May 11, 2009

DEAR DIARY

Mother's Day kanina, at ito ang araw na siguro pinakanapagod ako.

Una, marami kaming bisita sa bahay kanina. Madami kasi akong kamag-anak na galing probinsya at naisip na icelebrate ang araw ng mga nanay sa bahay namin. Of all the places para magcelebrate, sa bahay pa namin!!! Kunsabagay, nitong mga nakalipas na buwan eh sobrang nananahimik ang tahanan namin dahil ako lang at ang tatay ko ang nakatira dito. Dinadapuan na ata ng kung anu-anong lamanglupa ang bahay namin sa sobrang katahimikan. Kelangan nang bulabugin at palayasin baka maisipan pa nilang tuluyang gawing tambayan ang kuta ko.

Anyway, ang daming tao sa bahay kanina. Naputol tuloy ang panunuod ko ng True Blood. Napilitan akong patayin yung DVD dahil puros sex scene ang palabas na ito at ang daming batang bisita namin. Sabi ko ayos lang naman yan, mabuting bata pa, eh namumulat na sila sa kamunduhan. Automatic naman nilang pinipikit ang mata nila pag may naghahalikan. Nakakatawa, kasi sabay-sabay silang mag-ewwwww pag pinapalabas na yung mga maseselang eksena.

Syempre, dahil may party di pwedeng mawala ang drama. Ang nanay ko, ipinagkalat nang marami nang bisita na hindi ko daw siya binati noong araw na yon!! Sabi ko, pasensya naman at tsumetsempo ako sa tamang timing. Paano naman kasi, nung araw na iyon, pag nakakausap ko yung tao, eh laging inuutusan ako. Maglinis ka ng sala. Iclear ang lamesa ng kalat. Magwalis ka. Patayin mo ang tv. Ibaba ang mga electric fan. Ang mga upuan, kulang. Bumili ka ng ice cream. Wag ka muna kumain, maglinis ka ng banyo. Ay si Cinderella pala yun... Basta marami pa siyang utos kesa sa diyos.

Anyway, nakahanap naman ako ng tamang tiyempo. Binati ko yung nanay ko. Nung sinundo na ako ng kaibigan ko, dahil tatambay kami sa Tagaytay. "Happy Mother's Day Mommy. I love you. Alis muna ako. La lang." - matagal ko nang tanggap na hindi ako pwedeng manominate bilang isang ulirang anak awardee.

Sa Tagaytay, kasama ko nanaman ang aking kaibigang matagal ko nang nababanggit dito. Yung nireto ko sa isa ko pang kaibigan, pero di sila nagkatuluyan. Sinamahan ko lang naman siya na ianalyze kung bakit hindi sila nagkatuluyan ni babae. Opo, matapos ang halos isang buwan, eh hindi pa rin siya tuluyang nakakamove-on. At least tapos na kami sa denial at anger stage of grief. Sana matapos ang gabing ito, eh nasa acceptance stage na siya. Mukhang naliwanagan na naman kasi. Sana. Sabay-sabay tayong icross ang ating mga daliri!!!

Hindi naman puros yun ang naging usapan namin. Pareho kaming matatanda na. Actually, siya lang. Mukha lang akong mas matanda sa kanya. Pero natuwa ako sa pagkikitang ito. Hindi siya kasingbigat ng mga dati naming pagkikita. Hindi na naman kasi puros problema ang usapan ngayon. Teka lang, ako pala ang gumastos sa lakad naming iyon. Shit, naisahan ako!!!

Nasa opisina na ako ngayong gabi. Walang tulog at pagod na pagod. Hindi ko alam kung magagawa ko ng matino ang mga layunin ko sa opisina, pero sisikapin kong maging gising. Unahin natin doon. Inisip kong lumiban. Pero ayokong mantsahan ang aking napakahusay na record nitong buong siyam na buwan. Sa susunod na lang.

Ngapala, sa Miyerkules, darating ang Uncle ko mula sa US. Nosebleed moments nanaman ito dahil di siya marunong magtagalog. Buti na lang may trabaho ako. May excuse na hindi makasama sa mga gala niya. Hehehe

Nagmamahal,
Gillboard

PS.
Pasensya na, wala talaga akong maisulat ngayon. Siguro simula ng huling post ko, nakakalabing limang draft na ako. Ayokong magkwento tungkol sa pagiging kwentotero ko, o sa pagiging tigang, o sa kawalan ng love life o sex life o social life o kung anuman. Ihanap niyo naman ako ng inspirasyon magsulat oh. Please lang, maawa na kayo!!!

