May 30, 2009
HOW HE FELL IN LOVE
CASEY: Tim and Sara, at first glance, they really are an odd couple. Tim likes sports while Sarah can't tell the difference between a volleyball and a soccer ball. But when they're together, they jive. You can see how much they love each other. Together, they're inseparable.
TINA: My brother changed alot when Tim and Sara became a couple. Suddenly he became responsible. He stopped partying all the time. He finally focused on somethings that he liked. And he became too cheesy. So Sara, take care of my brother, you changed him for the better. Keep him that way.
EILEEN: If there ever was a fairy tale that came true, this would be Sara's love story. I remember she had this HUGE crush on Tim when he came in the office. He was this athlete who everyone loves, while she's this conservative girl from accounting. I don't know what happened, but just one day, Sara told me, something clicked with Tim, and suddenly they're just always together. And we thought Sara'd grow old single. I'm very happy for you Tim and Sara!
JASON: Yo Tim, my man!!! Can't believe you'll get hitched!!! Thought you'd shun women 'til you're like 40! But you're leavin' us man! Didn't 'spect you tah be the first one in the group to get married. The hood won't be the same without you innit! Yo Sara, take care of mah man right here eh! He's a good guy. Ayt. Peace!
BERNICE: Oh my God! That was what I said when I first heard the news. Sara?! The little accountant is engaged to the cutest guy in the office! I'm so proud of you my friend for hitting the jackpot. I wish I was that lucky. Why didn't you choose me Tim, why?! Hahaha... No seriously guys, I love you both and wish you all the married bliss!
JONAH: Bro, I hope you take into heart, everything I told you the other night, alright? Satisfy her... Remember the technique where-
INTERVIEWER: Okay... that's too much information. Thank you Jonah.
JONAH: But I'm not yet finished. Alright, I'll keep this wholesome. Okay?! Tim, Sarah, good luck, enjoy your marriage and make a LOT of little Tims and little Sara's alright! I love you both.
MARIA: Tell me who's getting married again? My Tim? Little Tim.. Who's he getting married to? Sara. Is she the little girl, who always visit every weekend? I like that girl... That's not her... She's my granddaughter? I'm confused. Who's Tim again? Little Tim... yes yes yes. He's old enough now, he can do what he wants to. Any message? About getting married? Just love your wife, because from now on she'll be the only woman who will stay with you no matter what decisions you make... what path you take... and whatever trials you'll go through. Love your wife.
GEORGE: It's very hard for a father to walk his only daughter on the aisle, knowing that by the end of it, I'll be giving away my beloved to another man. Sniff. At the same time I am happy that my Sara met a man who always looks at her the way I look at my wife. I know Tim that you really love my daughter. I can see it. Take care of her. She's very special to me. As much as it pains me to give her away, I'm confident that you'll make my Sara happy. Sniff.
EIGHT MONTHS AGO
Sara turned the light off in her room. She wore the plain white nightdress as told by her mother. She lit four pink candles and placed it on every corner of her room.
Sara can still hear every word her mother said the day she asked how she made her dad fall in love with her. "Take a white blanket, sit on the middle of the bed, and say this while you tie the edges of the blanket together..."
"I bind you Timothy Lozada to me... I bind you."
May 28, 2009
MALING AKALA
Dalawa pa lang dito sa mundong ito ang nakakakita sa akin sa personal ata. Di sa nagpapakamisteryoso ako, pero wala lang panahon pa talaga para gumala ako at makihalubilo sa mga kapwa ko blogero. Sabi ko nga, gustung-gusto ko na makilala halos lahat ng mga taong palagi kong binabasa ang mga lathala, kaya lang walang time o kaya resources. Yung iba naman maliban sa pagbasa sa blog nila, wala na talaga ibang paraan para makilala sila.
Mabalik tayo sa usapan. Nang tanungin ko ang ilang mga kakilala kung ano ang ilan sa kanilang mga first impression nila sa akin nang una nila akong makilala, eto ang mga nasabi nila. Karamihan dun, eh hindi totoo, actually halos lahat hindi totoo, ang akala kasi ng mga tao pagkakilala sa akin eh napakasama kong tao. Hindi po ako ang nawawalang anak ni Satanas!!! Mabait kaya ako...
SUPLADO
Hindi sa hindi ako palangiti. Marunong akong gawin yun. At gawain ko yun. Pero ako yung tipo ng tao na ngingiti kapag nginitian mo. Di ako yung ngumingiti kahit kanino, dahil natatakot akong baka isipin ng tao na may sayad ako. Solong anak ako, at hindi gaano sanay na makihalubilo sa mga tao. Pero kapag kakausapin mo ako, sumasagot naman ako. Hindi ako suplado. Siguro unless mukha kang manggagancho, o magnanakaw, pag kinausap mo ako, agad naman kitang sasagutin. Friendly po ako.
MADALDAL
Madami akong kwento sa blog. Makulit akong katext. Marami-rami rin ang nasasabi ko pag kausap ako sa ym, pero sa personal... sa totoo lang... tahimik ako. Gaya ng sinabi ko, mas mahusay ako magsulat kesa magsalita. Kaya maraming nagugulat, at nadidisappoint pag nakikilala ako, dahil feeling nila iba yung kausap nila kesa dun sa nakilala nila. Gaya ng sinabi ko, solong anak ako, at sanay akong kausapin ang sarili ko. Kaya kapag ibang tao na ang kaharap ko, di ko na alam ang sasabihin ko.
