Oct 2, 2010

CONTEST

Sa susunod na buwan, si Gillboard ay magcecelebrate ng kanyang ikalimang taong anibersaryo sa blogosperyo.

Para maiba naman, nais kong ibalik ang aking pasasalamat sa lahat ng dumaan, nagbasa, nagkumento, nagpakilala at naging mga kaibigan sa pamamagitan ng isang pakulo.

Five years na ako dito, ngayon lang ako magpapakontes. Sana ay suportahan ninyo, medyo ayus naman ang mga ipamimigay ko.

Isang power balance bracelet.

Isang starbucks mug.

Isang starbucks cellphone accessory.

Plus libre lunch pag iclaim na yung price. Pag may maisip pa akong ibang price, update ko kayo.

Simple lang naman ang hihingin ko. Di ko kailangan ng picture o kung ano pa man. Sagutin niyo lang ang tanong na ito:

Ano ang paborito mong post ni Gillboard at bakit?

Sagutin niyo lang sa pamamagitan ng kumento sa post na ito. Isang sagot isang entry. Kung more than one post ang paborito ninyo, paghiwalayin ninyo. The more entries you send, the more chances of winning. Syempre dapat willing din kayo makipagmeet para di masayang yung mga premyo. Minsan ko lang gagawin to kaya sali na!!!

Contest closes October 31 at ang grand draw ay sa anibersaryo mismo ng blog ko.

*********
PS
Pag ang manalo ay malayo sa Maynila, pwede ko naman ipadala sa inyo. Sagot ko na pa-LBC. Pero walang libre lunch.

41 comments:

  1. Ay :( nalungkot ako di ako malayo pa ko

    ReplyDelete
  2. weee....kahit sobrang layo, like calif? ehehe

    ReplyDelete
  3. oh gusto ko yung power balance bracelet : D

    ReplyDelete
  4. Sana po ako'y inyong naalala. Matagal-tagal rin akong nawala. Haha!

    Eh bigtime ka na pala ngayon, namimigay nalang ng power balance bracelet at starbucks items.

    Cool ang pakulo mong ito pero hindi ako makakasali, matagal akong nawala, marami akong namiss na blog posts mo at nalimutan ko na yata yung mga nabasa ko. Haha!

    ReplyDelete
  5. Asan po ang DTI-BFAD permit ng promo na ito?

    ReplyDelete
  6. ipadala ko na lang yung details nung pagpapadalahan mo ng premyo dito sa disyerto... antayin ko ha? tenchu! lol

    ReplyDelete
  7. Marami akong gustong post mo sa last 400+ posts mo. Di ko na maalala yun iba. Baka mag backtrack ako ng mga kwento mo pero aabutin ako next to complete it. pwedeng lahat na lang? hehehe!

    =)

    ReplyDelete
  8. if I have to introduce your blog to others, etong entry na to ang ibibida ko:

    "Laurie, I'm married..." bulong ko.

    Nilapit ni Laurie ang mukha sa akin, at pinagdikit ang aming mga pisngi. Bumulong siya sa akin...

    "Me too,"


    natatak sakin yan. kahit repost nga binasa ko ulit.
    thumbs up! ;)

    ReplyDelete
  9. ps: taga MoA lang ako. *winks*

    ReplyDelete
  10. nakanaman may pa-contest... teka teka, ang dami parekoy eh. Kaso di ako swerte sa mga contest na yan. Pero subukan ko...

    TAX Included na ba?

    ReplyDelete
  11. gillboard mas malapit ang makati di ba? along delarosa pa...

    HAHAHAHHAA@chyng.

    will back read now!!

    ReplyDelete
  12. hala naunahan ako ni Chyng...

    yung parehong married ang pinakagusto ko sa mga nabasa kong posts mo, altho I must admit marami ka pang older posts ang di ko pa nababasa, pero simula nung i-follow kita, that post put you among my best writers in the blogosphere.

    ang swabe ng linya sa kwentong yun. parang pelikula... :p

    ReplyDelete
  13. Wow! 5 years ka n pla dito? Amazing!

    ReplyDelete
  14. magka-age pala halos blog natin. nauna ka lang ng few months. congrats in advance :)

    ReplyDelete
  15. gusto kong i-try ang luck ko (di pa ata kasi ako nananalo sa mga ganitong contest)

    ENTRY #1
    tanong: Ano ang paborito mong post ni Gillboard at bakit?

    sagot: KWENTONG ONDOY

    bakit?: Dahil dito ko naramdaman ang katotohanan ng buhay. dito naghalo ang realidad at ang kathang isip. Marami ang naantig/nadala sa kwento. Nagpakita ng pag-asa at paglaban sa buhay. Napapanahon. Higit sa lahat..nakarelate ako kaya naluha ako.

