Mga Sumasampalataya

Sep 8, 2006

ENTRY 47: HAY!!!

Matagal-tagal na rin akong hindi nagsusulat sa tagalog dito sa blog kong ito... Wala rin naman akong masabi na matino... yung huli ko palang sinulat, medyo tagalog din meron don.. Hindi ko nga alam kung bakit palaging inggles yung mga sinusulat ko.. di naman ako gaanong magaling sa wikang iyon... kahit nga sa trabaho, di ako masyadong nag-iinggles... ginagawa ko lang yun kapag may kliyente...

So kumusta naman ako? ETo ngarag pa rin sa trabaho... ngayong linggo, sasama ako sa mga katrabaho ko na pumunta sa Enchanted Kingdom... matagal na rin akong hindi nakakapunta dun, sampung taon? dalawang magkasunod na linggo akong pupunta ng Laguna... suki... wala lang...

Mahirap magpatakbo ng programa... kelangan ko talaga ng isang MAHABANG pahinga...

No comments: