Aug 19, 2013

10 MINUTONG LAKAD SA WALKWAY

Naglalakad ako mula sa aking condo nang makita ko siya.

Stranded. Nakikisilong sa ilalim ng payong sa harap ng kainan. Walang payong, hindi handang sumuong sa gitna ng malakas ng ulan. 

"Miss, tatawid ka? Malaki ang payong ko, pwede ka sumabay." Laking pasasalamat ko na yung espadang payong ang nakuha ko ngayon. Pwede ko siyang isilong sa ilalim ng aking payong.

"Thank you," nakangiti niyang sagot.

Sabay kaming tumawid. Lalong lumakas ang ulan, pero ayaw kong magmadali ayaw kong matapos ang sandaling ito. 

Napahawak siya sa kamay ko. Tila nais bilisan ang mga hakbang para kami'y makatawid. 

"Aakyat ka rin ng walkway?" tanong ko.

Tumango siyang nakangiti. May pagpapasalamat ang nakabakat sa maganda niyang mukha.

"Okay lang ba na sumabay sa'yo? Walkway din ako. I could use the company," hiling ko.

"Sure." ang nakangiti niyang sagot.

"Jessie pala. My name's Jessie," inabot ko ang aking kamay sa kanya.

"Celine." Kinuha niya ang kamay ko.

Biglang uminit ang loob ko kahit nasa gitna kami ng napakalakas na ulan. Hindi ako makapaniwala, nakakausap ko na siya ngayon. Araw araw ko siyang nakikita, pero ngayon nahawakan ko na ang kamay niya at nakasabay ko pang maglakad.

"Hanggang sa dulo ako, ikaw ba?" panimula niya. 

"Yeah, same. Saan ka ba nagwowork?" sagot ko.

"Ahhh. Uhmmmm... Sa call center sa may Solaris."

"Ah talaga, pero umaga na ah? Diba normally panggabi ang mga call centers?"

"Well most of them. The company I work for, services Australia, kaya dayshift ako."

"Ahhh, G'day mayt!!!" bati ko sa pinakamahusay kong paggaya sa Australian accent.

Natawa siya ng malakas. Ang cute niya. Mukhang sopistikada. Mukhang anak ng mayaman. Maputi. Petite. Alam niyang hindi na kailangan ng kolorete sa mukha, dahil kahit wala nito, lumalabas ang ganda ng kanyang hitsura.

"Your Australian accent sucks!" biro niya. 

Hindi man sadya, pero nakuha niya ang accent ng mga Australyanong pilit kong ginaya. Lalo siyang gumanda sa paningin ko. 

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad. Nakatingin siya sa taas. Sa mga grafitti art na nagkalat sa walkway ng Makati. Kahit sino talaga mapapatingala sa ganda ng mga nakapinta sa dingding ng walkway. 

"Ang ganda no?" banggit ko.

"Yeah. It really shows na marami pa ring creative na Pilipino. Kahit yung mga simpleng art, it's full of life and shows kung paano ang buhay ng mga dumaraan dito sa walkway. Shows life of a yuppie. City life. Life in Makati."

"May paborito ka?" usisa ko.

"That one." Turo  niya sa isang drawing ng babaeng natutulog. Isang simpleng likha. Hindi nagstand out sa tabi ng maraming mahuhusay na likha.

"Huh. It's simple. Far from what I expect you'd like."

"Yeah. Well, that's because I like to sleep. I can relate to the drawing." ngiti niya. "Hey, don't get me wrong, I'm not the artsy type. I just appreciate pretty things."

Mabuti naman. Akala ko mapapasubo ako kung sakaling si Celine ay yung tipo ng babaeng sopistikada.

"Ikaw, where do you work?" tanong ni Celine sa akin.

"Walang work. May business ako ng buy and sell ng mga kotse. I don't think na kaya kong umupo sa opisina ng 9-5."

"Is there good money in what you do?"

"Tama lang. May pera pag may buyer. Nganga pag wala." 

"Yeah? Honestly, I've been looking on venturing into business, pero I don't know if kaya ko. I'm almost 30, and I really don't want to see myself 5 years from now still taking calls and servicing rude customers." paliwanag niya.

"YOu can make money doing what you like. Ako, ever since puberty mahilig talaga ako sa mga kotse. I worked for 7 years para magkaroon ng puhunan. Tapos, yun sinuwerte and tuluy tuloy na."

Napabuntong hinga si Celine. 

"Ano ba ang mga passion mo?" tanong ko.

Napaisip siya ng konti. "I can bake. Masarap yung cupcake recipe ni mom. I just haven't found the time to bake."

"Wow! Parang gusto kong makatikim ng cupcake mo."

"Sure. Sige if I find the time, I'll bake you one. I mean every now and then nakikita kita where you saw me earlier."

Napangiti ako. Hindi sa pangako niya, kundi dahil napapansin din pala niya ako. Pareho kaya kami ng naiisip? Gusto din kaya niya ako?

Nasa dulo na kami ng walkway. Ibig sabihin ilang saglit ko na lang siyang makakausap. 

Nauna siyang bumaba sa akin. 

Lalo ata akong na-in love sa kanya. Ang ganda ng hubog ng kanyang katawan. Oo, madalas ko siya nakikita, pero ngayon ko lang talaga siya tiningnan ng ganito. Iba talaga ang nagagawa kapag ang isang tao ay tinitingnan mo lang, at kapag nakakahalubilo mo na siya. 

Lalo siyang gumaganda. 

Hinabol ko siya.

"Uhhh Celine..."

"Sorry, malelate na pala ako. Tagal ko palang nastranded kanina. I lost track of time."

"Ahh, okay."

"Hey, thank you sa payong. And for the company. It was really nice."

"It was nice to know you too."

Mawawala na ang pagkakataon mo Jessie. Tanungin mo na ang number niya. Humingi ka ng pagkakataon na lalo siyang makilala. Gawin mo na ngayon na!!!

"Hey Celine!" tawag ko sa kanya.

Lumingon siya sa akin? Tinuro ang braso. Senyales na wala nang oras at tumakbo papunta kung saan siya nagtatrabaho.

Napahinto ako.

Pinanuod siyang pumasok sa building kung saan siya nagtatrabaho.

Napasilip siya sa akin at nakita ako. Sorry. Hindi ko man narinig, pero yung ang nabasa kong sabi niya sa akin. 

At tuluyan na siyang nawala.

Nagvibrate ang bulsa ko. May nagtext sa akin.

"Where are you. Dito na kami lahat. Ikaw na lang nawawala." Text ng kaibigan ko.

"15 minutes" reply ko.

Tumalikod ako at naglakad pabalik sa walkway. 

Papuntang mall sa kabilang dulo ng aming nilakaran.

*********************
Dahil nainspire ako ng ulan at ng kwento ni Celine at Jessie sa Before Sunrise, Before Sunset at Before Midnight.

Oo. At ako na ang sinisipag magsulat nitong mga nakalipas na araw.

5 comments:

  1. Wait lang sa TV ba ito, libro, or something? Haha. di ako updated. Kaw pa naman iniimagine ko. HAHAH!

    ReplyDelete
  2. wow... naalala ko mga crush ko dahil dito... yung feeling na makausap lang sila kahit saglit... hmmmm :3

    ReplyDelete
  3. Bumalik papunta sa kabilang dulo ng mall. Haaaaay! The crazy things we do for love

    ReplyDelete