhan ako ng date ko. Well, basically lahat ng disaster dates ko eh worst days of my life. Pero yung ilan sa ilalathala ko ngayon eh yung mga nakapagpa-emo sa akin ng sobrang tindi.

*************
UP DREAM
Filingero ako noong bata ako. At kahit na bagsak-bagsakan ako sa mga grades ko noong high school eh feeling matalino ako. Akala ko noon sisiw lang yung UPCAT. Yung kursong kinuha ko pa ay journalism. At dahil manunulat ako sa aming dyaryo sa paaralan, akala ko kaya kong ipasa ang test ng unibersidad na ito.

Akala ko’y nagsakripisyo din ako noong nilakad ko mula Ateneo sa Katipunan pabalik ng UP dahil naligaw ako at dahil sa sakripisyong iyon ay matatanggap ako. Ang lakas ng loob ko na matatanggap ako dun at hindi man lang ako nag-apply sa ibang pamantasan, doon lang at sa La Salle.

Pero mali lahat ng akala ko. Hindi pala ako matalino. Konti lang. Bumagsak ako. Hindi ako natanggap.

Ang sakit sakit sa ego. Feeling ko gumuho ang mga pangarap ko. Inisip ko baka maging isa akong tambay at palamunin sa kanto. Sobrang nadepress ako nang malaman ko ito. Kulang na lang maging suicidal ako.

Sa sobrang panlulumo ko nilagnat ako ng isang linggo. Namayat ako noong mga panahong iyon. Nilayo ng nanay ko ang kumot sa takot na ako’y magbigti bigla. Bawal ang kutsilyo sa bahay. Ewan ko ba, hindi naman nag-eexpect ang magulang ko na makakapasok ako dun, pero sobrang apektado ako.

Natakot lang siguro na hindi ako makakapagkolehiyo.

*************
NANG MAGPAALAM SI JOY
Ilang beses ko nang nabanggit sa blog na ito si Joy. Siya yung akala ko noon na the one. Siya yung nakawala. Yung kaibigang di pwedeng mahalin.

Noong mga panahong iyon patay na patay ako kay Joy. As in wala na akong ibang iniisip kundi siya. Walang ibang inaalala kundi siya. Walang ibang pinapansin kundi siya. At ang malala pa, eh sobrang close namin na magkaibigan. Bunso siya at only child ako, kaya parang kapatid na ang turing namin sa isa’t-isa.

Humingi ako kay Lord noon ng sign kung magiging kami ba. Sinagot naman niya kaagad. As in kinabukasan. At ang sagot niya ay isang malaking hindi.

Lumapit sa akin si Joy nun, excited na ibinalita sa akin na lilipat na siya ng programa sa kumpanya, at magiging pang-umaga na siya. Sobrang nawasak ang puso ko nun. Tag-ulan.

Sobrang emo ko noong araw na iyon. Yung tipong hinahayaan kong itago ng mga patak ng ulan ang luhang dumadaloy s aking mga mata. Iniyakan ko talaga siya ng sobra.

At kamalas-malasan pa eh nung itinulog ko sa fx ang aking kalungkutan, sinira ng ale ang moment ko. Ginising ako ng atribida dahil napapasandal na ang ulo ko sa balikat niya. Bwiset siya. Insensitive. Gurang.

*************
Hindi ko talaga malilimutan yung mga araw na iyon. Minsan pag inaalala ko siya, iniiyakan ko, pero madalas tinatawanan ko na lang.

Naaamaze lang ako, kasi tuwing binabalikan ko siya, naaalala ko na noong mga panahon na iyon, sobrang nag-aalala ako dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakamove-on sa mga nangyayari sa akin. Akala ko dun matatapos ang buhay ko. Akala ko dun na nagtatapos ang lahat.

And then narerealize ko, nakamove-on ako. At nagpapasalamat ako, dahil kung gaano kabigat sa dibdib nung mga naranasan ko, mas marami pa rin ang mga maliligayang araw sa buhay ko.

Kayo, anong nangyari sa mga bad days ninyo?