MASUNGIT / SERYOSO
Halos lahat ng kaibigan ko ngayon, ang unang pagkakakilala sakin eh yung tipong hindi nila makakasundo. Mukha daw akong sobrang seryoso dahil di masyadong palangiti. Tapos nakilala nila ako noong boss pa ako, na tipong parang laging madaming problema sa mundo. Actually, ganun ako noon. Pero sa totoo lang, makulit talaga ako. Yung maypagkabrat na makulit na cute. Hindi yung nakakaoffend. Marunong ako makisali sa mga knock knock jokes, o use in a sentence joke, o kung anumang kakornihan na trip ng barkada ko. Di ako killjoy!!!
SPOILED BRAT
Dahil nga only child ako, merong mga tao na feeling na spoiled brat ako. Ok lang, naiintindihan ko kasi madalas may talas ang dila ko, lalo na pag di ko gusto ang nakikita ko. Pero hindi naman ganun kasama ang ugali ko. Yung pagiging only child ko nga ang dahilan kung bakit gusto ko magkaroon ng mga kaibigan. Nakakalungkot kaya ang walang kausap sa bahay, kaya kung may nakikilala ako na nakakasundo ko, ginagawa ko ang lahat para ikeep yung pagkakaibigan. Madali nga ako mauto para manlibre.
MAYAMAN
Hindi kami mayaman. Mayabang lang talaga ako. Marahil nabibili ko ang mga luho ko, pero madalas dyan, kapalit nun pawis at pagod ko, dahil pinagtatrabahuan ko talaga lahat ng binibili ko. And by that, I mean, nagtatantrums ako sa harap ng magulang ko para bilhan ako ng gusto ko!!! Biro lang. Di ko gawain yun, edi nasampal ako ng bonggang bongga ng nanay ko. Pero seryoso, kung anuman ang kaya kong bilhin, pinag-iipunan ko yun o kaya'y inuutang ko. Kung may panlibre ako, nakabudget yun. At kung ngayon kayo magpapalibre, hanggang ngayong weekend lang ako may pera, pagkatapos nun, tipid mode ulit. Hindi ako mayaman.
Wala lang. Wala ako maisulat.
May 26, 2009
BAKIT DI KO NAGIGING FRIENDS ANG MGA EX KO
Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Kunsabagay, di rin naman kasi talagang maganda ang naging dahilan kung bakit naging kami. Dala ng pangangailangan ng katawan. Never kong inexpect na magiging magkaibigan kami ng ex ko.
Nakikibalita lang siya kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. May iba na ba ako? Kumusta na trabaho ko? Ano na hitsura ko ngayon? May sex life pa ba ako? Mga ganung tanong.
Meron naman siyang naibalita sa akin. Kakahiwalay lang nila ng boypren niya. Mag-aaral na daw siya ulit, nag-iipon lang ng pambaon niya sa pasukan. Meron pang iba, di ko na lang maalala, masakit kasi talaga ulo ko nun.
Napapansin ko lang, nitong mga nakaraang linggo, karamihan sa mga multo ng aking nakaraan eh nagbabalik sakin. Yung dati kong kaibigan, na friend ko na ulit na si Francis. Yung closest friend ko sa una kong trabaho na si Flor. Yung dati kong boss na si Ms. Joh. Tapos ngayon, yung ex ko. Sign ba ito? Meron bang pinaparating sa akin ang tadhana? Baka naman kailangan ko nang maghanap ng syota ulit. Ipasok ang sarili ko muli sa merkado.
Ex: nyc to know that ure doing okay. Ngpapyman k n h.
Gillboard: d nman. bti nman napatxt k. tgl dn tyo di usap.
Ex: actly... hhngi sna ako favor...
Gillboard: ?
Ex: Do u have 5k i cud borow. kelngn k lng tlga. kkenrol k lng kc, la nako pmbyad s crdt crd k. Pay u s 30.
Akala ko pa naman namiss niya ako. Naalala ko na kung bakit kami naghiwalay.
May 23, 2009
GAME DAY: RESIDENT EVIL 5
May 21, 2009
EPIC FAIL: MGA KWENTONG $3X
Ang mga mababasa ninyo eh hindi yung karaniwang mababasa ninyo sa tahanan kong ito. Ngunit kahit tungkol sa s-e-x etong post na ito, wag din kayo mag-expect na kayo eh matuturn-on sa mga susunod na kwento. Ipapaliwanag ko mamaya...
PARA NAMAN SA MGA NAKAKABASA NITO NA KILALA AKO SA PERSONAL:
Sarilinin niyo na lang ang mga mababasa ninyo, wag niyo na ipagkalat sa iba ang mga nakasaad dito. Wag niyo rin ipapabasa sa mga bata ito, dahil hindi naman ito talaga pambata. At kung kayo naman eh mga pamangkin/pinsan ko, sa akin na lang kayo magtanong tungkol sa nabasa niyo at wag sa magulang niyo. Baka isumbong pa ako ng mga iyon sa magulang ko... hehehe
Ayun, sa mga hindi pa nakakaalam may sex life din naman ako. Hindi nga lang siya aktibo nitong mga nakalipas na mga buwan, pero panakanaka eh meron naman. Di ko naman ilalabas dito lahat ng kwentong ganun sa buhay ko... sa totoo lang naniniwala akong a true gentleman does not kiss and tell. Pero dahil kakwento kwento ang mga isusulat ko, bilang paggalang sa kasabihan na iyon, eh hindi ako magbabanggit ng mga pangalan. Kasi, maski ako, di ko na rin maalala yung pangalan ng ibang ikukwento ko dito.
