Jul 26, 2010

LIFE OFFLINE

Kung matatandaan ninyo, ganitong panahon din noong isang taon nang ang inyong lingkod ay magsimulang tamarin magsulat sa blog na ito. Nagsulat pa nga ako ng isang madamdaming hiatus post, tapos di ko rin naman sinunod (natuto na ako, kung magpapaalam ako sa blogosperyo, bigla na lang ako mawawala at di na magdadrama kasi wala nang maniniwala).

Hindi ako masyadong nagsusulat ngayon dahil sa totoo lang wala naman akong maisulat ngayon. Ang buhay ko ay medyo steady lang. Wala akong reklamo. At kung meron man, ayokong isulat dito dahil ang boss ko ay nagpapalibut-libot sa world wide web.

Naisip ko, bakit kung kailan meron na ako nung mga hinahanap ko noon, saka ako wala nang maibahagi sa inyo. Hindi man marami pero meron din namang sumubaybay sa kwento ng buhay ko, pero bakit di ko magawang makaisip ng isusulat para lang malaman ninyo kung gaano ako kakuntento ngayon?

Bakit noong puros kamalasan ang pinagdadaanan ko (tungkol sa buhay pag-ibig) di ko mabitiwan ang keyboard at sulat ako ng sulat? Pero ngayon, wala.

At ngayong bibihira na lang akong nag-iikot sa mundong ito, parang habang lumalaon ay di ko na siya namimiss?

Ika nga sa plurk, naabot ko na ba ang blog nirvana? Naisulat ko na ba ang lahat ng dapat isulat dito tungkol sa buhay ko?

Hindi ko sinasabing maghahiatus ako. Di ko naman talaga kaya iwan ang blogosperyo. Andito lang ako.

Siguro sa ngayon, para sa akin, mas masarap lang mabuhay offline kesa maging aktibo online.

22 comments:

  1. minsan talaga nakakatamad magsulat.ako din ngayon, tinatamad. Walang wala. Bukod dun kung may isusulat man ako, di ko din agad maisulat. Bukod sa pag-aaral, wala akong sariling pc sa manila.nagboboard lang kasi ako. Ayon. Kaya minsan, nililipad na lang ng hangin, di ko na isinusulat..

    ReplyDelete
  2. Pain feeds the artist. Without it, inspiration is hard to come by.

    ReplyDelete
  3. Totoo. Mas masarap ang buhay offline. Sideline lang ang buhay online.

    ReplyDelete
  4. basta lagi kong aantayin parekoy ang mga entries mo. \m/

    ReplyDelete
  5. ^_^ ganun talaga. darating at darating yata talga ang gnyang pagkakataon. hehe

    ReplyDelete
  6. cycle lang yan. may epekto siguro ang pag ulan ulan.

    ReplyDelete
  7. Parang buwan at araw lang yan eh...lulubog-lilitaw...ponkwari

    ReplyDelete
  8. It's ok...you haven't run out of "juice" pa naman, you're writing about the "dry spell" right now, di ba? :-)something'll come up.

    @red the mod: I liked the whole thing about pain being the artist's fodder. good one, very "quotable".

    ReplyDelete
  9. Ang blogging kasi pwedeng coping and defense mechanism. Sort of escape din kumbaga. Pero dahil mukha namang kuntento ka sa buhay mo in terms of career and love, wala ka ng need for it, at least for now.

    ReplyDelete
  10. ako din gusto ko mag offline

    ReplyDelete
  11. Wala akong reklamo. At kung meron man, ayokong isulat dito dahil ang boss ko ay nagpapalibut-libot sa world wide web.>>> hahaha... delikado ba. ako hindi ko alam kung may mga ka opisina din ako na nakikibasa sa blog ko.

    ReplyDelete
  12. Just take a break. Have a kitkat hahaha

    ReplyDelete
  13. Gill, its ok. Take your time. Blogging should never been a presure right? Enjoy ur "you-time" offline. We need it. Kwento nalang kung may gana na!

    Ayo-ayo bai!

    ReplyDelete
  14. me nagsabi sakin---kung hiatus ka sa blogging. wag kang magpalam. keep your readers guessing. if not iiwanan ka rin nila kasi alam nila na blog rest ka.

    okay lang yan. ngyn na maganda ang mga pangyayari. why not write about those positive things/ realizations. come on. go. celebrate life....

    ReplyDelete
  15. sa mga may angst lang ba ang blog?
    hehe

    ReplyDelete
  16. i share the same sentiments with you.. hehe!

    ingats palagi parekoy! kitakits sa hiatus world! lol

    ReplyDelete
  17. kasi po may action ang offline life mo. ganun talaga pag masaya walang kibo, pag depressed masatsat.

    basta balik ka ha.

    ReplyDelete
  18. dumedepensa pa ng blogging si gasul. he he he...

    anyway, it's always good to realize that while we are so active online, we still have our life offline. ;)

    ReplyDelete
  19. nakakarelate ako gillboard. ako man din ay wala na ding maisulat ngayon. hindi dahil sa wala akong maisulat, hindi ko lang kasi alam kung ano ang isusulat. para bang, may mga bagay na gusto ko mang i-share, di ko mashare kasi baka mabasa ng taong pinagtutuunan nung post na yun. hahaha. naisip ko tuloy, gawa nalang akong isa pang blog na ako lang nakakaalam. :p

    anyway, babalik din ang amor mo sa pagbabahagi ng kwento.

    at sya nga pala, mas nakakapagsulat ata talaga kapagka puro negative ang nangyayari sa buhay naton compared sa puro happiness. :)

    ReplyDelete
  20. minsan kasi mas masarap na sarilinin na lamang ang naiisip at nararamdaman. alam kong hindi mo lilisanin ang blogosphere (gaya ng tangka mo dati :p)

    blog at your own phase nalang pare.

    ReplyDelete
  21. Ako ren minsan nawawalan na ng ise-share kaya kung ano anong shit nalang naiisip kong iblog. Haha! Pero what's good about your situation is that you have a balance. May life ka outside the blogosphere and that is what's important.

    Okay lang yan, wag mo i-pressure sarili mo magsulat kung ndi mo naman talaga feel. Hehe. Pana-panahon lang yan.

    ReplyDelete
  22. Alam ko pakiramdam mo... We write when we need too, nothing more, nothing less. =)

    ReplyDelete