Wala lang, hindi kasi ako isa sa mga naunang nagkaroon nito. Di ako kasali sa mga trendsetters kaya di ko na pinangarap na makiuso. Ayaw kong maturingan na nagpauto.
Ito at ang Twilight Saga ang mga bagay na sobrang sumikat na hanggang ngayon ay di ko pinagkakainteresan. Ngayon, Twilight Saga na lang.
Halos isang linggo pa lang naman ako nagkakaroon nito. Pero nakita ko na kung bakit naaadik ang mga tao dito. Halos isang linggo nakong may account at naaliw din naman ako. Wala naman akong balak iexpand ang Twitter life ko. Wala nga akong sinusundan na kakilala ko ng personal. Puros celebrities lang. Ayoko nga magtwit. Gusto ko lang may maisulat.
At dahil dyan. Eto ang mga napansin ko sa isang linggong pagbukas ng Twitter.
- Malaking tulong siya (lalo na kung follower ka ng MMDA). Kanina P300 lang ang nagastos ko sa taxi dahil nabalitaan kong traffic sa may airport dahil sa welga. Kung di ko nalaman yun, siguro P600 ang binayad ko at sobrang nalate ako.
- Microblogging nga siya. Effective pa. 140 characters lang alam mo na ang nasa isip nila. Di mo na kailangang basahin ang ga-nobelang post ng mga tunay na blog.
- Ang hirap gumawa ng twit na 140 characters lang. Facebook stats na lang ako.
- Ang kuleet ni Superstarmarian!!! Pero minsan medyo sablay yung mga jokes niya.
- Nakakatuwa din sundan si Kuya Kim. Mayroon kang matututunan. Mga kalokohan.
- Wala akong naexperience pang twitter wars. Pero sabi nila, sundan ko lang daw sina Ogie Diaz at Mo Twister.
- Di mo na kailangan maghintay na iapprove ang follow request mo para mabasa ang nasa isip ng mga artista. Di gaya ng sa Facebook (oo ikaw yun Ginger Conejeros!!!).
- Di ako adik. Di ako maaadik.
Bigyan niyo nga ako ng dahilan kung bakit dapat kong ituloy ang kalokohang ito?
Kung gusto niyo akong sundan (kahit wala namang laman ang twit ko, hanapin niyo na lang ang pangalan ko).