Naituring ko na ang 2013 na pinakapanget na taon sa tanang buhay ko. Sa totoo lang, I don't think things will get lower than 2013. Namatay ang parrot ko. Naholdup ako. Sinalanta ni Yolanda ang tahanan namin sa Samar. At naging miserable ako sa trabaho ko.
Kaya masaya ako at malapit nang matapos ang taon na ito.
Gaya ng nakaraan, ako'y mangunguna na sa mga year end posts. Ito ang ikalimang taon ng aking paggrado sa buhay ko.
Tingnan natin kung anong average grade ko ngayong 2013.
CAREER 78% (2012 - 88%)
Gaya nang nasambit ko kanina, nitong taon na ito naging miserable ang buhay trabaho ko. Nagkaroon ako ng mga issue sa mga bagay na hindi ko na dapat binibigyang pansin. Napabayaan ko ang trabaho ko. At may punto pang bumaba ako sa pwesto ko para matigil na lahat ng stress ko sa trabaho. Pero di naman lahat eh negatibo. Natutunan kong maging mas pasensyoso. Narealize ko na ako ang may control sa karera ko, at kung gusto kong umusad ay kailangan kong lampasan lahat ng pagsubok sa trabaho. Ang maganda nito, ay hindi napalampas lahat ng magagandang nagawa ko sa opisina. Hiniling na ako'y bumalik sa binitiwan kong posisyon at napatunayan kong totoo nga ang karma. Next year, papasa ulit ito. Itaga niyo sa bato.
SOCIAL LIFE 75% (2012 - 70%)
Tanggap ko na na hindi na magiging normal ang social life ko mula nang tinanggap ko ang trabaho sa US Operating Unit ng gasolinahang pinagsisilbihan ko. Pero kahit papaano ngayong taon ay medyo nag-improve naman ang social life ko.
Siguro ipagpapasalamat ko nang nagkaroon ng kotse ngayong taon si Kasintahan kaya nakakalabas labas na kami ng mas madalas ngayon. Nakapag out-of-town. Nakipagmeet sa ilan sa kanyang mga kaibigan. Nameet din niya ang ilang sa mga kaibigan ko.
Mas marami akong bagong nakilala ngayong taon. Ngunit ang nakakalungkot lang ay hindi ko man lang nakita kahit isang beses ang aking barkada / ex-housemates.
LOVE LIFE 95% (2012 - 95%)
Hindi na siguro magbabago to hanggang sa kamatayan ng blog ko.
Ako ay umiibig. At ako ay masaya sa larangan ng pag-ibig. Marami na kaming pinagdaanan at tiyak ko marami pa kaming susuungin na mga pagsubok. Basta ang alam ko mahal ko si Kasintahan at mahal din niya ako.
Ngayong Disyembre, tatlong taon at anim na buwan na kami. Ang tagal na!!! Wala lang, naisip ko lang.
BLOG LIFE 75% (2012 - 75%)
Ang mahalaga sa akin pagdating sa aking blog life ay buhay pa rin ang blog ko.
Nakalimutan ko man noong isang buwan, pero sasabihin ko pa rin, WALONG TAON na ang blog ko!!! Gaya nitong nakalipas na taon, hindi na masyadong aktibo ang inyong lingkod sa pagsusulat o kahit pagkukumento sa mga tahanan ng ibang mga bloggers. Siguro ito'y dahil sa sobrang toxic ng aking trabaho ngayon ay nakakaligtaan ko na magbukas ng internet paminsan minsan.
Ngunit, nakakatuwa pa rin na sabihin na kahit papaano ay may mga nakilala pa rin akong mga bloggers sa personal. Tatlong pangalang mamamarkahan ko sa listahan ng mga nais kong makilala. At mayroon pa rin akong mga nadidiskubreng mga bagong tahanan na mapaglilipasan ng oras.
SAVINGS 80% (2012 - 74%)
Sa wakas, sa tatlumput isang taon kong pamamalagi sa mundong ito, ngayon lang natupad ang sinasabi kong magkakaroon ako ng sarili kong bank account. Mauumpisahan ko nang mag-ipon.
Ngayon ko rin lang narealize, na tatlong taon na rin pala akong nagbabayad pambili ng stocks sa gasolinahang aking pinaglilingkuran. At medyo malaki na rin ang aking tinubo dito. Malapit ko na rin matapos bayaran ang aking insurance plan. Ibig sabihin, malaki-laki na rin pala ang aking naiipon at mayroon na rin palang perang nakakabit sa aking pangalan.
Natupad na rin ang matagal nang pinapangarap ng nanay ko.
HEALTH 78% (2012 - 72%)
Okay, aaminin ko hindi pa ako pumapayat muli... Ang totoo medyo tumaba nanaman ako. Pero nagdecide ako na pataasin ang marka ko sa Health ngayong taon dahil sa maniwala kayo't sa hindi. Regular na akong tumatakbo at nagboboxing.
Well, semi-regular.
Hindi na ako bumabata. Kailangan nang magbago. Ang kulang ko na lang talaga disiplina. Saan ba nakakabili nun?
Pero anyway ayun nga, imbis na magbabad ako sa aking kwarto minsan o madalas nagagawa ko nang tumakbo ng 30 minutos hanggang isang oras. At kung may oras talaga ako, nag-gygym ako at nagboboxing. Ang sarap sa pakiramdam na kasya ulit at naisasara ko ang aking mga pantalon.
Pero gaya nga ng sabi ko, kulang na lang sakin ay disiplina.
AVERAGE 80.17%
*********************************
Tumatanda na talaga ako. Noong isang taon, tumigil akong bumili ng comics. Ngayong taon naman, nagbukas na ako ng account sa bangko. Kahit papaano, may pera na ako. Nasimulan ko na rin mag-ehersisyo.
Sana sa pagtatapos ng 2014, mailalagay ko nang tuluyan ko nang napapayat ang sarili ko.
Kayo ano ang magiging grado niyo ngayong 2013?

glad to hear about you starting to save up. and though 2013 wasn't such a good year for you, things will be looking up next year i'm sure. :)
ReplyDeleteMataas ang average for 2013! :)
ReplyDeleteInspiring post. naiinggit ako, gusto ko ding graduhan ang buhay 2013 ko. Haha. Congrats and God bless sa susunod na taon!
ReplyDeleteI really love my life in the 1st and 2nd quarter of 2013 but now I think its going downhill... I guess life always finds a way to balance things out.
ReplyDeletePassing grade naman ang 2013 mo ah? *hehe*
ReplyDeleteI can't wait for 2013 to end. Lots of calamities and death (including me dad's).
ReplyDeleteLooking forward to merrier 2014.
Cheers.
very nice. sabi nga sa Fight Club "It's only after we've lost everything that we're free to do anything." Maganda parin ang 2013 mo kung tutuosin. You have a lot to be thankful for. Next year can only get better.
ReplyDeleteKilig naman ako sa 95% na love life :)
ReplyDeleteIt seems like it was a great year for you, here's to wishing na sa 2014 ay 100% na ang mga yan :)
I love this post. I love it so much that I hope you won't mind if I post something like this in my site. I just started writing and this is something that really spoke to me.
ReplyDeleteCongrats sa savings and Happy New Year!!!