Mga Sumasampalataya

May 18, 2010

DEAR FUTURE GILLBOARD

Kumusta ka naman?

Mababasa mo ulit itong liham na ito ilang taon mula ngayon. Sana ay nasa maayos ka nang kalagayan. Siguro naman pag binasa mo ito, hindi ka na single... Pero kung ganun pa rin ang estado mo, ayos lang yan... wag masyadong madaliin... Mas maganda kung hinintay mo siya, kesa nagmadali ka at nakahanap ng mga sila.

Kung babasahin mo ito at nasa may trenta na ang edad mo, sana naman ay malaki-laki na ang ipon mo. By now, dapat nabili mo na ang mga kababawang nagustuhan mo. Dapat nagsawa ka na sa kababasa ng comics, kakalaro ng xbox, at kakabili ng pagkaing di mo naman kayang ubusin. Dapat ang goal mo malakihan na. Pambili ng sariling tahanan o sasakyan (kahit wala kang balak magmaneho dahil ikamamatay mo ito).

Yung mga kaibigan mo, dapat hanggang ngayon ay kasa-kasama mo pa rin. Matanda ka na, hindi ka na dapat nagpapakaloner. Masarap ang magkaroon ng maraming kaibigan. Yung mga nakilala mo habang sinusulat ko ito, mababait na mga tao ito. Mga taong kilala ka at tanggap lahat ng topak mo. Pag pinakawalan mo yang mga yan, ang laki mong tanga! Madali kang pakisamahan, pero hindi lahat ng tao kaya sakyan lahat ng trip mo, kaya kung sino man ang magkamaling kumaibigan sa'yo, wag mo silang bibitiwan.

Kung saan ka man nagtatrabaho noong isinulat mo ito, sana naman dun ka pa rin nagtatrabaho. Tandaan mo, di ka makakarating ng New Zealand kundi dahil dito kaya mahalin mo ito. Kung minsan nararamdaman mong hindi ka mahal ng kumpanya mo, isipin mo na lang, san ka makakahanap ng trabahong babayaran ka para magblog, manuod ng palabas sa telebisyon, habang naghihintay ng trabaho? Wala na... unless matupad ang pangarap mong bayaran para maglaro ng video games, o manuod ng sine... then papatawarin kita kung iwan mo ang pangkasalukuyang trabaho mo.

Ngapala... kung sa mga panahong ito, medyo overweight ka pa, magpapayat ka na. Kaya mo naman. Nagagawa mo. Disiplina lang ang kailangan. Matanda ka na... di na kasing liksi kesa nung bata ka pa. Para din sa'yo yan. Maraming nagsasabing mas gwapo ka pag payat ka!!!

At kung sakasakali namang binabasa mo ito dahil hanggang sa panahong ito, ay bitter ka pa rin sa mga taong minahal mo at tumalikod sa'yo. Tama na. Matauhan ka. Mauntog ka. Di na bagay sa'yo ang ganyan!!! Kahit ngayong bente otso ka pa lang, ang sagwa nang tingnan. Pang high school lang yang mga kapatweetuman na yan!!! Ang kaligayahan, hindi lang sa tao makikita yan. Kung wala ang swerte mo sa larangan ng pag-ibig, maghintay ka lang at makikita mo rin yan.

Basta lagi ka lang ngingiti, nag-aattract ng positive vibes yan. Positibo ka naman mag-isip. Ipagpatuloy mo lang yan. Yun lang... Mahalin mo ang sarili mo.

Nagmamahal,

Gillboard noong 2010

26 comments:

chingoy, the great chef wannabe said...

mukhang wiser na talaga ang gillboard ng 2010.

"Siguro naman pag binasa mo ito, hindi ka na single... Pero kung ganun pa rin ang estado mo, ayos lang yan... wag masyadong madaliin..." (KAHIT 65 YEARS OLD KA NA, WAG KANG MAGMADALI)

EngrMoks said...

Nice post tol... nagawa ko na yan last 2008, pare try mo to FutureMe.org. Pwede kang mag-send sa sarili ng email, a couple of years in the future. I chose 5 years as the length of time for my email to reach me.

bulakbolero.sg said...

ano kaya ang magiging reaction ni future gillboard pag nabasa nya to sa 2012?

Madz said...

AYUS!

Tama ka nasa utak lang yan at tamang attitude towards life. Hindi naman palaging ang pag-ibig e kelangan may partner ka. Darating din yan, hindi pa lang niya makita yung tamang daan papunta sayo :P

Carpe Diem!

The Gasoline Dude™ said...

Naiinspire akong magsulat dahil sa mga posts mo. Parang gusto ko ding mag-kuwento tungkol sa buhay-binata ko. Hahaha.

Mugen said...

Kapag dumating ang oras na iyon, ang blog mo mismo ang magpapaalala sa iyo.