Pero kung kwentong $3X naman pala ang isusulat ko, bakit naman Epic Fail ang titulo? Di naman kasi ito tungkol sa mga conquest ko. Yung mga ganun, sarilinin ko na lang yun. Or sa ibang pagkakataon na lang. Ang mga sumusunod eh mga karanasan kong ayaw ko nang balikan dahil sila'y epic fail talaga. Nakakahiya mang aminin, meron akong mga di kanais nais na mga karanasan!!!
BAKIT HINDI AKO NAG-UUWI NG MGA KALARO SA BAHAY
Sa buong buhay ko, dalawang beses pa lang ako nag-uwi ng kalaro sa aming tahanan. Ayoko talagang mag-uwi ng mga ganun dahil una, mga pakialamero ang ilang mga kapitbahay namin. Baka isumbong pa ako sa nanay at tatay ko na gumagawa ako ng milagro sa bahay nila pag wala sila. Pangalawa, ito ang kwento...
Nasa kolehiyo pa ako nung nag-uwi ako ng bisitang gusto ko sa bahay namin. Pagkatapos kong pakainin ang bisita, eh naisip naming magkulong sa kwarto. Noong mga panahon na iyon, sa lumang bahay pa ako nakatira. So kwarto ko eh nasa baba, di katulad ngayon na nasa 2nd floor.
Ngayon, gumagawa na kami ng kalokohan ng aking kaibigan nun. Medyo enjoy, kasi pareho naman naming gusto ang isa't isa. So sa kalagitnaan ng aming paglalaro, napatingin ako sa taas, sa bintana namin, kung saan nakita ko ang lola ko, na nanlalaki ang mga mata habang pinapanuod kaming naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tagal naming nagkatitigan ng lola ko, at nang marealize niya na alam ko na ginagawa niya, sinabi niya "nagtatanggal lang ako ng mga sinampay!" sabay alis.
Nanghina ako, at medyo nawala sa mood. Patay ako nito. So tinapos namin agad ang larong sinimulan namin. Pag-alis ng kaibigan ko, ang sama ng tingin ng lola ko sa amin. Hindi naman siya nagsumbong, pero sapat nang naging dahilan para sa akin yun na di na mag-uwi ng mga kalaro sa bahay.
BAKIT HINDI AKO NAADIK SA PHONE $3X
Hindi ko talaga makita ang point ng SOP. Siguro di pa lang ako nakakakausap ng taong magaling dito, pero hindi rin naman ako interesado. Dalawang beses ko pa lang tinangkang gawin yun. Yung una, hindi naman talaga ako kasali. Uso pa noon ang 3 way calling, so pinakinggan ko lang ang kaklase ko na pagtripan yung nililigawan niya sa phone. Di ako naturn-on.
Tapos yung pangalawa, noong panahon na iyon, eh medyo in heat na ako talaga. Pero wala akong makita na gustong lumabas at makipagkita. Meron isa na sabi niya, gusto niya sa phone lang. Dahil kelangan ko nang maglabas ng init, sige pinatulan ko. Tinawagan ko siya. Ayos naman, maganda ang boses, parang kolehiyala. Magaling mang-akit sa telepono.
So medyo nag-init talaga ako. Ayan na, nagtatanggal na daw siya ng suot niya, gayahin ko daw. Tapos dinedescribe niya kung ano daw ang mga gagawin niya sa akin. Sabay halinghing. Shet, ang galing, talagang may tumayo sa akin. Kaya lang bigla siyang humirit...
"Shet, nangingisay ako!"
Ano daw?! Sabi ko sa sarili ko, tangina ang nangingisay diba mga epileptic lang yun. So yun yung naimagine ko. Sobra talaga akong natawa. As in ang lakas ng tawa ko. Parang biglang nawala ang libog sa katawan ko sa katatawa. Tinanong niya kung bakit daw ako tawa ng tawa. Di ko masagot kasi, hindi ako makahinga sa kakahalakhak.
Ayun binagsakan ako ng telepono.
BAKIT DI AKO NAKIKIPAG-EYEBALL KUNG KANI-KANINO
May panahon sa buhay ko na medyo natuwa ako sa mga chatroom sa cable. Marami akong naging karanasan dun na gusto kong balik-balikan, pero meron din namang mangilan-ngilan na sobra talagang sablay.
Wala akong trabaho nun at gising pa ng madaling araw. Meron ako nakitang isang magandang mensahe sa tv na nakakaaliw, at medyo nakakaturn on din. So tinext ko yung number niya. Nakakaaliw siya katext, kasi medyo pabibo pero in a way may pagkasophisticated.
