Mga Sumasampalataya

May 11, 2010

MGA ARAL SA PAGBABLOG

Medyo matagal na rin pala akong nagsusulat dito sa blog na ito. Limang taon pagsapit ng Nobyembre. Medyo inuugat na kung tutuusin, pero medyo baguhan pa rin sa ilang aspeto. Marami pa ring natutunan na bago sa paglipas ng mga araw.

Sa loob ng halos limang taon, marami nang dumaan dito sa blog na 'to at naging kaibigan online, pero hindi na nagpaparamdam. Nagsara ng blog. Nagtampo. Nakalimot. Nainis. Nagsawa... Actually, wala tong kinalaman sa post, pero nakakatamad nang burahin.

Ang gusto ko talagang isulat eh yung mga natutunan ko sa pagsusulat dito, at paglilibut-libot sa mundong ilang taon ko nang pinagkakaabalahan.
  • Mahirap magjudge ng isang blogger, dahil kadalasan iba ang personalidad nila sa labas ng kanilang pinagsusulatan. Magugulat ka na lang na iba pala ang ugali ng mga ito kumpara sa mga nababasa mo.
  • Ang pagsusulat ay mahirap iwan, lalo na kung ito talaga ang hilig mo. Ilang beses mo mang tangkaing iwan ito, pero "once a blogger, always a blogger."
  • Hindi kailangan ng kung anu-anong pautot para mapansin ng ibang tao. Kung may taglay ka talagang talento sa pagsusulat o pagkiliti sa mga mambabasa mo, kusa silang lalapit sa'yo. Di mo kailangang gumawa ng kung anu-anong pakulo. In the end, kaya ka binabalikan dahil sa mga sinusulat mo at hindi sa kung anong award, tag, papremyo o kung anuman na ipinamimigay mo.
  • Isa ring epektibong paraan sa pakikitungo ang pagiging blog hopper. Dahil iba-iba ang personalidad ng mga manunulat. Merong pikon. Matampuhin. Madrama. Bastos. Isip bata. Mayabang. Tanggapin mo na lang ang pagkatao nila, kundi sasakit lang ang ulo mo. Option mo namang wag silang bisitahin o wag pansinin kung ayaw mo.
  • Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo. Basta kung magkatuluyan kayo wag kang manggago. Para kung sakali mang maghiwalay kayo, eh walang masasabing masama sa'yo yung ibang tao.
  • Madaling mahuli kung sino yung mga hindi nagbabasa ng mga sinusulat at kumukumento for the sake of comments lang. Trust me.
  • Kung balak mong ilabas lahat ng gusto mong sabihin, kelangan tanggapin mo na hindi lahat ng tao ay maaaring sumang-ayon sa mga sasabihin mo. Maging bukas sa kritisismo. Dahil dun tayo matututo. Kung may sarili kang paninindigan, ayos lang, wala rin namang masama kung paminsan makikinig ka sa payo ng iba, diba?
  • At kung hindi ka naman sang-ayon minsan sa sasabihin ng iba, kung sasagot ka kailangan mong maging careful sa sasabihin mo. Madaling mamisinterpret ang iyong sasabihin dahil hindi madaling maramdaman ang emosyon kapag ito'y sinusulat, kumpara kung ito'y sinasabi. At kung wala ka rin namang magandang sasabihin, sarilinin mo na lang. Mahirap yung may natatapakan kang ibang tao.
  • Kung isa kang blogger na naghahanap ng maaaring ibigin sa medium na ito, payong kaibigan lang, wag ka masyado magkwento tungkol sa mga karanasang kamunduhan mo. Parang nilalaglag mo lang ang sarili mo. Paano ka nga naman mamahalin ng isang tao, kung alam nilang natikman at napagpasapasahan ka ng kung sinu-sino.
  • Ang pinakamasayang reward sa pagbablog ay ang makakilala ng mga tunay na kaibigan na tatanggapin ka inspite ng mga katarantaduhang pinagsusulat mo sa tahanan mo. At kung makakakilala ka nang mga taong ganito, wag mo na pakakawalan yun. Tunay na kaibigan yung mga yon.

Muli, ito'y aking mga opinyon lamang. Kung may masasaktan o tatamaan, hindi ito sinasadya. At kung tinamaan kayo, wag kayo umamin, kasi hindi lang kayo ang nagbabasa nito. Malalaman pa ng mas maraming tao kung may ugali kayo. Hehehe

Peace...

36 comments:

citybuoy said...

lol dapat dito iprint at ipamigay sa mga bloggers. daming violations kaso natutunan ko nalang na i-accept. hindi naman ako diyos na nagpapabago ng tao. lol

rudeboy said...

"Kung isa kang blogger na naghahanap ng maaaring ibigin sa medium na ito, payong kaibigan lang, wag ka masyado magkwento tungkol sa mga karanasang kamunduhan mo. Parang nilalaglag mo lang ang sarili mo. Paano ka nga naman mamahalin ng isang tao, kung alam nilang natikman at napagpasapasahan ka ng kung sinu-sino."

