Dec 9, 2010

GOOD VIBES

Good vibes ako these days dahil...
  • Malapit nang magPasko at may mga nakuha na akong regalo.
  • Simula December 20, isang linggo akong walang pasok.
  • Sabi sakin ni Kasintahan, "I don't need anything kasi I'm fine with you na as my gift." Makakatipid na ako sa regalo sa kanya this Christmas. :P
  • Nagbalikbayan ang aking Lola mula San Diego. Ibig sabihin madami nanamang masarap na pagkain sa bahay!!!
  • Kahit inaaway ako, meron pa ring nagbabasa at naaapektuhan sa mga sinusulat ko.
  • For the first time in many years, naglagay ng Christmas lights sa bahay namin ang tatay ko.
  • Mukhang mag-iitlog na yung nahuli naming parakeet last month.
  • Dumating na yung gift kong Starbucks Tumbler para sa nanalo sa pacontest ko. Cute. Galing Taiwan.
  • Kahit wala akong pera, mainit naman ang Pasko ko. Yiii cheesy.
  • For the first time ulit, nanalo ako ng GC sa office namin. Mas maganda sana kung yung SLR o kaya yung IPad. Pero sa Sabado na yun.

Ikalat sana natin ang Good Vibes ngayong Kapaskuhan.

Nawa'y lahat tayo'y maging masaya sa mga susunod na bukas!!!

25 comments:

  1. Kailangan ko ng good vibes. Wala pang aampon sa 'kin sa Pasko. Huhuhu. :(

    ReplyDelete
  2. Haha. Good vibes, good vibes. Nakakainggit ang good vibes. Sa akin, walang nangyayaring maganda ganda. Ang lamig lamig lamig lamig pa ng pasko ko. Haha. Payn! Ako na miserable.

    ReplyDelete
  3. kelangan ko ng good vibes! kailangang kailangan...

    Nawa'y lahat nga tayo's maging happy ang mga susunod na bukas..

    Good vibes..Good vibes.. :-D

    ReplyDelete
  4. jepoy, yow at gasul:

    pansin ko lang pare-pareho ang anggulo ng mga ulo niyo sa pictures niyo.

    hahahaha

    ReplyDelete
  5. pasali naman ako jan sa good vibes na yan.. hehe!

    ReplyDelete
  6. ang saya good vibes sila... wahehehe... pashare... wahehehe

    ReplyDelete
  7. "I don't need anything kasi I'm fine with you na as my gift." Makakatipid na ako sa regalo sa kanya this Christmas. - I smiled with this one. But surprise your 'kasintahan' pa rin. :p

    ReplyDelete
  8. Kailangan ko rin ng good vibes!

    Congrats sa napanalunang GC. :)

    ReplyDelete
  9. geevee geevee na!!!!!!!!!

    huy tirhan mo kami ni moret ng chocolates ha! para pag nagpunta kami sa inyo hahahaha :D

    happy Christmas manong Gibo! :D

    ReplyDelete
  10. yun oh... cheers on that.... every sucess you got... cheers.... congrats on that :D

    share the good vibes :D

    ReplyDelete
  11. can't find your email here. send mo sa email ko. =)

    ReplyDelete
  12. tama ka dyan gillboard, sana nga kumalat ang good vibes para masaya. :D

    advance happy holidays sayo. :D

    ReplyDelete
  13. oo nga tirhan mo kami ng chocolates na dala ni Lola, naks close hehe

    Sabi sakin ni Kasintahan, "I don't need anything kasi I'm fine with you na as my gift."

    -haaay kasintahan, iba ka talaga!!! ang haba ng hair moooo

    ReplyDelete
  14. sign yan ng pagiging sikat, dumadami haters!

    pa-autograph sa meeting natin! hihi
    sama mo si kasintahan.. =)

    kelan nga ba yun? excited na meee sa tumbler ko!

    ReplyDelete
  15. oonga tirhan mo kami ng chocolates na dala ni Lola, naks close hehe

    Sabi sakin ni Kasintahan, "I don't need anything kasi I'm fine with you na as my gift."

    -haaay kasintahan, iba ka talaga!!!
    ikaw na Gil ang saksakan ng haba ng hurrrrrr....

    ReplyDelete
  16. Pasko na nga! Ang ganda ng vibes! :)

    ReplyDelete
  17. pasagap naman ng GV!

    salamat in advance sa xmas gift. hehehe

    ReplyDelete
  18. Kelangan ko din ng good vibes. May mga di kaaya-ayang karanasan ako ngayong araw na ito... isa pa, mukhang di ko na make-claim ang prize ko na free lunch (sad si me) pero good for you kasi makakabawas ka ng gagastusan wehehehehe

    ReplyDelete
  19. 2 taon na yung lovebirds ko, parakeets, di pa nabubuntis si mrs. gusto pa yatang magpa fertlity treatment eh. anong ginawa nyo at napaitlog nyo parakeet nyo?

    ReplyDelete
  20. nice dude! Spread good vibes and positivity. Xling naman dyan oh. :)

    ReplyDelete
  21. ikaw na, gillboard, ikaw na ang good vibes ngayong pasko!

    kahit minsan, hindi pa 'ko nananalo sa kung anu-anong parapol shit na 'yan. tae lang.

    at muka ngang naglalagablab ang pasko mo. yikee!

    ReplyDelete
  22. Ako rin kelangan ko ng good vibes lalo na ngayong pasko. Medyo maraming iniisip eh whether tama ba mga pinaggagawa ko dis 2010. Sna nga mahawaan mo ko ng good vibes sa pagpasok ng 2011!!! Yahooo!

    ReplyDelete
  23. good mood na good mood tayo, ah!
    ayos yan at spread the vibe!

    ReplyDelete