So hiningi ko yung number niya sa bahay. At nang tawagan ko, namangha ako sa nakausap ko. Shet, ang ganda ng boses. Parang ang talino niya magsalita. Tsaka maiimagine mo talaga na maganda hitsura niya dun sa maririnig mo. Two days later, inaya niya ako sa apartment niya, kasi wala daw yung roommate niya.
Ako tong si boy libog, punta naman. Malapit lang naman sa amin. Bumaba ako sa harap ng bahay nila, at nang pagbuksan ako ng gate, nagulat ako dun sa humarap sa akin. Pota, ang ganda talaga ng boses niya. Nang magpaulan ang Diyos ng magagandang boses, nasa front and center siya. Pero nang magpaulan naman ang Panginoon ng iba pang magaganda sa mundo, umalis na siya.
Sabi ko shet, mapapasubo ako dito. Pero wala naman ako magagawa, andun na ako, binuksan na ang gate, tatalikod pa ba ako? So dun sa kwarto, wala na akong saplot, pero walang tumatayo. Tangina iniwan ako ng libog ko sa gate pa lang. Wala talaga, pinaglaruan na niya, tinikman, di talaga nagalit.
After talaga ng limang minuto, hinugot ko't nagbihis ako.
"It's not going to work. Sorry." Sabay layas. Tyempo paglabas na paglabas ko ng gate, biglang umulan ng malakas. Tigang na nga ako, basang basa pa ng ulan.
BAKIT LAGI NA AKONG MAY BAON SA BAG KO
Peak ng pagkaadik ko sa chat sa tv, may nakilala akong matinong kachat. At dahil smart na ako nung mga panahon na yon, tiningnan ko muna sa friendster ang hitsura nito. Ayos. Panalo, at kahit papaano, eh nagustuhan din niya ako.
Pareho kaming walang lugar na mapaglalaruan nung nagkita kami, so napagdesisyunan naming magpunta na lang sa Eurotel. Pumayag naman siya na maghati kami sa babayaran para sa 12 oras na pagstay namin dun.
So holding hands na kami, paakyat pa lang. Mararamdaman mo sa higpit ng pagpisil niya sa kamay ko na medyo nag-iinit na din siya. So pagpasok pa lang namin sa kwarto, walang anu ano eh torrid na halikan agad ang drama naming dalawa. Parang eksena sa pelikula. Aliw talaga, sabi ko sa sarili ko ngayon ko lang to magagawa. Shet, tapos nang makita namin yung channel list sa tabi ng kama, merong channel na puros bold lang ang palabas. Tangina game on!!!
Ang haba ng foreplay naming dalawa. Halikan dito. Dilaan dun. Mapaghahalatang init na init kami sa isa't isa. Pero nung nasa kama na kami...
"You have protection?"
"Ano?" tanong ko.
"Condom?"
"Wala. Di na natin kelangan nun. Ilalabas ko na lang pag malapit na." sabi ko.
"No. I don't do it without protection."
Tangina!!! Hindi ako bumili. Wala akong dala. Tiningnan ko yung paligid namin wala. Tawagan ko daw reception, baka meron sila, sabi sakin. Sabi ko ayoko at nakakahiya. Eh tinatamad naman akong bumaba, at ayaw din naman niya.
Para naman masulit ang binayad namin sa hotel, dun na lang kami pareho natulog. May unan sa pagitan naming dalawa.
**********
May limang buwan na rin akong tagtuyot, pero di naman ako naghahanap. Kaya pa naman ng kanang kamay ko. Napagtandaan ko na rin ata ang mga one night stand. Parang ang gusto ko naman ngayon eh kapag gagawa ako ng mga ganito, eh sa isang tao na lang. Para wala na ring mga epic fail moments na gaya ng nasa itaas.
Hanap na lang ako ng fuck buddy!!!
May 19, 2009
FEELING CHEESY
Here's my current playlist favorites.
PLEASE DON'T STOP THE RAIN (James Morrison) - I've written the lyrics to this song before, just scroll down if it's still there. Anyway, I like the message of the song, and I love the melody. I'm not sure if this song is for a girl or for a friend, but the message is really simple, it's like he's saying that you can't stop the rain from falling so just come to me, I'll give you shelter from the rain. Or something cheesy like that.
BROKEN STRINGS (James Morrison & Nelly Furtado) - It's actually a very sad song if you listen to the lyrics. They're breaking up because they don't love each other anymore. They've already tried to work things out but it's just not meant to be.. A few weeks ago, I wasn't listening to any other song than that. I cannot relate to this song, but I don't know why I'm so fond of replaying this in my head.
THE MAN WHO CAN'T BE MOVED (The Script) - This song only caught my attention the other day on our way to Tagaytay. I've heard of this song before, but only really liked it last Sunday. At first, it was the melody that I liked, but then yesterday I found the lyrics to the song, and was really moved by what I read. This guy, I don't know what happened but it seemed that he broke up with his girlfriend. He's saying that there will come a time that she might miss him and come look for him again, so what he does is just stay where they first met so that she won't have a hard time finding him again. Nice, right. My new favorite song...
EVERLASTING LOVE (Jamie Cullum) - Kinda jazzy, and this song is like from a few years ago. I think this is a remake or something, but it's a classy rendition. I like the piano works. It was my frustration from when I was still a kid. I actually studied playing the piano, I can read notes (or at least I think I still can). Anyway, my fingers just aren't that nimble I guess. But this song kinda reminds me back in the days when I was still studying piano. I shouldn't have been a brat back then and just studied.