Daig pa nito si Judiel Nieva na bilang tanda ng kanyang pagiging milagrosa ay nagpaulan ng sangkaterbang hollow blocks sa sambayanan.

casado said...

hhahaha..ARAY! buti na lng di ako naghahanap ng iibigin dito sa medium na ito ahahha!!! :P

Photo Cache said...

mahusay kang magbasa ng blogging personality.

Anonymous said...

agree ako sa lahat ng sinabe mo lalo na yung once a blogger, always a blogger tsaka pag ang pagsulat ang hilig mo eh talagang di mo maiwan ang mundo ng blog..kase ilan beses na din ako gumawa at nag close ng mga date ko blog binabalikbalikan ko pa rin. kaya ayan i promise myself i'll stick to one blog..

pasensya ang gulo ng comment ko

aajao said...

daming nalalaman ah! hehehe.. atagal ka na rin palang blogger, Gibo. napaghahalata tuloy na tumatanda na tayo. LOL.

PS. kailangan talaga merong magkagusto sa isang blogger mula sa mambabasa nya? :P

jayvie said...

bow! coming from you, na super tagal na nagboblog, napabow talaga ako sa post na to.

matagal ko na din binabasa ang blog mo, almost 2 years na yata. at saludo talaga ako sayo kasi hindi ka nauubusan ng brilliant ideas sa kung ano ang isusulat.

anyway, totoo nga yung once a blogger, always a blogger. muntik ko ng binura yung blog ko dati, pero lagi ko naaalala yang line na yan, na sayo ko unang narinig.

sayo ko din natutunan na para basahin ka ng iba, dapat marunong ka din bumasa ng iba, at tama, mafifeel mo talaga pag may nagcomment at obvious na hindi binasa ng buo yung entry.

sa tagal na kita kilala dito, tinuring na kitang kaibigan, kaya ano, game ka ba makipagdate sa pinsan ko? game daw sya. hehe

EngrMoks said...

Nice..daming tinamaan dyan at isa na ko... hehe.

Boris said...

Hays... I feel you when you say some visitors commented on my blog entries for the sake of commenting :(

Sa akin naman, wala akong pakialam kung di mabasa mga rants ko, basta nasasabi ko ang gusto ko at maipaninindigan ko.

Dhianz said...

lavet kuya gilbert... love wat u wrote... akoh den kahit nde ako active activan lately eh nagpaparamdam pa ren kahit papaano... im not ready to leave diz world yet... nd btw dehinz ako nagsasawa basahin ang most of ur entries...ingatz lagi... Godbless!

an_indecent_mind said...

"Posible yung makakakilala ka ng magkakagusto sa'yo dahil sa mga sinusulat mo."

totoo yan brod..

pero teka, sa 5 years mo na dito ilan na ang nagkagusto sayo? hehe!

nice post brod!

domjullian said...

ang bitter mo talaga kay ano.

Mugen said...

Hah! Kaya isang batas na aking sinusunod ay bawal umibig sa kapwa blogger. Sinumang makakapukaw ng puso ko ay dapat hindi ako tunay na kilala. Lolz

bulakbolero.sg said...

ayus tagal mo na din pala sa pagbloblog. \m/

paano ba mahuhuli kung nag skip read lang ako dito? :P

Madz said...

Wow 5 years?? Buti hindi ka nauubusan noh?

Agree ako sa lahat ng sinabi mo *applause* *applause*

Tama nga na once a blogger always a blogger.hehe tagal din na hindi ako nagsulat pero hindi ko rin napigilan yung sarili ko na sumilip ulit sa bahay ko at magsimula ulit ^_^

kikilabotz said...

ang tagal n pala. saludo ako sayo. hehe

siga nga hulaan mo kung binasa ko o hindi? haha. joke lng. hnd talga natin maiiwasan magkagustohan dahil sa pgbblog kasi sa pagsusulat we use our emotion . bsta ganun.

Unknown said...

wow five years sana maabot ko rin to!...keep posting lang 'dre! :D

Unknown said...

meron pa isang aral hehehe

mag ingat sa mga pinopost mo kasi yung ibang company, bago ka palang i hire eh ina access na nila ang facebook, fs, blog mo para mag conduct ng background check kung anong klaseng tao ka at kung fit or magiging asset ka ba sa company nila... eto ang pumipigil sa akin na mag sulat ng todo todo kasi... hehehe, malay mo.

gillboard said...

ollie: di naman ako nagsusulat ng tungkol sa trabaho ko (dahil unang-una mahal ko trabaho ko)... tsaka di ko naman iniincriminate ang sarili ko na to the point na pag nabasa nila 'to eh bagsak agad ako. tamang kulit at tamang seryoso lang.

vonfire: salamat... pero matagal pa ako mag 5 years old... hehe

kikilabotz: oo naman. may kilala akong naranasan yan. hehehe quiet lang ako.

sa tingin ko naman binasa mo post ko.. hehehe

gillboard said...

hartlesschiq: ganun naman talaga... kung magbackread ka dito, ilang beses nako nagpaalam sa blog na ito.. pero eto parin hanggang ngayon, nagsusulat pa rin.

