Di ako masyado makapagkwento dito ng tungkol sa personal kong buhay, dahil alam niyo naman na hindi pangkaraniwan ang aking sitwasyon. Hindi normal. Hindi pa gaanong tanggap ng nakararami.
Pero, tutal naamin ko na naman lahat dito, naisip ko na ikwento na rin sa inyo ang tungkol sa amin ng aking kasintahan. Di ko lang magawa noon, kasi mahaba ang kwento namin. Sobrang haba at sobrang komplikado.
SI KASINTAHAN
Kung tutuusin, sa unang tingin hindi niyo mapagtatanto na magkasintahan kami. Malaki ang pagkakaiba naming dalawa sa isa’t-isa. Unang-una sa listahan ay ang agwat ng aming mga edad. Para lang akong cougar dahil walong taon ang tanda ko sa kanya. Tapos saksakan pa ng talino si kasintahan. Pilosopo. Eh ang babaw ko kaya. Minsan di maiiwasang nagnonosebleed ako sa kanya. Tapos marami pang iba.
Anyway, nagkakilala kami mga halos isang taon na ang nakakaraan. Nagsimula kami bilang phone friends. Araw-araw kaming magkausap. Nagkukulitan sa phone. Kinikilatis ang isa’t-isa. Kinikilala. Tuluy-tuloy kaming ganun ng isang lingo, hanggang may pumasok sa eksena. Nung una parang wala lang, may girlfriend siya noon, kaya’t hanggang kaibigan lang. Pero noong pumasok sa eksena si blogger, medyo may nag-iba.
Naging kami ni blogger noon, mabilisan yung pangyayari. Nagkakilala noong linggo, nagging kami noong lunes. Pinaalam ko yun sa kanya. Sa umpisa ayos lang, magkaibigan lang naman kami. Pero may something talaga. Dumating sa punto na minsan, kahit magkausap kami ni blogger, pag nagtext na siya, ibababa ko na yung phone para tawagan si kasintahan. Oo, aaminin ko, medyo niloko ko si blogger. Kaya hindi ko na rin pinatagal, matapos ang isang buwan iniwan ko siya.
Pero alam niyo naman ako at si karma. Best friends. Dahil bata pa nga si kasintahan, medyo di pa niya alam ang gusto niya. Kaya pagkatapos ng Pasko noong nakaraang taon, bigla siyang nawala. Naputol ang komunikasyon naming sa isa’t-isa. Matagal na niyang hinihingi noon na maghiwalay kami ng landas, kasi nga naguguluhan siya. Minsan pumapayag ako, pero bumabalik din siya matapos ng ilang araw. Pero pagkatapos ng Pasko, tuluyan siyang nawala. Karma ko sa panloloko kay blogger.
LIGAWAN
Halos tatlong buwan din kaming walang narinig sa isa’t-isa. Paminsan nagmemessage sa ym, pero wala lang. Di na tulad ng dati. Medyo mabigat sa dibdib noong nawala siya, kasi syempre lumalim na yung pagtingin ko sa kanya noon. Hindi man direktang aminin alam ko may nararamdaman na kami noon sa isa’t-isa. Pero hinayaan ko lang, bata pa eh. Di ko dapat ipinipilit ang sarili ko, kasi ako lang naman ang masasaktan. Nasasaktan na nga ako nun eh. Kaya kung mapapansin niyo, medyo madrama ako noong nagsimula ang taon.
Marso, nang muli siyang bumalik at nangulit sa buhay ko. Wala na sila kasing pasok kaya’t nabored at kinausap ulit ako. Pero noong panahon na yun, klarong ang nais lang namin ay maging magkaibigan lang. Napapanindigan naman namin yun. Lalo na siya, dahil tinatawag niya akong weirdo tuwing magsisimula akong maglambing sa kanya.
Hinayaan ko lang, kahit masakit. Tawagin ka ba naman na weirdo. Pero meron talagang pagkakataon na siya naman ang naglalambing. Hinahayaan ko na lang. Ayoko na noong umasa, baka lalo lang akong masaktan. Nung unang beses kasi, sobrang bigat sa pakiramdam, ayoko nang maulit. Hindi ako noon iyakin, pero shet, tuwing umaga na lang bago ako matulog para akong tanga na nagdadrama sa kwarto.
Pero ganun talaga siguro pag mahal mo ang isang tao, kahit gaano mo pilit itago. Kahit gaano mo pilit itanggi, lalabas at lalabas din ang mararamdaman mo.
KUMPLIKADO
Isang araw, nagtext siya. Nagsabing may ginawang kagaguhan. Meron daw nangyari sa kanila ng isa niyang kaibigan. Syempre ako drama king, nasaktan. Nagalit. Walang dahilan alam ko, pero syempre pag nakarinig ka ng ganung kwento sa taong mahal mo, diba masasaktan ka din. Medyo nagsawa na ako na umasa sa kanya. Feeling ko wala naman kaming patutunguhan kaya kinausap ko siya.