FALLING SLOWLY (Kris Allen) - I've liked this song even before Kris Allen decided to sing his version of this, and I think it made me like it even more. The thing about it is, I've read the lyrics alot of times, but am having a hard time piecing it together to find out what it actually means. But there are just some songs you'd rather listen to than discern it's meaning.
I'm on reminiscing mode today, which is good. I'm not depressed (my xbox is broken again), fortunately not the unfixable kind of problem, and I'm still covered by the warranty.
May 15, 2009
MISS KO NA ANG FACEBOOK
Hindi pa naman kami pinapasok ng mga aktibistang galit sa imperyalistang may-ari ng mga gasolinahan. Wala pa namang ganun. Tinanggal lang naman ang facebook, imeem, meebo at ign sa mga site na pwede naming bisitahin. Nakakabagal daw ng bandwidth yung mga streaming dun. Nakakalungkot lang.
Kaya ngayon, wala na akong ginagawa dito sa opisina kundi magpaputok ng bubblewrap. Ang hirap ng ganitong buhay. Kawawa naman ang restaurant ko. Tuwing weekend na lang mabibisita. Mag lelevel 25 pa naman ako dun. Sigh.
Sabi ng iba, malapit nang tuluyang tanggalin ang internet. Wala akong masabi. Pag nangyari yun, hindi ko na alam ang gagawin ko dito sa opisina (maliban sa trabaho of course).
At dahil naumpisahan ko nang magkwento tungkol sa mga website na madalas kong bisitahin, isegue ko na sa dapat na topic ng post na ito. At mag-eenglish na rin ako...
FACEBOOK - When I first opened an account with facebook, I really didn't pay that much attention to it as I thought it was difficult to understand how the whole site works. For the longest time I was a fan of friendster. But then friendster just got irritating with the whole virus thing and the naked lady who pops up in my comments section. So I decided to try this one out. I started with only two friends, my distant cousin and some stranger who I deleted already. Anyway, I liked that it's like twitter or plurk where I can update people what I'm currently doing or feeling, and my friends could comment about it. It's interactive. And if you get tired of stalking your friends or crush, you can always play Restaurant City, Farm something, Mafia Wars, Mob Wars and answer all the stupid quizzes that's being passed around the site. I was only saving friendster because of the birthday alerts, but that's getting irritating now too, so in the next few weeks, I might delete my friendster account.
COMICBOOKRESOURCES - You know I am a geek, right?! So anyway this is the site where I get updated with the latest in the comic book industry. They have updates on the latest comic book events, previews of upcoming titles, reviews of titles that are already out, news on my favorite writers and artists and alot of stuff related to comics. And the site has forums too wherein other geeks and nerds talk about what happened in an issue of Spider-man, arguments about the price of comics these days, discussions about the hottest super heroines and some geeky stuff which sometimes is way too much for me to comprehend.
IGN - This is my source for the latest news on gaming, comics, television and movies. The fact that this website has it all is just awesome for me. They show trailers of upcoming cool films, they have great articles about comicbooks. I like that they review some of the best television shows on air and that they have guides for some of the latest games in the market. The site has all that I need to become updated with the latest gadgets as well. There are times where I'm in front of the site for half of the day because I was so immersed in reading the guide to finishing Grand Theft Auto IV.
PINOYEXCHANGE - Without Pex, I wouldn't have a clue about the world of blogging. I've been a frequent visitor of this site even when I was still a college student. This is how I found out about people putting up sites where they write their private thoughts or their ideas. This is where back in the days I would lambast other schools during the NCAA season. This is where I read some people's desperate plea to have a lovelife. When I was still with my previous company, I read threads about other call centers where I can move if I'm not happy anymore (which was pretty common back then). I also visit the Studio 23 thread as apparently one of the bigwigs there is an active poster. And they have those threads for horny people too. I don't visit that page in any case. There's always the pornsites for that.
MULTIPLY - I don't often update this anymore thanks to Facebook, but I really love this site because it has everything that I like to do. It's like my huge photo album. Pictures from my past lives are posted there. Some of my blogposts here are reposted there because unlike other my real friends don't read my blog. It makes me doubt if those people actually know how to read. Anyway, since we still have access to this in the office, looks like I'll be an active multiplier once again. I don't have alot of friends in my Multiply page, but that's fine. I'd rather have people I know check that than strangers.
ROTTEN TOMATOES - This is the site I visit if I'm having second thoughts whether to watch a particular movie or not. My guide to the best films to see before we see it so that I won't be embarassed if I invite someone for a date or something. People come to me to ask what I think of a particular film before they see it. Because they feel I have good taste in these kinds of things. I don't actually, I just read reviews first before I decide to see a film. And you can actually judge what's a good film just by watching the trailer.
GAMEFAQS - This site is very helpful if you're a gamer. Because this is where you'll find some of the best walkthroughs for some of the best games in the planet. I've been using this to cheat my way through Final Fantasy, Resident Evil, Grand Theft Auto, Oblivion, Fallout, Fables, or whatever game I'm playing. I'm not a very good gamer. I'm pretty much stupid when it comes to playing video games, so this really is a necessity for me, especially if I'm having a hard time completing a mission or finishing a boss battle.
