Sep 30, 2014

PAANO KA NAMAN MAKAKAMOVE ON

Sa blog ko, dalawang lalaki lang ang madalas kong naisusulat...

Si Kasintahan...

At si "The One That Got Away".

Mahal ko sila pareho. Mga great loves ika nga.

Matagal ko nang natanggap na si TOTGA ay para talaga sa isang babae. I mean, apat na taon na kami ni Kasintahan. So ibig sabihin, naka move on na ako sa kanya.

Pero sadyang dumadaloy sa dugo nito ni TOTGA ang pagiging sweet, na minsan hindi maiwasan mag-isip (oo na magpantasya) kung paano kaya kung hindi siya straight.

So, eto na lang, mga dahilan kung bakit minsan napapatanong ka ng 'what if?'


  • May girlfriend siya, pero minsan nagkasama kaming tatlo, mas una niya hinatid pauwi ang kasintahan niya, bago ako.
  • Noong magkatrabaho pa kami, siya lang (maliban kay Kasintahan) ang nagdala sa akin ng pagkain sa opisina. As in, mula sa bahay niya, dumayo pa siya sa isang fast food resto para bilhan ako ng pagkain kasi gutom ako.
  • Si TOTGA ang tipo ng lalake na kumportable sa sekswalidad niya na wala sya pakialam sa sasabihin ng tao sa kanya. Madalas pag nagkikita kami niyan, ipapakilala ako sa mga nakakasalubong namin na di namin kakilala bilang boypren niya o ex niya.
  • Tinawag niya akong soulmate at best friend sa mga kaibigan ko.
  • Driver ko siya. Minsan ipinagdrive niya ako sa kasal ng kaklase ko sa Quezon City. Sinundo niya sa Las PiƱas galing Pasig kung saan siya nakatira.
  • Kinukwento niya ako sa girlfriend niya. Na parang kapatid ang turing niya sakin. At alam ng girlfriend niya ang kwento naming dalawa.
  • Isang beses, usapan namin: "Kung sakali bang pumatol ka sa bading, may pag-asa ba ako?" sagot niya, "oo naman, ikaw lang naman choice ko," 
  • Hindi kami madalas nagkikita o nag-uusap dahil may kanya kanya kaming buhay, pero kahit once a year lang kami nagkikita, walang nagbabago sa pakikitungo niya sa akin di gaya ng iba kong kaibigan.
  • Yung simpleng fact na matapos kong umamin sa kanya kung ano ako, at nagtapat ng nararamdaman ko para sa kanya, imbis na umiwas siya, ay mas lalo pa kami naging close. Syempre, may ilang buwan/taon din kaming hind nag-usap bago yun.
Kilala siya ni Kasintahan. May pagkakapareho nga sila sa ugali. Pareho silang may topak.

At alam ni Kasintahan na hindi si TOTGA ang tipo ng taong dapat pagselosan.

Si Kasintahan pa rin ang True Love ko. 

Malandi lang ako talaga.




9 comments:

  1. Malandi ka nga talaga, Gil! Feel ko! *hahaha*

    Ideal boyfriend si TOTGA huh. Well, para sa babae.

    ReplyDelete
  2. kilig much! haha

    grabe pinaguusapan lang namin ito kanina ng mga friends ko about their TOTGA na straights din.

    sabi ko sa kanila ang sad reality kaya hindi sila pumapatol ay dahil sa dikta ng lipunan about their straight sexuality. kasi yung isa nasabihan siya na kung girl lang siya, pwede sana silang maging sila. ang sad lang no? pwede naman nilang subukan. hehe

    ReplyDelete
  3. Baka ang mga TOTGA natin kay one of us pala :)

    ReplyDelete
  4. And landi nga. Pero ang haba ng bangs! Haha. Thanks for following me :)

    ReplyDelete
  5. Mahirap talaga makamove on sa mga TOTGA. May space silang iniiwan na walang nakakafill.

    P.S.
    Ngayon nalang ulit ako napabisita sa blog mo after ng ilan years. Mahaba habang back reading gagawin ko. haha.

    ReplyDelete
  6. ang sarap pakinggan nung huling part

    ReplyDelete
  7. It's like I'm reading the story of a chapter in my life. Naknampucha!

    TOTGA is truly straight. Guys who are comfortable around "fabulous people" are truly straight. Yung mga medyo homophobic ang madalas may repressed desires to fuck some guy in the ass.

    But anyway, nandiyan naman si Kasintahan. Cultivate niyo ang love niyo sa isa't-isa. One day you will learn to love TOTGA too without lingering or longing for him. Sabi nga nila, "friendship outlasts love". Fantasies and romance will fade away, but brotherhood (bromance) will remain.

    ReplyDelete
  8. Mahirap tlga ang mga TOTGA sa buhay natin. But I am happy for you kasi you had the chance to be with him.

    ReplyDelete
  9. 5 words that will haunt you forever...
    IKAW LANG NAMAN CHOICE KO

    ReplyDelete