Tanghali.
Mahaba ang pila sa McDonald's.
Isang ama nakaupo sa tapat ng manliligaw ng kanyang anak.
TATAY: Alam mo hijo, si militar, natuto akong magbasa ng mga tao. Kaya kong alamin kung nagsisinungaling ang kausap ko o hindi.
Mapapalunok ang manliligaw. Ngiti lamang ang naisagot sa ama ng nililigawan.
TATAY: Sagutin mo ako. Gusto mo ba ang anak ko?
Titingin ang ama sa likod ng manliligaw. Sa isang babaeng may kasamang bata.
MANLILIGAW: (Sasagot ng may paninindigan) Opo gusto ko po.
TATAY: Tanggap mo kung sino at kung ano ang meron siya.
MANLILIGAW: Tatango at magsasabi ng "Opo."
TATAY: Hindi mo lolokohin ang anak ko?
MANLILIGAW: Hindi po.
TATAY: Mapapanindigan mo ba siya?
MANLILIGAW: Yes sir!
Darating ang anak na babae na may dala ng order nila at tatabi sa kanyang ama.
BABAE: Dad, here's your favorite... Quarter Pounder.
Mapapangiti ang ama.
TATAY: Well hijo, in that case... I give you permission...
May parating na lalake.
TATAY: To date my son.
Mapapangiti ang manliligaw. Sabay darating ang lalaki, uupo sa kanyang tabi at ibibigay ang inorder na Big Mac.
ANAK: What's that all about? (may pagtatakang tanong ng anak)
Isang malaking ngiti ang ibibigay ng isa pang lalaki.
M
*****************************************************************
Kathang isip lamang. Nadala lang ng commercial ng McDo. Noong isang araw ko pa ito naisip, ngayon ko lang naisulat.
Kailan kaya magkakaroon ng ganitong ads dito sa Pilipinas?
hmmmm....
ReplyDeletebaka malapit na ang ganyang eksena na commercial.....
maybe sooooooon. :D
galing! pwede
ReplyDeletehahaha! yung pala yung ending lol ! ^_^
ReplyDeletelavet! hahaha
ReplyDeletePanalo! Kinilig ako. At ang sweet ng tatay. Poignant para sa akin ang ganitong family scenes. :)
ReplyDeleteawww namiss ko ang mga post mo na ganito hehehe I'm back! (tanda mo pa kaya ako? hehehe)
ReplyDelete