Aug 31, 2013

THROWBACK: BAKIT DI KO NAMIMISS ANG PAGIGING SINGLE

Kung mapapansin ninyo, medyo matagal tagal na rin akong hindi nagpapakakeso dito sa tahanan kong ito.

Meron man akong kasintahan ngayon, ay di ninyo mababasa dito ang aming mga misadventures.
Di yon dahil sa wala kaming ganun, meron naman, paminsan. Ngalang, syempre dahil medyo kakaiba ang set-up namin mas ninais ko itong isulat kung saan ang nakakabasa ay alam kong mas maiintindihan o makakarelate sa kalagayan namin.

Pero hindi tungkol samin ang post na ito. Gaya ng sabi ko, matagal na din akong hindi kumekeso dito.

Hindi ko namimiss ang pagiging single. At ito ang mga dahilan:

- Masarap gumising sa mga text na "i love you' at 'i miss you'
- Magaan sa loob na kapag di maganda ang araw mo may mahihingahan ka
- At pag maganda naman ang nangyari sayo'y may makukwentuhan ka
- Masarap ang may kayakap at kahawakan ng kamay
- Nag-aaway man kayo, mas masarap yung feeling pagkatapos ninyong magbati
- Nakakatuwang magplano
- Mas nakakatuwa pag natutupad ang mga ito
- Kahit minsan di kaaya-aya ang boses ng kasintahan mo, masarap pa ring pakinggan ang awit nito, dahil alam mong para sa'yo
- Meron kang kausap bago matulog, pagkagising
- Walang tatalo sa pakiramdam dahil alam mong mayroong nagmamahal sa'yo

Marami pang dahilan kung bakit di ko namimiss ang pagiging single. Andyan yung naiinggit sa inyo yung hanggang ngayon wala pang nakikilala (biro lang).

Hindi naman sa lahat ng araw ang isang relasyon ay puros 'rainbows and butterflies.' Minsan dadaan kayo sa mga pagsubok. Magkakapikunan. Magkakasawaan.Pero ang maganda dyan, pag mahalaga sa'yo ang isang tao, alam mong lahat yun ay lilipas din, at bukas paggising mo mahal mo pa rin ito.

Aaminin ko, minsan namimiss ko ang pagiging single.

Pero wala talagang tatalo pag may nagmamahal sa'yo.

Aug 26, 2013

ANYTHING COULD HAPPEN

So do you want to break up? The Kid asked the last time we fought.

The last three years and three months have been a roller coaster ride for our relationship. There have been too many ups as much as lows in our love affair.

What lit up the fuse this  time as in most of our fights has been about his attitude. You see when you're young, you have this sense of entitlement to things you deserve. And when he does not get what he wants careerwise, his personality switches to a spoiled kid who gets everything he wants and throws tantrums if things don't go his way.

Being the adult, I try to be patient and give some words from personal experience to at least calm him down. But the last time, something in me snapped. I have personal issues at work and at home and the last thing I want is to deal with a child with an outburst.

I feel there is something missing in my life, he tells me.

Do you want to look for that missing thing? I asked.

What do you mean?

You're missing something, I'm not sure I am enough to fill that piece in your life. I am asking you if you want to look for it elsewhere.

Are you breaking up with me? He asked.

Am I, I asked myself. Should I? Do I not love this Kid anymore? Have my patience reached it's end.

The problem with you is that you don't listen to me. I support you, but there are some things that we have to consider realistically. I am always behind you, but you have to consider you're not the only one with problems, and what you're going through is not big enough to warrant this kind of emotions. It's not heavy a baggage. What you need is patience. Something you're draining me of.  I have problems of my own too, and you never seen me throw a fit.

I just get tired of dealing with you.

There was a pause.

Do you want to break up with me? he asked again.

I asked myself, do I still love him.

In the three years that we've been together, he has grown a lot. I might say he has matured. The nine year age gap shows sometimes when we tell each other what we want from one another. I have grown accustomed to his company. My parents treat him like their other child. And I know that he really really loves me.

Do you want to be free of me? He asked of me one more time. He was tearing up this time.

I don't know what I will do without you. He pleads.

When we entered the relationship, we promised each other to stick to one another.

I love him.

And I choose to keep my promise.