PLURK - I don't have a twitter, and I think it'll take some time before I get into that craze, but for now I'm pretty much satisfied with what I'm getting with Plurk. It's my mini-blog where I post usually how my day starts or some of the shit I'm going through. They call it micro-blogging. And just like facebook, plurk is interactive and people will immediately post their reactions and replies right away. I don't have a celebrity plurk buddy, and frankly I don't really care. But during times like these where I'm having writer's block, this is a nice pastime.
I have some other sites that I visit. Actually I have alot. Just look at the links on the side of this blog. But I'll get to my favorite blogs another time. I want to make sure that these people won't be going on hiatus first.
May 13, 2009
REPOST: WHY I'LL MAKE A GOOD BOYFRIEND
Seriously though, there's something I've been meaning to post here, I just don't know how to say it yet. I'd like to know other people's opinion on the matter. It's just it's still too early. And it's something that I can still manage. Don't worry, I don't have a problem. At least not yet.
But for now, I'll leave you with something I posted over a year ago. Edited of course, because I'm a much better person now.
***********
Do not get me wrong, this is not a plea for me to be in a relationship. These things, for it to work out, takes time. It's just I was thinking the other day, I'm a nice guy. I should be, if given a chance, a good boyfriend. While I may not be that gifted in the looks department (konti lang...), I have other things going for me.
No, I haven't been dumped recently. I actually haven't had time to pursue a lovelife lately. But being single for almost a year now gets me thinking. What makes me a good boyfriend?
- I'm smart. That means that I can carry an intelligent conversation. While I'm not interested in politics, religion, economy or current events. I make sure, that I know what I'm talking about. And hey, I may let you win debates or conversations from time to time.
I know and understand that you need some alone time yourself. If you want to have time to hang out with your friends. No questions asked, I'll let you. - I'm not needy, clingy or will be dependent on you. I myself hate parasites, and I'm not like that. I respect your space, and will only come in if you let me.
- I am not demanding. Nuff said.
- I'm a good listener.
- I guess it doesn't hurt that I'm a good kisser.
- Oh yeah, and I have great friends that are not a bad influence on me.
I am spontaneous and I don't back out on adventures. I guess that's nice for making great dates. - In a weird way, parents like me. i guess it's the good boy image that I show off. If they only knew...
- I have a sense of humor. Seriously!!!
- I may not be rich, but I'm pretty much generous. But that's only once a month. Cuz you know, I get paid only monthly.
Like I said earlier, I'm not writing this so that I could be someone's boyfriend. It's cool being single. But I don't find anything wrong in being in a relationship as well. This is just me thinking out loud.
***********
Don't take this as me being a self-centered prick. That's a quality you'll learn to love about me. But I really believe that everything that is written there is true.
So anyway, in keeping with the interactivity of this blog, let me ask: What makes you a good boyfriend/girlfriend?
May 11, 2009
DEAR DIARY
Una, marami kaming bisita sa bahay kanina. Madami kasi akong kamag-anak na galing probinsya at naisip na icelebrate ang araw ng mga nanay sa bahay namin. Of all the places para magcelebrate, sa bahay pa namin!!! Kunsabagay, nitong mga nakalipas na buwan eh sobrang nananahimik ang tahanan namin dahil ako lang at ang tatay ko ang nakatira dito. Dinadapuan na ata ng kung anu-anong lamanglupa ang bahay namin sa sobrang katahimikan. Kelangan nang bulabugin at palayasin baka maisipan pa nilang tuluyang gawing tambayan ang kuta ko.
Anyway, ang daming tao sa bahay kanina. Naputol tuloy ang panunuod ko ng True Blood. Napilitan akong patayin yung DVD dahil puros sex scene ang palabas na ito at ang daming batang bisita namin. Sabi ko ayos lang naman yan, mabuting bata pa, eh namumulat na sila sa kamunduhan. Automatic naman nilang pinipikit ang mata nila pag may naghahalikan. Nakakatawa, kasi sabay-sabay silang mag-ewwwww pag pinapalabas na yung mga maseselang eksena.
Syempre, dahil may party di pwedeng mawala ang drama. Ang nanay ko, ipinagkalat nang marami nang bisita na hindi ko daw siya binati noong araw na yon!! Sabi ko, pasensya naman at tsumetsempo ako sa tamang timing. Paano naman kasi, nung araw na iyon, pag nakakausap ko yung tao, eh laging inuutusan ako. Maglinis ka ng sala. Iclear ang lamesa ng kalat. Magwalis ka. Patayin mo ang tv. Ibaba ang mga electric fan. Ang mga upuan, kulang. Bumili ka ng ice cream. Wag ka muna kumain, maglinis ka ng banyo. Ay si Cinderella pala yun... Basta marami pa siyang utos kesa sa diyos.
Anyway, nakahanap naman ako ng tamang tiyempo. Binati ko yung nanay ko. Nung sinundo na ako ng kaibigan ko, dahil tatambay kami sa Tagaytay. "Happy Mother's Day Mommy. I love you. Alis muna ako. La lang." - matagal ko nang tanggap na hindi ako pwedeng manominate bilang isang ulirang anak awardee.
