Feb 28, 2015

ANDREW

Nasaktan na ang puso ko.

Yung sakit, yung tipong hindi ka makatulog. Hindi makakain. Hindi makahinga. Hindi makagalaw. Yung tipong ayaw mo nang mabuhay dahil sa sakit. Gusto mong matapos na ang buhay mo dahil di mo na alam kung may pupuntahan ka pa dahil wala na siya.

Pero isang araw, wala na yung sakit.

Makakalimutan mo siya. Makakahanap ka ng dahilan para ituloy ang buhay.

Iba ang sakit ko.

Yung sakit na tipong hindi ka makatulog. Hindi makakain. Hindi makahinga. Hindi makagalaw. Yung tipong ayaw mo nang mabuhay dahil sa sakit. Gusto mo nang matapos ang buhay mo dahil ayaw mo nang maramdaman ang tunay na sakit. Dahil hirap ka na. Literal na wala ka nang pag-asa. 

Cancer.

May taning na ang buhay ko.

Buwan. 

Linggo. 

Araw. 

Anumang minuto, maaari na akong kunin ni Lord.

Nakajackpot ako sa Lotto ng Diyos. Bronchial Cancer. Isa sa pinakamalalang klase ng cancer.

Lotto o sadyang kagagawan ko. Naging pabaya ako sa buhay ko. Yosi dito. Isang kaha isang shift. Kalahating kaha bago matulog. Kalahati paggising.

Ngayon, 19 years matapos kong matuto manigarilyo, dama ko na ang kinahinatnan ng bisyo ko.

Apat na buwan na nakaratay sa maliit na higaan. Ilang araw  na hikbi at tunog ng makina lang ang naririnig ko. 

Pilit ko mang buksan ang aking mata, tanging mga anino lang ang aking nakikita. Alam kong pamilya ko ay nasa aking tabi, nagdarasal kahit di ko maintindihan ang aking naririnig.

Ayaw ko na.

Suko na ako.

Konti na lang ang lakas ko.

****************

"Ma, si Kuya gumagalaw!!! Bumubukas na ang mga mata niya!!!" 

Dali-daling lumapit ang pamilya ni Andrew sa kanya.

Kapit kamay ang pamilya habang pinapaligiran ang higaan. 

Ilang saglit pa ay pumasok ang doktor upang tingnan ang kalagayan ng pasyente. 

Umiling ito.

Umatras ang doktor at hinayaan ang pamilya na makasama ang kanilang mahal.

Pilit na tinataas ni Andrew ang kanyang kamay, naghahanap ng makakapitan.

Kinuha ng ina ang kamay nito.

****************

Sa unang pagkakataon matapos ang ilang linggo, bumalik lahat ng lakas ko.

Malinaw kong nakikita ang pamilya ko.

Mama.

Mahigpit niyang hawak ang kamay ko...

"Andrew, we're here... We lo...





No comments:

Post a Comment