Jul 31, 2010

GILLBOARD VS FACEBOOK VS NANAY

Tanong: Anong mas nakakainis sa hindi pagkakaroon ng access sa internet sa opisina?

Sagot: Hindi pagkakaroon ng pagkakataong mag-internet sa bahay.

Medyo mainit ang ulo ko thesse days lalo na sa bahay. Dahil hindi ko magamit ang computer ko.

Si nanay kasi. Adik na adik na sa facebook.

CASE 1:

Umuuwi ako ng bahay alas syete ng umaga. Tulog pa ang mga magulang ko. Bubuksan ko ang computer para magcheck ng email ng saglit.

Pahinga lang ng konti.

Pagkatapos ng isang oras, naliligo na ako para masarap matulog. Pero di pa ako tapos magnet nun.

Paglabas ko ng kwarto, ayun absorbed na absorbed na sa kakatingin ng pictures sa facebook si nanay.

Wala nang naririnig.

CASE 2:

Dahil nga panggabi ako, medyo kahit weekend ang weekday schedule pa rin ang sinusundan ng body clock ko.

Kapag Sabado, usually natutulog ako ng hapon at nagigising ng hatinggabi. Doon ako nag-iinternet. Ilang linggo ang nakakaraan, bumangon ako ng ala-una para subukang mag-internet.

Madilim na ang bahay, akala ko ako na lang ang gising pero laking gulat ko at andun pa rin sa harap ng pc si nanay at nag-iinternet.

Nakita daw niya yung kaklase niya noong elementary.

Nung hihiramin ko yung computer, sabi niya at mamaya na daw at may kachat pa siya.

CASE 3:

Kahapon habang tahimik akong nagcocomputer mag-isa nilapitan ako ni nanay.

"Anak, meron akong nakitang website kagabi puros hubad na lalaki. Di ko na makita ulit, pakihanap nga."

Errrr...

Hindi ko siya hinanap.

"Tsaka nga pala, meron kaming nahanap ni Daddy na video ng nanganganak sa youtube, gusto mo makita?"

Nagkamot na lang ako ng ulo.

***********

Eto pa, minsan habang nag-iinternet ako, nakikita ko si nanay na umaaligid sa likod ko. Nag-aabang na matapos ako para makapagfacebook ulit siya. Ang sakit sa ulo.

Minsan pakiramdam ko, kapag wala ako, nanunuod na ng mga makamundong mga videos yung mag-asawa.

Hay.

Gusto ko nang makahawak ulit ng computer ng malaya.

Ang hirap magpalaki ng mga magulang.

32 comments:

  1. Base! Haha! Techie lol pati videos di pinalagpas.

    ReplyDelete
  2. aus si nanay ah... sabihin mo sa nanay mo nasa history lang yung website na hinahanap nya... hahaha

    ReplyDelete
  3. hahaha... nanay ko gusto na ring magfacebook. tamang tama bibili na ako ng bagong laptop para magamit na niya ito.

    ReplyDelete
  4. sus hayaan na nating mag enjoy mga nanay natin hehe

    ReplyDelete
  5. hahaha!
    hayaan mo na sila. ngayon lang naman yan.

    pero punasan mo muna yang computer mo bago nila gamitin ah. hehehe

    ReplyDelete
  6. Hahaha! Your mom is like my mom. She would stay until 3am. Pag di nagfefacebook, nag wa YM. Pag pinakelaman mo ang laptop ka, patay ka.. Hahaha!

    ReplyDelete
  7. na iimagine ko yung mga scenes ahahaha

    ReplyDelete
  8. bilihan mo na sila ng sariling laptop! isang nightmare talaga yan :)

    ReplyDelete
  9. AHAHAHAHAHHAAHAHHAHAAHAHAHA!!!

    Pang-pelikula ito!