Sinabi ko na di ko na kaya. Tinanong ako noon kung kaya kong maghintay, magtiis hanggang sa dumating yung panahon na marealize niya na mahal niya ako. Sinabi ko oo. Na magiging sulit yung paghihintay na yun. Pero noong panahon na iyon, naisip ko di na darating yun. Naghihintay lang ako sa wala. At dapat ko na siyang kalimutan. Nagpaalam ako noong araw din na yun.
May ilang araw din akong hindi nagparamdam. Minsan nagtetext siya, pero di ko pinapansin. Sinasagot ko pero wala na. Ayaw ko na.
HAPPY ENDING?Isang Sabado ng gabi, nililibang ko ang sarili ko dahil nga gusto ko nang makalimot nang nagtext siya. Hindi daw niya ako malimutan. Nahihirapan siya, dahil alam niyang mahal niya ako, pero di niya kayang panindigan. Natatakot siya na kapag dumating ang panahon na handa na siya ay hindi na niya ako mahanap ulit. Sinabi niya gusto niya ako.
Hindi ko natiis, nag-usap kami noong gabing iyon. Nag-iyakan. Naglabas ng sama ng loob. Sinabi ko sa kanya na naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Bago siya sa ganitong klase ng relasyon at di ko siya pipilitin na gawin ang hindi niya kaya. Sinabi kong handa naman akong maghintay, basta alam ko lang na mahal niya din ako. Yun yung mahalaga.
Naging kami noong gabi ding iyon.
Naisip naming bakit kailangan pang patagalin. Alam naman namin ang nararamdaman namin sa isa’t-isa. Paninindigan na namin. Hindi naman magbabago yung nararamdaman namin. Wala nang dahilan para itago pa.
Pitong buwan din yun bago naging kami. Ang daming nangyari. Ang daming pinagdaanan. Pero sulit. Sobrang sulit ang lahat. Di kayang ipagpalit ng kahit ano ang kaligayahang nararamdaman namin ngayon.
Minsan nag-aaway kami (actually medyo madalas yun pareho kasi kaming may topak), pero kinakaya namin. Minsan lang kami magkita dahil medyo mahirap pa maghanap ng oras, pero natitiis namin. Minsan nakukulitan kami sa isa’t-isa pero pinapahaba namin ang pasensya namin. Ganun siguro talaga pag mahal mo ang isang tao.
Sabi ko nga, ginagawa ko siyang mas mabuting tao, sa parehong paraan na kinukumpleto niya ako.
**********************************************
Reposting para sa ikaapat na taon ng aming pagsasamahan.

Di baleng marami kayong pagkakaiba, natural lng un... Challenging at magiging super worth it naman ang lahat.
ReplyDeleteI salute you Gillboard, dahil alam naman nating lahat na ang 4 years ay isang milestone sa isang m2m na relationship...
I can relate dun sa part na bata pa ung boyfriend and hindi pa niya talaga alam ung gusto niya kasi ganun din ako kay Vic bago ko siya maging boyfriend, hnd ko rin talaga alam ang gusto ko, oo mahal ko na siya noon pa pero hindi ko lng kayang panindigan pero nandoon siya para iguide ako and that' something i will forever be thankful of.
Salamt sa post na ito dahil kahot tungkol ito sa buhay mo ay kahit papaano dameng matututunan ang ibang tao dito.
Maligayang pagbabalik!
nice , 4 years na , tagal na nuon for an M2M rel to last that long ...
ReplyDeleteHappy Anniv , cheers : )
Ang sweet sweet naman ng "pagkumpleto nya sa iyo" :)
ReplyDeleteLove love love! :)
Wow 4 years na! congrats
ReplyDeleteKilala ko si blogger, hihihi!
ReplyDeleteSuper sweet naman :)
ReplyDeleteKaibril's Sweet Life - Delicious desserts
Kapag may tiyaga, may nilaga.
ReplyDeleteGasgas na na kasabihan, pero palaging applicable sa buhay ng tao. :)
At sino kayang blogger yun? *hehe* Active pa ba siya? Clue naman diyan.
happy 4th!
ReplyDeletemag-ingat sa 5-year itch. charot lang. hehe.
so 'yun pala 'yung kwento. tamis! wala naman 'yan sa kasarian o sa haba ng relasyon. kung para talaga kayo sa isa't isa, kayo't kayong dalawa pa rin ang ending. makikitsismis lang: kilala ko ba si ex-blogger? lol!
ReplyDeleteЕсли вы любитель онлайн казино 2020 года то, вероятно, заметили, что онлайн-казино приобрели популярность в последние годы. Онлайн-казино дает игроку возможность играть во все свои любимые игры дома и вдали от своего компьютера или даже смартфона. На этой странице вы найдете плюсы и минусы онлайн-казино, а также казино в России, которые лицензированы и позволяют вам наслаждаться магией и бонусами казино, не предлагаемыми реальными казино. [url=https://bbl-company.ru/]как бесплатно получить товар с ebay[/url]