Sa Tagaytay, kasama ko nanaman ang aking kaibigang matagal ko nang nababanggit dito. Yung nireto ko sa isa ko pang kaibigan, pero di sila nagkatuluyan. Sinamahan ko lang naman siya na ianalyze kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni babae. Opo, matapos ang halos isang buwan, eh hindi pa rin siya tuluyang nakakamove-on. At least tapos na kami sa denial at anger stage of grief. Sana matapos ang gabing ito, eh nasa acceptance stage na siya. Mukhang naliwanagan na naman kasi. Sana. Sabay-sabay tayong icross ang ating mga daliri!!!
Hindi naman puros yun ang naging usapan namin. Pareho kaming matatanda na. Actually, siya lang. Mukha lang akong mas matanda sa kanya. Pero natuwa ako sa pagkikitang ito. Hindi siya kasingbigat ng mga dati naming pagkikita. Hindi na naman kasi puros problema ang usapan ngayon. Teka lang, ako pala ang gumastos sa lakad naming iyon. Shit, naisahan ako!!!
Nasa opisina na ako ngayong gabi. Walang tulog at pagod na pagod. Hindi ko alam kung magagawa ko ng matino ang mga layunin ko sa opisina, pero sisikapin kong maging gising. Unahin natin doon. Inisip kong lumiban. Pero ayokong mantsahan ang aking napakahusay na record nitong buong siyam na buwan. Sa susunod na lang.
Ngapala, sa Miyerkules, darating ang Uncle ko mula sa US. Nosebleed moments nanaman ito dahil di siya marunong magtagalog. Buti na lang may trabaho ako. May excuse na hindi makasama sa mga gala niya. Hehehe
Nagmamahal,
Gillboard
PS.
Pasensya na, wala talaga akong maisulat ngayon. Siguro simula ng huling post ko, nakakalabing limang draft na ako. Ayokong magkwento tungkol sa pagiging kwentotero ko, o sa pagiging tigang, o sa kawalan ng love life o sex life o social life o kung anuman. Ihanap niyo naman ako ng inspirasyon magsulat oh. Please lang, maawa na kayo!!!
May 5, 2009
MY TOP FILMS: CULT FAVORITES / SCI-FI
A cult favorite is something that not alot of people know, but some people love religiously. It may not have the box office numbers of say The Dark Knight, but when you ask people what their favorite films are, chances are it's on that list. It may not even be that good, but it has a loyal following. Geeks tend to have a list of their favorite movies, and since I'm a self-confessed one, I thought I'd have one myself. Basically, this is a list of good films no one saw.
Be warned though, some of the films listed here, you may not have heard of... ever. So you might not be able to relate to whatever shit I'm writing today.
Sorry about the pictures guys, I kinda overestimated the sizes as I tried saving them from my pc, and I can't get back to edit it, as I'm currently working.
THE RUNNING MAN: Yes. You read that right, I started this list with an Arnold Schwarzeneger movie. The movie is set in a not so-distant future where convicted criminals are turned into contestants in a television show where they need to run and survive a huge course littered with violent killers (called Stalkers) intent on stopping them. I remember staying up until 1am just to see this in Million Dollar Movies. The movie is so violent, it's so good. Apart from True Lies, this is my only other favorite Arnie film.
THE NEVER ENDING STORY: Ahh.. the world of Fantasia. Atreyu is charged of saving it from The Nothing. Along the way, they meet fantastic and frightening creatures which would help him or destroy the world. I love this movie. I remember watching this from our betamax player over and over and over... and over. I think back then I remember all the lines of almost all the characters since I don't play anything else but this. Without googling, I still remember Atreyu Bastion, Falkor (the giant fying dog), and the racing snail. Whenever I remember this film, I can't stop singing the theme... The never ending stoory... aaaah-aaaah-aaaah.
MONSTER SQUAD: For a 9-year old boy, this movie could be very terrifying. A group of teen-agers find that their village is being overtaken by monsters like Dracula, a werewolf, a mummy, Frankenstein and some water monster of some sort. And it's up to these kids to stop them from taking over. This is a very hard to find movie. I only saw it on RPN 9 back in the early 90's during their midnight run one of those summers. I remember I was really scared, but those were kids fighting monsters, so it's cool!!!
THE GOONIES: Another teen-ager film, but this time instead of monster hunting, this movie's about treasure hunting. A group of kids find a map to the lost treasure of the pirate One Eyed Willie. I only saw this film recently on Star Movies, and I instantly liked it. I find it funny seeing the younger version of Sean Astin and Josh Brolin. They look like nerds. It's not really a very good movie, but I like boobie-trapped caves and then there's Sloth. Stupid ogre looking monster that turns out to be their friends.
DONNIE DARKO: Alot of people don't like this movie because it is deep. It's troubling. It doesn't make any sense. And it's too smart for other people's taste. Donnie Darko is a paranoid schizophrenic who learns that the world will end in a few days. He sees visions of what he needs to do to prevent it, and meets people who'd help him stop it. Yeah, it's very hard to digest the movie upon initial viewing. It's kind of boring. But if you understand the story, you'd appreciate it. I mean it took me 3 times to fully like this film. It is exceptionally written. And I think the actors agree, as it boasts cameos from Drew Barrymore and Noah Wyle, and it's the star-turning role for Jake Gylenhaal.
