Sep 27, 2010

HALO HALONG KWENTO

Isang taon na pala akong panggabi. Ano na ba naidulot nito sa buhay ko?

Unang-una naging sakitin ako. Napapadalas ang lagnat ko. Migraine. May bato na ko sa kidney. May mga araw na di na ako masaya.

Pero mahal ko pa rin ang trabaho ko. Sabi nga, dapat the more responsibilities given, mas lalo akong matutuwa. Ibig sabihin, pinagkakatiwalaan ako. Pero di ko alam, hindi ako natutuwa sa mga nagaganap sa opisina.

Dapat maexcite ako dahil sa pagsisimula ng bagong taon next year makakaranas nanaman ako ng isa pang promotion (pag pumasa), pero wala. Parang ayoko siyang dumating. Gusto kong lumipat. Sa ibang schedule. Sa ibang department. Gusto kong mamuhay ulit ng normal.

Napapabukas na ulit ako ng jobstreet na di ko naman gawain.

***************
Marunong nako gumamit ng torrent!!!

Di nako aasa sa officemate ko para sa mga downloads ng mga paborito kong palabas sa tv. Kaya ko na gawin ito mag-isa.

Yay!!!

Natutunan ko ito kay kasintahan. Kaya yiiiiiiiiiii.

Sensya na ha. Tatanga-tanga talaga ako pagdating sa teknolohiya.

***************
Apat na buwan na pala kami ni kasintahan. Sa apat na buwan namin, ni minsan hindi ko pa siya pinapakilala sa inyo.

Di ako magkukwento ngayon, kasi gusto ko pag magpost ako sa kanya yung sa kanya lang wala nang iba.

Minsan nagbabasa siya dito. May mga instances pa nga na nakapagkumento na siya sa ibang post ko.

Pero kung nais niyo siyang makilala, dun sa isang bahay ko, halos isang taon na akong nagkukwento sa kanya.

***************
O siya, saka na ulit ang kwentong buhay ko. Pupunta pa ako ng ospital, baka dengue na ang dahilan ng rashes sa katawan ko.

29 comments:

  1. Hindi din ako marunong gumamit ng Torrent. Ayoko matutunan kasi takot akong ma-virus PC ko.

    At anong klaseng rashes ba 'yan? Hmmm... baka kung ano na 'yan.

    ReplyDelete
  2. Sa torrent ko dina-download yung mga episode ng TAR at Survivor. Matagal nga lang pero okay sya, clear copy. Ingat lang sa virus.

    Gudluck sa paglipat ng department kung matulay man ang binabalak mo.

    ReplyDelete
  3. hala. pagaling ka :)

    aaww, 4 months and counting :P
    cheers!

    ReplyDelete
  4. oki lang yan... ganyan din shift ko dati... sanayan lang sir :D

    ReplyDelete
  5. naks 4 months n cla. ayos.. keep it up..

    ako 1 buwan ng pang gabi at next month pang umaga nanaman . ayo s db? kakayanin mo rin yan.

    ReplyDelete
  6. been using torrents for about 3 years now,its a god's gift sating mahihilig manood ng tv series!

    uy an daya san ko makikita un isang bahay mo,i wanna read your posts about ur kasintahan!

    ReplyDelete
  7. Kiliiiiiig!!! :-p

    yun lang. Oh, and get some sun...try to get more sun exposure, like maybe, early in the morning when you get out. it helps with resetting your body clock, in a way. and wards off depression. although, i'd think being with "kasintahan" keeps that situation well away. di va? :-p

    ReplyDelete
  8. congrats sa 4 months! naks!
    at di ko alam pano gumamit ng torrent. stream na lang tuloy ako. tipid pa sa hard drive space. :D

    ReplyDelete
  9. Hehe sarap magtorrent kaso minsan sobrang tagal...

    ReplyDelete
  10. anu ung torrent? haha! sorry tanga lang.. hindi kasi ako ma-techie eh

    ReplyDelete
  11. Wow. Congrats. Sana magtagal pa kayo. :)

    Ako naman hyper sa night shift. Enjoyin mo lang kasi trabaho mo. Isipin mo nageenjoy ka gaya ng relasyon niyo ni kasintahan mo at sa malamang mageenjoy ka na din sa work mo. God Bless..