Aug 21, 2013

KUNG MAGMAMAHAL KA NG BLOGGER

Hindi naman sa hindi ko gusto ang magmahal ng blogger. Kung alam niyo lang kung gaano karami ang kras kong mahuhusay na manunulat sa mundo ng blogosperyo, hindi mo aakalain na nagkaroon ako ng failed relationship sa isang kapwa blogero.

Pero marami ring dapat pagnilay-nilayan kung sakaling dumating ang panahon na magdesisyon ka na magmahal ng blogger.  Maraming dapat paghandaan.


  • Hindi dahil lahat ng hinahanap mo sa isang tao ay nakita mo sa mga sinulat niya ay yun talaga ang personalidad niya. Lahat ng tao, blogger o hindi, kailangan ibenta ang sarili para magkainteres sa kanya ang mga taong gusto niya. Dapat bago ka pumasok sa relasyon sa isang manunulat ay kilalanin mo muna siya ng todo todo. Hindi yung dahil nagmeet na kayo ng isang beses, nagkatext o nagtatawagan araw-araw ay pwede nang maging kayo.
  • Dapat maintindihan mo na hindi lang ikaw ang nagkakacrush sa crush mo. Kung ikaw ang maswerteng nilalang na napili ng blogger crush mo, kailangan handa kang sumailalim sa mapanghusgang mga mata ng "fans" ng kablog mo. Handa kang machismis. Handa kang malait. At kung sisiraan nila ang "mahal" mo, ay dapat tanggap mo kung ano ang mga maririnig mo.
  • Siguraduhin mong hindi ka magiging kabit. Totoong, kung kabit ka, mas marami kang maisusulat na mga interesanteng bagay. Siguro mas sisikat ka. Siguro mas mahal ka niya. Pero at the end of the day, kabit ka. May sinasaktan ka. At maraming tao ang mag-iisip na medyo tanga ka. Tandaan, sa panahong ito, ang KARMA ay digital na.
  • Kapag blogger ang mahal mo, masarap na mababasa mong sinusulat niya ay tungkol sa'yo. Pero pagdating ng panahon na wala na kayo, dapat handa ka na mabasa na kahit siya ang may kasalanan kung bakit kayo naghiwalay, ikaw pa rin ang magiging kontrabida. Na ang isusulat niya tungkol sa inyo, sa kanya mapupunta ang simpatya ng kanyang mga mambabasa. Dapat handa kang basahin sa blog niya lahat ng mga pagkukulang mo. Dahil blog niya yun, siya dapat ang bida... kahit siya ang may sala. Mayroon nga, aminadong plagiarist pero nagawa pa niyang paikutin ang kanyang mga salita at kahit papaano, siya pa rin ang kawawa.
  • At higit sa lahat, kung sakaling hindi na kayo, darating ang panahon na ang isusulat niya ay tungkol sa bago niyang nakilala. Ang bagong nagpapatibok ng puso niya. Ang tunay na "the one" para sa kanya. Dapat handa kang basahin iyon, kahit ikaw hindi pa nakaka move on.
Hindi ko sinasabing masamang magmahal ng isang manunulat. Tatlong taon na kami ni Kasintahan, at sa palagay ko ay masaya pa rin kami. At hindi lahat ng blogger ay ganyan, maraming tahimik pagdating sa pag-ibig. Dahil sa totoo lang, mas masayang hindi nailalathala ang lahat ng tungkol sa isang relasyon.  

Masarap talagang magmahal. Sa blogger man o hindi.

Basta wala kang nasasaktan, at masaya ka, walang masama na magmahal.

Aug 19, 2013

10 MINUTONG LAKAD SA WALKWAY

Naglalakad ako mula sa aking condo nang makita ko siya.

Stranded. Nakikisilong sa ilalim ng payong sa harap ng kainan. Walang payong, hindi handang sumuong sa gitna ng malakas ng ulan. 

"Miss, tatawid ka? Malaki ang payong ko, pwede ka sumabay." Laking pasasalamat ko na yung espadang payong ang nakuha ko ngayon. Pwede ko siyang isilong sa ilalim ng aking payong.

"Thank you," nakangiti niyang sagot.

Sabay kaming tumawid. Lalong lumakas ang ulan, pero ayaw kong magmadali ayaw kong matapos ang sandaling ito. 

