When I look back at my past, it doesn't necessarily mean that I dwell on it. That I still live and bask in the glory that was my youth. Tumatanda tayo. Nagmamature. Nagbabago. Masarap lang magbalik tanaw kasi minsan pag sobrang nalulunod ka na sa problema mo sa buhay, nanaisin mo na bumalik sa mga panahon na mas simple pa ang buhay.
Naikwento ko na yata dati ang ilan kong mga naging ex. Pero hindi ko pa masyadong nakukwento yung tungkol sa una kong girlfriend. Di ko rin naman ikukwento yung buong detalye ngayon, pero kanina habang nakaupo ako sa trono ko, naalala ko kung paano kami naging kami.
Third year high school pa lang ako noon. Hindi pa masyadong uso ang texting, chatting, internet, at kung anu-anong ka hightechan. Ang sikat pa noon eh sina Diane, Gina, Melanie, Ricky at ilan pang cast ng Gimik. At imbes na ym, mirc, facebook, blog o friendster, makakakilala ka ng bagong kaibigan sa pamamagitan ng phonepal.
Random dialing lang yung ginawa ko nang makilala ko si Lovely (Love for short... oo na... medyo pangkatulong ang pangalan niya). Nakakatuwa siyang kausap noon dahil ang daldal niya. Kabaligtaran ko. At araw araw pinupuri niya ako sa telepono. Ang ganda daw kasi ng boses ko. Kaboses ko daw ang crush niya. Ako naman dahil uto-uto nadala. Niligawan ko na.
Di ko talaga alam kung paano manligaw. Basta noon inaaya ko lang siya lumabas para magdate. Sosyalin pa ang SM Southmall noon. Masarap pang kumain sa Burger King. At malakas pa ang aircon sa loob ng sinehan.
Isang araw narealize ko na lang na tinamaan na ako. Imbes na formula sa chemistry ang sinusulat ko, drawing ng mukha niya ang pumupuno ng notebook ko. Looking back, yun ata ang dahilan kung bakit pasang awa ako sa Chemistry dahil sa kanya.
Anyway, balik sa kwento, alala ko mga August yun niyaya ko siyang kumain sa labas. Magtatapat na ako. Nung gabi bago ang big date, sobrang nagpractice ako ng gagawin ko, sinulat ang script na sasabihin ko. Gumawa ng love letter. Humarap sa salamin at pinapraktis kung ano ang magiging hitsura kung sinagot ng oo o pag binasted.
Dumating ang araw ng pagtutuos. Dahil nga bano pa. Hindi marunong manligaw. At dahil hindi ko napractice kung paano ang tamang timing, hindi ako makabueno. Nagmeryenda na kami. Nanuod ng sine. At patapos na rin ang hapunan, hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan...
"Uhmmm... Love?"
"Yes?"
"Ermmmm... Love?"
"Ano nga?"
"Wala."
Nachope ako. Oo. Hindi ko siya tinanong. Hanggang sa umuwi kami. Inuntog ko talaga ulo ko sa pader. Ang tanga tanga ko. Di ko alam ba't nagpapakaloner ako noong high school, di tuloy ako naturuan ng mga cool boys ng tamang timing at panliligaw.
Nang mag-usap kami sa telepono noong maghahating gabi na...
"So Gillboard, may gusto kang sabihin sakin kanina?"
"Hehehe... meron ba?"
"Ewan ko sayo. So?"
"Uhmmm... Love..."
"Ano?"
"Iloveyoutayona?"
Ang tagal na katahimikan. Siguro mga isang minutong walang nagsasalita sa aming dalawa.
"Anong sabi mo?" tinanong niya.
"Wala," sabi ko. Medyo napikon ng konti.
"So... gusto mo tayo na?" tanong niya.
"Gusto mo ba?"
"Ok lang."
At dun nagsimula ang pinakamahabang relationship na naranasan ko. Walong buwan lang kami nagtagal, kasi sabi niya noon na kailangan na niyang pagtuunan ang pag-aaral dahil magcollege na siya nun.
Kakastalk ko lang sa kanya sa facebook ngayon. Hindi ko siya mahanap. May asawa na kasi siya. Di ko alam ang apelyido nila.
Sana panget na siya ngayon.
Bitter lang. Hehehe... Joke!!!
Bitter ka nga pre hehehe...
ReplyDeleteMarami pa jan hehehe...
naaliw ako sa pagkakuwento mo kuyah... minsan true itz nice to look where when ur life is much simpler... i dunoo why as we gold older eh it getz complicated... ang nice thing lang bout it eh were getting more mature bout life... anyhoo... dont be bitter.. baka she's saying d same thing... sana pumanget na sya para nde sya manghinayang... haha... cheer up... ur moment will come... Godbless!
ReplyDeletelook back un... where or when... tamang sagot when... haha... nemen hirap kc mag type d2 sa fone koh... nde sumasabay sa yutakz koh... inexplain lang... laterz!
ReplyDeletetakteng typo error... dme pala... haha... kaw na bahala... peace out! =)
ReplyDeletedi lang panget, i'm sure sobrang taba na nya hehe :P
ReplyDeleteall experts were once beginners talaga no? *winks* \m/
ReplyDelete"sana pangit na sha ngayun" - i admire your honesty. kasi ako din search ko mga oldies ko sa fb.
ReplyDeletemadali ako search kasi boys don't change names. ung isa super ganda ng wifey. laos ako :(
Napaka-bitter ocampo nga ng closing line mo. Aside from panget, dagdagan mo pa... Baka pito na anak niya, tumaba, walang trabaho ang kanyang asawa, etc. Hahaha.