    ReplyDelete
  12. naku, naging adik ako nyan sa pag download ng torrent ng Korean historical dramas na pinapanood ko..Pati yung paglagay ng English subs kinarir ko! bwahhaa :P

    ReplyDelete
  13. sige sarilinin mo na lang lovelife mo :(


    ayoko ng panggabi, pero siguro mas kalmado ang enviroment pag gabi ano:

    ReplyDelete
  14. see, kundi dahil sa jowa mo, hindi mo mapapanood buong season 2 ng glee! hehe

    ReplyDelete
  15. hmmm---another promotion is in the air. ambilis ha. you're on the way to the top talaga. unting sakripisyo lang talaga. although syempre di rin tayo tatagal sa graveyard shift, me effect talaga sa health yan...so I hope you get a better schedule soon~~~~

    ReplyDelete
  16. di rin ako marunong ng torrent, natotorete utak ko pag sinusubukan ko...

    wushu di daw sasabihin na 4 mos na sila tse!!! hehe

    uy ano na result ng blood test mo?

    -sunnystarfish-

    ReplyDelete
  17. sign na nga talaga yan na kailangan mo na lumipat ng trabaho :) try mo din mag exercise at mag diet.

    ReplyDelete
  18. mabuti ka pa...
    kayang kaya mo pang magkwento ng mga bagay bagay sa buhay mo kahit nanganganib na ang ugat ng kung ano ang kwenekwento mo...

    sana di naman dengue!!!
    get well soon... kung o hindi man dengue!!!

    di kaya love sick lang yan????

    ReplyDelete
  19. ens: confirmed naman na na hindi siya dengue. thank god. systemic viral infection. ayun. ok na naman ako. nakapasok na sa trabaho. :D

    rah: yup. exercise, napopostpone lang lagi. diet nagstart na. hehehe. ayoko pa naman lumipat ng work... masaya pa naman ako.

    gincie: negative ako sa dengue. hehehe. sorry naman. di ko mapigilan, tsaka wala kasi ako masulat. hehehe

    ReplyDelete
  20. anton: crossing my fingers. kahit next year pa, okay lang. di naman ako nagmamadali, kahit papaano, love ko pa rin trabaho ko.

    chyng: at glee talaga. madami ako dinadownload naman. hehehe

    photo cache: medyo maingay pa rin. di ko sinasarili lovelife ko. sinusulat ko lang siya dun sa isa. kasi mas open minded mga mambabasa ko dun. :)

    ReplyDelete
  21. soltero: korean dramas ba talaga o porn? hahahaha

    yow: ganun na nga. positive thinking palagi, kahit konti lang yung positive na nangyayari.

    shenanigans: for downloading series, music at kung anu-ano pa. hehehe

    ReplyDelete
  22. glentot: baka naman jologs internet provider mo. yabang!!! hahahaha

    doc ced: nakakainis streaming minsan jologs,napuputol di mo pa tapos. sabay bagal magbuffer

    doc sonia: well... pag wala siya sumpong, di ko kailangan ng sunlight. lolz

    ReplyDelete
  23. mac: matagal mo nang binabasa yung isa kong tahanan. di mo lang narerealize. :D

    kikilabotz: oo naman. 1 taon ko na tong sched. nakakamiss lang magkanightlife. yung gimik na nightlife, di trabaho.

    axl g: yup. you're right.

    ReplyDelete
  24. jayvie: thanks. cheers!!!

    moks: well, sana may opening, para mangyari nga yun. medyo kakasawa na rin kasi dito.

    gasul: allergies. may allergy na din ako sa gamot. :(

    ReplyDelete
  25. naks nemen.. iba talagah ang inluv!!! hihheee... ingatz kayo kasintahan moh lagi... yeah.. maiksi komentz koh ngaun... lolz.. ingatz! Godbless! -di

    ReplyDelete
  26. tagal na yang torrent na yan eh!hhehee

    Ang maganda dyan hindi sya gaanong kumakain ng bandwidth di tulad ng limewire.

    Pre medyo mahilig ka siguro sa maalat saka nagpipigil ka ng ihi kaya ka nagkaroon ng kidney stone

    ingat

    ReplyDelete
  27. yay, rashes? pareho tayo, i got contact dermatitis from a trip last friday, muka akong dalmatian! get well gillboard.

    ReplyDelete
  28. sa loob ng 2 taon eh super dami ko na naging paboritong posts dito. lalong lalo na yung mga fiction! winnie cordero pa rin para sa akin yung latest, yung Kim and Gerard. unang una, kasi relate ako dyan manong. ikalawa, wapak talaga ang pagkakasulat mo. syempre akala ng lahat eh girlaloo ang Kim. pero naalala ko, may Kim pala kaming schoolmate dati pero kelot sya. kaya ayun, medyo i saw it coming na. weeh. wala lang, natuwa ako kasi for the first time, tama ang hula ko sa ending :)

    ReplyDelete