30 comments:

  1. Talagang pumunta pa ng Tagatay para mag-analyze? Huwaw naman! Meron pang dalawang stages after Anger bago makarating sa Acceptance, ayon kay Kubler Ross. (OK, geek mode.) LOL

    ReplyDelete
  2. Hehe. Ang sweet nga eh, "Happy Mother's Day Mommy. I love you. Alis muna ako. La lang." At may kasama pang blush. Hehe.

    P.S. kunwari pa yung mga bata, may pa-eww-eww pang nalalaman, hehe

    ReplyDelete
  3. gas dude: iniskip ko na yun... pinagdaanan na rin niya yun.. hehehe

    badong: kiniss ko naman.. tsaka nagregalo naman ako ice cream para sa mga bisita pagbalik namin.. hehe

    ReplyDelete
  4. gas dude: geek din ako... hehehe bargaining and depression yung 2 pa... pero ayoko na ikwento yun.. nakakadepress lang lalo...

    ReplyDelete
  5. AYOS kayo ah... sa tagaytay pa tumambay talaga... hehehe! may ishare sana ako pero wag na lang paepal lang yon e... hehehe!

    NOSEBLEED? hmm... yakang yaka mo yan parekoy...

    Naisahan ka ba? hehehe... dapat sa umpisa pa lang sinabi mo na KKB ito ha... lolz!

    ReplyDelete
  6. Kuya Gilbert! teka pabati muna...Happy Mom's Day sa mom moh... alam moh bah...loves koh ang mga ganitong post. Natutuwa akoh... Para koh lang kayo naririnig magsalitah. Kakakaaliw. Naks ala-cinderella ka palah kuya ha... kakatuwa. Oh yeah ganyan tlgah ang mga bata... pamangkin koh ren pag kissing scene nah... tatakip nang mata... kaso minsan sumisilip... tsk! lolz. Oo nga minsan nde moh alam kung ano ipopost moh... minsan den natambakan akoh nang puro drafts... ayoko naman kc ren masyadong mag-emote. Kakasawa. lolz. Teka saya naman nag-tagaytay kayoh. Abah parating palah uncle moh from Tate... for sure he got some chocolates and impoted goods.. yahoo... lolz.. nd hmmm nosebleed... aysowz.. galing moh nga sa mga english post... sisiw lang yan sau. At tsaka kahit ano lang... masabi moh lang ang gusto mong sabihin eh ayos na yon. Nde ka naman nilah ikokorek. La naman silang care don. Eniweiz. i love ur post. Magde-dear diary post den akoh... later... 'un... ingatz kuya... Godbless! -di

    ReplyDelete
  7. teka.. oo nga noh... ang sweet... may pa i love i love you mommy kah pah... humiritz lang =)

    ReplyDelete
  8. marco: malay ko ba na pagpunta niya ng Tagaytay eh ang dala lang niya eh P250. Hay!!! Okay lang sagot naman niya gasolina. Mas mahal yun.. hehe

    dhianz: pasalubong? wala yun.. very doubtful.. never pa nagdala ng pasalubong yun pag bumibisita dito sa Pinas yun.. hehehe

    ReplyDelete
  9. honga honga!
    minsan talaga mahirap sabihin ang mga "magagandang salita" dahil parang nagiging Korni ang dating.. Bilang isang anak dapat hindi lang sinasabi ang mga bagay bagay kundi higit sa lahat ay ipinapakita din(o nalang..)

    haha..sa PS mo, lols natawa ako parekoy..di ko alam kung bakit..

    happy mothers day!

    ReplyDelete
  10. hehehe... yung nakapagsilbi ka sa kanya sa ganung paraan ayos na yon. belated happy mother's day!

    inspirasyon para magsulat? tag! hehehe..

    ReplyDelete
  11. happy mother's day sa mom mo...

    ilang taon na ba ung mga bata na minulat mo sa kamunduhan? baka naman preschool pa un! bad ka! hehehehehe!

    inspirasyon? dadating un sa araw na di mo inaasahan! pero kung talagang atat ka na.. pwede na siguro si minnie mouse.. cinderella... snowwhite... daisy duck.. slleping beauty...winnie the pooh (atleast hubo na sya!) lolz!

    ReplyDelete
  12. Magkasing dami lang ang drafts natin...

    Okay naman tong diary mo eh..Kung ikaw lang di mo siguro kailangan ng inspirasyong magsulat.. Sanay na ko (at sila) na nakakabasa ng kahit anu sa blog mo..

    At least napagsilbihan mo si nanay mo ng mother's day. hehe. kung ako kasi minsan uunahan ko na sya sa iuutos nya para di nawiwindang ang tenga ko sa kakatawag ng maganda kong pangalan!...