Napahawak siya sa kamay ko. Tila nais bilisan ang mga hakbang para kami'y makatawid. 

"Aakyat ka rin ng walkway?" tanong ko.

Tumango siyang nakangiti. May pagpapasalamat ang nakabakat sa maganda niyang mukha.

"Okay lang ba na sumabay sa'yo? Walkway din ako. I could use the company," hiling ko.

"Sure." ang nakangiti niyang sagot.

"Jessie pala. My name's Jessie," inabot ko ang aking kamay sa kanya.

"Celine." Kinuha niya ang kamay ko.

Biglang uminit ang loob ko kahit nasa gitna kami ng napakalakas na ulan. Hindi ako makapaniwala, nakakausap ko na siya ngayon. Araw araw ko siyang nakikita, pero ngayon nahawakan ko na ang kamay niya at nakasabay ko pang maglakad.

"Hanggang sa dulo ako, ikaw ba?" panimula niya. 

"Yeah, same. Saan ka ba nagwowork?" sagot ko.

"Ahhh. Uhmmmm... Sa call center sa may Solaris."

"Ah talaga, pero umaga na ah? Diba normally panggabi ang mga call centers?"

"Well most of them. The company I work for, services Australia, kaya dayshift ako."

"Ahhh, G'day mayt!!!" bati ko sa pinakamahusay kong paggaya sa Australian accent.

Natawa siya ng malakas. Ang cute niya. Mukhang sopistikada. Mukhang anak ng mayaman. Maputi. Petite. Alam niyang hindi na kailangan ng kolorete sa mukha, dahil kahit wala nito, lumalabas ang ganda ng kanyang hitsura.

"Your Australian accent sucks!" biro niya. 

Hindi man sadya, pero nakuha niya ang accent ng mga Australyanong pilit kong ginaya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. 

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Nakatingin siya sa taas. Sa mga grafitti art na nagkalat sa walkway ng Makati. Kahit sino talaga mapapatingala sa ganda ng mga nakapinta sa dingding ng walkway. 

"Ang ganda no?" banggit ko.

"Yeah. It really shows na marami pa ring creative na Pilipino. Kahit yung mga simpleng art, it's full of life and shows kung paano ang buhay ng mga dumaraan dito sa walkway. Shows life of a yuppie. City life. Life in Makati."

"May paborito ka?" usisa ko.

"That one." Turo  niya sa isang drawing ng babaeng natutulog. Isang simpleng likha. Hindi nagstand out sa tabi ng maraming mahuhusay na likha.

"Huh. It's simple. Far from what I expect you'd like."

"Yeah. Well, that's because I like to sleep. I can relate to the drawing." ngiti niya. "Hey, don't get me wrong, I'm not the artsy type. I just appreciate pretty things."

Mabuti naman. Akala ko mapapasubo ako kung sakaling si Celine ay yung tipo ng babaeng sopistikada.

"Ikaw, where do you work?" tanong ni Celine sa akin.

"Walang work. May business ako ng buy and sell ng mga kotse. I don't think na kaya kong umupo sa opisina ng 9-5."

"Is there good money in what you do?"

"Tama lang. May pera pag may buyer. Nganga pag wala." 

"Yeah? Honestly, I've been looking on venturing into business, pero I don't know if kaya ko. I'm almost 30, and I really don't want to see myself 5 years from now still taking calls and servicing rude customers." paliwanag niya.

"YOu can make money doing what you like. Ako, ever since puberty mahilig talaga ako sa mga kotse. I worked for 7 years para magkaroon ng puhunan. Tapos, yun sinuwerte and tuluy tuloy na."

Napabuntong hinga si Celine. 

"Ano ba ang mga passion mo?" tanong ko.

Napaisip siya ng konti. "I can bake. Masarap yung cupcake recipe ni mom. I just haven't found the time to bake."

"Wow! Parang gusto kong makatikim ng cupcake mo."

"Sure. Sige if I find the time, I'll bake you one. I mean every now and then nakikita kita where you saw me earlier."

Napangiti ako. Hindi sa pangako niya, kundi dahil napapansin din pala niya ako. Pareho kaya kami ng naiisip? Gusto din kaya niya ako?

