"Tahimik kanina sa office, hon. Di na yata sila sanay na pumapasok ako.
"Kinausap na ulit ako ni Ben. After three months. Naalala mo yung pinag-awayan namin? Yosi. Ang babaw diba? Tatlong buwan kaming hindi nag-usap dahil dun.
"Pati si boss kanina kinamusta ako. Hon, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Paano nga ba ipapaliwanag yung nararamdaman ko?
"Tahimik ka naman eh. Di mo rin siguro alam. Di mo naman pinagdadaanan yung pinagdadaanan ko."
Buntong hininga.
"Hon, nagpaplano pala sina Jeck na mag-out-of-town next weekend. Di ko alam kung sasama ba ako. Papayag ka ba if ever?
"Matagal ko na rin naman kasi sila hindi nakakasama ng pamilya niya. Ano sa tingin mo?
"Dami akong gustong gawin ngayon, hon. Hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan. Ikaw lang kasi iniisip ko. Baka magalit ka.
"Sana sinasagot mo ako hon."
Pinatay ko ang ilaw.
"Matutulog na ako. hon
"I love you. Good night...
"I miss you so much."
Bulong ko sa unan. Isang linggo nang kunin samin ang asawa ko. Hindi na yata ako masasanay na hindi siya kausap bago kami matulog.
Matutulog nanaman akong lumuluha.
***********
Keso mode ako these days. Dahil siguro bilog nanaman ang buwan.
Eto muna pagtiyagaan niyo mga peeps, kasi hindi pa nabubuo yung dapat na susunod kong post. Di pa gumagana masyado ang utak ng inyong lingkod.
16 comments:
Base!...ist time ko yan! :D
tungkol sa unan, well ganun yata talaga pag sobrang miz mo ang isang tao lalo nat mahal mo at lagi mong kasama...looks like nagawa ko na rin to (ang kausaoin ang unan) di ko lang maalala kng kelan.
Anong ibig sabihin nito?
Ganun talaga pag full moon, medyo nag iiba ugali ng tao.
si Hon,
ginagawang unan?
bakit di nalang kumot?
o di kaya kama? aparador? tokador? lampshade? do kaya bumbilya?
hehe... napadaan lang:D
date lang ng date, matatagpuan mo din siya one day! ♥
Ganito ako paminsan pag nami-miss ko asawa ko.
Think positive lang, brod!
=)
seriously, nag aadik ka ba? we can talk you know.
awwwww sad naman niyan...
libog lang y.... sige na nga we all need love. love all you want. iyak ka lang. ganyan talaga. pero eat moderately. a moment in the lips, forever on the tits, este, hips.
aww nakakasad naman to pero minsan talaga kelangan mo lang ilabas kung anu nararamdaman mo o naiisip
goodluck and god bless kaya mo yan :)
prinsesa: thanks... i guess.. hehehe
student: di ko naman kelangan umiyak... di naman ako depressed. hahaha...
heartless: yup... minsan kelangan magsulat ng sad.. para lang makaramdam.. hehe
domjulian: hmph... nang-iiwan ka naman... lumipat lang ako ng computer nawala ka na!!! hahaha
angel: oo naman... fiction lang yan... masaya ako... hehehe.. kinda.
chyng: oo date ng date... sana may kadate!!!
kosa: salamat sa pagdaan... sige lang... susunod... refrigerator naman... lolz...
halfcrazy: wala... fiction lang yan... hehehe... di masyado gumagana utak ko these days.. hehe
vonfire: di pa naman ako umaabot sa point na kumakausap ng unan.. hanggang yakap lang... hehehe
ang galing mo namang magkwento.
pano kaya kung sumagot yung unan? hehe
teleserye na kasi e ang tagal mo
sa sisteng ito, di pa gumagana ng maayos ang utak mo ha
hehe
Post a Comment