Mga Sumasampalataya

May 1, 2010

LABOR DAY

Dahil araw ngayon ng mga manggagawa... Actually sa Lunes siya dahil minove ng napakahusay nating Pangulo. Kakaasar, di tuloy double pay ang pinasok namin kanina.

Anyway, highway wala pa ako sa tamang wisyo. At para mahabol ko lang dahil Labor Day ngayon... Naisip kong ilathala ito muli.

Pitong taon na mula nang ako'y nagsimulang magtrabaho. Mangilan-ngilan na ring kumpanya ang napasukan ko. May nagtagal ng anim na araw. Meron din naman minahal ko't sinamahan ko ng tatlong taon. Etong huli, sana dito na talaga ako magtatagal, dahil ngayon, eh sobrang nag-eenjoy ako sa ginagawa ko.

Anim na taon na rin akong nagtatrabaho. Marami na rin akong natutunan dito.
  • The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho.
  • Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok.
  • Pinakamadaling paraan para masisante ang pagdadala ng problema sa bahay pagpasok mo sa trabaho.
  • Isa sa pinakamabisang paraan para mapansin ka ng boss mo, eh ang pumasok sa trabaho ng maaga palagi.
  • Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.
  • Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo.
  • Kung boss ka, huwag mong pipigilan ang mga nagnanais na umalis sa kumpanya niyo. Manghahawa lang yan sa pagiging di mabuting empleyado.
  • Huwag matakot sa mga pagbabago. Minsan mas nakakabuti ito para sa inyo.
  • Sa mga job interview, kung sasagot ka ng oo siguraduhin mong mapapangatawanan mo ito. Magsasayang ka lang ng oras kung sasabihin mong kaya mo mag graveyard shift, kung hindi naman totoo.
  • Masarap ang magtrabaho at pumasok kung gusto mo rin ang mga nakakasama mo.
  • Pero hindi ibig sabihin na dahil gusto mo silang kasama, at nag-eenjoy kapag kasama mo sila, eh magkaibigan na kayo. Pagdating sa trabaho, ang mga yan sarili din ang iniisip.
  • Hindi masama na alam mo ang gusto mo. Pero siguraduhin mo, kapag may hihingin ka sa iyong trabaho, eh nakakatiyak ka na karapag-dapat ka ngang pagbigyan nito.
  • Sa mga empleyado, naiintindihan ng mga boss ninyo na may pangangailangan din kayo. Intindihin niyo lang, na meron ding pangangailangan sa inyo ang kumpanya ninyo.
  • At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo.

15 comments:

an_indecent_mind said...

"The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho." --- hehehe!! yan ang sakit na ulo na di kayang gamutin ng kahit anong pain killer!

"Kapag workaholic ang drama mo sa buhay, darating ang panahon na makikita mo na lang ang sarili mong nag-iisa sa tuktok."--- proven to.. mas masarap ang buhay ng mga nasa ibaba pa, andun ang maraming "tunay" at "totoong" kaibigan

"Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo." -- madalas kasi yung mga kasama mo na naiinggit sayo at yung mga hindi mo ka-in good terms sa opisina ang syang lalason sayo

"At totoo ang sinasabi nilang, gaano mo man kamahal ang kumpanya mo, minsan talaga hindi nila kayang suklian ito sa'yo." --- madalas kasi yung mga boss natin pag nagkagipitan, kanya kanyang langoy din yan.. at, mamahalin ka lang ng kumpanya mo hanggat napapakinabangan ka pa nito..

Boris said...

dameng tama sa mga sinasabe mo kuya giblert. tulad na lanf sa makibagay sa ibang kasama mo.

yup change is good :)

pero teka. kahit na sarili pa rin iniisip, friends pa rin naman kayo ah :)

Null said...

"The best way na magkaroon ng isang malaking sakit sa ulo sa trabaho eh ang makahanap ng syotang katrabaho." <-- ayoko nito... at ayoko rin subukan

"Hindi sapat na mahusay ka sa ginagawa mo para makaangat ka sa trabaho. Kailangan marunong ka ring makibagay sa mga kinakasama mo." <-- ito ang nararapat na inaaply ng lahat ng empleyado hindi lamang sa purpose na pag-angat. character matters!

dagdagan ko lang.. hehe

may karapatan din humingi ng dagdag na sahod ang petiks sa trabaho, dahil nangangahulugan lang na efficient silang empleyado kaya sila petiks. (haha)

Kosa said...

hahaha.
tama!
tama!

Unknown said...

Tinamaan mo lahat mga sinabi mo dito!...ayos! :D

Mugen said...

Nasabi ko na ito dati, pero uulitin ko. Kahit saang parte ng mundo ka magtrabaho, hindi mawawala ang pulitika sa opisina.

Buti na lang at wala sa aming ganyan. Hehehe.

NoBenta said...

mas madaling mapansin ng boss kung lagi kang late pumasok. bwahahaha.

maligayang araw ng paggawa...sa lunes.

\m/

Stone-Cold Angel said...

Agree ako sa lahat ng sinabi mo. Dagdagan ko lang...

wag reklamo ng reklamo, at kun magreklamo, iparating sa tamang tao at departamento. Ang mga boss ay tao din, hindi spongha...

Si Spongebob Squarepants lang taong spongha... hahaha!

Corny ko! =)

EngrMoks said...

arhhh bwisit na trabaho yan... bwisit yang kumpanya ko ngayon sunod sunod na problema, personal? hehe. Nataon lang pare kasi maiilt na pagkakamali lang napapansion nila, pero yung mga nagawa mong maganda sa kumpanya, wala!!! Happy Labor Day!

aajao said...

meron akong gustung-gustong quote na ang bisor ko mismo ang nagsabi sa akin:

"Love your job, but never fall in love with your company because you never know when the company stops loving you."

- 'yang mga katagang iyan ay mula sa talumpati ni Ginoong Narayana Murthy

:D

ENS said...

noted...
salamat...

Anonymous said...

Haha. Hindi ba kapag nagreresign ang isang trabahador e pulitika ang kadalasang dinadahilan? Tapos sa lilipatan nila puro pulitika din naman.

Happy labor day Gill!

domjullian said...

walang pulitika sa work ko.

nakalimutan mong sabihin na ebuddy ang best alternative for ym.

DRAKE said...

Nice ikaw na gillboard!

Pero aminin natin kaya naman tayo nagtatrabaho ay para kumita ng pera hindi para magkaroon ng syota at kaibigan. Bonus na lang yun kung sakali man.

Kaya kaysa trabahuhin ang hindi dapat trabahuhin, maiging matrabaho na lang para kumita ng pera!hehhee

Hahaha! Puro PERA na lang!
Ingat

Raft3r said...

mabuhay ang lahat ng manggagawa
at itaas ang sahod