:)

caloy said...

naiyak ako..hindi joke lang.

kailangan mo pa bang sulatan ang sarili mo? whahaha! kung ako gagawa nito, tapos mababasa ko after 3 years, kikilabutan ako sa nakasulat. pramis! hahahaha!

Null said...

i smell ampalaya con carne cooking haha

sabi nga nila you can't have all things at the same time... kadalasan daw ung mga good looking peeps at maganda ang career walang lovelife and vice versa.

kaya cheer up, fair naman si Lord e. =)

NoBenta said...

nice. antayin ko yung reply mo in the future. sana ay nagba-blog ka pa sa mga panahon na yun

dati, sumulat na ako sa sarili ko. nilagay ko sa sobre na "don't open until 1995". parang yung isang scene sa "back to the future". 'di ko natiis ang two years na dapat na itatagal nung letter dahil after a year, binuksan ko na. ayun, nasisi ko pa sarili ko kasi nakalagay sa sulat na makulit ako at talagang di ko matitiis na 'di buksan yung letter.

weird pero may ibang feeling nung nabasa ko yung sinulat ko para sa future self ko. astig!

casado said...

gusto ko yung sinulat mo tungkol sa pakikipag kaibigan. dahil dito, kakausapin ko na yung isa kong long lost friend :)

Stone-Cold Angel said...

galing ng post na ito... parang back to the future... hahaha!

sa lovelife, suggest ko lang ang post ko dito.

=)

kcatwoman said...

nakakatuwa dahil laging meron tungkol sa pagibig. tama! sayang lang ang panahon pag naging bitter.. have a ncie day!!

Flor
kcatwoman
ldspinay
Bookneneng

Unknown said...

kung para sa kin ang sulat na to, malamang wala akong nasunod. :(

eniwey, nice post!

maelfatalis said...

Tama yan gill, ngiti lang. Libre lang yan. :D

aajao said...

sana hindi rin mamatay ang blogger (blogspot baga). ang sarap balikan (at tawanan) ang mga naunang blog posts natin. ;)

PS. Dear Gibo (of the future) kapangalan mo kaya ang naging presidente (o kasalukuyang presidente) ng Pilipinas (sulong Gibo 2016)? nasaan a kaya si kaibigang aajao ngayong binabasa mo ito? regards sa mga pinagkakaabalahan mo ngayon.

sincerely,

aajao of 2010 ;)

kikilabotz said...

sana mabasa din ng future gillboard tong comment ko. ngayong binabasa mo toh alam kong mayaman k na. manlibre k nmn

Random Student said...

takaw mata ka rin pala sa food. pag tumatanda ganyan daw. kelangan iba iba ang nilalasahan itabi mo lang ang mga food tapos balikan days after.

wanderingcommuter said...

so its really our past that will set our present and future self free. hahaha

Yj said...

in the future, this will remind you how your priorities changed.... and i hope that when it happens, nakangiti ka..... :)

ENS said...

pwede bang basahin ito?

Moyie G said...

Hahaha ang galing.. kelan mo naman balak basahin yan sa 2020?
Malamang tatawanan mo sarile mo pag binasa mo yan after so many years. Some things u got let go..some things ur gonna miss..but u have to treasure this moments being single now..pakasawa ka na kase pag committed ka na mamimiss mo rin yan.

Photo Cache said...

hehehe, galing ng idea mo ah. you really are "growing up".

listen to your advise :D

uy napatamaan ako sa magpapayat ka :(

Anonymous said...

Dear Gillboard now,

Masyado mong alaga ang blog mo hindi kaya isa tong dahilan kung bakit wala ka (pa ring) gf hanggang nagyon? At mejo overweight. No offense. Sabi kasi sa liham mo.

Ilang bese mo ring sinabi sa liham na matanda ka na. Oo na, matanda ka na. Nevertheless, di ibig sabhin nun eh kailangang tuluyan mong bitawan ang nakahiligan mo na akala mo eh dapat hindi na ginagawa ng matatanda. Isang paraan yan para manatili kang masaya at maging bata paminsa-minsan - kailangan yan ng bawat tao, pampaalis ng stress sa katawan. ^_^

At malamang sa malamng hindi ka na gaanong melo dramatic pag nabasa mo ang liham mo... Magandang magkaroon ng positive vibes. Pero mas epektibo ang maniwala ka sa kayang mong gawin kahit malayo at hindi mo pa nakikita.

Tama ka, mahalin mo ang sarili mo dahil hindi mo magagawang mahalin ang iba kung di mo mahal ang sarili mo.

Ayus!

Dylan Dimaubusan

CJ said...

This letter will serve as your goal. Nasa iyo na yan kung gusto matupad ang sinulat. Good luck Gillboard!

Anonymous said...

hahahaha laugh trip, ayos ka gil

ganun talaga, siguro pagbalik tanaw mo sa post na 'to m sure matatawa ka din hehehehe ingat

Raft3r said...

hehe
astig ang sulat na ire
panalo