Nasa dulo na kami ng walkway. Ibig sabihin ilang saglit ko na lang siyang makakausap. 

Nauna siyang bumaba sa akin. 

Lalo ata akong na-in love sa kanya. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Oo, madalas ko siya nakikita, pero ngayon ko lang talaga siya tiningnan ng ganito. Iba talaga ang nagagawa kapag ang isang tao ay tinitingnan mo lang, at kapag nakakahalubilo mo na siya. 

Lalo siyang gumaganda. 

Hinabol ko siya.

"Uhhh Celine..."

"Sorry, malelate na pala ako. Tagal ko palang nastranded kanina. I lost track of time."

"Ahh, okay."

"Hey, thank you sa payong. And for the company. It was really nice."

"It was nice to know you too."

Mawawala na ang pagkakataon mo Jessie. Tanungin mo na ang number niya. Humingi ka ng pagkakataon na lalo siyang makilala. Gawin mo na ngayon na!!!

"Hey Celine!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin? Tinuro ang braso. Senyales na wala nang oras at tumakbo papunta kung saan siya nagtatrabaho.

Napahinto ako.

Pinanuod siyang pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho.

Napasilip siya sa akin at nakita ako. Sorry. Hindi ko man narinig, pero yung ang nabasa kong sabi niya sa akin. 

At tuluyan na siyang nawala.

Nagvibrate ang bulsa ko. May nagtext sa akin.

"Where are you. Dito na kami lahat. Ikaw na lang nawawala." Text ng kaibigan ko.

"15 minutes" reply ko.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa walkway. 

Papuntang mall sa kabilang dulo ng aming nilakaran.

*********************
Dahil nainspire ako ng ulan at ng kwento ni Celine at Jessie sa Before Sunrise, Before Sunset at Before Midnight.

Oo. At ako na ang sinisipag magsulat nitong mga nakalipas na araw.

Aug 15, 2013

GANITO PA RIN BA ANG MGA BLOGGERS NGAYON

Hindi ako masyadong napapaikot sa mundo ng blogosperyo, pero minsan may manaka-nakang mga post na nagpapaalala sa akin kung bakit ko minahal ang mundong ito.

Nakakatuwang magbasa ng mga blog ng kabataan, dahil naaalala mo kung paano ka rin dati. Ewan ko kung dahil ba ito sa edad ko, o dahil iba na ang kalagayan ko ngayon.

Medyo matagal na rin akong di nakakapagsulat ng mga napapansin ko sa mga makabagong manunulat. Pero gaya ng sabi ko noon, parang cycle lang ang blogging. Umiikot. Umuulit. Iba nga lang ang nagsusulat.

Naaalala mo pa ba noong nagsusulat ka.

ANG LUNGKOT NG BUHAY DAHIL SINGLE AKO
Nalulungkot ka tuwing umuulan. Nalulungkot tuwing Pasko. Umiiyak kapag araw ng mga puso. Nagsummer vacation ka mag-isa kaya depressed ka. Nagbibirthday ka at ang nag-iisang hiling mo ay ang magka girlfriend o boyfriend. Ang goal mo tuwing bagong taon ay magkasyota. Ang buong mundo mo ay hindi iikot hangga't single ka. Magpapakaplastic ka minsan, at sasabihin mo masaya ang single blessedness, pero ilang linggo matapos, ay magmumukmok ka dahil mag-isa ka.

ANG SAYA NG BUHAY DAHIL MAY SYOTA/ASAWA AKO.
Ipopost mo ang anniversary ninyo. Ipopost niyo ang monthsary ninyo. Ipopost mo ang weeksary niyo. Ipopost mo ang daysary ninyo. Ipopost mo pag nag-away kayo. Ipopost mo kapag nagkabati kayo. Ipopost mo kapag namimiss mo siya. Ipopost mo ang dates ninyo. Ipopost mo yung pagmamahal mo sa kanya. Medyo nakakasuka. Pero mahal mo, bakit ba. Oo. Ako yan.