bulakbulero: dahil minsan gawain ko yan, pag ang comment tungkol sa huling paragraph ng post mo, nagskip read yan... try mo iba yung post sa huling paragraph... mahuhuli mo sila.. hehehe

mugen: tipong bawal ipamigay ang url ng blog? hehehe

gillboard said...

domjullian: naghahanap ka ata ng away ah!!! lagot ka sakin dumenec!!! hehehe

indecent: ilan na nagkagusto sakin? hmmm.. di ko mabilang.. hahaha.. no comment ako dyan.. lolz

dhianz: salamat.. kahit hindi ako masyado nakakabalik sa blog mo, di ka parin nagsasawa bumisita dito.. appreciate that alot!

gillboard said...

boris: true. yun naman talaga ang purpose ng blog, ang mailabas ang nagsisilakbo mong damdamin.. hehehe

mokong: wag nga aamin!!!

jayvie: sige lang.. email mo lang ako... hehe.. salamat nga pala sa mga mabubuting salita, di naman yan lahat galing sakin. natutunan ko din yan sa iba pang mas inuugat pa sakin dito sa blogosperyo.

gillboard said...

aajao: syempre kuya jon, idol kita sa blogging.. mas inuugat ka pa sakin eh.. bago pa lang ako noon bihasa ka na!! hehehe

prinsesa: naintindihan ko naman.. mahirap iwan ang blog.

photo cache: hindi naman. siguro nasanay na lang. medyo observative lang siguro..

gillboard said...

soltero: ermmm... blog mo naman yan.. malaya kang isulat ang nais mong ikwento. hehe..

rudeboy: may masasaktan ba?

nyl: nakaprint na... kelangan ko na lang magdidistribute.. hahaha

Chyng said...

agree with 1 and 3. kaya hindi ako fan ng exchagne links eh, hintayin nilang ilink ko sila.. walang pilitan di ba? hehe

question: naexperience mo na yung #5? Ü

FerBert said...

kung blogger ka at gwapo/malakas ang sex appeal asahan mo na magkakaroon ka ng stalker na gusto kang gahasain.

mag-agree ka sa akin dito kuya Gilbert dahil pareho tayo ng stalker. haha

Stone-Cold Angel said...

Agree ako sa sinabi mo na be careful on commenting. Ang hirap kaya intindihan ang sulatin depende sa bumabasa nito. kaya nga lagi akong me smiley to indicate my mood.

=)

the scud said...

dapat naging psychologist ka na lang gillboard. blog psychologist. nyahaha.

at ang tagal mo na na pala nag-bloblog. parang a couple of years lang out of college. :D

Raft3r said...

hehe
astig
kelangan ko ito
medyo tinatamad na ako, eh

kcatwoman said...

ouch! i got two things from the post.
nahahalata nga pag kumocomment lang for the sake of it :( .. i'll try not to do that. at tama ka rin sa sinabi mo na, once a blogger always a blogger. you may stop blogging for a while but you will always find yourself writing again

bestpinay
kcatwoman
ldspinay

gillboard said...

kcatwoman: yeah. andami ngang nagbabalik sa pagbablog these days.

raft3r: asus. Advanced Happy Birthday!!!

scud: psychologist ba, di psycho?! hehehe

gillboard said...

stone cold: minsan kahit may smiley di pa rin naiintindihan.. hehe

efbee: hahaha... la nako sinabi... at least di na tayo iniistalk niya... ibang kaplurks naman.. hahaha

chyng: secret.

ENS said...

hindi ko alam kung ano ang i-cocomment ko...

Null said...

ang tagal mo na palang blogger! astig!

ito ang pinakagusto mo na payo...

"Ang pinakamasayang reward sa pagbablog ay ang makakilala ng mga tunay na kaibigan na tatanggapin ka inspite ng mga katarantaduhang pinagsusulat mo sa tahanan mo. At kung makakakilala ka nang mga taong ganito, wag mo na pakakawalan yun. Tunay na kaibigan yung mga yon."

anu nga ba natutunan ko sa pagiging blogger... siguro yun nga... wag magtanong ng topic sa kapwa adik... hehe palimos po =)

RHYCKZ said...

bilang isang baguhan sa pagboblog, masasabi ko na marami pa akong dapat malaman at pagdaanan, subalit sa sa bawat araw na pagboblog hop at paminsan minsang post masasabi kong tama yung mg sinabi mo na once a blogger, always a blogger at yung mga nakikilala ko through this, tama ka ulit, kaibigan talaga sila...at bilib ako sa mga blog na may staining power kagaya ng blog mo, unlike yung iba na buwan lang ang tinatagal, siguro nga hindi nila hilig ang magsulat,,,

well anyways congrats & ingat.

Random Student said...

nasabi ko na rin sa ibang posts ng ibang bloggers that i really love to bloghop because it's like entering a different world. the discovery is exciting. pag may time. pag busy ni comment di ko magawa. and it does pay to be pleasant coz we want our blogs to be read, di ba? otherwise eh naka-private na lang ito.