ReplyDeleteantamis na alaala, ampait na ending hehehe. adik ka Gibo. :D
ReplyDeleteon another note, ang simple ng buhay noon... walang text, walang FB, walang chat... landline lang ang kinasasabikan kahit hanggang hatinggabi o madaling araw pa, jingle lang ang pahinga, hahahah!!
ahahaha... those wer the days! magakano ang sine nun? 50?
ReplyDeleteang pag-ibig nga naman nakakasira ng pag-aaral... kita mo... pasang-awa ka lang sa chemistry mo... hehehehe!
ReplyDeletenatawa ako dito parekoy ---> Kakastalk ko lang sa kanya sa facebook ngayon. Hindi ko siya mahanap. May asawa na kasi siya. Di ko alam ang apelyido nila.
Sana panget na siya ngayon.
mabuhay ang mga bitter!!! :p
ReplyDeletekmusta? napadaaan lang, na miss ko magbasa dito.
-teresa aka churvah aka emoterang promdi..aka watever..
Ang tagal na katahimikan. Siguro mga isang minutong walang nagsasalita sa aming dalawa.>>> ito yata ang peak. hahaha... may thrilling moment
ReplyDeleteahihihihi, netong nakaraan, palagi akong kinikilig kahit hindi naman nakakakilig ang mga nababasa ko. haha, um, tawa ako ng tawa. . .
ReplyDeleteat sa palagay ko, MAGANDA pa rin sya.
sus naman ito, dapat hoping for the best tayo sa ating mga minahal. *insert rolling eyes* haha, pero totoo. diba? namis mo lan, ayiiiiiiii..*blushes*
e ikaw, POGI ka pa ba? malay mo, sinasabi nya din yun sayo? hahahaha! =P
Pareho tayo kuya bitter din :(
ReplyDeletepa exchange links nmn kuya neh? Message mo ko if pde ha..thanks
yan na nga ba sinasabi ko... para walang mga bitter na maghahanap sa facebook... huwag mag open ng account...
ReplyDeleteMay i serve chrantiya tea with crumpets this afternoon?
ReplyDeletelolz
Its really good to look back at times na feeling mo your getting older. I'm sure kahit 8 months lang ang itinagal nyo, you had good memories of it.
ReplyDeletewag masyadong bitter... hahaha! =)
hahahaha. gosh, those are the days. wala pa ngang cell phone nun, akalain mo, hit pa ang SM Southmall. mga 1st yr hs yata ako nyan. at korek, phonepal ang uso nun. lol.
ReplyDeletenaku, sabi nga nila, first love never dies. and for that, hindi sya mamamatay. hahaha
akala ko may rebirth lovelife mo ngayun? yung 5 y/o ba yun?
ReplyDeleteHaha basta ex pumapangit talaga.
ReplyDeletenyahaha
ReplyDeletegreat stuff
at tamang attitude sa buhay yan
hehe
hahaha.sana b panget n? asawa ko n xa ngayon pre.hahaha. joke. nwei ibig sbihn totoo pala ang first love never dies?
ReplyDeleteyun yun e!
ReplyDeletelooking back... kung anong tyope mo dati.. sya namang bangis mo ngayon! lol
Yan ang problema ng medyo kulang sa lovelife nagiging bitter!heehhe !joke lang pre!
ReplyDeletePre totoo yun, nagiging emo kasi tayo pag my hinahanap tayong kulang sa sarili natin!hehehe
Ingt
drake: di naman ako kulang sa lovelife... di masado... hehehe
ReplyDeleteindecent: mabangis talaga ha? hehehe
kikilabotz: di naman siya first love ko.. pero patay na yung first love ko... lolz... welcome sa aking tahanan!!!
raft3r: yup... think positive ika nga ni binoy.
ReplyDeleteglentot: talaga!!!
domjullian: 5 years old ka dyan!!! 19 naman. hehehe
jayvie: first girlfriend lang.. pero di first love... bata ako umpisang lumandi... hahahaha
ReplyDeletestone cold: di naman ako masyadong bitter...konting konti lang... hahaha
ternie: abz bitter herbs... hehehe
ens: masaya din naman magopen ng facebook... saka ko na sasabihin kung bakit.
ReplyDeleteghrasya: sige.. go lang ng go. welcome to my blog!!!
napundingalitaptap: nakalimutan na ako nun... may asawa't anak na yun. hehe
dong: ganun talaga.. kelangan may climax... hahahaha
ReplyDeleteteresa: uy!!! welcome back!!! ang tagal ko nang walang balita sayo.. musta na?!
marco paolo: panira talaga sa pag-aaral yang love love na yan.. kahit sa trabaho... hahaha
chingoy: yata... di ko na maalala.. pero parang 50 nga yata...
ReplyDeleteaajao: oo those were the days. sarap nga nung may kausap ka sa phone hanggang madaling araw... la na kasi akong ganun ngayon... kachat meron.. hehe
f.jordan: ang alam ko.. foreigner asawa niya. yun lang... hehehe
photo cache: icompare talaga ang sarili? hehehe
ReplyDeletechyng: di naman ako expert.. may nagsabi nga saking di ako marunong magmahal diba? hehehe
soltero: salamat sa suporta!!!
dhianz: ayos lang ang typo... kung sosyal naman paraan mo ng pagbisita dito.. hehehe
jag: di naman ako bitter... di nga!! promise!! hahaha
eto, ayos lang..naglilibot-libot lang sa mga peyborit kong blog,hehe.
ReplyDelete-teresa