Mar 1, 2012

HALO HALO LANG

FEB GOAL
Kung matatandaan ninyo, isa sa mga ninais kong makamit nitong nagdaang Pebrero ay ang mabawasan ng 10 pulgada sa aking timbang. Medyo nadaya ko siguro ito dahil noong nakaraang linggo, nagkasakit ako kaya ang laki ng nabawas sa aking timbang. Umabot ng 15 lbs. Pero bumalik sa normal, 13 pounds ang nawala sakin. Kaya ngayong Marso, di ako magpapakaambisyoso. Feeling ko mahirap maulit yung nagawa ko noong nakaraang buwan. Kaya 7 pounds lang ang goal ko.

JUST DANCE
Isa sa regalo ko sa sarili ko noong aking nagdaang kaarawan ay ang larong Just Dance para sa Xbox. Noong una, di ko siya naenjoy dahil medyo mahirap siya at hindi kasing player friendly gaya ng Dance Central. Pero noong weekend, nakita ko kung ano ang edge nito sa DC2. Sobrang saya laruin nito pag marami kayo.Parang production number ang ilang kanta gaya ng Boogie Wonderland, Dynamite at Beautiful Liar. Ang kulit lang.

STRESS RELIEVER
Sa mga sumusunod sa akin sa Twitter, marahil mapapansin ninyo na sobrang Bad Vibes ako nitong nakaraang mga linggo. Wala akong ibang naitwit kundi mga reklamo sa buhay at pagkainis sa maraming dahilan. Ang nangungunang dahilan nito ay ang aking trabaho. Sobrang busy ko na ngayon na hindi na ako nakakapagbukas ng internet. Hindi na nga ako nakakakain. At inaasahang lalo pang magiging busy sa mga darating na buwan. Pero kanina, napawi lahat ng stress ko nang ang ginawa kong project ay ibinalik ng aking boss at ng boss ng boss niya na may kalakip na papuri sa aming mga ginawa. Sulit naman pala lahat ng pagod ko.


KWENTONG BUS NANAMAN
Minsan talaga ang swerte ko dahil sa dinami dami ng mga eksenang nasaksihan ko sa pagsakay sa bus, eh ni minsan di pa ako nadamay o nabiktima. Kahapon, may nagsuntukan sa bus na sinakyan ko pauwin. Si kuya kasi, nilaslas yung bulsa ng katabing holdaper. Swerteng naramdaman niya  ang kagaguhang ginawa at nahuli ito. Kaya ayun, bugbog sarado ang mandurukot. Pero sobrang nakakatakot. Paano kung may kasama pala yun at may baril, eh di nakakita kami ng patayan. Scary.


MCDONALDS
Nasira na yung streak ko na hindi pagkain sa Mcdo. Nung Martes ay napakain ako dun, dahil dun kami nagkita ni Kasintahan. At nahiya naman akong tumambay dun nang hindi kami nag-oorder ng pagkain. Dalawang buwan na akong di kumakain dun, di na ata ako sanay sa lasa ng pagkain nila. Sobrang naalatan ako sa cheeseburger nila. One time lang yun. Di na mauulit. Napapanindigan ko pa naman ang di pagkain sa Jollibee at KFC. Sana di yun maputol.

15 comments:

  1. Yay! Nahawa kita sa pagrarandom ekek. Hehehe! Inggit ako... congrats sa pag-lose ng weight. Kailangan ko din gawin yan. I'll try this month. :)

    Di na pala ako halos sumasakay sa bus kasi praning ako. Kaya puro taxi sinasakyan ko kasi ayokong i-risk kasi bitbit ko palagi lahat ng gadgets ko. Haha.

    ReplyDelete
  2. tuloy lang sa goal, kaya mo yan, ako rin gusto ko sanang tumakbo ulit para magbawas din ng timbang, ingat sa mga bus, meron nga kong experience dati, isang kulto sila ng magnanakaw, pero tulad mo e awa ni bro di ako nadamay, belated pala ha, sana naenjoy mo ang bday mo!

    ReplyDelete
  3. katakot yung suntukan moment. pano nga kung may kasama at hindi lang isa, kundi tatlo. deads

    goodluck sa goals :D

    ReplyDelete
  4. I wish I could ignore Jollibee or Mc Do or the likes altogether pro hirap. Tapos may Chicboy pa.

    ReplyDelete
  5. scary ang eksena sa bus, good thing wala ngang baril..mahirap talaga umiwas sa Mcdo! kaya ok lang to give in paminsan minsan :)

    ReplyDelete
  6. scary much ang suntukan sa bus, wooh kung ako nandoon ninyerbyos n rin aq cguro, :)

    ReplyDelete
  7. ay katakot yung suntukan moments. anyway..kaya siguro di ako pumayat payat kasi naman araw araw laman ako ng mga fastfood chain, walang mintis. tsk

    ReplyDelete
  8. omg! happy belated birthday gillboard! i think nag-greet na rin ako sa facebook nung mismong bday mo, pero happy birthday ulit. lol.

    anyways, i'm getting Just Dance too! but for the wii, it's my only hope of weight-loss. lol. that and the Zumba one.

    i miss reading blogs. ikaw na lang yata ang blogger friend ko noon na nagba-blog pa din. that's cool! i re-opened Thought-pollution with a new name because i need it for school. anyway, check it out when you have the time. http://the-hydropackulicity.blogspot.com

    i hope i can start blogging again. lol. --tisay.

    ReplyDelete
  9. Shaks gusto ko ng ganyang plan. Nahihiya kasi ako pumunta ng clinic para magtimbang. Pero gusto ko rin i monitor ang timbang ko. Kahit 10 lbs per month. Tapos mantatapyas na ko ng baby fats.

    Jusko ang Boogie Wonderland. Hahahaha. yung Toxic wagi pag Hard difficulty. Hahahaha.

    ReplyDelete
  10. pwedeng sakin na lang 'yung 15 lbs. na nawala mo, pre? at naalala ko na naman ang boogie wonderland production number nina vaj na naging dahilan kaya siya bumili ng sariling kinect. wow!

    ReplyDelete
  11. Hmmm dulot ba ng migration ng process kaya marami kang work? Good job sa work. Ok lng mgkaroo ng bad vibes pero dapat more good vibes p rin. Hmmm mcdo? oo ayaw ko n rin ng cheesburger nila... pizza na lng kaso mahal. Gusto ko na rin mgpapayat pero... masrap kumain eh... lalo n pag me tagaluto! =)

    ReplyDelete
  12. beach lang ang katapat sa busy na trabaho. hehehe... napaisip din ako kung naalatan ako sa cheeseburger sa mcdo

    ReplyDelete
  13. buti na nga lang walang kasama yun na may baril . God is Good :D

    wow ang laki nung nabawas mo sa timbang mo.

    keep it up ^^

    ReplyDelete
  14. halo-halo nga
    hehe

    bus ang pinakaayaw kong mode of public transport dito satin
    sobrang delikado, eh
    takot ako sa mala-rizal bombing
    =P

    di ko kaya tiisin mcdo
    jollibee pwedeng-pwede
    hehe

    ReplyDelete
  15. nakakaloka ang boogie wonderland!

    huy gawin mo naman to, please? nagmakaawa? lol

    http://heymrcuriosity.wordpress.com/2012/03/09/is-it-true-what-theyve-been-saying-about-you/

    ReplyDelete