Tatlong araw pa lang akong pumapasok ng panggabi, pero nabuburaot na ako. Ang hirap matulog sa umaga. Magigising ka sa tanghali, at hindi ka na makakatulog ulit. Tapos gustuhin mo mang gumimik pagkatapos ng trabaho mo, hindi mo naman magawa kasi wala pang bukas na kahit ano.
Di ko yata kakayaning uminom ng madaling araw. Nag-uumpisa na nga ako magyosi na hindi ko naman talaga gawain (yan di ko sinisisi sa schedule ko). At di dapat kalimutan, papasok ka sa gitna ng rush hour. Ang trapik!!! Hindi ako sanay!!!
Sabi ng kaklase ko, masasanay din ako. Dapat lang. Hindi kasi pwede na ganito na lang palagi. Pinili kong lumipat. Dapat kayanin ko. Kahit sobrang at home na ako sa petiks kong buhay sa dati kong unit, pinili ko pa ring guluhin ang mundo ko.
Iniisip ko na lang pera din to. Kumpleto night differential. Mga bagong mukhang makakatrabaho. Mas maraming responsibilidad, kaya di mabobobo utak ko. Tapos wala na ring pipilit sakin na pumasok ng sixth day OT. Isama mo nang mas maraming holiday ang Estados Unidos kesa New Zealand. At kapag pinalad pa, pag napromote ka, syempre more moolah. Pero syempre kailangan ko muna magpabibo.
Feeling ko call center na call center ang trabaho ko.
Kakayanin ko to.
Good luck.
Penge pa nga yosi!!!
Pare may isang stick pa ako ng yosi dito..hati na lang tayo...hahah!
ReplyDeleteMasasanay ka rin..pero lagot ang health mo dyan..napagdaanan ko na rin kasi yan..renovation ng BDO...mahirap masakit sa ulo at nakakapagod...
Gudluck..
Pehiram naman ng lighter!
Hindi ko pa naranasan ang mag-night shift. Para ngang mas gusto ko kasi lagi din naman akong gising 'pag gabi. Good luck sa 'yo.
ReplyDeletesending you a pack of Davidoff from Dubai... lolz!
ReplyDeleteano na? di ka pa rin sanay?
masasanay ka rin...
malay mo makilala mo na si Tuesday at si Friday lolz!
Ako 3 years ng night shift, beat that! LoL State of mind lang yan. Masasanay karin. Wait until sa pag dating ng summer dahil every hour magigising ka sa inet. Unless naka aircon ang room mo. Sosyal!
ReplyDeletehahaha...
ReplyDeleteganyan talaga ang buhay.
maayos na.. ginugulo pa para may aayusin..lols
kaya yan!!
Asus, sa laki ng night diff mo, masasanay ka din. AT hahanapin mo pa ang night shift.
ReplyDeleteTip: isetup ang kwarto na tahimik at madilim. Will help you sleep.
lagi mo lang isipin yung positive side of things eh gagaan ang pakiramdam mo. goodluck pre.
ReplyDeleteParang malaki ang sweldo mo dahil sa night differential na tinatawag! Sabi nga nila ang lahat ng bagay ay may kapalit.
ReplyDeleteKaya mo yan pre
hehe ganyan na ang aking lifestyle for the past 5 years. sana masanaya ka din, kung di man, sana mabalik ka na sa pang umaga. ako man, kung may chance gusto ko pang umaga ang work :)
ReplyDeletekaya mo yan kuya!go,go,go!Ü ako sana kapag nagwowork na ako eh pangumaga ako, hahaha
ReplyDeletetsk tsk. hindi ako tatagal ng night shift. sobra ang pagka-antukin ko. pero ikaw, yosi lang yan!
ReplyDeletehahahaha payosi-yosi ka pa dyan XD
ReplyDeletekaya mo iyan, we should make sacrifices to the things we want. eh teka, ano ba motivation mo to work for money?
I agree with Kosa.. May point sya. Life is full of choices eh.
ReplyDeleteYosi boy ka na ha.. Tinataningan ko ang buhay ng mga kakilala kong matagal ng nagyoyosi.. wehehe.. Nag-uumpisa ka pa lang kaya di ka pa kasama sa list ko. ;)
Ingatz!
nyahaha
ReplyDeleteyosi lang ba talaga ang katapat nyan?
hanap ng healthier alternative
teka
ano nga ba?
hmmm...
sige, yosi nalang
hehe
galing na ko dyan pero at ngayong kalahating araw kalahating gabi ang oras ko, hinahanap ko ang dating oras.
ReplyDeletesanay na kasi ang katawan ko eh
bossing nde ko ma-imagine nag yoyosi ka na..anyways sanay ka naman sa pang-gabi eh..dati nga madaling araw pa pasok mo..remember the Carlson days.so yakang yaka yan!
ReplyDeletePasaan din ba't masasanay ka din. Good luck. Aja! :P
ReplyDeletetsk tsk tsk.. gud luck po
ReplyDelete