WALA NANG NANGYAYARING MAGANDA SA BUHAY KO.
Magkukwento ka ng kwentong masalimuot tungkol sa buhay mo. Kung ano ang hirap na dinanas ninyo. Kung paano ka niloko at iniwan ng minamahal mo. Magkukwento ka kung paanong sinira ang buhay mo ng bulok na sistema ng bahay niyo, eskwela, trabaho o pamahalaang Arroyo at Aquino. Hindi ka nakikinig sa mga nagsasabing maganda ang buhay. Ikaw lang ang may karapatang magdrama sa mundo. At kapag may nagbibigay ng payo na hindi mo gusto, gigyerahin mo ito.

IKAW NA ANG TAMA. IKAW LANG.
Ikaw na ang nagbibigay ng tips kung paano maghandle ng pag-ibig. Kung anong klaseng girlfriend/boyfriend ang dapat hanapin ng mga mambabasa mo. Nagbibigay ka ng payo kung paano maghandle ng hiwalayan. Ng away ng mag-asawa. Minsan pa nga, gumagawa ka ng post para sagutin lahat ng tanong ng mga mambabasa mo. Ikaw na si Charo Santos Concio ng blogging. Pero sa totoo, disi-otso ka lang at di pa nagkakasyota.

IKAW NA ANG GUSTONG SUMIKAT.
Aktibo kang magkumento sa mga tahanan ng mga sikat na blogger hoping na yung mga nagbabasa doon ay mapapadaan din sa bahay mo ang mga mambabasa nito. Gumagawa ka ng kung anu-anong pautot masabi lang na in ka. Makikijoin sa mga tag na post ng iba. Gagawa ng kung anu-anong badge para sa kanila. Mamimigay ng award. Ililink mo lahat lahat sila kahit hindi mo binabasa. Magsusulat ka ng kung ano ang in. Makikisawsaw sa isyu o sa mga nagbablog war. At araw araw kang nagsusulat para ikaw ay sumikat.

IKAW NA MAHILIG UMINOM NG SPRITE.
Ikaw yung nagpapakatotoo. Yung isusulat ang tunay na damdamin mo. Wala kang pakialam kung may nagbabasa o wala ng mga sinusulat mo. Minsan isang sentence lang ang ipapublish mo. Hindi mo hangad na magkaroon ng bagong kaibigan. Ng syota. Ng kung ano pa man. Basta nagsusulat ka dahil dun ka masaya. Minsan ikaw lang nakakaintindi sa mga sinusulat mo. Pero ikaw yung gustong kaibiganin ng mga tao. Mayroong kokontra sa mga paniniwala mo, pero dedma ka lang dahil nirerespeto mo ang opinyon ng ibang tao.

********************

Ang dami nang nagsusulat sa mundo. Nakakatuwa kadalasan. Nakakainis at nakakalungkot kung minsan. May mga pagkakataon na gusto mong ihinto pero nahihirapan kang tigilan.

Masaya eh. Nakakatanggal ng stress.

Ang hirap iwan.

Ikaw, naaalala mo ba noong nagsusulat ka? Sino ka sa kanila?

Aug 7, 2013

ANONG KLASENG BADING KA

Dahil sa My Husband's Lover nagiging uso  ngayon ang mga bading (uso talaga). Sabihin na nating gumagawa ng ingay. At dahil wala pa akong Post ngayong Agosto, ito na lang ang isusulat ko. Hindi man hinihingi ng mga tao, hindi man tama pero nagclassify ako ng mga bading na kakilala/nakilala/naamoy/nabalitaan ko.

Kung bading ka, saan ka kaya nalilinya sa mga ito?

THE SPECIAL KIND

The Special Kind of gay. Sila na ang gifted. Sila na ang mga mabubuting ehemplo. Ang mga bading na ipagmamalaki mo. Sila yung bumuo ng stereotype na ang matinong bading ay matalino, witty at may silbi sa lipunan. Out and proud. At may dahilan para dito. Sila yung mga ipinaglalaban ang karapatan ng mga nabibilang sa LGBT community. Sila yung mga nakarating sa rurok ng kasikatan. Sila yung mga bading na naging boss mo. Sila yung mga bading na hindi lang nakakatawa, pero alam mong may laman din ang kukote nila.

