Linggo ng gabi, sa gitna ng migraine, may nareceive akong text. Nangangamusta. Mahigit isang taon na rin mula ng huli ko siyang makita o makausap man lang. Ex ko.
Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin. Kunsabagay, di rin naman kasi talagang maganda ang naging dahilan kung bakit naging kami. Dala ng pangangailangan ng katawan. Never kong inexpect na magiging magkaibigan kami ng ex ko.
Nakikibalita lang siya kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. May iba na ba ako? Kumusta na trabaho ko? Ano na hitsura ko ngayon? May sex life pa ba ako? Mga ganung tanong.
Meron naman siyang naibalita sa akin. Kakahiwalay lang nila ng boypren niya. Mag-aaral na daw siya ulit, nag-iipon lang ng pambaon niya sa pasukan. Meron pang iba, di ko na lang maalala, masakit kasi talaga ulo ko nun.
Napapansin ko lang, nitong mga nakaraang linggo, karamihan sa mga multo ng aking nakaraan eh nagbabalik sakin. Yung dati kong kaibigan, na friend ko na ulit na si Francis. Yung closest friend ko sa una kong trabaho na si Flor. Yung dati kong boss na si Ms. Joh. Tapos ngayon, yung ex ko. Sign ba ito? Meron bang pinaparating sa akin ang tadhana? Baka naman kailangan ko nang maghanap ng syota ulit. Ipasok ang sarili ko muli sa merkado.
Ex: nyc to know that ure doing okay. Ngpapyman k n h.
Gillboard: d nman. bti nman napatxt k. tgl dn tyo di usap.
Ex: actly... hhngi sna ako favor...
Gillboard: ?
Ex: Do u have 5k i cud borow. kelngn k lng tlga. kkenrol k lng kc, la nako pmbyad s crdt crd k. Pay u s 30.
Akala ko pa naman namiss niya ako. Naalala ko na kung bakit kami naghiwalay.
mayt dalang good at bad na sign yan parekoy...
ReplyDeleteyun eh kung kakagat ka.
alam na alam ko yung mga style na mga yan..(lols nagmamagaling lang..)
hanep naman ang style ni EX.. taena sana naman hindi muna sinabi ang tungkol sa pera..lols
nagmuka tuloy pera lang ang gusto sayu..pero UTANG naman eh, kaya pagbigyan mo na..hahaha
haha. di ko alam kung ano dapat maging reaksyon ko kung ako ikaw.
ReplyDeletekosa: ok lang... wala naman siya napala sa akin eh... harharhar
ReplyDeletebampira: pagkayamot!!!
Ampf! Uutang lang pala.
ReplyDeleteHmmm medyo naka-relate ako dito (minus da utangan part LOL). Lately nagparamdam 'yung ex ko na s'yang rason kung bakit ako andito sa Singapore (pero nasa Pinas na siya ngayon).
Usapan sa YM:
X: OK ka ba jan?
GD: (surprised) K naman.
(Dead silence)
Gagawan ko sana ng entry, kaso wala naman kwenta ang pag-uusap namin kaya dito na lang. LOL
haha. kaya pala. i dont have contacts with my exes. heck, i dont even have their numbers on my phone. :D
ReplyDeletegasdude: ako madami din ganyan, kahit di ex, daming dead silence pag ako kausap... hehehe.. salamat sa kwento!!!
ReplyDeletescud: ako naman, kahit di ko itext, i still keep their numbers... for just in case moments...
ayun nman oh! Ang sweet na ex naman niyan. Garapalan na.
ReplyDeletealam mo bang meron talagang punto sa buhay natin na talagang nagbabalikan ang mga nakaraan...nakakagulat ung mga ganun.. usually pa gna nagbabalikan sa eksena ang mga XYZ kapag ung sitwasyon mo eh ok na ok ka na...
ReplyDeleteHahaha...akala ko may pagtingin pa sa iyo... no offend pare..lakas yata ng loob ng ex mo..hahaha!!!
ReplyDeletefrens can be lovers but lovers cant be frens kung hahayaan mong umabot sa ganun!
ReplyDeletebadong: oo sobra sweet niya.. nakakamiss.. parang sarap sakalin... hehehe
ReplyDeleteyanah: nothing wrong naman sa pagbalik ng ex.. wag lang para mangutang.. diba?! lolz
moks: not offended... totoo naman eh.. hehe... kala ata niya sugar daddy ako.. nyak!!!
jin: yup... kaya siguro 1 lang ang kaibigan ko na ex ko.. hay!!! sablay moment nanaman...
ReplyDeleteSobrang textmate kami ng ex gf ko. Minsan binabalak ko ngang lumabas kami just for old time sake eh. Pero taon rin ang dumaan bago kami nagkaayos ulit. Saka ako naman ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay eh.
ReplyDeleteSa case mo dude, ampanget naman ng entrada niya. May mga babae palang ganyan.
eh dapat pinatagal nia man lang yung pangungumusta bago siya nangutang...
