Sa ikalawang pagkakataon, nakapag photowalk session ako kahapon. Well, photowalk slash date na rin kasama si Kasintahan. Dahil nagtitipid kami pareho para sa byahe namin sa susunod na buwan sa Bohol, Manila Zoo lang ang napuntahan namin.
In fairness, mas maganda ang experience ko ngayon. Di gaya ng huling punta namin, na muntik na akong maiyak dahil sa kundisyon ng mga hayop doon, nakakatuwang marami na ang improvements niya. Tao na lang ang problema siguro. Nakikita namin ang daming basura ang nakakalat sa lugar. Sana maging disiplinado po tayo dahil kawawa ang mga hayop na nandun.
Meron pa ring mga hayop na medyo malnourished. Panalangin ko na lang na sana'y mabigyang pansin pa ito dahil sayang siya. Lahat naman siguro tayo noong bata'y nakarating na sa Manila Zoo. Kailangan talaga ng lugar ito. P40.00 lang ang entrance fee dito (maliban na lang kung bata ka o taga Maynila).
Anyhoo, ito ang mga litratong nakuha ko sa lugar. Wala po sanang laitan. Di ako photographer gaya nina Dongho at Chyng. Wala akong formal na training, at di pa gaanong upgraded ang camera ko.
 |
| Ang unang makikita mo pagpasok sa zoo. |
 |
| parang alam lang niyang may kumukuha ng litrato niya |
 |
| reminds me of someone sa office |
 |
| cassowary |
 |
| iguana ata 'to. limot ko pangalan. |
 |
| meron isang tiger dun sobrang payat |
 |
| mali yung naupload kong pic. yung isa yung paborito kong pichur |
 |
| cross-breed na ata to ng horse at zebra. |
 |
| in fairness, daming tao sa zoo |
 |
| diba guinea pig 'to? |
 |
| ayun pala yung rabbits!!! |
 |
| love this picture |
 |
| philippine squirrel. so cute!!! |
 |
| family picture!!! |
 |
| si scarlett na makulit |
 |
| kulit nitong mga lovebirds na 'to. takot si kasintahan dito |
 |
| bait nitong ibon na to. kasama sa package ng jungle adventure na dagdag P100 pero all access. |
 |
| may picture din ako with gibby. |
So ang tanong ngayon, magiging photoblogger na din ba ako?!
I know, marami pa akong kakainin para maging gaya ng mga pro photobloggers.