THE PA-MACHO KIND

May iba-ibang uri ng mga macho. Ito ang una. Pa-macho dahil malalaki ang katawan. Sila yung araw-araw nakikita mo sa gym, nagbubuhat ng mga mabibigat na barbel. Sila yung nakikita mo yung mga profile pic ay katawan lang, walang ulo. Lalaking lalaki ang pangangatawan, pero pag nagsalita na... huli ka!!! Bading na bading pala. Maaaring out and proud. Pero kadalasan, sila yung in denial. Yung tipong alam na ng buong mundo na bading sila, pero di mo pa rin mapapaamin, at sa katawan itinatago ang pagka-pink ng dugo nila. Yung tipong pag tinanong mo, "are you gay?" ang sagot nila "I'm BI" (always bullshit BTW). Sila yung maaaring confused pa ang state of mind pagdating sa kanilang sekswalidad. Eto rin yung mga kaklase mo noong high school na noon ay nakikita mong lantarang ginagawang gown ang props ninyo na kumot na aakalain mong pagtanda eh yung magpapaputol ng ari nila at papalitan ng artificial pechay, pero ngayon ay kalbo na at mas malaki pa ang katawan sa bouncer o gym instructor.

THE ALMOST PARLOR KIND

Ang mga tunay na out and proud. Sila yung pinakacommon na bading. Yung alam ng lahat na gay sila. Na walang pakialam sa iisipin ng mga tao. The loud kind of gay. Yung paborito nating panoorin o kausapin dahil sila yung talagang nakakatawa kausap. Yung masarap kaibiganin dahil sila ang nagpapagaan ng araw mo sa kakulitan nila. Sa kanila mo natututunan yung gay lingo. Almost parlor, dahil sila yung tipong parang parlorista ang kilos pero matino ang hitsura. Maaaring parlorista rin naman ang hitsura, pero matitino naman sila.

THE DARAGISTA/PARLORISTA KIND

No offense meant, wala lang ako sigurong maisip na description para ganitong uri ng bading. Sila yung tipikal na makikita mo sa parlor. Sila rin minsan yung nakikita mo sa mga stand-up comedy bars. Yung mga bading na minsan ay laman ng dyaryo dahil sila yung napatay o nanakawan ng mga boylet nila. Ang mga drag queens na nagkalat noon sa Malate o gay bars.

THE STRAIGHT KIND

Hindi ito katulad ng mga pa-macho. Sila talagang macho. Lalakeng lalake ang tindig at pananalita. Maaaring sila yung mga nahihilig sa sports, may mga chicks sa side pero kung tatanungin mo sila aamin sila na bading sila.  Yung tipong kapag nalaman ng ibang tao ang totoo sa kanila babagsak ang panga nila. Hindi mo aakalaing bakla pala. Ika nga, sila ang straight man... who likes to sleep with other men. Hindi banidoso, naniniwalang ang tunay na lalake ay walang abs. Yung mga bading na seryoso, hindi madalas nakakatawa. May angking kakulitan, gaya ng sa mga tunay na lalake. Pwedeng mapagkamalang paminta, pero open naman sila sa sexuality nila. Yung tipong di mo na kailangan ipangalandakan sa lahat na bading ka dahil hindi naman ganun ang kilos mo pero kung tatanungin mo, aamin sila..

THE PANGET NA NGA PANGET PA ANG UGALI KIND

Iba iba ang ganitong klaseng bading. May mga tolerable. Meron din naman na offensive, at minsan kriminal. Sila yung mga tipong nagbabahid ng di magandang kulay sa LGBT community. Yung mga ginagamit ang charm ng isang bading para makapangutang sa mga kinaibigan, tapos bigla na lang mawawala pagkatapos makangulimbat ng maraming pera. Yung mahilig magkalat ng tsismis.  Yung mga bading na hindi masaya kausap dahil wala ng ibang sasabihin sayo kundi mga ka-negahan sa buhay. Yung mga nakukulong dahil nangrerape ng mga batang lalaki. Yung mga nanlalasing ng mga kabarkada para tsansingan/bosohan ang mga ito. Pwedeng hindi sila panget, kaya aahasin nila ang boypren mo. Basta lahat ng bading na masama ang ugali, dito nakaclassify.

Marami pang iba. Andyan yung mga dating lalaki, pero may pechay na. Yung mga bading lang kumilos pero lalaki talaga. Yung mga babae kumilos kahit mas mukha pa silang lalake sa tatay nila at marami pang iba.

So, sino ka sa kanila?