Napapaisip ako nitong mga nakaraang mga araw kung mabait nga ba talaga ako?
Kung naaalala niyo yung huli kong post (basahin niyo na lang sa ibaba). Ginawan ko kahapon ng paraan na makamot yung kati sa katawan ko. Sinubukan kong lambingin kahapon buong araw si Singer para kami'y magkita ulit.
Mahaba-habang bolahan at text textan bago ko siya napa-oo na makipagkita sa akin ngayon.
Ngayong hapong ito dapat talaga kami magkikita. Manunuod ng The Proposal sana tapos diretso kung saan. Pero sa huling minuto, nagtext ako. Ayoko nang ituloy ang pagkikita. Sinabi ko na lang dahilan ay ang bagyo kahit na dalawang jeep lang ang pagitan ng mga tahanan namin.
Wala lang, nananarantado nanaman ako. Yung init na nararamdaman ko kahapon at noong isang araw nawala lahat, at kasabay nun ang interes ko sa kanya.
"Ayos ka rin no, after mo akong bolahin kahapon, you'll bail out naman ngayon." text sakin ni Singer.
"I'm sorry. Ayoko talagang lumalabas ng bahay kapag naulan."
"Gil, alam natin pareho na bullshit yung excuse mo. I think it's better if you remove my number sa phone mo." huli niyang text sakin.
Napapaisip nanaman tuloy ako kung mabait ba talaga ako. Alam kong na gawain ng isang certified tarantado talaga yung ginawa ko ngayon. Pero alam ko rin na mali kung tinuloy ko yung pakikipagkita ko sa kanya.
Kung alam ito ng mga kaibigan kong barako, malamang nabatukan na ako. Andyan na yung palay, tutukain ko na lang, lumayo pa ako. Tapos, iyon pa ang hinahanap hanap ko. Kung tutuusin, wala talaga akong karapatan na magreklamo, kasi lahat naman ng ginagawa ko, desisyon ko lahat ito. Ang talikuran ang pagkakataon na makipagtalik. Ang hindi magpakilala sa natitipuhan kong kasabay sa sasakyan. Ang pagiging single hanggang ngayon.
Hindi talaga ako mabait. Tarantado ako. Suplado. Mas uunahin ko ang mga wisyo ng katawan ko, kesa kapakanan ng ibang tao. Wala akong ibang iniisip kundi ang sarili ko. At hangga't hindi ako nagbabago, malamang mananatiling ganito ang buhay ko.
Mag-isa at walang nakakasama.
Narealize ko, ito maaari ang dahilan kung bakit hanggang ngayon eh single pa rin ako.
**********
This is not a rant post about me being single. Like I've been saying, I'm not desperate. This is not a post about me wanting to be with someone. I'm writing this, in the hopes that I'll get to know myself better. And in doing so, I hope that this'll help me to become a better person.
Again, I'm not sad. I'm not lonely. Maybe I'm a little bit confused. But still I am happy. I am blessed with having a job that I like. Having friends who love me. And things that occupy my lonesome time.