Masarap ang magmahal no? Pero ang dami sa atin ang hindi
makapaghintay sa pag-ibig. Marami ang nahihilig sa mabilisang romansa. Yun bang
tinatawag na whirlwind romance. Yung tipong may nakilala ka ngayon, matapos ng
ilang araw kayo na. Tapos, ilang linggo, o buwan lang, hiwalay na kayo.
May naisulat na akong ganito may ilang taon na rin ang nakakaraan, pero medyo dahil hindi na nga ako gala sa mundo ng blogosperyo, hindi ko alam kung laganap pa rin ang ganito.
Dati kasi marami akong nabasa tungkol dito. Isang pares, nagkasayawan lang sa isang bar, paglabas nila sila na. Mayroon naman nagkakilala lang sa text, nagkausap sa telepono ng limang oras, sa ikaanim magsyota na sila. May nakita ka sa mall na nakipagtitigan sa iyo, paglabas ninyo, magkaholding hands na kayo.
Hindi sa nagmamalinis ako, nangyari din naman sa akin ito. May nakachat, nagkausap sa telepono. Palibhasa nagkasundo sa unang usap, kinilig at pumatol. Pagkatapos ng ilang araw, mas nakilala ang pinatulan, marami pala siyang nakakairitang ugali. At marami din siyang hindi nagustuhan tungkol sa akin. Ilang araw makalipas, nasabihan akong hindi ako marunong magmahal.
Hindi ko alam kung bakit marami sa atin ang nagmamadali. Papatol tayo dahil sa umpisa ay masyadong kinilig, pero nagsisisi pagkatapos malaman na marami palang bagay sa kanila ang hindi natin mapagkakasunduan. Tapos, marerealize na lang natin, hindi pala natin talaga sila kilala.
Ano na ang nangyari sa getting-to-know-each-other stage? Ano na ang nangyari sa ligawan?
Bakit napakarami ng taong nagmamadaling ma-inlove?
****************************
Oo nga pala, meron akong isa pang bagong blog... tungkol naman sa pagiging tatay ko sa dalawang makukulit na mga tuta.
Pakibisita naman. Click niyo lang dito.
****************************
Oo nga pala, meron akong isa pang bagong blog... tungkol naman sa pagiging tatay ko sa dalawang makukulit na mga tuta.
Pakibisita naman. Click niyo lang dito.