Apr 4, 2010

MANUNULA

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi naman mahirap iyon. Mababaw lang ako. Hindi ko kailangan na dalhin sa pinakamalalayo't pinakamagagandang lugar sa mundo, basta alam kong gusto ako ng kasama ko, nasa langit na ako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ako guwapo. Hindi ako matipuno. Hindi ako matalino. Okay, matalino ako ng kaunti. Hindi rin ako maghahangad ng mga ganung tao. Basta ba tanggap mo ang mga topak ko, ang puso ko'y iyung-iyo.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ko kailangan ng mamahaling regalo. Hindi ako maghahangad na ipakilala mo sa mundo. Hindi mo nga kailangang araw-araw kausapin ako. Basta hawak ko ang mga kamay mo, maligaya na ako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi mo kailangang gustuhin ang mga pinagkakaabalahan ko. Hindi nga kita kukuliting basahin ang mga sinusulat ko. Hindi din kita pipiliting mahalin ang mga mahal ko. Basta papasukin mo ako sa mundo mo, okay nako.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Hindi ako perpektong tao. Ako'y nagkakamali. Natutukso. Nabuburaot. Nababato. May pagka-ugaling manyakis din ako. Pagalitan mo man ako, basta ba kakampihan mo ako, pipilitin kong kahit papano'y magbago.

Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako. Ipakita mong interesado ka. Iparamdam mong mahal mo ako. Yun lang ang kailangan mong gawin, mahuhulog na ako. Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako.

****************
Ang dami kong ninais isulat kanina... walang mabuo... Kaya hayaan ninyo akong magrepost ng tulang ginawa ko ilang buwan na ang nakakaraan... Kung tula mang maituturing yan...

Happy Easter sa inyong lahat!!! Sana'y naging mabait kayo nitong mga nakalipas na mga araw, at sa mga susunod pang mga araw..

28 comments:

  1. ako ambait ko... sobra...

    di nga ako nag-internet eh hehehe

    ReplyDelete
  2. No alcohol last thursday at friday...mabait na ba ako?
    HAPPY EASTER PAREKOY!

    ReplyDelete
  3. nagpakabait ako at pinilit na di mainis kahit kanino for the past holy week. ok na bang penitensya yun?

    happy easter!

    ReplyDelete
  4. may willing naman magmahal sayo, ayaw mo lang

    nyahahaha

    ReplyDelete
  5. kung talagang mahal ka ng isang tao, anuman ang nakikita niyang kamalian at imperfections- mangingibabaw at mangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa yo na di na kailangan pang ipilit ang sarili sa kanya. Otherwise, alam mo ng ibig sabihin nun! :D

    Happy easter!

    ReplyDelete
  6. vonfire: tmay tama ka naman... napagtripan ko lang yan noon... Happy Easter!

    ens: Happy Easter!!!

    dom: ah gusto mo laglagan ha!!! hahahaha

    ReplyDelete
  7. indecent: pwede na siguro yan.. nasayo naman yan eh... Happy Easter!

    mokong: dapat daw pati saturday... hehehe Happy Easter!

    chingoy: di ko ata kaya yan...

    ReplyDelete
  8. Happy Easter!!!

    Maganda ang tula o sanaysay o kun ano man ang tawag mo dito.

    Maraming nagmamahal sa iyo kaya wag mong hanapin ito... =)

    ReplyDelete
  9. sino kaya ang blind item ni domjullian? nyahahaha!

    ReplyDelete
  10. Poetry is not defined by rhyme or meter, style or syntax. It is in the sincerity of the words, and the lyricism of the thought.

    If its heartfelt, whatever form it may take, it still is poetry.

    This one is so candid and conversational, like a silent monologue spoken to that beloved from a distance. She unbeknownst of your adoration, you silently pining for her simple attention. Poignant yet subtly painful.

    Keep the faith. It will come.

    ReplyDelete
  11. red: im sure maganda yung sinabi mo... so salamat!!! hehehe

    random student: chismoso ka!! secret.. yung totoo, si dom yung mahal nun, hindi ako!!! hahaha

    angel: alam ko naman yun. ibang pagmamahal hanap ko... ayun oh!!! hahahaha

    ReplyDelete
  12. ramdam na ramdam namin ang dinaramdam mo ng isulat ito. hindi ako marunong gumawa ng tula kaya hinahangaan ko talaga ang mga nakakagawa.

    ReplyDelete
  13. kakatapos lang Semana Santa kaya hindi ako pwedeng magsinungaling

    so sa mga gusto malaman kung sino yun, just pm.

    nyahahaha!

    gil, :D, ako na mag rereveal.

    nyahahaha!

    ReplyDelete
  14. wow.
    repost ba to? parang ngayon ko lang nabasa...

    Hanapin mo ang GUSTO mo parekoy... nasa tabi-tabi lang yan:D

    ReplyDelete
  15. nice man gud mga kwento moh.... kaya gi add up koh nah din....

    ReplyDelete
  16. arze: naintindihan ko yan. salamat!!!

    kosa: yup. repost lang to. hehehe

    domeng: at dahil tapos na rin ang holy week, pwede nang magmura!!! hahaha

    ReplyDelete
  17. the dong: once in a lifetime lang yan... di na mauulit!! hehehe

    random: hehehe

    ReplyDelete
  18. dom you can C-box that sa MORE haha

    ReplyDelete
  19. Hey there!

    Yun ang mga hirit, benta! Haha! I like your style of writing, I can feel your soul speaking to me. Haha gumaganun!

    Have a good one.

    ReplyDelete
  20. ayun oh, you are LOVED. HE died for you nga di ba? Ü

    ReplyDelete
  21. chyng: para klaro lang... we are talking about Jesus Christ, right?! hehehe

    half crazy: thank you. welcome to my blog nga pala... balik ka!!!

    random student: kaw ha, chismoso ka rin!!! lolz

    ReplyDelete
  22. "Hindi ako guwapo. Hindi ako matipuno. Hindi ako matalino. Okay, matalino ako ng kaunti."

    haha love that line!!!

    ReplyDelete
  23. Ang ganda ganda ng poem! Na gustuhan ko... Print ko ha lalagay ko sa folder collection ko...

    ReplyDelete
  24. Ito na nga, bumabalik na. Pati sa susunod na blog mo, guaranteed. Haha! I enjoy your posts. I have read your other posts too. Keep up the good work, you're damn entertaining! :)

    ReplyDelete
  25. ito yung gusto kong pasakalye sa pagsusulat..galing!

    ReplyDelete
  26. love is sooooooo overrated
    hehe

    ReplyDelete