    ReplyDelete
  16. Kakaririn ko to hahaha

    Entry #2

    Tanong: Ano ang paborito mong post ni Gillboard at bakit?

    Sagot: Walang Pahinga

    Bakit: Dahil sa pagkakatanda ko, ito ang unang post na nabasa ko mula sa blog mo. Ito din ang dahilan kung bakit ako nagpilit magdownload ng Marley & Me na movie kahit na gumagapang sa bagal ang internet connection namin. ito din ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay para akong stalker mo na everytime na magoonline ako ay binabasa ko ang update mo kahit na yung mga luma mo pa. At dito din nagsimula ang pagkahumaling ko muli at nainspire muling magblog...magsipag magpost at maraaaaami pang ibang dahilan na baka maging isang blog entry na kung iisa-isahin ko pa... :)

    sana manalo ako weheheheh :P

    ReplyDelete
  17. Mali pala ang ginamit kong account yung Anj ako yun ... na-excite kasi ako nung nakita ko yung contest dali dali akong nagpost ... sana si klet makulet yung mapili :P again ako si ANJ :P

    ReplyDelete
  18. ilibre mo na lang yung taga lbc ng lunch. lol. tagal mo na palang nagbablog. limang taon! posting in advance my greetings!

    ReplyDelete
  19. gutso ko yun free lunch at kahit ano pang free na kasama hehe

    ang paborito ay yun series na blog posts ko tungkol sa crush mo na lagi mong kasabay sa fx na di mo nakausap-usap

    hehe

    ReplyDelete
  20. ayoko ng prizes...dun ako sa libreng lunch! ahahhahahaa..patay gutom lang.

    sige sige sige...kelan ang openning nito? para maka start na...he he he..

    sayang, hindi pasok ang dates sa bakasyon ko diyan...hahays...sige nalang..weeee!!

    PS: email me.

    handclick69@gmail.com

    ReplyDelete
  21. lahat ng post mo, favorite ko. ang dahilan: wala akong paki sa giveaways, gusto ko yung libreng lunch! hahahaha! winner na ba ko? bwahahahaha!

    ReplyDelete
  22. naks pacontest dahil first time mangyayari toh ito ang favorite kong post mo wahahaha..XD

    ReplyDelete
  23. palibreng lunch ka na lang! hahaha. :D

    ReplyDelete
  24. KWENTONG ONDOY
    "Ito ang pinakamahabang gabi ng buhay namin."
    _____________________

    Bagaman fiction ayun sa label, para akong nasa sitwasyon mismo. maganda ang pagkakahabi ng mga salita. may puso. may aral. may kagat.

    Si Figaro, hindi man tao... naging maramdamin ang eksenang ang sinapit nya.

    Binalikan ko talaga yan at ang iba pa. :)

    dumaan.

    ReplyDelete
  25. ang generous. hehe.. sasali ako dito. pagbalik ko...

    ReplyDelete
  26. Sa koment ba ilalagay? Hindi ko kasi alam ang email ad mo. Eto ang favorite gillboard post ko. http://gillboard.blogspot.com/2010/07/pinakatagu-tagong-lihim.html

    Sa sobrang natuwa ako, gumawa din ako ng bersyon ko. :)

    ReplyDelete
  27. yun oh.. 5 yrs na... naks.....
    astigin yun mga price ha.. pude :D
    congrats :D

    ReplyDelete
  28. librev nalang lahat wag ka na magpacoontest its better to give kasi christmas season na hehehe pahingi hahaha

    ReplyDelete
  29. ibig sabihen ba ang mananalo ay dahil sa luck o dahil sa pinile base sa dahilan na naging paborito yung post?

    anyway 1 of my payborit posts mo ay yun tungkol sa pagiging boss mo noon (Carlson days or ICT days whatever u like to call it)nakalimutan ko nung title nun eh.

    ReplyDelete
  30. I like a lot of your post because they're funny and real.

    Though my favorites are the ones where you geek out. You know, talk about comics and games. I feel a bit of kinship towards you whenever I read those. Because you're the only pinoy blog who writes about good gaming and comics. Most of them write about RAN online.

    Specifically, I like a post that you made on your other blog. I can't remember the title but it's about your favorite game series.

    ReplyDelete
  31. wow five years! galing! alam mo kakabirthday ko lang kaya pakiramdam ko bwenas ako. ang favorite kong post mo, sa totoo lang hindi ko matandaan yung title pero favorite ko talaga to. yung short story tapos ang ending eh married pala silang dalawa, yung may trade secrets. panalo yun, sobra!

    ReplyDelete
  32. http://gillboard.blogspot.com/2010/06/kahit-na.html

    ^ yan ang isa sa mga pinakagusto kong blog post mo. bakit?
    - dahil hindi madaling mag-ukol ng isang sulatin para sa tao na hindi mo laging nakakasama;
    - dahil sa kabila ng mga pagkukulang sa iyo ay natuto ka pa ring tumanaw ng utang na loob sa kanya;
    - dahil ang blog post ay puno ng kababaan ng loob, hindi mo pinanaig ang pride at panunumbat sa relasyong hindi naman ganun ka-perpekto;
    - dahil damang-dama na mula sa puso mo ang blog post na iyon.