    ReplyDelete
  13. dami nga greet sakin ng Happy Mothers day kahapon---kala siguro nila nanay ako---keke

    punta ka ba blog summit? diron ako natuloy e

    ReplyDelete
  14. Wawawiwaw, Im back!!Hehehe! Galing kasi akong bakasyon dyan sa Pinas kaya di ako updated sa blog mo! Sayang di man lang tayo nagkita at ibigay ang pasalubong ko sa iyo!!hahaha!! Next time na lang pre, hehehe!
    Ingat bro

    ReplyDelete
  15. daming pwedeng ikwento. uhmm... yung "online accounts" post mo, nasaan na? inaabangan ko yun. hehe

    ReplyDelete
  16. may mga taong nahihiya bumati ng "Ma...happy mother's day" para ba kasing ang korni pakinggan, pero wag ka yung korni na yun sobrang naappreciate ng isang ina.

    hindi ko nga malaman kung panu ko ibibigay sa nanay ko yung regalo ko pero ayun masaya naman cia.

    happy mother's day sa mommy mo! mejo late na, hehe.

    nice day!

    ReplyDelete
  17. ayus ah! sa tagytay pa talga nag analyze...makapunta nga dn jan baka sakaling makalimot din..amf..

    happy mothers day sa mom mo!

    ReplyDelete
  18. kosa: totoo yang sinabi mo... ipapakita ko na lang.. mas madali yun gawin.. hehe

    the dong: di rin... di ako matag na tao... andami ko na nga utang na tag, nagsawa na sila kakatag sakin... hehe

    ReplyDelete
  19. azel: mga 6-7 years old. isang taon lang yung tanda ko nang mamulat ako sa mga makamundong bagay.. hahaha

    dylan: okay lang naman sakin gawin dakilang utusan... ayoko lang sa harap ng mga bisita. hehe

    ReplyDelete
  20. pusang-gala: ako, di nako tumuloy... isa lang kilala ko na pumunta dun.. ata.. pero ok lang...sarap din matulog.

    drake: kaw naman, di mo sinabi may pasalubong, di sana kahit san ka pa, pinuntahan kita!!! hahaha

    ReplyDelete
  21. Natatawa ako sa salitang Kwentotero, hmmm galing sa salitang ugat na kwento na nangangahulugan ng tagapag-kwento.

    Anyway dumayo ka pa ng Tagaytay ha para makakuha ng inspirasyon sa pagsusulat o naghahanap ng babaeng magbibigay ng inspirasyon sa paglikha ng panulat, anupaman, belated happy Mother's Day sa iyong pinakamamahal na Ina.

    ReplyDelete
  22. aajao: patagalin ko muna, 2 kayong kakapost lang ng ganun.. hehehe..

    iriz: ganun ba yun? hirap magpakacorny kasi sa harap ng madaming bisita.. hehe.. yaan mo I'll take that to mind.

    ilocano: basta, pag punta ka dun, gabi tsaka make sure na may jacket ka.. lamig!!!

    ReplyDelete
  23. the pope: di naman.. minsan kasi kelangan umiwas sa mga kamag-anak na kinukulit ka nang mag-asawa. Tapos, may opportunity na dumating, kaya ayun layas agad.. hehe

    ReplyDelete
  24. Update update sa busy weekend.. So di ka pala umattedn ng blogger summit! :D

    ReplyDelete
  25. mga bata talaga..pa ewww-ewww pa..pero kung lumaki na, pa woooww-wooow na..hehe..

    ReplyDelete
  26. chyng: hindi nga eh.. nakakahinayang... pero di pa naman tapos ang lahat.. may next year pa.

    krisler: oo nga.. mga bata... plastik!!! lolz

    ReplyDelete
  27. waaaaah, ang sweet nung greeting mo sa mom mo. Haaaay.

    Inspirasyon, marami jan sa paligid! Maghanap ka kasi. ehehehe

    ReplyDelete
  28. hapi mothers day saya naman nun, tlgang sa tgaytay pa nganalyze...

    inspirasyon?dami dyan sa tabitabi...hehe

    ReplyDelete
  29. ansosyal. kelangan talaga pumunta sa tagaytay? hehe

    ReplyDelete
  30. yoshke: sarcastic ba yun? hehehe.. di naman ako sweet.. suwail nga akong anak eh.. hehehe

    hari ng sablay: sana nga andyan lang sa tabi-tabi... baka naman may kakilala ka dyan? hehe

    joshmarie: onga... pagsabihan natin yang kaibigan ko... hinihila na lang ako kung san san.. palibhasa alam niya na kaladkarin ako..

    ReplyDelete