    ReplyDelete
  10. kulet ng nanay at tatay mo. In na in. =)

    ReplyDelete
  11. turuan mo mag google si nanay hehehe

    ReplyDelete
  12. hahaha...this was so funny! grabe, groovy ang parents mo mehn... :-p

    SOmehow, Someday, you'll have your own internet time too. Peace.

    ReplyDelete
  13. "Minsan pakiramdam ko, kapag wala ako, nanunuod na ng mga makamundong mga videos yung mag-asawa."

    hahahaha!natawa naman ako dito ng very slight... para ka ngang nagpapalaki ng magulang nyan parekoy.. dati ganyan ang iniisip ng mga magulang sa kanilang mga anak, but now look who's talking? LOL

    gudlak! paluin mo sa pwet! pagalitan mo sa pagpupuyat at sisihin mo sa pagtaas ng bill ng inyong kuryente! hehehehe!

    ReplyDelete
  14. bohaha..pagbigyan mo na.ΓΌ kalimitan kasi sa mga magulang natin ngayon lang nag-eenjoy sa mga ganyan.

    kung buo lang yung pc namin sa bahay, malamang babad din si nanay sa net.trip din kasi nya hanapin mga dating kaibigan nya at magbu-view ng profile.choosy pa nga sa ia-add e.hehe.

    ReplyDelete
  15. haha. benta sa akin sir ang iyong pamilya. :D

    ReplyDelete
  16. natututong maging techie si nanay :p

    ReplyDelete
  17. hahaha ang kulit. para ko lang nakita nanay ko sa nanay mo.

    solusyon dyan, wi-fi sa bahay! ;)

    ReplyDelete
  18. aba e mahirap talaga ang may magulang na ganyan!...kakumpetinsya ba sa pag-eFB, pagYouTube at panunuood ng mga makamundong videos! :(

    buti na lang hindi techie ang peyrents ko! :D

    ReplyDelete
  19. natawa talaga ako sa post mo. Ang kulit!

    I remember my mom naman...di siya tumigil nang kakakulit hanggat di siya nagkakagamit ng computer para makapagonline games... minsan nga parang gustong maghuramentado dahil ginugulo ko siya sa paglalaro ng plants vs zombies... di rin tumigil sa pangungulit hanggat di nagkaka-FB account... garsh mga magulang talaga... heheheheh

    ReplyDelete
  20. "Ang hirap magpalaki ng mga magulang." BOW!

    ReplyDelete
  21. dapat gawa ka ng rule: 6pm-6am lang siya pwede. all others ikaw naman..

    ikaw na ang batas!

    ReplyDelete
  22. nyahaha
    firewall for parents?
    hehe

    ReplyDelete
  23. "Minsan pakiramdam ko, kapag wala ako, nanunuod na ng mga makamundong mga videos yung mag-asawa."
    nyahahahah..ang kulit
    Bile na ng sarileng PC.

    ReplyDelete
  24. parang sa opis bago ako nagresign---nakablock lahat ng programs---di makapag FB ...and tama. what is life without facebook? but---that I can't imagine, na kaagaw ko ang nanay o tatay ko na mag FB. wtf**** lol

    ReplyDelete
  25. buti na lang hindi mahilig sa computer ang nanay ko. :D

    ReplyDelete
  26. nakakatuwa talaga yung mga blogs mo tungkol sa nanay techie mo.. hehe!

    tawa ako ng tawa!

    ReplyDelete
  27. LOL. I missed reading your blog, man.

    Anyways, kaibigan ko yung nanay na addict rin sa facebook. Ngayon nag lalaro na nang DotA at StarCraft 2.

    ReplyDelete
  28. nice blog... follow kita... katuwa nanay mu...

    ReplyDelete
  29. hahaha, ayus ah. naalala ko tuloy nanay ko, kahapon lang nagpaparinig, si tita ko daw (kapatid nya) meron narin daw facebook, sabay banat ng "Ano bang meron sa facebook ha anak, gawan mo rin nga ako..."

    new follower - so medyo late na ang comment ko, hehehe...XD

    ReplyDelete