    ReplyDelete
  33. sa lahat ng mga entries na nabasa ko sa iyo, ang pinakafavorite ko ay ang post mo ng about sa laruan.

    nakalimutan ko na yung title pero listahan iyon ng mga favorites mo.

    nakarelate nga ako. tapos naisipan kong i-post rin yung collection ko na sa ngaun eh di ko pa rin nagagawa lols XD

    ReplyDelete
  34. sa loob ng 2 taon eh super dami ko na naging paboritong posts dito. lalong lalo na yung mga fiction! winnie cordero pa rin para sa akin yung latest, yung Kim and Gerard. unang una, kasi relate ako dyan manong. ikalawa, wapak talaga ang pagkakasulat mo. syempre akala ng lahat eh girlaloo ang Kim. pero naalala ko, may Kim pala kaming schoolmate dati pero kelot sya. kaya ayun, medyo i saw it coming na. weeh. wala lang, natuwa ako kasi for the first time, tama ang hula ko sa ending :)

    ReplyDelete
  35. ang pinakafavorite kong post mo eh yung about sa diskarte ba yon... yung sa callcenter....

    ---------------

    yung natutulog yung kasamahan mo...pero nung sinita siya ng bisor.. sabi niya nagdadasal daw siya... para daw makabenta... grabe ang lufet niya magpalusot...

    saka yung tumawag ka tapos bata ang sumagot sabi mo.. Hello Im Peter Parker... blah blah blah.. den sabi nung bata eh.. Hey mommy Spiderman on the phone!!!!! hanep ang diskarte mo... walupettt!!!!!

    yun lang muna sa ngayon... hagalpak kasi ako sa kakatawa yung nabasa ko yun eh.. ehehehhehe :D

    ReplyDelete
  36. uy gillboard, ninakaw ung starbucks manila tumbler ko sa opis namin =( ... sana ako manalo nung mug (*sana tumbler nalang* nyahaha)

    gusto ko ung post mo na umamin ka... it takes courage to do that.. =)

    ReplyDelete
  37. ito ang pinaka-tumatak sa akin, natawa ako napaisip sana yung mama and papa ko katulad din ng nanay mo! :D hindi ako maiinis kasi i find older people hanging fb or any social networks cool.. astig diba? kaya para sa iyo mama.! saludo si titay! :)

    http://gillboard.blogspot.com/2010/07/gillboard-vs-facebook-vs-nanay.html

    Happy 5th Year Anniversary! wish u more followers, post and good health sympre para makapagblog ka ng madalas at isama mo na rin ang good connection ng net! God bless and more kili-kili powers! este powers lang pala.. :D

    ReplyDelete
  38. naku, nung July lang akong nagsimulang tumambay dito sa blog mo, sana ok lang na sumali ako.

    Unang entry: CURVE BALL at ang sinundang istorya nito na FIRST DATE.

    -dahil gustong-gusto ko kung paano mo pinasilip ang mga mambabasa sa utak ng dalawang karakter sa magkahiwalay na istorya. at dahil may big revelation sa dulo ng post. Ang gusto ko sanang malaman sa susunod ay kung ano ang nasa utak ng ikatlong-karakter (asawa ni franco).


    Ikalawang entry: MERON AKONG DALAWANG BLOG

    -ito ay cheers para sa iyo, para sa iyong katapangan. dahil dito mo ipinakilala ang tunay na ikaw. mabuhay ka!

    ReplyDelete
  39. yes sana makahabol pa:) bakit ngayon ko lang nalaman na nagppacontest ka? ^_^ pinaka-gusto ko po yung post mo last dec31 2009.... "Biglang nanlamig ang aking katawan. Parang isang bato, hindi na ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Kaya pala walang pumapansin sa aming mga bisita. Ako lang ang nakakakita sa kanila." .... dahil malapit na ang halloween!!! XD try nyu basahin ulit. astig. :)

    ReplyDelete
  40. nalimutan ko sabihin dahilan ko. ang title pala ng blog na yan e "BISITA",, kaya sya gusto ko, kasi yan din yung mga panahon na kagagawa ko palang ng blogsite ko... :) and pagka-click ko ng 'next blog', voila, yung post na yan ang lumabas. sakto magisa lang ako sa room nyan. wahahahaha..... ^_^ ok ba?... :) goodnight.

    ReplyDelete
  41. Ay im too late na pala. Kagabi lang ako nagsimula magbasa. Bangag pa ko nun hehehe. Napadaan lang ;)

    ReplyDelete