ReplyDeletehahaha...
pasaway din minsan ang mga EX...
walang dalang sign yan pare..
dala lang ng migraine yan..malamang..haha
knox galen: sa defense naman niya, pinaabot naman ng mga tipong 12 txt exchanges yan, bago siya nag-attempt mangutang... hehehe
ReplyDeletejen: maaari... may punto ka dyan jen.. siguro nga... hehehe
ako friend ko halos lahat ng ex ko. may isa (o dalawa yata) na hinde. :p
ReplyDeleteayus din ex mo ah. nakakaalala pag may kailangan. salbahe. LOL
ganon? mangungutang lang palah... tsk!... naalala koh... isang ex kong ghost may utang pah saken ahh... tsk! ganonz den... tanga naman akoh pinautang... tapos makuha ang kelangan... wala na ren akong balitah... actually nakausap koh one time... pero nagka-amnesia atah... lolz... nde koh na siningil... kanya na 'un.. nde koh na ren kc maalala magkano eniweiz... lolz. ingatz. Godbless! -di
ReplyDeletenabasa koh ibang komentz sau d2... oo nga... sana binolah ka muna.... sinabing na-miss kah... kunyari magkukuwento sa situation nyah... paawa effect... hanggang kaw na mismo ang mag-volunteer magpautang... ganon dapat... lolz =) peace out...
ReplyDeleteTlagang mukhang nagiging desperado ka ng magkasyota ah gill! Pati yung music mo binago mo, may pagkasenti!
ReplyDeleteAyos din si ex, talagang nangutang. Eh malay mo tinatawag ka na pala ni Lord para maging pari!!hahahah. Pwede
Hayaan mo matatalisod mo rin ang tamang babae para sa iyo.
ayos tong si ex mo ha.. may opening spiel pa. ahehehe.. at least naalala mo kung bakit kayo naghiwalay.. pampatalas ng isip.
ReplyDeleteang kapal naman. kainis. nangungumusta pa kunwari. buti na lang iniwan mo na siya. :)
ReplyDeleteayun... nagpalit ng profession... bangkero na! hahahahaha!
ReplyDeletenag LOVE indi namimili ng panahon yan.. bigla na lang yang dumadating. may sign man o wala.
wag kang mainip... may nakalaan para sayo. magpautang ka muna!!!! lolz!
Eeww. ang bobo mo lang kung aasahan mong babayran ka nya! haha
ReplyDelete12 kame sa team, 10 lalake. lahat ng lalake inutangan din ng ex. nagpaloko lahat! haha
watda $#&@!!!! pinautang mo na sana. pero yung tipong payb six!
ReplyDeleteako rin in-add ko sa frienster ko yung exGF ko, dinecline. bitter! pero ex BF ko, inapprove naman. haha
kuya jon: lam ko na matagal na na medyo brat sya.. sanay nako dun.. hehehe
ReplyDeletedhianz: lam mo, kahit magkwento at magpaawa effect pa siya, di rin ako magpapautang.. kuripot kaya ako.. hehehe
drake: di naman ako desperado magkasyota... sa tingin ko lang baka time na para maghanap ako... hehehe
ReplyDeleteedsie: oo nga.. pero lam mo, minsan matutuwa ka rin na kahit papano, naaalala ka ng mga tao.. ngalang kasi may kelangan sila.. tsk tsk
aris: noon pa naman, may ugali na yun.. di ko lang pinapansin.. kasi... wag na lang.. hehehe
ReplyDeleteazel: ganun ba yun, pag nagpautang ako, darating siya? hehehe... di naman ako naiinip.. di naman kasi ako naghahanap...
chyng: mga lalake kasi, natural na mabait yan... wag ka kokontra!!! lolz
ReplyDeletemksurf8: honga no? kumita sana ako... bat di ko naisip yun?
hehehe
desperate times needs desperate measures...
ReplyDeletedesperado siya... baka OO...
desperado ka ba??
haha---naalala ko tuloy yung dati kong friend---saka lang sya maka-alalang mag-tx sakin pag mangungutang sya---hehe
ReplyDeletesama naman nun----di maganda---kung ako---lalo sasakit ulo ko---mahirap talaga kasi kung alam nila na marami kang pera---inuutangan---hehe
parang may patago shang pera ah!
ReplyDeletecrazy ex gf!
Tama. Tama.
ReplyDeleteEx is an ex. Past tense.
Di na dapat balikan.
he he, naalala ko yung ex ko sa post na to...
ReplyDeletenakiki comment lang pow...
nice blog..
haha kainis naman un nakaalala lang mangungutang pala!
ReplyDeleteHaha. Well at least naalala ka. Pero badtrip nga kung naalala ka just to ask for something. Mga ex nga naman oh.
ReplyDeleteahahaha... hirap nga pag ganun. naalala ka lang kung may kailangan.
ReplyDeleteako naman best friend ko pa rin yung isa ko ex pero yung isa wala ng communication.
hahaha...akala ko ano na.. hihiram pala pera..hehe..kaya pala na Ex.
ReplyDeleterens: di ako desperado?! bakit ba ganun ang basa ng tao sa post na 'to? sigh
ReplyDeletepusang-gala: tanggapin na lang natin na meron talagang mga ganung tao... fair weather friend...
theonoski: honga.. wala nga akong nakuha dun dati..
waterbased: di naman sa di dapat balikan.. wag lang sana utangan.. hehehe
ReplyDeleteyodz: salamat sa pagbisita... buti yang may naaalala ka pa.. ibig sabihin malayo ka pa sa alzheimers... lolz
maccallister: yep.. lalo sumakit ulo ko nun, dahil sa kanya.. hehehe
allen: onga, mga ex nga naman... di makamove on!!! lolz
ReplyDeletethe dong: ako halos lahat, wala talaga communication.
bingkay: di naman yun necessarily yung dahilan kaya kami naghiwalay... di lang talaga kami compatible.. hehehe
haha
ReplyDeletelaughtrip!