THE PRINCES BRIDE: I'm not really sure if fairy tale fits this genre of movie. It is kind of a love story. Princess Buttercup is kidnapped on the eve of her wedding, and how a pirate rescued and in turn falls in love with the Princess. Pretty much your typical fairy tale love story complete with swordsplay, giants, disgruntled former employees and an evil prince. Again, these films are called cult-favorites as they're not for everyone's taste. And this one is the type where you'd either love it or hate it. I love it.
ARMY OF DARKNESS: This movie was shown in Star Movies last Christmas, or was it last Holy Week. In any case I saw this movie during a Christ-centered holiday. I find it funny that they showed this film of all movies. Ash is thrown to medieval England and was tasked to find the Necronomicon and save the castle in order for him to go home. This is a B-movie at its best. But this movie is hilarious. Just don't mind the 70's effects and all. This is, after all from the Director who gave us the Spider'man films.
BLADE RUNNER: In the future, earth created replicants to do dangerous jobs off-world that us men can't do. The thing is, these replicants had a mind of it's own and started an uprising. Enter the Blade Runners. Men charged in putting down these beings. And when a group of violent and vicious replicants escape custody, it's the job of Rick Deckard (Harrison Ford) to put them down. I've been hearing alot of good things about this movie, since I started appreciating movies. It was only last year that I finally saw this movie. It's really good. Thought-provoking and mind-numbing. It's not a popcorn movie as it does make you think. But I think people will like this movie.
May 2, 2009
PARA SA MGA BROKEN HEARTED
Hindi ko pipilitin ang mga taong ito na magpakasaya. Mahirap yon. Hindi madaling mag move-on. Madali lang sabihin. Alam ko yon. Yung taong minahal ko at di ko nakatuluyan, 2 taon bago ko tuluyang nakalimutan. Hanapin niyo na lang yung Goodbye Letter na post ko.
Nakakadepress nga, sa mga ganitong pagkakataon, hindi mo maiiwasang tanungin ang sarili mo, ano ba ang kulang sa'yo? Bakit hindi ka magawang mahalin ng iniibig mo? Kahit pa siguro hitsura mo, kukuwestyunin mo. Panget ba ako kaya walang nagmamahal sa akin?
Gusto ko sanang ipost dito lahat ng quotes sa cellphone ko tungkol sa pagiging broken hearted, kaya lang baka isipin niyo na propesyonal ako sa pagiging basted, kaya hindi na lang. Iniipon ko lang yun, kasi maganda naman ang mensahe nila. Hindi bitter.
Siguro ito na lang ang maibabahagi ko para sa mga taong medyo malungkot sa panahon na ito.
ANG PAGTATAPOS NG PAG-IBIG HINDI IBIG SABIHIN KATAPUSAN NG MUNDO. Alam ko, maraming ganyan ang pakiramdam. Marami ngang nagsusuicide attempt dahil dito. Hindi ko sila masisisi, malamang binigay nila ang buong puso nila dun sa taong minahal nila, pero sa huli'y di rin pala magkakatuluyan. Ang sarap kayang mabuhay. Ang daming lugar na dapat makita. Mga taong dapat makilala. Bagay na dapat gawin. Ang hindi naiisip ng mga taong ito, na minsan may mga bagay na gusto mong gawin dati at hindi mo magawa dahil pinipigilan ka ng kasama mo, kaya ngayon maaari ang tamang panahon para gawin ang mga nais mong magawa. Dapat lang tandaan, lumayo sa tali, blade, kutsilyo, pills at baril.
DITO MO MAKIKILALA KUNG SINO ANG MGA KAIBIGAN MO. Merong mga panahon noong may kapartner ka pa, na hindi mo na madalas nakakasama ang iyong mga kabarkada. Alam ko, pag malungkot ka, mas nanaisin mong mapag-isa. Pero trust me, higit kailanman, ito ang panahon kung kailan mo kailangan ang iyong mga kaibigan. Hindi lamang dahil kaya ka nilang pasayahin, pero dahil hindi ka nila bibigyan pa ng dahilan para maging malungkot. Oo, minsan pagtatawanan ka nila, kasi naging tanga ka, pero kailangan nating mabatukan paminsan-minsan.
ISIPIN MO ANG SARILI MO. Sabi ko nga kanina, sa mga panahong ito mo itatanong kung ano ang kulang sayo. Kung ano ang mali sa'yo. Ayus lang yan. Importante yan para lalo mo makilala ang sarili mo. Pero don't dwell too much on the negative. Isipin mo, lalo kung wala kang makitang mali sa mga ginagawa mo, na baka hindi ikaw ang dahilan kaya kayo hindi nagkatuluyan. Baka siya yung may problema. Ang isipin mo na lang, paano mo pa mapapabuti ang sarili mo, at paano mo mamahalin ang sarili mo, para hindi na maulit ang nangyari sa inyo.
Totoong mahirap magmove on. Sabi nila, kadalasan hindi natin nakakatuluyan ang ating greatest love. Pero ang isipin niyo na lang, kung dun sa taong hindi para sa atin ay naging maligaya tayo, paano pa kaya kapag nakilala na natin yung babae/lalake na inilaan para sa atin.