Sa dinami-dami ng mga nagsusulputang blog sa mundo ng blogosperyo, marami-rami din naman ang mga blog na nagtatapos. Maraming mga manunulat ang tayo'y pasasabikin, bibitinin, aaliwin, pagkatapos ay iiwan tayo at mawawala na lang bigla na parang bula.
Marahil gaya ko, marami din kayong kilalang mga blogger na nagpaalam na sa kanilang tahanan. May pansamantala. May lumilipat lang ng tahanan. Meron ding isinara na ng tuluyan ang kanilang blog. Iba-iba ang dahilan kung bakit nangyayari eto, kaya naisip kong isulat dito ang mga nabasa kong mga dahilan ng ibang mga manunulat kung bakit nila naiisipang tuluyang lisanin ang mundo ng blogosperyo.
IN LOVE
Ang pag-ibig nga naman. Isang malaking distraction yan pagdating sa pagsusulat. Marami sa mga blogger na iniiwan ang pagbablog ay dahil sila ay umiibig. Hindi naman sila tuluyang nawawala, pero hindi mo na rin sila talaga mararamdaman. Karamihan naman kasi sa mga gumagawa ng mga blog ay hindi talaga "passionate" sa pagsusulat. Maraming bored lang, gusto lang subukan ang pagsusulat. Mga wala lang magawa. Kaya kapag meron nang pupuno ng kanilang oras, ang pagsusulat ang una nilang bibitiwan.
BROKEN HEARTED
Minsan, dahil ang isang manunulat habang noong siya ay masaya sa isang pagsasama, kapag ito ay nagtapos na, ay idadamay pati ang sinusulatan niya. Masakit din naman kasi na mabasa yung mga masasayang mga panahon, at marerealize mo na ito'y nagtapos na. Mahirap balikan ang nakaraan lalo na kung kailangan mong mag move on. Imbis na yung ex ay makakalimutan, lalo lang siyang nagstay.
NAGSAWA NA
Ito ang mga manunulat na iba ang expectation pagdating sa pagmaintain ng blog. Kaya kung hindi nila nakukuha ang gusto nila, nagsasawa sila. Marahil dahil wala namang nagbabasa sa kanilang mga sinusulat. O kaya naman ay narerealize nilang mahirap talagang kumita sa pagblog. Pwede din dahil ang pagbuo ng blog ay dahil isa lang itong assignment sa school, at dahil tapos na ang semester, ay kasabay nun ay ang pagsara ng blog. Sa totoo lang, minsan nakakasawa naman talaga ang magsulat, lalo na kung wala kang maisulat.
WALA NANG MAIKWENTO
Ito madalas ang naiisip kong dahilan kapag naiisip kong isara itong blog na ito. Wala na akong maikwento. Nauubusan na ng ideya para maisulat. Wala nang pakulo. Wala ng pautot. Nadrain na ang utak. O kaya naman ay naikwento na ang lahat. Minsan kapag ganito ang nararamdaman ko, naiisip kong masyado ko nang naisapubliko ang buong buhay ko, kailangan ko naman ng panahon para sa sarili ko. Madalas pansamantala lang nawawala kapag ganito ang dahilan ng kanilang pagsasara ng blog nila. Bigyan mo ng dalawang linggo, babalik din yan. Kapag ang isang manunulat ay isang tunay na blogger, di niya maiiwasang layuan ang mundong ito. Minsan din naman ay ginagawa nilang pribado ang kanilang tahanan para lang hindi na kailangang ito'y iwan pa.
LUMIPAT NG TIRAHAN
Eto, either nagsawa na sa blogger, o kaya sa wordpress at naisipang ilipat ng ibang server ang kanilang tahanan. O kaya naman sila'y umasenso na, at kinayang gawing dot com ang kanilang tahanan. Sosyal na. Di na mareach. Kung tutuusin, hindi naman nila talagang iniwan ang mundo ng blogosperyo, pero may mga pagkakataon din, na matapos nilang gawing dot com ang kanilang bahay, eh nakakaligtaan nilang sulatan ito. Posibleng nagkakaroon din sila ng problema dun sa server (di ko alam tawag dun, kasi di naman ako dot com) kaya nawawalan sila ng ganang magsulat.
MAY NAKAAWAY
Pwede din naman dahil wala siyang nahanap na kakampi nang maisipan ng isang manunulat na makipagblogwar sa isang kapwa blogero. Matapos niyang makipagmurahan, palitan ng banta at batuhan ng mga masasakit na pananalita, marerealize nilang tanga sila at isasara ang blog, at gagawa ng bagong tahanan para magsimula ulit.
*************
Sa totoo lang, nag-iisip akong tuluyan nang iwan itong tahanan kong ito kasabay ng pagsasara ko dun sa isa kong tahanan. Nauubusan na rin kasi ako ng mga isusulat. Pero hindi pa naman siguro ito yung panahon. Pinag-iisipan ko pa lang. Ilang post na lang kasi, 400 na ang naisulat ko dito sa blog na ito.
Pero gaya ng sabi ng mga kaibigan ko sa Plurk, mukhang hindi ko daw kaya itong gawin.
Tingnan na lang natin.
*************
MERRY CHRISTMAS TO ALL OF YOU GUYS!!!
19 comments:
Hhmm, palagay ko factor din yung iba na ang hobby, like mas gusto nalang mag-update ng twitter or plurk. Hehe
Ayoko magbura ng old entries. Memories pa din yun pagtanda ko. Hope wag lang makaipon ng madaming ex-boyfrens sa blog. Ü
Naalala ko tuloy yung blog na Tunay Na Lalake na nagsara daw dahil madedemanda... sakto suya sa last na reason...
huwag mo na i-delete blog mo. just write when you want to. that's what i do. no pressure.
merry christmas!
isa kang kawalan sa mundo ng blogosperyo at mundo ni Mokong kung magsasara ka...
Fellowship, feasting, giving and receiving gifts are all the buzzwords in a Christmas setting. Make your Christmas a one to cherish for years!
I agree with Scud. Pwede naman hibernate mode. Hope the long holidays help.
for most bloggers, blogging is as if the sroy of finding love. at kapag natapos na yung love na yun, natatapos din ang blog nila. do you want me to give names? hahaha!
tama...
only one way to find out...
tingnan na lang natin...
Maligayang Pasko sayo Gil.
patuloy akong susubaybay hanggat anjan ang gillboard...
:)
hindi mo kaya...
happy holidays!!!
:P
a blessed Christmas to you
maligayang pasko sa iyo kaibigan at sa iyong pamilya. Let Christ be the reason over this season!
mostly yung mga akala nila madaling kumita sa blog, yung iba tama mga blog na binase sa emotions. kaya sabi nila hindi raw tumatagal sa blog ang mga emo. hehehe...
Merry Christmas!
merry xmass
and magpahinga lang siguro pero wag naman isara ang blog...
Merry Christmas...!!!
hwag isara
please
hehe
Wala nang mai-kuwento. lalo na kapag tungkol sa buhay mo yung blog mo XD
tama si Chyng. memories yung mga naisulat mo sa blog pag tanda mo. kaya ako nga kahit kwento nung ex ko di ko na dinelete. kahit paano, part pa rin talaga sila ng nakaraan mo. at di ka makukumpleto ngayon kung wala ang mga nakaraang kwento sa buhay mo. kung personal blogger tayo, di tayo mauubusan ng kwento sa buhay na pwedeng i-blog. oras lang talaga ang makakalaban mo pagdating ng panahon na iba na ang pinagkakaabalahan mo. sabi nga rin ni the Scud, "just write when you want to. no pressure."
remember: "we write to express, not to impress." - yan pa rin ang motto nating mga LP blogger! :p
haba. wag mo kong kalilimutan sa 2010 ha?! LOL!
PS. aalis na pala ako sa blogger.
PS2. ang word verification ko sa comment na ito ay "prebart" muntik nang maging "pervert". LOLOL. :p
parang may kulang parekoy...
taena..
madalas nga marami ang nawawala... pero masmarami naman ang dumarating.. parang kabute na ngsusulputan at bigla eh aalis lang din.
di naman kaya, sila rin yung mga umaalis at nagpapalit lang ng kinakukutaan?
sa totoo lang, sobrang hirap din kase ang mag-alaga ng blog...
pero tama ka nga siguro, once a blogger, blogger talaga anu man ang mangyari! gaya mo! hindi mo kayang iwanan ang pagbablog..hehe
***********
happy new year parekoy!
nice post!!
abcdefghijklmnopqrstuvwxyz~
Post a Comment